Share

Chapter 49

Hindi lumabas ng silid ang ginang dahil pakiramdam nito ay kailangan siya ng kaniyang anak. Kaya nilapitan niya si Farrah at naupo sa tabi nito.

“Mommy, kung sesermunan niyo lang ako ay mabuting lumabas na lang kayo ng silid,” matamlay na sambit ni Farrah.

“Alam mo Farrah, hindi kita pinalaking ganiyan. Napapansin ko nakakapagbitiw ka ng masakit na salita sa mga tao, lalo na kay Sandra.” Hinawakan ng ginang ang isang kamay ng anak at pinisil ito, “Matagal na kayong magkaibigan at magkakampi palagi sa anu mang bagay. Kailangan mo rin intindihin si Sandra dahil may pinagdadaanan siya ngayon.”

“Ano naman pinagdadaanan niya mommy? Mukha naman siyang masaya palagi.”

“Hay naku, batang ito talaga,” sambit ng ginang at inakbayan ang anak, “hindi lang nagsasabi si Sandra pero nahuli ko siyang umiiyak sa kusina isang gabi. Pinilit ko siyang magtapat at ang sabi sa akin ay nakabuntis ang nobyo niya.”

Tumaas ang isang kilay ni Farrah, “Ang pangi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Gladys Faith Huela
Ms. A wala pa rin update po, Sana maka update na po kayo
goodnovel comment avatar
Tee Vilma
thanks po sa update Ms. A sana may kasunod agad. god bless po.
goodnovel comment avatar
Tristan J Balmeo
sana may update na , Ang Ganda pa Naman Ng story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status