Share

7

Author: Xyrielle
last update Last Updated: 2023-09-12 10:07:37

"Ate, samahan pa rin kita sa palengke marami akong nakilala dito na hindi ko na kilala noon ang tagal na rin pala." bulalas ko sa ate ko nang huminto ako sa pagsubo ng pagkain sa bibig ko.

"Sure ka?" pagtatanong naman niya sa akin nang balingan niya ako nang tingin.

"Oo, ate," sagot ko sa kanya.

"Sige," sabi na lang niya sa akin.

Nang matapos kami kumain nagpunta na kami sa sala para manood ng TV. Nakita ko na may balita tungkol sa pagbabalik nang dalawang celebrity couple.

"Mama, si Papa bumalik na!" tukoy ng bunso ko at tinuro ang TV.

"Nakabalik na sila, kailangan nyo na rin umalis dito?" sabat ng pinsan niya sa anak ko.

"Huwag sana, insan gusto ko pa makasama si Mama." nasabi ng anak ko nang balingan niya ako ng tingin.

"Kakausapin mo si Papa, Ma?" tanong ng panganay ko sa akin dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Kapag siya lang ang mag-isa," sabi ko na lang sa kanya.

"Huwag kang bumigay kapag nag-kausap kayo ng asawa mo." sabat ng ate ko sa akin.

Sinamaan niya nang tingin ang asawa niya nang akbayan siya sa balikat. Nang matapos kami manood nagpaalam na akong matutulog na dahil kailangan ko rin kausapin ang manager ko thru video call.

Nang makapasok ako sa loob ng kwartong ginagamit ko. Kinuha ko kaagad ang cellphone at nag-text muna ako sa manager ko.

Nikka: Bakla, free ka ba? May kailangan akong sabihin sa'yo?

Nahiga muna ako sa kama at huminga nakita ko ang kasiyahan niya sa mukha habang kasama niya ang babae. Kung hindi ba ako umalis ng Pilipinas magiging ganyan kaya kami kasama ang mga anak namin.

Nang makatanggap ako nang reply mula sa manager ko kaagad na tinawagan ang viber nito.

"Nikkatot! Kailangan ka babalik?" pag-bungad ng manager ko sa camera.

"Baka matagalan ako, manager, pwede ba?" pagtatanong ko sa kanya.

"Whyiiee!!!" pa-bakla niyang sabi sa akin nakita kong tinaasan ako nang kilay.

"Aayusin ko ang importanteng bagay na nandito sa Batangas, bakla hindi ko 'yon maayos nang ilang linggo o isang buwan," banggit ko sa kanya.

"Ano ba 'yan? May nililihim ka pa ba sa akin?" pagtatanong ng manager nang saktong magsasalita na siya tinawag ako ng anak ko.

"Mama! Pahirap ng laptop." bungad ng anak ko sa harap ko kaya nakita nang manager ko ang panganay ko.

"May anak kang dalaga? What the????" pagtatanong ng manager ko sa amin minasdan niya ang anak ko nasa tabi ko pa rin ngumiti lang ito.

"Oo, bakla may anak ako sa pagka-dalaga ngayon lang kami nagkita kaya sabi ko sa'yo may aasikasuhin ako hindi ko sinabing may anak na ako noon dahil bawal ayokong magkaroon ng masamang imahe sa company sa Korea kaya nilihim ko." mahaba kong kwento sa manager ko.

Pinakilala ko sila sa isa't-isa at sinabi ko rin na dalawa ang naging anak ko.

"Kaya pala may pictures ka nang mga baby sa wallet mo hindi lang dahil sa kapatid mo may anak kang iniwan." bulalas ng manager ko sa amin.

"Kaya kailangan ko nang pang-matagalan na bakasyon, manager gusto ko makilala ang mga anak ko," sabi ko sa manager ko at inakbayan ang anak ko.

"Fine! Sasabihin ko sa management ang request mo, bakla kailangan mo rin naman nang bakasyon sasabihin mo ba sa buong mundo ang tungkol sa mga anak mo?" pagtatanong ng manager ko sa akin.

Nilingon ko ang anak ko hindi lang ako mag-dedesisyon nito kundi pati ang mga anak ko.

"May tamang panahon para makilala kami, manager nang publiko nakaya namin na tinatago ng magulang ko." nasabi ng anak ko sa manager ko natahimik naman kami sa sinabi nito.

"Kung 'yan ang desisyon mo, anak ililihim namin nang Mama mo ang tungkol sa inyo." sabi ng manager ko sa anak ko.

"Ako at ang kapatid ko ay anak-anakan ni Vhan Nieva sa publiko, manager alam 'yon ng mga tao." sabi ng anak ko sa manager ko napanganga naman ito sa nalaman.

"Anak-anakan? Magkakilala kayo ni Vhan, Nikka?" tanong ng manager ko sa akin.

Tumango na lang ako sa manager ko at napailing ulit sa kanya.

"He's my strange husband, manager ang tunay na ama nang mga anak ko pinakilala daw sila ni Vhan sa publiko as anak-anakan pero ang totoo tunay niyang anak ang dalawa kong anak," pag-amin ko naman sa manager ko na mas napadilat ang mga mata.

"HINDI NGA?" sigaw nito at napatakip nang bibig.

"Shh..nasaan ka ba?" tanong ko na lang sa kanya.

"Pauwi pa lang sa condo ko mabuti dala ko ang sasakyan ko, as in PAMILYA kayo?" pagtatanong ng manager ko sa akin.

"Oo." diin kong sabi sa kanya.

Nakita namin na gumalaw ang camera at nakita naming naglalakad na ang manager ko.

"Si Karen Diaz, ano siya? Kabit?" mahinang tanong nito sa amin.

"Parang oo na hindi." nasabi ng anak ko dahilan para tumahimik kami.

Ginamit ng asawa ko si Karen para sumikat pero dahil palaging magkasama nahulog ang loob ng asawa ko sa babaeng 'yon ayaw nang asawa ko na mag-anulled kami kahit may Karen siya.

Nagpaalam na kami nang anak ko sa manager ko at umalis na rin ito sa kwarto.

Nagpahinga na rin ako dahil sa susunod na araw kailangan kong lumuwas sa Manila isasama ko ang mga anak ko sa condo na binili ko sa Quezon City.

Kinabukasan, naglaba muna ako nang damit namin ang mga anak ko nag-aaral sa sala balak ko sila bilhan nang laptop.

"Nikka, sunod ka na lang sa palengke kailangan ako nang asawa ko." sabi ng ate ko sa labas ng bahay nila.

"Sige, ate ako na rin ang magluluto nang tanghalian ng mga anak natin," sabi ko sa ate ko.

"Nakaluto na ako." sagot ng ate ko sa akin.

Hindi na lang ako sumagot at umalis na ang ate ko. Nilagay ko sa washing machine ang mga damit namin habang binabanlawan ko ang mga natapos na pa-ikutin.

"Ma, tulungan nakita tapos na ang klase ko mamaya pa ulit ang next class." pag-bungad ng anak ko sa tabi napatingala na lang ako sa kanya.

"Marunong ka mag-saing?" pagtatanong ko sa anak ko.

"Oo, Ma." nasagot ng anak ko sa akin.

"Mabuti naman, anak magluto, marunong ka?" tanong ko na lang at nagpalit kami nang pwesto.

"Prito lang ang alam ko," nasagot ng anak ko sa akin.

"Tuturuan kita nang mga alam ko hindi ko rin alam ang lahat," sabi ko na lang sa anak ko.

Nang matapos kami sa paglalaba at pag-banlaw, hindi na ako natulungan ng anak ko sa pag-sasampay dahil tinawagan na siya nang kaklase niya sa cellphone.

Sinampay ko ang mga damit namin saka ko inutusan ang anak kong bunso at pinsan nito na mag-hain nang kanilang pagkain sa mesa.

Naligo muna ako para presko pa rin ako kapag nagpunta na ako sa palengke. Kumain na kaming lahat sa mesa at naghanda na ako ng dadalhin sa palengke na inutos sa akin ng ate ko.

"Uuwi rin ang tito at ang Papa nyo," sabi ko sa kanila nang lalabas na ako sa bahay.

Kinawayan ko na lang sila dahil alam kong busy sila sa kanilang klase. Naglakad na ako sinasamaan ko nang tingin ang mga bastos na sumisitsit sa akin.

Napaka!

Nagmadali na akong papunta sa palengke at nang makarating ako sa pwesto sinuot ko kaagad ang apron.

"Uuwi na ako kayo na ang bahala dyan." sabi ng bayaw ko sa amin ng ate ko.

"Sige, kumain ka na sa bahay." sabi ng ate ko sa asawa niya.

Nakarinig kami nang sigawan makalipas ng ilang oras nagka-tinginan naman kami nang ate ko.

"Ano 'yon, miss?" pagtatanong ng ate ko hindi namin makausap ang kakilala naming tindera.

"Nandyan ang bayaw mong hilaw," sabat ng tindera sa ate ko natahimik naman ako sa sinabi nito.

"Ano?!" nasigaw ng ate ko napabaling sila sa akin.

Walang nakakaalam sa tunay na estado ng relasyon namin mabuti ang nakakaalam sa mga kapitbahay tahimik dahil kalat noon ang buhay naming mag-asawa dahil sa mga biyenan at bayaw kasama ang hipag ko hindi pa ako sikat noon.

"Pinuntahan na kaya niya ang mga anak nyo?" bulong natanong ng ate ko sa akin nag-kibit balikat na lang ako sa kanya.

Dahil hindi ko rin naman alam saka, bakit nandito siya sa palengke?

"Ate Rica!" tawag ng lalaking kilalang-kilala ko nakatalikod na ako nang hindi ko na sinagot ang ate ko.

"Nakabalik ka na." dinig kong bungad ng ate ko.

"Oo, kagabi lang, kamusta ang mga anak ko?" tanong nito ayokong humarap sa kanila.

Mabuti, may protocol sa palengke na kailangan pa rin mag-suot ng mask kaya hindi makikita ang mukha ko.

"Bagong trabahante mo, Rica?" tanong ng isang boses sa ate ko.

"Hindi, kapatid ko tinulungan lang ako mag-tinda." sabi ng ate ko.

"Sabihin mo dyan sa kapatid mo, Rica kunin na niya ang mga anak niya sa puder ni George respeto na lang sa kaibigan niya sa tagal nang panahon pina-alaga niya sa iba ang sariling anak." sabi ng boses babae hinala ko ito ang Karen na kabit ng asawa ko.

CONTINUATION

"Excuse me? Hindi pina-alaga ng kapatid ko ang mga pamangkin ko kay George KUSA niyang inako ang responsibilidad saka, respeto? Baliktarin man ang mundo ANAK nang boyfriend mo ang mga pamangkin ko mula pagkabata, gusto niya 'yan." banggit ng ate ko sa babae.

"Jowa mo ba dati ang kapatid nito?" tanong nito sa asawa ko.

Hindi na lang nagsalita ang asawa ko at humingi na lang nang pasensiya sa ate ko nang lumingon ako sa kanila. Nakita ko ang masamang tingin ng ate ko sa paglayo ng dalawa.

"Ang tabil ng bibig mo kalat na sa palengke ang sinabi mo, iba na naman ang iisipin nila lalo na 'yon," sabi ko sa ate ko.

"Nakakairita naman kasi! Akala mo kung sino wala akong pakialam kung iba ang iisipin non dahil may karapatan ka naman, ah!" banggit ng ate ko sa akin.

"Ayoko ng gulo mula sa kanila at lalong huwag ka na muna mangialam, ate kahit concern ka sa amin ako na ang bahala." nasabi ko na lang sa kanya.

"Kapag kailangan mo ng resbak tawagan mo lang ako, antribida akala mo kung sino hindi nga siya mapakasalan ni George." sagot ng ate ko sa akin.

"Pabili." bungad ng costumer sa amin.

"Ako na," nasabi ko na lang at gumalaw ako nang i-aabot ko ang plastic nakita ko ang asawa ko na nakatayo mula sa likod nito.

"Can we talk?" pag-bungad nito sa akin at kinuha ko ang bayad nang costumes kaagad akong nag-sukli hindi ko na lang siya pinansin.

"Nandyan ang babae mo ayoko nang gulo," mahina kong sabi sa kanya habang inaayos ang paninda.

"Sa dating bahay, Ma dun tayo mag-usap sasabihan ko sila Mama at ang mga kapatid ko na huwag nila ito sabihin kay Karen," sabi niya.

"Boto ang pamilya mo sa kanya imposibleng hindi nila 'yon sabihin." sabi ko sa kanya at yumuko ako.

"'Yon ang hindi mo alam marami silang lihim na hindi nila binabanggit kay Karen na tungkol sa atin at ang bahay 'yon hindi niya alam," sabi niya sa akin.

"Ang manager mo?" tanong ko.

"Alam niya ang tungkol sa'yo kahit hindi niya alam kung sino ka, pumayag siya nang kausapin ko kanina sa sasakyan umuwi na sa Manila si Karen pagkatapos ng misunderstanding nila ni ate Rica kanina," sabi naman niya nang hahawakan ang kamay ko binalya ko na lang ito.

"Pag-iisipan ko." nasabi ko na lang sa kanya.

"I miss you, Ma.." mahinang sabi niya at tumalikod nang narinig ang pag-tawag sa kanya.

Nakita kong tinignan ako ng manager ng asawa masyadong nakatakip ang face mask sa mukha ko. May nakakakilala sa akin dito sa lugar kaya madalas naka-pulupot ang buhok o naka-wig ako.

Minsan nagtataka hindi daw ako naiinitan umiling na lang ako dahil sanay na ako. Sinundan ko na lang siya nang tingin kasama ang manager nga niya nagtanong ako sa ate ko.

Nang matapos ang pag-titinda namin inuwi namin ang gulay at karne na pwede namin lutuin kinabukasan.

Nang makabalik kami naabutan namin ang asawa ko sala kausap ang mga anak ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I am his... Stranged Wife   Final Chapter

    Masaya na ako ngayon dahil kasama ko na ang dalawang anak ko kahit nag-iisa na ako sa buhay. Ang relasyon namin ni George ganoon pa rin casual at parang bumalik lang kami sa dati naming relasyon nung una kami nagka-kilala.Madalang na siya magpunta ng Korea dahil nagkakasakit na siya at hindi niya kayang umalis ng walang kasama. Nag-celebrate kami ngayon ng birthday ng unang apo namin sa bunso naming anak. Sa edad na twenty four may live in partner na itong Koreana balak nila magpakasal kapag may ipon na silang dalawa. Umuwi kaming lima sa Pilipinas para doon i-celebrate ang birthday at para makasama ng mga anak ko ang Papa nila.Na-stroke na siya at dalawang pamangkin niya ang kasama niya sa bahay sa Manila hindi naman siya ma-alagaan ng ate at nang bayaw ko dahil busy sila sa negosyo. Mabuti na lang hindi sakit sa ulo niya ang dalawang pamangkin na kasama niya sa bahay. Ang ibang pamangkin niya hindi na nagpapakita sa kanya o sa amin dahil sa hiya na ginawa nang magulang nila."Hap

  • I am his... Stranged Wife   108

    Hinatid namin si George sa airport dahil babalik na siya sa Pilipinas."Kailan kayo mag-babakasyon sa Pilipinas?" tanong naman niya nang huminto kami sa may gilid hawak ng bunso namin ang isang maleta nito."Next year na siguro," sagot naman sa kanya ng anak ko at sumang-ayon kaming dalawa ng bunsong anak namin."Awat muna, George okay na, hindi ba?" biro ko sa kanya at tumango ito sa amin.Kinawayan namin si George nang tumalikod na ito sa amin papasok na ito sa loob ng airport."Si Papa talaga," naiiling bulalas ng dalawang anak namin at sumakay na sa sasakyan ihahatid nila ako sa trabaho ngayon.Parehas na walang trabaho ang mga anak ko nag-resigned sila dahil nagbabago ng may-ari ang kumpanya kung saan sila nag-trabaho. Kasamang aalis doon ang boyfriend ng anak ko dahil ayaw nila sa bagong namamalakad.Ang bunso ko naman may naka-away na kasamahan sa trabaho niya at pinag-bibintangan pa ito na hindi naman niya ginawa. Kaysa masira ang reputasyon nito at kasuhan siya umalis na lang

  • I am his... Stranged Wife   107

    Hindi ko inaasahan ang sinabi niya sa harapan ko."Hindi naman naging perfect ang relasyon at pamilya natin pinakita mo sa akin na karapat-dapat ka pa rin bigyan ng second chance kahit hindi na tayo magka-balikan hindi dahil sa mga anak natin kundi, para sa sarili natin mag-move forward na maluwag sa puso natin." bulalas niya sa akin naka-titig lang ako sa kanya.Hindi pa kami annulled at hindi namin kayang bitawan ang pinangako namin sa isa't-isa. Sinubukan namin na magmahal—nagkaroon ng boyfriend si Nikka ng ilang buwan ng malaman ng lalaki na may communication pa kaming dalawa para na lang sa mga anak doon siya binitawan at iniwan.Gusto ko naman siya makitang maging masaya kahit hindi sa akin. Kung ang lalaking mamahalin siya ng tapat at totoo hindi puro panlabas na anyo lang ang gusto sa kanya at hindi ang totoong sitwasyon. Magsasabi ako sa kanya na kailangan namin mag-annulled para maging masaya naman siya.Kung hindi naman tanggap ng mga nakaka-relasyon niya ang meron sa nakar

  • I am his... Stranged Wife   106

    After 2 yearsMaraming nagbago sa aming pamilya sa nakalipas na taon. Umalis na kami ng mga anak ko sa Pilipinas para manirahan sa South Korea doon ko napag-desisyunan na manirahan kumpara sa Spain.Naiwan namin ang asawa ko sa Pilipinas. Huminto na siya sa showbiz at may tinayong business sa Manila pati sa Batangas. Madalas kami magkita kasama ng mga anak ko kapag bumibisita siya dito sa Korea.Bago pa natapos ang kontrata ko sa network naghanda na kami ng mga anak ko sa pag-alis ng bansa. Inalok pa nila ako ng another offer pero hindi ko na tinanggap dahil gusto ko naman makasama ng matagal ang mga anak ko."Mama, may boyfriend na ako isa siyang half korean nakilala ko na rin ang magulang niya sobrang transparent at open minded nila nang sabihin ko 'yong nangyari sa akin akala ko pandidirihan nila ako." kwento sa akin ng anak ko nakita ko sa kanya na masaya siya ngayon."Kilala mo ba ang boyfriend ng ate mo?" pagtatanong ko naman sa bunso kong anak ng lingunan ko sila."Oo, Mama kil

  • I am his... Stranged Wife   105

    Hindi ko gets ang binanggit nila dahil ba sa edad namin kaya hindi ko maunawaan o talaga hindi ko alam ang tinutukoy nila. May pagkakaiba ba sa love na binigay ni George sa akin at kay Nikka?May pagkakaiba ba sa love na binibigay namin ni Nikka sa kanya?"Ano ba ang pagkakaiba na sinasabi nyo?" sabat ng mga kasama ko dumating ang tinawag nilang waiter para kunin ang pinag-kainan namin.Napansin ko na hawak niya ang cellphone niya at may ginagawa hindi ko maiwasan mabaling ang tingin ko doon may sumiko sa akin at nang lumingon ako nakita ko na sumesenyas sila. Wala na pala akong karapatan sa kanya para gumanito ako.Lumingon kami nang may tumawag sa kanya at sa mga kasama namin nang tumingin ako palapit si Nikka na ibang-iba ang mukha dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya."Nakarating din kayo," bulalas niya kay Nikka at lumapit ito sa desk kung nasaan ang waiter.Sinundan lang niya ng tingin si Nikka."Ate Rica, may nangyari ba naka-simangot ka?" tanong ng katabi niya naka-upo ang m

  • I am his... Stranged Wife   104

    Nang magka-titigan kaming dalawa umiwas siya bigla bumuntong-hininga na lang ako, paano kami mag-uusap kung ganyan siya?"Hindi na tayo bumabata," sabi ko sa kanya bigla at nabaling naman ang tingin niya sa akin.Humarap siya sa akin at tumitig ito sa akin."Ibebenta ko na ang bahay na pinatayo natin dahil wala na akong balak na tirhan 'yon gusto ko sana ito sabihin sa'yo at gusto ng buyer na makausap ka," sabi niya sa akin nakita ko ang ka-seryosohan ng mukha niya."Kailan mo balak ito sasabihin sa akin? May nakausap ka ng buyer ibig sabihin nakapag-desisyon ka na." sagot ko."Hindi pa ako nag-dedesisyon may nahanap lang akong buyer para sa bahay kaya ako nakipagkita dahil dito maliban sa personal reason," tugon niya sa akin natahimik naman ako bigla minasdan ko na lang siya."Magkano ang presyong sinabi mo sa buyer?" tanong ko.Gusto ko malaman ang isasagot niya wala na akong balak kunin ang bahay na tinayo namin sa Quezon City. Kuntento na ako ngayon kung saan ako nakatira."1 mill

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status