Share

63. ZOMBIE

Author: Mir
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-13 09:15:44
3rd Person’s POV

KINABUKASAN

Maagang bumaba si Agnes mula sa kanilang kwarto. Alas siete pa lang ng umaga pero suot niya na kaagad ang riding gear niya. Ang kanyang mga mata ay nakatutok sa kaniyang telepono. Isang simpleng text message mula kay Gabriel ang lumabas sa screen.

“Good morning, Madame. The bikes are ready.”

May kasama pa iyong litrato ng motor ng mga kagrupo niya.

Isang matamis at di mapigilang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Agnes. Maganda ang gising niya kahit ni hindi niya napa
Mir

Sakitan po talaga ang kwento natin ano? Sinulat ko po ito para sa mga taong mahilig sa heavy drama, iyong hindi nageexpect ng mala fairytale na kwento. Sinisiguro kong maganda po ang kwento ni Agnes pero ito yung tipo na hindi niyo aasahan ang ending at baka nga ibash pa ako ng iba sa inyo haha. Pero kung kayo iyong tipo ng taong gaya ni Agnes na maraming pinagdaanang masasakit, at gusto ng kalayaan, sana po samahan ninyo ako hanggang dulo.<3

| 2
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jennelyn Casiguran
parang karakter ni Agnes is pokpok mula sa ex husband to ex boyfriend na naging fiancee tpos si gab??????
goodnovel comment avatar
Edmarie Don Pison Etnegap
Pahirapan pa si Grace at Luis .. Hehehehe ... Sino kaya kina Luis at Gabriel Ms A.? Gusto ko sana si Luis pero kakainis ginawa niya.. Kay Gabriel nalang.. ...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • I am my Husband's Mistress    66. MGA WALANGHIYA

    3rd Person’s POVSuNod silang umakyat patungo sa Arashiyama-inspired Bamboo Trail. Napatitig si Agnes sa matataas at maninipis na kawayan, nagbibigay ng kakaibang lilim at misteryosong dating sa paligid. Bawat kaluskos ng mga dahon ay tila nagpapagaling sa kaniyang sugatang puso.Malamig doon, lumulusot ang mumunting sinag ng araw sa pagitan ng mga kawayan. Isang tanawing animong sa pelikula lang makikita."I didn't know Baguio had something like this," komento ni Agnes habang nakatingin sa itaas, puno ng paghanga ang kaniyang mga mata."Marami pang magagandang lugar... basta kasama mo ang tamang tao," seryosong sagot ni Gabriel.Ngumiti si Agnes, “Alam mo Gabriel? Kapag kasama kita parang ang kalmado ng lahat,” wala sa sarili niyang sabi.“What do you mean?” tanong ng binata.She shrugged at mahinang natawa, “Hindi ko rin alam eh. Basta kapag kasama kita pakiramdam ko pwede kong gawin ang lahat pero at the same time, sobrang kalmado ng lahat. Ang weird ‘no?”Nang makarating sila sa p

  • I am my Husband's Mistress    65. PARAISO

    3rd Person’s POVSa kabilang banda, hindi pa rin magkandaugaga si Grace sa kaniyang kalagayan habang nakaupo sa gilid ng kama sa guest room.Dahan-dahan at maingat na inilalapat ni Luis ang ointment sa mga nalalapnos at namumulang balat sa mukha at leeg nito. Ang bawat daplis ng bulak ay nagdudulot ng sakit kay Grace, habang ang batang si Adela ay nakayakap nang mahigpit sa baywang ng kaniyang ina, tahimik na lumuluha."Luis, please..." pagsusumamo ni Grace sa garalgal na boses, halos hindi maigalaw ang mukha sa matinding sakit. "Ayoko na rito... Gusto ko nang makalipat agad. Natotrama na ako kay Agnes. Tignan mo ang ginawa niya sa akin! Pati si Adela, takot na takot na sa kaniya...""Oo, Daddy, umalis na tayo rito, please?" pagmamakaawa rin ng bata habang tumitingala kay Luis. "Ayaw ko na sa tita na 'yon, mukha siyang halimaw! Ang bad bad niya, Daddy."Bahagyang natigilan si Luis habang hawak ang gamot. Sa loob-loob niya, ayaw niyang umalis sina Adela at Grace sa bahay na iyon. Mas g

  • I am my Husband's Mistress    64. NOT ON MY WATCH, MADAME.

    3rd Person’s POV"Baguio? Ngayon na agad-agad?!" gulat na reaksyon ni Michael. "Iba rin talaga 'tong si Madame, walang patumpik-tumpik!"“Masakit pa naman ang likod ko ngayon,” ani Neil habang nakahawak sa kanyang likuran, “Iba na talaga kapag nagkakaedad na.”“Sus! Dahilan! Kikitain mo lang si Joana eh!” buyo ni Vince.Napangiti si Agnes."Bakit, natatakot ba kayo?" pabalang na hamon ni Agnes sabay baling ng tingin kay Gabriel, na tahimik pa rin na nakatitig sa kaniya. "How about you, Gabriel? Are you game?"“Oooh! Naghahamon boss oh!” ani Ricky.Ibinaba ni Gabriel ang kaniyang tasa sa mesa."If that's what will clear your head, then Baguio it is," sagot ni Gabriel bago nilingon ang kaniyang mga tropa. "Get your gears ready, boys. We're riding north."Napailing na lang sila habang nakangiti. Sa sobrang tahimik at sungit ni Gabriel, hindi uso sa kanya ang sumunod sa gusto ng iba. Pero pagdating kay Agnes, ngayon lang nila siya nakitang hindi matiis ang ibang tao at kaagad na naka-oo.M

  • I am my Husband's Mistress    63. ZOMBIE

    3rd Person’s POVKINABUKASANMaagang bumaba si Agnes mula sa kanilang kwarto. Alas siete pa lang ng umaga pero suot niya na kaagad ang riding gear niya. Ang kanyang mga mata ay nakatutok sa kaniyang telepono. Isang simpleng text message mula kay Gabriel ang lumabas sa screen. “Good morning, Madame. The bikes are ready.”May kasama pa iyong litrato ng motor ng mga kagrupo niya.Isang matamis at di mapigilang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Agnes. Maganda ang gising niya kahit ni hindi niya napansing wala na si Luis sa tabi niya paggising. Pagpasok niya sa kusina, nadatnan niya ang lalake na abala sa pag-aayos ng hapag-kainan. Doon pa lang bumalik sa isip niya ang tungkol sa fiance’ niya. Kaagad siya nitong nilapitan at pumwesto sa likod ni Agnes para marahang yumakap sa kaniyang bewang."Good morning, Love," pabulong at malambing na bati ni Luis habang isinisiksik ang mukha sa balikat ng babae.Hinalikan niya rin ang parteng iyon.“Ang aga pa, ang ganda mo na agad,” lambing nito.“Aa

  • I am my Husband's Mistress    62. MAGTIIS KA!

    3rd Person’s POV“Ano naman kung lalake sila? Hindi naman ako lumalandi? Samantalang ikaw itinira mo kami sa iisang bubong ng kabit mo, hindi ka man lang tubuan ng hiya.”Natigilan si Luis. Parang sinaksak ang kaniyang dibdib sa matinding pait at katotohanang ibinato sa kaniya ni Agnes."That's not what I mean, Love” Biglang nagging malambing ang tinig niya at sinimulang lapitan si Agnes. “Alam mo naman na hindi ko kabit si Grace. And you'll always be my priority.""Oh, that's why you forgot our anniversary," nakangiting ani Agnes.Hindi na siya nakasagot. Nilagpasan siya ng babae at nagpatiuna na itong pumasok sa kwarto. Walang kumikibo sa kanilang dalawa. Nang matapos maligo si Agnes at inabutan niya ito ng tuwalya para sa basa nitong buhok, nilagpasan lang siya ng babae.Pumunta ito sa cabinet at kumuha ng bagong tuwalya, completely ignoring him. He felt unwelcome in his own house kapag kasama niya si Agnes. Bagay na siya rin mismong nararamdaman ng babae. Ang masakit lang para kay

  • I am my Husband's Mistress    61. NEW FRIENDS

    3rd Person’s POVSinundan ni Agnes ang trail ng motor ni Gabriel habang nakasunod naman sa kaniyang likuran ang apat pa nitong kasama. Mabilis ngunit napakaswabe ng pagpapatakbo ng binata, halatang kabisado na ang bawat kurba ng kalsada.Subalit ramdam ni Agnes ang bahagyang pagpipigil ni Gabriel. Matagal na rin siyang nagmamaneho kaya alam niya nang basahin ang ginagawa ng mga kapwa niya rider. At hindi niya nagugustuhan ang ginagawa ng lalake. Tila inaalala nito kung kakayanin ba niyang sumabay sa tunay nitong bilis.Isang mapaglarong ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Agnes. Mariin niyang pinisil ang gas ng motor saka pinaugong ito ng malakas. Mabilis siyang umarangkada at nilagpasan si Gabriel, dahilan para magsigawan sa gulat ang apat na nasa kaniyang likuran bago mabilis na sumabay sa kaniya.Ngunit hindi rin nagpatalo ang binata. Ilang segundo lang ang nakalipas ay magkasabayan na rin sila ni Gabriel. Nang lingunin niya ito, nakita ni Agnes sa translucent visor ng helmet ang bah

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status