Weird
Simula ng makilala ko ang lalaking yon gumulo na ang utak ko. Hindi ko alam kung trip niya lang ba ako. Maaga akong pumasok sa office dahil ayoko naman malate ulit, kahit na mabait si Madam lydia sa amin ayoko naman abusuhin yon. Pero pagpasok ko wala si Madam kung hindi ang pamangkin niya ang nandoon. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad papuntang office niya. Kumatok muna ako bago pumasok. "Good morning Sir!" Magalang na pagbati ko sa kaniya At sa hindi malamang kadahilanan natulala ako sa kaniya dahil mas gumwapo siya lalo dahil sa suot niyang reading glass. "You can stare at me whole day.. just tell me" Nakasandal na pala siya sa kinauupuan niya Umiling ako. 'Ang kapal nito!' "Sir! update ko lang po na ito ang mga nainterview ko kahapon at yan din po ang mga nakapasa sa interview" Inilapag ko ang files sa harapan niya at tumayo ng maayos. Ngumuso siya. "I see.. so i'll make an interview too for the rules and regalations sa orientation right?" Tumango ako. "Okay then.. ako ng bahala" Nagpaalam na ako at paalis na sana ako ng tawagin niya. "Amira" Dahan dahan akong lumingon "Yes Sir?" Tumayo siya at unti unting lumapit sa akin. Tumayo siya sa harapan ko, medyo matangkad siya sa akin kaya bahagya akong nakatingala. Grabe ang kabog ng dibdib ko dahil sa tingin niya sa akin. "Can i take you over lunch?" Kumunot ang noo ko. "Sorry Sir may baon ako e" "Is that so? edi dalhin mo" Huminga ako ng malalim at matapang na tumingin sa kaniya. "Sir! hindi ka pumalit kay Madam para mag invite ng lunch.. at hindi mo ko madadala sa mga ganyan mo.. kaya pwede tantanan mo na ko" Ngumisi siya. "I don't mind if your 36.. your beautiful and sexy" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Masyado ka lang mailap... nakakachallenge" "Ano bang pinagsasabi mo?" "The first time that i met you, i know there is something on you, na mas lalo akong nattrigger sayo.. damn! lahat ng babae nakukuha ko agad" "Pwes ibahin mo ko... hindi ako katulad ng mga babaeng sinasabi mo!" Tinulak ko siya at agad na lumabas sa office niya. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi naman ako makapag focus sa trabaho ko dahil sa ginagawa ng lalaking yon! Natapos ang buong araw ng pagtatrabaho ko pero yung utak ko napapagod sa kakaisip kung ano ba talaga ang gusto ng lalaking yon. Bakit ganon na lang siya sa akin? Dahil ba sa nahalikan niya ako? Kapal naman ng mukha niya... Pag uwi ko sa bahay nandoon ang bestfriend kong si Hazel.. Ang daming pagkain na niluto si Mama dahil sabi daw ni kuya may celebration daw. Nasa hapag kainan na kami ng magsalita si Kuya Arvin. "I'm so excited to announce si Arriane" Tumingin siya sa asawa niya "She's pregnant" Nakangiting anunsyo niya Natuwa kaming lahat, Dahil matagal na din talaga nila gustong magka anak at dumating na yon ngayon kaya sobrang saya namin. We said our congratulations to them. "Anak arriane, ngayong may dinadala ka na sa sinapupunan mo, mag doble ingat ka ha." Paalala ni Mama "Opo mama mag iingat po ako" "Nako ate Arriane excited ako sa magiging anak mo!" Sabi ni Hazel na may kasama pang palakpak "Basta ako, mapa lalaki o babae pa yan magiging masaya ako para sa inyo" "Thank you Amira" Totoo yon, sobrang masaya ako para sa kanila. Magiging masaya na ang bahay kapag meron na kaming baby dito. "Eh ikaw bespren! kailan ka naman mag aasawa?" Biglang sabi ni Hazel Sinamaan ko siya ng tingin. Para kila kuya lang ang topic tapos bigla akong sinama...'Bwisit!' "Oo nga Amira.. Wala ka pang pinapakilala sa amin na nobyo mo" Segunda naman ni Ate Arriane "Ano ba kayo... hindi na kailangan niyan" "Sos! ayan na naman siya! hoy paexpired na yung eggcells mo sa katawan! aba ginagamit yan.. baka hindi mo alam" Napangiwi ako sa sinabi ni Hazel... Nagtawanan naman sila. Napailing na lang ako.. Wala naman din sa akin kung makapag asawa ako o hindi .. mabuti na ngang hindi dahil sakit sa ulo lang naman yan! Biglang sumagi sa isip ko si Christopher at ang mga sinabi niya sa akin. Aware naman siya na mas matanda ako sa kaniya diba? Hindi ko alam bakit ako ang ginugulo ng taong yon. Kinabukasan pagdating sa office pinatawag agad ako ng boss ko. Pagpasok ko Meron siyang bisita. "Good morning sir!" "Good morning beautiful lady!" Bati naman sa akin ng bisita ni Christopher Nginitian ko siya, gwapo din ang isang to kaso mukha ka edad niya lang din. "Im Jake" Inilahad niya ang kamay niya "And you are?" "Amira Sir." Nakipag shake hands naman ako dahil mukha naman siyang mabait hindi katulad ng isa dito. "What is your work here Ms. Amira?" "Im the secretary Sir" Medyo nagulat pa siya at napatingin siya sa boss ko. "So Ikaw pala Amira?" Nakangiti aniya "Im your boss best friend.. nice to meet you" 'Pala?' "Jake" Buong buo ang boses ng Boss kong tinawag ang kaibigan niya "What? kaya pala eh she's pretty" Napakunot ang noo ko sa sinabi ng lalaking to. "Make us coffee please" Utos ng boss ko Pinigilan kong mapairap Si Madam naman never niya akong inutusan magtimpla ng kape niya, pero ang isang to ang kapal ng mukha. Lumabas na ako ng office at dumiretso sa pantry "Uy sino yung bisita ni Sir. Christopher ang pooooogiiiii" Si Julie na biglang pumasok sa pantry para lang makiusyoso. "Kaibigan ni abnoy" Walang gana kong sagot "Abnoy? sinong abnoy?" Lumaki ang mata ko...'Siraulo ka Amira' "Ahhhh yung pulubi kanina sa baba parang abnoy" "Hindi naman yun ang tinatanong ko... yung bisita ni Sir." "Si Sir. Jake kaibigan niya" "Ahhhh ang pogiiiii" Parang naiipitan naman tong katrabaho ko Pagtapos kong timplahin ang kape ay ibinigay ko na sa kanila. "Thank you Amira!" "Your welcome Sir Jake" "Oh no! don't be so formal.. im not your boss naman" Nagtaas baba ang kilay niya "Just call me Jake" Ngumiti ako at biglang napatingin kay Sir. Christopher na ganon na lang ang pagkakunot ng kilay habang nakatingin sa akin "Ahh hayaan mo yang boss mo.. seloso kasi yan" Natatawa sabi ni Sir. Jake 'Seloso?' "Shut up you moron! You can go now Amira" Mahihimigan mo ang pagkasungit sa boses niya Hindi ko na yon pinansin kaya paglabas ko ay nagtrabaho na lang ako. Nagtataka ako dahil sa sinabi ng kaibigan niya Ako daw pala si Amira? ibig sabihin kinikwento niya ako sa kaibigan niya? At ano daw seloso? Magtatanghali na ng lumabas si Sir. Jake sa office ni Sir. Christopher, naririnig ko pa siya na nagpapaalam. "Hi Amira.. Ang sarap ng kape mo.. mukhang mapapadalas ako bumisita dito" Kumindat pa siya I awkwardly smile.. parang katulad din ito ng kaibigan niya Medyo lumapit siya sa table ko.. "Paalala ko lang Amira, ingat ka sa boss mo babaero yan. ganda mo pa naman" "Jake!" Dumagundong ang boses ni Sir. Christopher "What? Kinakausap ko lang naman itong maganda mong secretary" "Leave" Itinaas ni Jake ang dalawa niyang kamay at tatawa tawang lumabas ng pintuan. 'Anong meron?' Mukhang weird din ang isang yon. "Wala na ang kaibigan ko bakit nakatingin ka pa sa pintuan?" I snap ng magsalita ang boss ko. "Oh kanina todo ngiti ka kay Jake tapos sakin nakasimangot ka?" Nagpapasalamat ako dahil mahina lang ang pagkakasabi niya sapat lang para marinig ko. Pilit naman akong ngumiti sa kaniya "Ayan Sir. Okay na?" Sinamaam niya ako ng tingin at inirapan bago umalis. Hindi ko talaga matansya ang lalaking yon. Masyado niyang ginugulo ang mundo ko.You can't fool me"I'll make you fall inlove with me"Yan ang mga salitang gumugulo sa isip ko ngayon.Bakit? anong trip ng batang yon?Anong nakita niya sa akin?Dahil ba sa nachallenge siya dahil iba ako sa mga babaeng nakikilala niya.Hayss dahil sa ginawa niya mas lalo na akong naiilang sa kaniya.Kaso paano ko naman siya iiwasan halos araw araw kaming magkasama sa office katulad ngayon pinaglutuan siya ni Mama ng specialty niyang afritadang Manok ibigay ko daw ito kay Sir. Christopher bilang pasasalamat."What's that?" Tumayo siya at lumapit sa akin, ibinigay ko ang supot na may lamang ulam"Afritadang Manok, niluto ni Mama yan.. ibigay ko daw sayo bilang pasasalamat" Ngumuso siya."Wow si Tita talaga nag abala pa" 'Tita? feeling close'Inilabas niya mula sa supot ang ulam at binuksan niya.."Hmm it looks delicious..""Masarap talaga yan, specialty ni Mama yan" Pagmamayabang ko pa."Really? can you taste it for me?"Kumunot ang noo ko"Wala ka bang panlasa?"Hindi niya ako sinago
Fall inloveKinabukasan maaga akong pumasok sa office.Nandoon na din si Sir. Christopher,well so far na siya ang nagmamanage nitong agency masasabi kong okay naman, very hands on din siya katulad ni Madam nasa lahi na yata nila ang magaling sa business dahil natutunan niya agad kung papaano patakbuhin ang agency na ito at the same time may sarili rin siyang business na pinapatakbo sa ibang bansa.Umalis na din si Madam, kaya siya na talaga ang nakakasama namin araw-araw.Kanina bago ako umakyat sa sa office bumili muna ako ng pagkain pang breakfast hindi sa akin kundi para kay Sir. Christopher, hindi ko din naman alam kung ano ang kinakain niya sa umaga."Good morning Sir!" Nakangiting bati ko sa kaniyaAbala siya sa loptop ng pumasok ako."Good morning! do you need anything?" Umiling ako at inilapag ang pagkain na binili ko kanina."What's that?" "Ahm breakfast.. hindi ko kasi alam kung ano yung paborito mong pagkain"Kumunot ang noo niya"Why did you buy me food?" Nakanguso siya
Age Doesn't Matter May isang linggo din naglagi si Mama sa ospital, maraming bawal at paalala ang doktor sa amin at sa kaniya. Nag half day lang ako sa trabaho ngayong araw dahil ngayon din lalabas si Mama. At kasama ko si Sir. Christopher, He insist na sumama dahil gusto daw niyang bisitahin ang Mama ko. Palabas na kami ng ospital ng magsalita si Kuya. "Dito na muna kayo kukuha lang ako ng Taxi" "Why don't we use my car?" Suggestion ni Sir. Christopher "Nako Sir nakakahiya naman sayo, masyado ka na namin naabala" Napapakamot na lang si Kuya sa ulo. Paano ba naman alam mo yung hindi mo naman kaano ano yung mga kasama mo pero sumama ka pa din... ganon siya Medyo naiilang na din talaga ako sa mga kilos niya. "No it's okay para makapagpahinga na din ang Mama niyo... let's go" Wala na kaming nagawa dahil akala mo kung umasta siya eh parang padre de pamilya. Isinakay namin sa compartment ang gamit ni Mama. Si Kuya Arvin ang katabi niya at nasa likod naman kami ni
FriendsNagmamadali akong lumabas ng office dahil tumawag si kuya Arvin dahil si Mama isinugod sa daw Ospital."Why are you in a hurry?" Tanong ni Sir. ng pumunta siya sa table ko, may mga dala siyang papel marahil ayon ang pinapirmahan ko sa kaniya kanina."Sir! Uuwi na po ako emergency lang" Hindi ako nakatingin sa kaniya dahil abala ako sa pagligpit ng gamit ko."Why? somethings wrong?" Hindi ko siya pinansin, "Pasensya na po Sir. bukas na lang po ako mag rereport tungkol diyan"Umalis na ako agad, medyo pagabi na din at rush hour pa kaya matatagalan akong makahanap ng sasakyan nito.At habang naghihintay may huminto na naman na pamilyar na sasakyan.'Wag ngayon please'"Let's go Amira, if that is emergency hop in! mahirapan kang kumuha ng sasakyan!"Nag aalangan man pero agad akong sumakay sa pasenger seat."Where?"At sinabi ko sa kaniya ang ospital na pinagdalhan kay Mama.Matraffic dahil sa rush hour pero nagpapasalamat ako kay Sir. Christopher dahil maalam siya sa mga ruta k
Weird Simula ng makilala ko ang lalaking yon gumulo na ang utak ko. Hindi ko alam kung trip niya lang ba ako. Maaga akong pumasok sa office dahil ayoko naman malate ulit, kahit na mabait si Madam lydia sa amin ayoko naman abusuhin yon. Pero pagpasok ko wala si Madam kung hindi ang pamangkin niya ang nandoon. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad papuntang office niya. Kumatok muna ako bago pumasok. "Good morning Sir!" Magalang na pagbati ko sa kaniya At sa hindi malamang kadahilanan natulala ako sa kaniya dahil mas gumwapo siya lalo dahil sa suot niyang reading glass. "You can stare at me whole day.. just tell me" Nakasandal na pala siya sa kinauupuan niya Umiling ako. 'Ang kapal nito!' "Sir! update ko lang po na ito ang mga nainterview ko kahapon at yan din po ang mga nakapasa sa interview" Inilapag ko ang files sa harapan niya at tumayo ng maayos. Ngumuso siya. "I see.. so i'll make an interview too for the rules and regalations sa orientation right?" Tumango ako.
RideAlas dyes na ako nakapunta ng office dahil napuyat ako.Hindi ko alam kung papano ko haharapin ang abnoy na yon."Oh?! Himala Amira ngayon ka lang nalate ah""Oo nga anyare?"Usisa ni Rachelle at JulieDahil pagdating ko ibinigay nila agad ang mga files na ipapapirma kay Madam."late na kasi ako nakatulog kagabi"Kasalanan ng lalaki na yon e...hayss"Andiyan na si Madam pati si papa yummy nasa office na" Sabi ni Julie"Papa Yummy?""Papa yummy ..si Sir. Christoher" Sagot ni Rachelle at nag apiran pa silaNapangiwi ako, 'Papa yummy.. Mr. manyak kamo!'Hindi ko na sila pinansin at dinala ang mga files at nagtungo sa office, kumatok muna ako bago pumasok."Oh iha, kararating mo lang ba?" Bungad ni Madam "Ayos ka lang ba? baka masama pakiramdam mo" Medyo nahiya ako, hindi ko naman kasi talaga ugali ang malate ngayon lang talaga, kaya nahihiya ako.Napansin ko naman ang pamangkin niya na palihim na natatawa.Pinigilan ko ang mapa irap dahil nasa harapan ko si Madam."Okay lang po ako