Share

KABANATA 12

KABANATA 12

CARINA CHERYL'S POV

NAIWAN ako sa may bukana ng gate habang gulat at nagtatakang nakatingin sa mga magulang ko at kay Radcliff.

"Hey! Come here, love." Tinig ni Radcliff na nakapagpagising sa diwa ko.

Dali-dali akong naglakad patungo sa direksyon nila at bahagyang lumapit kila mommy.

"Am I missing something?" Nakita ko ang bahagyang pag ngiwi ng mga magulang ko at ang lalong pag ngisi ni Radcliff.

"What do you mean?" Pagmamaang-maangan ng kupal na lalaking nasa harap ko, sarap sampalin ng mukha. But in the other hand huwag na lang sayang ng kagwapuhan kung sasampalin lang.

"Did you just call my parents, mama and papa?" Mapang-uyam na wika ko at pinagpalit-palit ang tingin sa kanilang tatlo.

"Ahm, princess, we'll explain to you later." Nakayukong saad ni Dad na ikinakunot ng aking noo.

"No need, Pa. Ako na pong bahalang magpaliwanag kay, Cheryl." Anas ni Radcliff bago hinila ang aking braso patungo sa kinaroroonan nila.

Kahit naguguluhan ay tumango na lang ako dahil nakaramdam na ako ng init ng biglang lumabas si haring araw na natatakpan kanina ng makakapal na ulap.

"Buti at napadalaw ka dito, iho." Saad ng aking ama pagkapasok na pagkapasok pa lamang namin sa bahay. 

Labis ang aking pagtataka dahil para bang close na close sila.

Don't tell me talagang kakontsaba ni Radcliff ang mga magulang ko?

Dahil sa matinding koryosidad ay matalim kong ibinaling ang aking paningin kay Radcliff na ngayon ay nanatiling nakangisi.

"Opo pa, nung nakaraang linggo kasi ay hindi ako nakadalaw dahil mayroon akong importanteng ginawa." Magalang na sagot nito kay Dad.

"Ganun ba? O eh bakit ka naparito ngayon? You guys should be in your office, right? Office hour ngayon." Takhang tanong nito.

"Cheryl and I decided not to go, Pa. Bukas na lang po kami papasok."

"Nagkaayos na ba kayo, Cheryl?" Baling sa akin ni Dad na agad kong ikinatingin sa kanya

Masamang tiningnan ko muna si Radcliff bago sumagot.

"Of course not!" Masungit na sabi ko at inirapan si Radcliff.

"Ano ka ba anak, tumatanda na kami, ang tagal naman ninyo kaming bigyan ng apo." Mapagbirong saad ni Mom naikinagulat ko.

"Mom!"

"Don't worry Mama, Papa, malapit na, di ba love?" Nang-aasar na gatong ni Radcliff sa iwinika ng aking ina.

"Stop it, you're not funny." Pikon kong anas at padabog na tumayo, bahagya akong lumingon sa mga magulang ko upang bahagyang tumango at naglakad patungo sa kwarto ko, itinapon ko ang aking katawan sa kama, padapa akong pumewsto at sinalampak ang aking mukha sa malambot na unan.

'Does he have the plan to have kids with me? He wants me to be the mother of his child?'

Dahil sa naisip ay para bang may mga paru-paru na nagsiliparan sa aking sikmura.

Ramdam ko din ang pag-init ng aking mukha kaya mas lalo ko pang isinubsob ang aking mukha sa sariling unan. Ngunit makaraan ang ilang minuto ay narinig ko ang pagpihit ng seradura ng pinto pero hindi ako nag-abalang tingnan kung sino man ang taong yun na nangahas na pumasok sa silid ko na hindi kumakatok.

Ramdam ko ang bahagyang pag-uga ng kaliwang parte ng aking kama na wari ba'y may umupo doon.

"Hey, I'm sorry, I didn't mean to embarrass you." A soft voice came from the man I love, calm my body simultaneously, and making my heart beat fast.

"You didn't tell me," may paghihinanakit na panimula ko. "You still have communication with my parents back then?" Umayos ako ng upo sa kama at isinandal ang aking ulo sa headboard nito.

"Back then, I always wished you'll call me, but you didn't, I expect you'll come back to me but you don't. But you know what? Naiintindihan ko yun eh, pero yung habang humihiling ako na makausap ka, habang humihiling ako na sana kahit saglit lang magparamdam ka, nakakausap mo pala yung mga magulang ko. Dalawang taon mong inayos yung buhay mo pagkatapos mong makalaya sa kamay ng pamilya ni Hazel, naiintindihan ko naman eh, naiintindihan kong kaya hindi ka pa nagpakita sa akin kasi hinahanda mo pa yung sarili mo, na gusto mo kapag humarap ka sa akin ay may mapapatunayan ka, pero hindi mo man lang ba naisip na habang inaayos mo yung sarili mo, patuloy na nasisira, ako? Na habang gumagawa ka ng paraan para may mapatunayan ay unti-unti na akong sumusuko sayo. But again, I understand, habang nagpapaliwanag ka sa akin kahapon, gusto kong singhalan ka na ginugol mo ang dalawang taon para may mapatunayan sa akin, kasi hindi ko kailangan yung bagay na gusto mong patunayan sa akin eh, dahil sa kahit anong materyal, ikaw yung mas kailangan ko." Mahabang sabi ko habang nangingilid ang mga luha mula sa mga mata ko.

"Love, I'm sorry." Nakayukong sabi nito.

"Pwede na ba ako mag artista? Ang galing ko umakting hindi ba? Bilib ka na naman sa akin noh?" Maya-maya'y saad ko na ikinatingin nito sa akin na may halong pagtataka.

"What do you mean?" Naguguluhang anas niya na ikinatawa ko.

"Ano ba Radcliff, nag-aakting ako, hindi ba magaling?" Asar na wika ko at tiningnan siya ng masama.

"You-you're just acting awhile ago?"

"OMG! So you mean magaling ako umakting kanina kasi hindi mo nahalatang akting lang yun ganun ba?" Parang batang saad ko at kumapit pa sa braso nito at tumingala upang masilayan ang kanyang mukha.

"You scared the hell out of me, Cheryl! I thought mag-aaway na naman tayo and then babawiin mo yung second chance na binigay mo sa 'kin." Saad nito upang mas lalo pang lumawak ang ngiti ko.

"Wait, I'm going to tell Olivia about this, I'll resign being your secretary, siguro panahon na para mag-artista ako." Tumitiling anas ko at mabilis na dinampot ang aking cellphone sa side table, ngunit bago ko pa man matawagan si Olivia ay agad nang nawala sa kamay ko ang aking telepono.

"You're not going to resign and you're not going to join the social industry, love." 

"Eh, magaling na ako umakting nalinlang nga kita eh, give me back my phone." 

Patuloy lamang kaming nagharutan sa aking silid hanggang sa ang araw ay tuluyan ng bumaba at nagpakita na ang buwan, napagpasyahan ni Radcliff na uuwi na lamang siya sapagkat naiwan niya sa mansyon kung nasaan kami kanina ang mga papeles na kailangan niya daw basahin at pirmahan. My parents told him na dito na lamang magpalipas ng gabi ngunit tumanggi ito.

"I'm going to fetch you here tomorrow morning, hmm." He said. Nandito kami ngayon sa may labas ng gate kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan.

"No need, may dadaanan pa kasi ako eh, and malapit lang din naman yun dito, mag co-commute lang ako bukas kasi pinapaayos pa yung sasakyan ko."

"I'm going to fetch you and that's final!" Giit pa nito ngunit marahas kong umiling.

"You're not going to fetch me and that's final." May pinalidad din ang boses na saad ko na ikinabuntong-hininga nito.

"Fine, I'll wait for you in my office tomorrow, keep safe okay? Call me if something happened, huh?" Tumango ako sa sinabi nito, "Go, pumasok ka na, goodnight, I love you." He added that made me nod my head again and a smile formed on my lips before waving my hand at him to say goodbye.

"Goodnight," I said while flashing my sweetest smile at him.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status