Share

KABANATA 10

KABANATA 10

CARINA CHERYL'S POV

NAPAKALAWAK

ng ngiti sa aking labi ng tuluyan ng gumaan ang aking pakiramdam, dahil ang sakit na matagal ko ng dinadala ay unti-unti ng nababawasan, ang sugat sa puso ko ay unti-unti ng naghihilom.

"You wanna go somewhere?" Napabalik ako sa reyalidad mula sa malalim na pag-iisip ng biglang magtanong ang lalaking kailan man ay hindi ko tinigilang mahalin.

Bakas sa mga mata nito ang kasiyahan kaya't bahagya akong ngumiti.

"No, I wanna spend this day with you but I don't want to go outside, I'm feeling lazy."

Napag-usapan 'rin kasi namin ni Radcliff na hindi na muna kami papasok sa trabaho dahil na 'rin sa mga nangyari ngayon at ramdam ko pa 'rin ang konting kirot sa 'king ulo kahit na nakainom na ako kanina ng gamot.

"Nagpaalam ka na ba sa boss mo na hindi ka papasok? Hmm." Malambing ang boses ngunit may halong pang-aasar na anas nito bago ako marahang niyakap.

"What the? Eh kung gusto mo pa lang pumasok sa kompanya eh bakit mo pa ako tinanong kanina kung gusto kong pumasok o hindi? Nagtanong ka pa." Inis na utas ko at pilit na kumawala sa yakap niya.

Okay na eh, ang ganda na ng moment 'tas babanat siya ng ganun?

"Hey, I'm sorry, I'm just joking, okay?" nang mapansin nito na hindi ako umimik ay pinaulanan ako nito ng halik sa buong mukha. "Love, 'wag ka na magtampo, nagkakaayos pa lang tayo tapos galit ka na naman sa 'kin." Masuyong dagdag niya at pilit akong pinaharap sa kanya.

Buong puwersa ko namang inalis ang mga kamay niyang nakapulupot sa akin at nakataas ang kilay na tiningnan siya.

"Yun na nga eh, kakaayos pa lang natin tapos ginagalit mo na naman ako!"

"You never change, love. Ganyan na ganyan ka pa rin, gaya noon."

"So, ayaw mo na sa 'kin because I'm acting like this? Then fine! Magsama kayo ng kompanya mo!" Akmang tatayo na ako upang talikuran siya ngunit mabilis niyang ginagap ang aking braso at hinila palapit sa kanya kaya naman patagilid na napa-upo ako sa kanyang mga hita.

"Don't move, let's stay like this for awhile," maingat niya muna akong iniupo sa kandungan niya at inayos ang puwesto ko maging ang buhok na humarang sa kalahating bahagi ng aking mukha. "Don't say na ayaw ko sayo because you have that childish attitude, okay? Actually, I find that attitude of yours cute.And huwag na huwag mo akong ibibigay sa kompanyang itinayo at pinalago ko, pinursige ko lang namang palaguin yun para maginhawa at marangyang buhay ang maibigay ko sayo oras na tanggapin mong muli ako." Dugtong pa nito at ibinaon ang kanyang mukha sa pagitan ng balikat at baba ko.

"You're acting strange, what's the problem?" Nagtatakang saad ko ng mapansing mas tumriple pa ang pagiging malambing nito kaysa noong nakaraan.

"Masama bang takot lang akong mawala ka? Na mawala ka ulit?"

May kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko nang sinabi niya iyon.

"Are you afraid that I might leave you?"

Naramdaman ko sa aking leeg ang sunod-sunod nitong pag tango dahil hanggang ngayon ay hindi pa 'rin nito inaalis ang pagkakasubsob sa leeg ko.

"Don't be, I won't leave you, depende na lang kung ikaw na mismo ang nagsabing lumayo ako sa'yo." Saad ko at magaang hinaplos ang madulas at malambot nitong buhok. Halatang alaga sa shampoo at conditioner ang buhok nito sa sobrang kintab.

"Masama ba ako kung hihilingin kong manatili ka pa 'rin kahit na sa pagkakataong yun ay ako na mismo ang paulit-ulit na tumataboy sayo?" Umalis ito sa pagkakasandal sa akin at seryoso ang mukhang tumingin sa akin.

"I'm afraid, takot ako, takot na takot akong mangyari ulit yung dati na kahit anong gusto kong manatili ka, mas pinili ko pa 'ring itulak ka palayo noon at labis akong nadurog nung makita kang lumuluhod habang nakikiusap na manatili ako sa'yo. You don't know how much I want to say to you that I'm willing to stay cause you are my home anyway pero hindi eh, hindi pwede, kasi pag pinili kong manatili baka habang buhay ka nang mawala sa 'kin dahil sa pagbabanta ni Hazel, and I'm really sorry for that, hindi ko pa kayang protektahan ka noon, pero kung maulit man yun, kaya na kitang ipaglaban kahit pa kamatayan ang nakaabang sa 'kin." Mahabang saad nito. Inangat ko ang aking kamay at mabagal na pinunasan ang munting luha na kumawala sa mga mata nito.

"Enough, stop crying love. Stop saying sorry okay? I understand why'd you've left me, I really do. Let's end this drama, let's make happy memories starting today, hmm?" Tumango naman ito sa sinabi ko at bahagyang natahimik.

"Wait, did you just call me love?" Muntik na akong mapahagalpak sa tawa ng makita ko ang nanlalaking mata nito at ang bahagyang pag-awang ng kanyang bibig.

Nakangising tumango ako dito na mas lalo niyang ikinabigla. Para matigil na siya ay nagbukas muli ako ng panibagong usapan.

"Wait lemme ask you something," panimula ko, 'dun lamang ito natauhan kaya bahagya nitong inayos ang kanyang itsura pati na 'rin ang pagkakaupo ko sa kanyang mga hita.

"What is it?" Agad na utas nito matapos ang ginawa.

"Are you sure bahay mo to?" Tanong ko na nagpailing sa kanya.

"What eh hindi naman pala sayo to, 'bat mo ko dinala dito?" I exclaimed without letting him talk.

"Look, this is not my house, this is our house. Why did I bring you here? Simply, I can't call this home when you're not here."

"So you mean, pinatayo mo itong bahay for the both of us? When? How?" Sunod-sunod kong tanong na nagpatawa sa kanya, para akong lumilipad nang marinig ko ang napakagandang tawa nito.

"Dalawang taon simula ng mawalay ako sa'yo nagkaroon ako ng pagkakataong makapuslit sa telepono ng isang tauhang nagbabantay sa 'kin sa mansyon nina Hazel, tinawagan ko ang kaibigan kong engineer at sinabi ko ditong kunin yung isang malaking papel na kulay puti sa opisina ko sa loob ng kwarto, ang nakapaloob sa papel na yun ay ang bahay na iginuhit ko para sa atin, at eto yun, itong bahay na 'to ako ang gumuhit nito at ang kabigan ko lamang ang gumawa para sa 'kin." Namamanghang napatunghay ako sa kanya dahil sa sinabi.

"Hindi ako kampante na magiging okay tayo oras na matakasan ko ang pamilya ni Hazel pero sigurado ako sa sarili ko na gagawin ko ang lahat maiuwi lang kita dito, dito sa bahay kung saan gusto kong maging saksi sa paggawa natin ng sariling pamilya. I love you so much, kaya kahit malayo ako sa'yo at iniwan kita noon kahit hindi ko naman talaga gustong iwan ka, sinisimulan ko na ang mga bagay na gusto kong maibigay sa'yo at kasama ang bahay na ito sa mga bagay na yun."

"But I don't deserve this." Humihikbing sabi ko.

"You deserve everything love, and I'm more than willing to give everything to you."

"You is too much. I'm contented, hindi ko pa man totally nakakalimutan lahat ng sakit pero handa naman akong magpatawad, just give me some time, I'm sure that I can forgive you that easily not just because you explained but because you've been a part of me, a part of me that I don't wanna lose."

"Thank you." Maya-maya'y utas nito at mas lalo akong hinapit papalapit sa kanya at ikinulong sa isang mahigpit na yakap.

"Thank you for what?"

"Thank you for giving me a chance to explain and make it up to you." Hinaplos ko ang kanyang pisngi bago siya nginitian.

"Nagbago na pala ang isip ko, gusto ko ng pumasok sa kompanya.."

"What? But you have your hangover." Angil nito at mas lalo akong hinapit patungo sa katawan niya.

Bahagya lamang iyong lumuwag ng biglang nag-ingay ang aking telepono na nakalagay sa ibabaw ng may kaliitang lamesa sa gilid namin. Dali-dali ko itong dinampot at agad na sinagot nang hindi man lang tinitingnan kung sino ang caller.

Kinalas ko ang pagkakayakap sa akin ni Radcliff at naupo na lamang sa kanyang tabi. Nakakunot noong kinausap ko kung sino man ang tumatawag.

"Hello?"

"Carina!" Sigaw ng isang boses lalaki na agad kong nabosesan kaya't agad na sumilay ang malaking ngiti sa aking mga labi.

"Edwin!?" I exclaimed.

"Hey, what's up? It's been decades since our last conversation." Parang nagtatampong saad nito.

Dahil sa sobrang pagkagalak ay hindi ko na inintindi pa ang matatalim at mapang-usisang tingin ng katabi ko, itinuon ko lamang ang buo kong atensyon sa kausap sa kabilang linya.

"Sino ba kasi ang umalis at pumutol sa koneksyon natin? Hindi ba ikaw yun?" Panunumbat ko dito na agad namang tumawa.

"Okay, okay, I give up. Ako na yung may kasalanan, kailan ba ako nanalo laban sa'yo?" Hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagbuga nito ng isang malalim na hininga.

Bahagya akong napatawa, naramdaman ko na lang na bahagyang umuga ang sofa, at nakita ko na lang din si Radcliff na nasa may bukana na ng pinto palabas ng bahay.

"Anong nangyari dun?" Naibulalas ko kaya't nagtataka namang nagsalita si Edwin.

"Who are you with? May kasama ka ba?" Pagtatanong nito.

At dahil inaabot na naman ako ng katopakan ko ay pagtitripan ko muna siya bago ko ibaba ang linya para masundan si Radcliff.

"Meron. Asawa ko." Seryosong saad ko, I heard him gasp before I ended the call.

Lakad takbo akong naglakad patungo sa direksyon na tinahak ni Radcliff at laking gulat ko ng makita ko siya sa garden malapit sa isang puno ng mangga at malakas na pinagsusuntok ang punong iyon.

Tumakbo ako papalapit sa direksyon niya at niyakap siya mula sa likod upang mailayo sa puno na pinagsusuntok niya, naibaling ko ang tingin sa kamao niyang bumubuhos na ang dugo kaya lalo akong nagpanic.

Marahas din ang paghinga nito na para bang pinipigilang muling magwala. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status