Share

KABANATA 11

KABANATA 11

CARINA CHERYL'S POV

PILIT kong hinihigpitan ang pagkakayapos sa kanya upang kahit papaano ay tuluyan na siyang kumalma.

"What's wrong?" Pinapanatili ko ring kalmado ang boses ko kahit pa sobrang kaba na ang nararamdaman ko, bahagya kong nilingon ang kanyang kamao at mas lalong dumoble ang takot na nararamdaman ko ng patuloy na umagos ang dugo mula rito.

Napapitlag ako ng biglang kumulog at unti-unting pumatak ang tubig mula sa langit.

"Let's go inside, please?" Hindi ko napigilan ang hikbing kumawala sa akin kaya't alam kong narinig iyon ni Radcliff kaya't agad itong lumingon sa akin.

"I'm sorry, did I scare you?" Maagap na wika nito at bahagyang pinunasan ang mukha ko gamit ang kanyang kamay na may bahid ng dugo.

"Sh*t, I'm sorry." Muling utas nito ng makitang nabahiran ng dugo ang mukha ko dahil sa pagpunas niya.

Hindi ako nagsalita at mataman lang na tumingin sa kanya na may bahid ng luha ang mga mata. Hindi na ako nagulat ng bigla ako nitong pangkuin bago lakad-takbong tinungo ang pinto papasok sa bahay.

Nang mailapag ako nito sa sofa ay mabilis naman akong tumayo at dumiretso sa kusina para kunin ang first aid kit.

"Let's clean your wounds." Mahinang anas ko at maingat na hinawakan ang kamay niya.

"Love," Nagsusumamong saad nito at pilit akong nilalayo sa kamay niya ngnit hindi ko siya pinansin at muling ipinagpatuloy ang paglilinis nito.

Nang matapos linisin ang sugat niya ay dahan-dahan ko itong binendahan at pagkatapos ay saka lamang lumabas ang bigat ng nararamdaman ko at hindi ko napigilang singhalan siya.

"What was that? Ha! Radcliff, what was that?"

"I'm just..." Hindi nito natapos ang nais sabihin dahil napahilamos ito sa kanyang mukha.

"Why are you hurting yourself? Did I do something wrong?"

"No, no. I'm just jealous about that guy you're talking at the phone a while ago." Diretsang saad nito at hinawakan ang kamay ko.

This is the Radcliff I know. Every time he's jealous he's always hurting himself.

"He is just my childhood friend Radcliff, okay?" Pagpapaliwanag ko.

"Childhood friend?" Pagsisiguro pa nito na agad ko namang sinagot sa pamamagitan ng pagtango.

"Don't you dare to hurt yourself again when you're jealous, or else I'll get mad at you." Seryosong saad ko na agad naman nitong ikinatango at hinapit ako palapit sa kanya.

"I'm afraid, I'm afraid I might lose you again." Mahinang bulong nito sa tenga ko bago hinigpitan ang yakap sa akin.

"I need to go home, hinahanap na ako nina Mom at Dad." Maya-maya'y sambit ko at humiwalay sa yakap niya. 

"Can I come with you? Gusto ko 'ring kausapin sina Tito at Tita." He said while looking at me.

"Sa lagay na yan? Kung kailan mo sinugatan ang kamao mo? Ano na lang sasabihin nina Mom? Na nakikipagbasag-ulo ka na din?" 

"No, I'll drive you home and it's final, sasabihin ko na lang kina Tita na nagkaroon lang ng aksidente kaya may benda ang kamay ko." May pinalidad sa boses na saad nito.

Umalis na ako sa pagkakaupo sa kandungan niya  at tinulungan siyang tumayo mula sa sofa.

"Go change your clothes," I ordered and he immediately obeys.

Nang makaalis siya at tinungo ang daan papunta sa kwarto ay umupong muli ako sa sofa at napakamot sa ulo dahil sa nangyari kanina.

Ilang minuto din akong nag-antay hanggang sa tuluyan ng matapos magbihis si Radcliff at nakita ko na itong naglalakad pababa sa hagdan at patungo sa direksyon ko.

He's wearing maong shorts and a simple V-neck white shirt that really suits him. I won't deny, he's hot, literally.

"Let's go." He said and held my hand.

Naglakad kami patungo sa halatang mamahalin niyang sasakyan at halata 'ring bago pa ito dahil kumikislap pa ang bawat parte ng kotse.

Pinagbuksan ako ni Radcliff ng pinto at inalalayang makaupo sa front seat na para bang isa akong baldado. Pagkatapos akong makaupo ng ayos ay umikot siya patungo sa driver's seat. Akmang ikakabit ko na ang seatbelt ko ng agaran niya akong napigilan at siya na mismo ang nagkabit niyon. Hindi na lamang ako nagsalita at itinuon na lamang ang paningin sa labas ng bintana upang tingnan ang mga gusali maging ang magandang tanawin na aming nadadaanan.

I almost jump from my seat when I felt Radcliff's hand rest on my legs. I look at him and on his hand that smoothly massaging my legs. He used to do this before, nabigla lang ako kanina dahil sa nanibago lang ako dahil sa loob ng nakaraang limang taon ay ngayon na lamang ulit may gumawa noon sa 'kin.

"What's your parent's address again?" He glances at me for a second which makes me roll my eyes.

"Don't act as if you didn't know where, I know you hired a private investigator since the day you came back just to search for my whereabouts." Umiirap na saad ko na agad niyang ikinatawa.

"Is that a crime? Well, I'm sorry but I'm not sorry at all." He said while a smirk formed on his lips.

"You've just invaded my privacy because of that you know?" I said irritatedly then rolled my eyes once again.

"Well I'm proud about invading my love's privacy anyway, If that's a crime then imprison me in your life forever, I don't mind."

Umiwas ako dito ng tingin at itinuon na lamang ang atensyon sa labas upang pagmasadang muli ang mga nadadaanan namin.

After a minute of silence, he uttered something that makes me raise my eyebrow.

"Papasok na ba tayo sa opisina bukas?" 

"Ikaw ang boss, bat ako ang tinatanong mo?" Imbes na sagutin ang tanong nito ay tanong din ang ibinalik ko. 

Narinig ko ang bahagya nitong pagtawa at mabilis na pagsulyap sa akin.

"I am the boss of the company but you are the boss of my life. How was that? I'm asking you because you are my boss, hmm. So, papasok ba tayo sa opisina bukas, love?"

Mabilis akong napaiwas ng tingin dahil ramdam ko ang pag-init ng aking mukha at sigurado akong namumula na ang mukha ko.

Hindi na lang ako sumagot at nanatili na lamang na tahimik hanggang sa makarating sa bahay ng mga magulang ko.

Unang bumaba si Radcliff bago umikot patungo sa pinto sa kung saan ako nakaupo at marahang binuksan iyon bago ako inalalayang bumaba na labis na ikinagulat ko.

Ngunit hindi ko inaasahang mas magugulat pa ako sa sunod na mangyayari ng biglang lumabas sina mommy at daddy sa bahay at nakangiting sinalubong kami.

"Hon! Nandito si Radcliff at Cheryl!" Magiliw na sigaw ni mommy.

Mas lalo pa akong nagtaka at napuno ng gulat ang mukha ng nakangiting bumati din si Radcliff sabay sabing.

"It's nice to see you again, mama, papa." 

My eyes went bigger while my mouth is half-opened. Did he just call my parents mama and papa?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status