LOGIN-Bianca-
Pagkagising ko kinabukasan ay ipinikit-pikit ko muna ang aking mga mata dahil nasisilaw ako sa liwanag na nagmumula sa labas ng bintana ng aking kuwarto.
Naghikab ako at nag-inat, sabay bangon, pero napangiwi ako nang bigla kong naramdaman ang bigat ng aking ulo kaya nahiga akong muli.
At unti-unting sumilay ang magandang ngiti sa aking mga labi dahil sa napanaginipan ko kagabi.
God gave me a test. He made me experience how it was to make love with a man, and I definitely liked it. Pero hindi nito mababago ang desisyon ko na magpatuloy sa pagiging madre at pumasok sa monasteryo, lalong-lalo na ang maglingkod sa Diyos.
Pagkaalala ko na ngayon nga pala ang formal ceremony kung saan iaannounce na official na kaming mga madre, ay muli akong napabalikwas ng bangon.
Pero kakaiba ang nararamdaman ko, lalo na sa pagitan ng aking mga hita. “Shit!” bumaba ang tingin ko sa katawan ko, pero biglang nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kong hubo’t hubad ako. “What the hell?”
“Biancs!” mas lalo akong nataranta nang marinig ko ang boses ng mga kaibigan ko sa labas at ang malalakas na pagkatok ng mga ito sa pinto. “Bianca, are you awake? We need to go home now. Baka hinahanap ka na ni tita Irene!”
Oh my God!
Agad kong pinulot ang mga damit ko na nagkalat sa sahig at saka ko isinuot ang mga ito, bago ako muling nahiga sa kama. Pero paglilis ko ng kumot ay may nakita akong bahid ng dugo sa kama kaya napahinto ako.
Totoo ang nangyari kagabi? May gumalaw sa akin kagabi!
Was it rape?
Damn! No! Sarap na sarap ako kagabi kaya hindi ito matatawag na rape. Shit! Anong ginawa ko? Malaking kasalanan ito sa Diyos!
Noon ko lang napagtanto na wala ako sa sarili kong kuwarto, at unti-unti ay bumalik sa akin ang mga nangyari kagabi.
Nalasing ako, pagkatapos ay dinala ako dito nina Mark. At ang sumunod na nangyari na akala ko isang panaginip lamang ay totoo pala.
Nagpalinga-linga ako sa paligid at tumambad sa akin ang ilang lilibuhing pera na nasa ibabaw ng bedside table.
Oh my God!
Napatutop ako sa aking bibig. Akala nang lalaki ay isa akong p****k?
Bwisit na lalaking ‘yun!
“Bianca!” sunod-sunod na ang narinig kong pagkatok ng mga kaibigan ko, at nagpapanic na rin ang boses ng mga ito. “Bianca, are you okay in there? Biancs!”
Kinalma ko muna ang sarili ko at pinahid ang mga luhang nag-uunahang pumatak sa aking mga pisngi. “Hi guys! Come in!” sabi ko sa gumagaralgal na boses, ngunit pilit ko pa ring kinokontrol ang sarili ko na hindi mapabunghalit ng iyak.
Masisira na ba ang pangarap kong maging isang madre? Ano nang gagawin ko ngayon? Tutuloy pa ba ako?
Bago bumukas ang pinto ay dinampot ko ang ilang lilibuhing papel at saka isinuksok ito sa loob ng drawer ng bedside table.
“Good morning, Bianca! How’s your sleep?” Si Trisha ang unang pumasok sa loob at kaagad akong niyapos. Sumunod naman sina Jace, Mark, at Daisy na pawang mga nakangiti. “I’m sorry about last night. Nalasing ka dahil sa baso na kinuha mo kay Mark tapos bigla mo na lang tinungga.”
“Really?” pinilit kong ngumiti. “Why? Ano ba kasing laman nun?”
Makahulugang nagtinginan ang mga ito, bago bumulong sa akin si Mark. “It’s an ecstasy. Ibibigay ko sana sa type kong chicks sa kabilang table, but you took it from me, and hindi ka na namin napigilan.”
“Yes. We were supposed to go home last night, pero dahil sa’yo, napilitan kaming kumuha ng kuwarto dito sa taas.” sabi naman ni Jace na umakbay pa kay Daisy. Magkasintahan ang dalawa, at magpipinsan naman sina Daisy, Mark and Trish.
“Oh, it’s okay.” tumikhim ako para tanggalin ang nakabara sa lalamunan ko.
Kasalanan ko din pala ang lahat. Kung bakit kasi sumama pa ako sa kanila para maghappy-happy.
“Di ba ngayon ang ceremony of commitment mo? Malelate ka na sa simbahan.” sabi naman ni Daisy na tumingin sa relo nito. “Let’s go home na. Tumawag naman kami kay tita Irene kagabi, but we promised her that we would take you home early today. Let’s go.”
Mag-aalas otso na. Alas diyes mag-istart ang ceremony of commitment, kaya nagmadali kaming umuwi. Walang kaalam-alam ang mga kaibigan ko kung ano ang nangyari sa akin kagabi, at ngayon nga ay nagdadalawang-isip ako kung tutuloy pa ba ako sa pagpasok sa kumbento.
“Bianca, my baby!” agad akong sinalubong ni mommy pagpasok ko pa lang sa sala. “How’s your night? Hindi ka ba masyadong nalasing?”
“Not really, mommy.” pagsisinungaling ko. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang epekto ng alak na ininom ko kagabi. “I’ll just prepare myself, and then we will go na sa church.”
“Are you really sure you’re okay? Mukha kang matamlay. Dapat kasi hindi ka na lumabas kagabi.” nag-aalalang sabi nito. “Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa inyo. They said, it could be a sign para hindi matuloy ang isang bagay na nakaplano na.”
Really? What if tama si mommy?
Paano nga kung isang paraan ang nangyari kagabi para hindi na ako matuloy sa pagmamadre?
But it was always my dream to be a nun. Hindi naman siguro ako huhusgahan ni Lord, at hindi niya ako pagbabawalang maglingkod sa kanya dahil lang sa hindi na ako malinis. I've heard from others that a lot of women who joined the convent weren't pure anymore. So, I think wala naman sigurong problema.
Medyo nagtagal ako sa banyo dahil kinuskos kong maigi ang bawat parteng hinalikan ng walanghiyang estrangherong iyon. Lahat ng parte ng katawan ko na hinalikan nito at hinawakan ay nilinis kong mabuti.
Ayokong mag-iwan ng kahit na anong bahid ng karumihan na dala ng lalaking iyon at ipinasa sa akin. Kung bakit ba naman kasi hindi ako nagising. I mean, gising ako, pero bakit hindi ko alam na hindi na pala iyon panaginip?
I was so stupid! So idiot!
Naiinis na nagpatuloy ako sa pagkuskos ng katawan ko hanggang sa namula na ang balat ko at ramdam ko ang pag-iinit ng buong katawan ko dahil sa hapdi at sakit na dulot ng patuloy kong pagkuskos dito.
Pakiramdam ko ay sobrang dumi ko pa rin. Ilang beses ko ding shinampoo ang buhok ko para mawala ang amoy ng lalaking iyon. Pakiramdam ko kasi ay kumapit ang amoy niya sa akin.
Habang isinusuot ko ang aking habit, pakiramdam ko ay mas lalong nadagdagan ang aking kasalanan. Nang ang veil ko naman ang isinuot ko ay sunod-sunod nang pumatak ang mga luha ko, pero agad ko ding itong pinunasan
Ito ang gusto kong gawin sa buhay ko. Iaalay ko ang aking buong pagkatao, ang buong buhay ko, at ang katawan ko para makapaglingkod sa Diyos. Kaya wala nang makakapigil pa sa akin.
-Jasmine-Hindi ko alam kung anong gagawin ni daddy kung sakaling nahuli niya na nandito si Kyle sa loob ng kuwarto ko. Baka mapatay niya ito, pero siyempre hindi ako papayag. “Kyle, dito ka ba matutulog?” tanong ko sa kanya nang muli siyang tumabi sa akin sa kama.“Ayaw mo ba?” nakataas ang kilay na tanong niya, at may naglalarong ngiti sa kanyang mga labi.“Gusto. Pero maliligo muna ako.” dahan-dahan kong ibinaba ang mga paa ko sa sahig, pero sa pagkagulat ko, bigla akong binuhat ni Kyle. “Hey! What are you doing?”“Sasamahan kita sa loob. Di ba takot kang maligo mag-isa?” at naglakad na siya papunta sa banyo. “At saka bawal pang basain ang sugat mo. Tutulungan kita.”Hindi na ako nagprotesta pa. Ang sarap lang ng feeling na may isang tao na bini-baby ka kahit malaki ka na, and that was Kyle, the love of my life.Pagpasok sa loob ng banyo, pinaupo niya muna ako sa toilet bowl. “Do you want me to help you take off your shirt?” tanong niya habang nakapameywang sa harap ko.“Yes, pleas
-Jasmine-Agad akong bumangon at paika-ikang naglakad patungo sa bintana. Hinawi ko ang kurtina at sumilip sa labas. Nakita kong nakatayo si Kyle sa madilim na bahagi ng kalsada. Sakto namang nakatingin din siya sa akin na para bang alam niyang dito ang kuwarto ko.I quickly typed a message for him. “Kyle, hindi ako makakababa. Hindi ako papayagan ni daddy na lumabas.” Kahit makapuslit ako palabas ng bahay, hindi rin ako makakalabas ng gate sa sobrang dami ng bodyguard ni daddy na nagbabantay.“It’s okay. Ako na lang ang aakyat diyan sa kuwarto mo.” nanlaki ang mga mata ko sa reply ni Kyle.Sumilip ulit ako sa kanya, pero wala na siya sa pwesto niya sa tabing kalsada. At halos mapatalon ako sa gulat nang makita siyang umaakyat sa isang puno ng mangga na nasa tabi ng bahay.“Oh my God!” napatutop ako sa bibig ko habang pinapanood siyang naglambitin sa sanga ng kahoy na parang si spiderman, at ilang sandali lang ay dahan-dahan siyang naglakad sa bubong na katapat ng bintana ng kuwarto
-Jasmine-“Do you like your room, ate?” nakangiting tanong ni Roxanne sa akin nang pumasok kami sa room na nakalaan para sa akin.“Yes. Thank you, Roxanne.” niyakap ko siya at saka inakbayan bago kami naglakad papunta sa kama kong parang pang-prinsesa. “Hindi ka ba galit sa akin?” maya-maya ay tanong ko sa kanya.She shook her head. “No. Bakit naman ko magagalit sayo eh mas nauna namang nakilala ni daddy ang mommy mo kaysa sa mommy ko. Don’t worry ate, naiintindihan ko ang sitawasyon mo.”Mabuti na lang talaga at malawak ang pang-unawa niya, hindi katulad ng mommy niyang bruha. Akala mo naman siya ang inagawan.“Hindi ba magagalit ang mommy mo na nakikipag-close ka sa akin?” muling tanong ko sa kanya. Napangiwi ako nang maramdaman ko ulit ang pagkirot ng sugat ko.At napansin ito ni Roxanne. “Ate, may sugat ka!” lumuhod siya sa harap ko at inililis ang pantalong suot ko. “Oh my God! What happened to your leg?”Hindi pa man ako nakakasagot, bigla siyang tumayo at tumakbo papunta sa ban
-Jasmine-“Dad, please! Walang kasalanan si Kyle dito.” umiiyak na wika ko habang nakahawak sa suot niyang black suit. “May sumundo sa akin sa bahay na nagpakilalang Leo. Kahit itanong mo pa kay yaya.”Sandali siyang natigilan sa sinabi ko. Nang hindi siya umimik, nagpatuloy ako sa pagkukuwento.“And then he drove me into a narrow alley. Tapos may nakasunod sa amin na white van. They tried to kidnap me, dad. Buti na lang nakasunod sa amin si Kyle. Iniligtas niya ako, pero pinagbabaril nila kami. Please, daddy! Wala siyang kasalanan dito.” I explained, my sobs getting harder. “Noong makita niyang may tama ako, dinala niya ako agad dito sa hospital. You need to find the men who tried to take me, not Kyle who saved me!”Nang marinig ang sinabi ko, agad niyang pinigilan ang kanyang mga tauhan sa pagkaladkad kay Kyle palabas ng hospital. “Stop right there! Bitawan niyo siya.”Napalingon sa kanya ang kanyang mga bodyguard at unti-unting binitawan si Kyle.“Kyle!” paika-ika akong lumapit sa
-Jasmine-“Where are we going?” tanong ni Kyle nang sa wakas ay nailigaw na namin ang mga humahabol sa amin. Kanina, pinaputukan nila kami ng baril, pero magaling si Kyle sa pag-iwas at nailagan niya ang lahat ng bala na umuulan papunta sa amin.Pero habang nakakapit ako sa bewang niya, ramdam ko ang pamamanhid ng isang binti ko, at nang tumingin ako dito, nakita kong may bahid ng dugo ang pantalong suot ko.“Kyle…” nanginginig ang boses na sambit ko. “I think… I was shot.”“What?” agad niyang inihinto ang kanyang motor at inalalayan akong bumaba. “Let me check it.”Pinaupo niya ako sa tabi at saka inililis pataas ang pantalon ko. “Oh my God!” Napatutop ako sa bibig ko at nagsimula akong umiyak nang makitang may tama ng baril ang binti ko. “Kyle, what should I do? Ayoko pang mamatay!”“Sshh… it’s okay, baby. Hindi ka pa mamamatay.” hinugot niya ang punting panyo mula sa kanyang bulsa at saka tinalian ang binti ko paikot bago niya ako niyakap ng mahigpit. “Let’s go. Dadalhin muna kita
-Jasmine-Napalingon ako sa likod at nakita ko na may isang puting van nga ang nakasunod sa amin. Hindi ko makita si Kyle sa paligid, pero alam kong nakasunod siya sa amin. Yun ang sabi niya. Alam kong hindi niya ako pababayaan.Siguro ay nasa likod siya ng van at natatakpan siya nito kaya hindi ko siya makita.Muli akong tumingin sa driver na biglang hindi mapakali sa kanyang upuan at panay ang tingin sa side mirror. Minsan lumilipat ang tingin niya sa rearview mirror, pero hindi nawawala ang focus niya sa pagdadrive. His grip on the steering wheel tightened, his knuckles paling slightly as his movements grew sharper, more deliberate. The air inside the car felt heavy and thick with unspoken tension. At naramdaman kong mas lalo pang bumilis ang pagpapatakbo niya.Sinong kausap niya sa phone kanina? Hindi kaya yung nasa kotseng nakasunod sa amin? Pero bakit? Hindi naman siguro ipapakidnap ni daddy ang sarili niyang anak.Nagdesisyon akong kausapin siya. “What’s your name, kuya?”Hind
-Savanna-Habang hinihintay si Norman na bumalik sa kubo, tumayo ako sa may bintana na nakapangalumbaba, at pinanood ang pagbuhos ng ulan. Napangiti ako nang maalala ang naging usapan namin ni Norman kanina.Unti-unti kong sinusubukang buksan ang puso ko para sa kanya. Slowly, carefully, but wholeh
-Savanna-Tumayo si Norman mula sa papag at itinaas ang kanyang mga kamay. “I promise, hindi kita ginalaw. Wala akong ginawa sa’yo.”“Then why the hell am I naked?” histerikal na sigaw ko at saka ako sumiksik sa dulo ng papag.“Eh kasi nga basang-basa ka, and you were burning hot! Anong gagawin ko?
-Norman-Nang daanan ulit namin ang kotse ko ay gawa na ito, at naghihintay na ang mekanikong umayos ng aking sasakyan.“Boss, ayos na.” nakangiting wika niya, at saka nakipagkamay sa akin.“Salamat.” nang makaalis ito, bumalik ako sa sasakyan ni Missy kung saan ito naghihintay. “Ikaw na ang magdri
-Savanna-“Papa, please! Huwag mo siyang papatayin! Walang nangyari sa amin ni Norman!” umiiyak na niyakap ni Missy ang kanyang ama, pero kitang-kita ko ang makahulugang ngiti sa kanyang mga labi kahit na tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. “Papa, parang awa mo na, please!”“Anong nangyayari dit







