Mag-log in-Bianca-
Eksaktong alas nuebe, umalis na kami ng bahay kasama ko sina mommy at daddy. Ang nakababata kong kapatid na si Josh ay busy sa pagrereview dahil may exam ito kinabukasan kaya hindi na pinasama ni daddy.
“Anak, kapag pakiramdam mo hindi mo kayang mag-stay ng matagal sa kumbento, sabihin mo lang kay Lord na aalis ka na, okay? Magpapaalam ka sa kanya ng maayos, at buong puso ka naming tatanggapin sa bahay.” sabi ni mommy na palingon-lingon sa akin sa likod ng sasakyan.
“You’re a business management graduate. Ikaw sana ang magmamana ng lahat ng business natin.” sabad naman ni daddy. “Two years pa bago grumaduate si Josh. Sa kanya ko na lang ibibigay ang mga business natin.”
May nahimigan akong pagtatampo sa boses ni daddy, pero nag-usap na kami. Pumayag siya sa kung ano ang gusto ko. Sabi niya ay susuportahan niya pa rin ako. Nanghihinayang lang siya dahil hindi ko magagamit ang napag-aralan ko.
“Thank you sa support niyo, mommy and daddy.” matipid kong sagot. “I love you both. So much!”
“I love you too, anak.” sagot ni mommy, at ngumiti naman si daddy sa akin habang nakatingin sa rearview mirror.
Pagdating nga sa simbahan ay eksaktong nag-istart na ang ceremony. Tinawag isa-isa ang aming mga pangalan at nagpunta kami sa harap.
Nag-umpisa at natapos ang Solemn profession of vows and veiling ceremony na wala ako sa sarili, at parang robot na sumusunod lamang sa mga kasama ko.
“Welcome, Sister Bianca!” nagbow sa akin si Sister Veronica, ang tinaguriang Mother Superior, bago niya ako kinamayan. Binati din nito ang ibang kasamahan ko at kinamayan din sila isa-isa. “Sumunod kayo kay Sister Rita at ituturo niya sa inyo ang magiging kuwarto niyo.”
“Thank you, Sister.” sabay-sabay kaming nagbow bago sumunod kay Sister Rita na iginiya kami papunta sa aming magiging kuwarto.
Maaliwalas ang ibinigay na kuwarto sa akin. May maliit na kama, may isang mesa sa gilid, at upuan, at may malaking krus sa tapat ng mesa.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako umupo sa aking kama. Ito na ang magiging buhay ko simula ngayon.
Naging masaya ang mga sumunod na araw ko bilang isang madre. Halos nakalimutan ko na ang nangyari sa akin noong gabing iyon, pero paminsan-minsan ay napapaginipan ko pa rin ito, pero binabalewala ko na lamang at nagdadasal na lang ako sa Diyos na sana ay tuluyan ko na itong makalimutan at sana ay mapatawad Niya ako.
Ngunit makalipas ang dalawang buwan, hindi dumating ang monthly period ko at dito na ako kinabahan kaya kinausap ko ng masinsinan si Sister Rita.
“Sister, hindi ko po alam kung paano sasabihin ito sa inyo, pero…” huminto muna ako at huminga ng malalim.
“Sabihin mo kung ano ang problema, Sister. Huwag kang mahihiya sa akin.” malumanay na sagot nito at hinawakan pa ang mga kamay ko. Assistant ito ni Sister Veronica, at mas mabait ito kaysa sa may pagkataray naming madre superiora.
“Sister, pakiramdam ko po ay buntis ako.” hindi na ako nahiyang magsabi. Ito lang ang alam kong paraan para maresolba ang problema ko.
“Ano?” hindi makapaniwalang bulalas nito. “Paano nangyari iyon? Wala tayong kasamang lalake dito sa kumbento. Sabihin mo sa akin, sino ang ama. Si Father ba?”
“Si Father? Naku hindi po, Sister.” mariin kong tanggi na nanlalaki ang mga mata. Grabe naman si Sister. Pati si Father Edward ay pinagbintangan pa.
At ikinuwento ko dito ang nangyari noong gabing bago ako pumasok sa kumbento.
“Naku iha. Malaking problema ‘yan. Kapag nalaman ito ni Madre Superiora, matatanggal ka sa pagkamadre.” parang biglang tumanda ng sampung taon si Sister Rita dahil sa problemang inilahad ko dito. “Delikado ka iha.”
Dahil ayaw kong umalis sa pagkamadre ay inilihim nga namin ni Sister Rita ang kalagayan ko. Naitago ko naman ang paglaki ng tiyan ko dahil malaki at maluwag ang habit na suot ko. Iyon nga lang, may mga pagkain akong hinahanap dahil naglilihi pa ako.
Mag-aalas dose ng gabi nang marinig ko ang mga mahihinang katok sa pinto ng kuwarto ko. Gising pa ako nang mga oras na iyon dahil hinihintay ko si Sister Rita. Nagpabili kasi ito ng mangga sa caretaker ng simbahan na si Mang Caloy at hanggang ngayon ay hindi pa ito dumarating.
Excited kong binuksan ang pinto at hindi na nag-abala pang isuot ang veil ko. Bawal na bawal sa aming mga madre ang lumabas ng walang suot na veil.
“Sister Bianca, heto na ang mangga mo. Natagalan si Mang Caloy dahil umuwi pa daw siya sa bahay nila at iniabot ang sahod sa asawa.” nakangiting iniabot ni Sister Rita ang isang plastic ng mangga sa akin.
“Salamat Sister. Sa wakas, makakakain na ako ng mangga!” sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko pa siya.
Kahit gabing-gabi na ay nilantakan ko pa rin ang mangga at halos maubos ko ang pitong piraso dahil sa sobrang tamis at sarap nito.
*******
Lumipas ang ilang buwan na ganun ang naging routine namin. Hindi ko rin nakakalimutang humingi ng tawad at magpasalamat kay Lord dahil hindi niya ako pinapabayaan sa ganitong kalagayan ko.
May isang beses pa na humiling ako ng sign na kailangan ko nang umalis sa kumbento, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita ang sign na iyon—ang makita ang lalaking may tattoo na agila sa kanang didbdib. Pero napakaimposible naman kasi niyon dahil wala namang ibang tao sa kumbento kung hindi kami-kami lang.
May mga pumupunta na nagdodonate, pero sina Sister Veronica lamang ang humaharap sa mga ito. Busy din kami sa iba’t ibang misyon kagaya ng pagbabantay sa mga bata sa bahay-ampunan.
Nakakakita lang kami ng ibang tao kapag may misa, pero imposibleng makilala ko ang lalaking iyon dahil nakatago sa suot na damit ang tattoo nito. Isang beses sa isang buwan lang din kami nakakalabas para dalawin ang aming pamilya.
Dumating na ang oras ng panganganak ko, at tulad nga ng plinano namin ni Sister Rita ay sa kuwarto ko ako manganganak at siya rin ang tutulong sa akin. Midwife ang namatay niyang nanay at naging assistant siya nito tuwing may manganganak, kaya naman may alam ito sa proseso ng pagpapaanak.
“Hinaan mo lang ang boses mo habang umiire ka, Sister Bianca.” bulong sa akin ni Sister Rita, at tumango naman ako. Tagaktak na ang pawis ko sa noo habang may pasak na tela ang bunganga ko. “Ire!” pabulong na sigaw ni Sister Rita.
“Ummmppp!” impit na pag-ire ko. Hindi ko maintindihan kung saang parte ang masakit, pero kinakaya ko. Kakayanin ko para sa anak ko.
Habang nanganganak ay panay ang tawag ko sa Diyos at sa mga santo. Nakailang dasal na ako ng Our Father at Hail Mary pero hindi pa rin lumalabas ang anak ko.
“Ire pa!” hindi ko na rin mabilang kung pang-ilang beses sinabi ‘yun ni Sister Rita, at sa tuwina’y sinusunod ko siya, hanggang sa marinig ko na ang matinis na pag-iyak ng aking anak. Nakahinga ako ng maluwag at napaluha ako habang pinuputol ang pusod at mabilis na binalot ni Sister Rita ng kumot ang anak ko. “Halikan mo na ang anak mo.”
Inilapit niya sa akin ang anak ko at umiiyak na h******n ko ito sa noo. Inilayo siyang muli sa akin ni Sister Rita at ibinigay kay Mang Caloy na nagbabantay sa labas ng kuwarto ko.
Naplano na namin ang lahat. Palalabasin namin na may nag-iwan ng isang sanggol sa labas ng kumbento, at makikita ito ni Mang Caloy. Pagkatapos ay dadalhin niya ito kay Sister Veronica. Siyempre, alam na namin kung ano ang mangyayari. Dadalhin sa bahay-ampunan ang anak ko, at doon nga ay palagi ko pa rin siyang makikita dahil kami din ang nakatokang magbantay at mag-alaga sa mga bata sa bahay-ampunan.
-Luke-“I’m fine. Thank you.” nakangiting sambit ko, at saka sinenyasan na siyang bumalik sa pwesto niya. I was still overwhelmed with happiness nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Valerie sa loob. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang hindi na nito kasama si Zac. Mukhang sinabihan na ito ni Lavinia.Agad ko namang kinalma ang sarili ko at hinintay si Valerie na makalapit sa akin.“Sir Luke…” kunot ang kanyang noo sa pagkalito habang naglalakad papunta sa direksiyon ko. “Ano bang nangyayari? Ano ‘to? Akala ko maglalunch kayo ni Lavinia?”Lahat ng kinabisado ko, biglang nawala sa isip ko nang makita ang kagandahang nasa harapan ko. “Oh no, it’s not. Tayo ang may lunch date, hindi ba? I told you earlier.”Tumango naman siya. “Oo nga, pero di ba sabay kayong umalis ni Lavinia? Holding hands pa nga kayo eh.” at pinaikutan niya ako ng mga mata. “So bakit tayo na ang maglalunch ngayon? Anong meron? Ginugulat mo naman ako.”“Come here.” inilahad ko ang kamay sa harap niya. Litong-
-Luke-“What? I didn’t promise you anything!” Sinabi ko lang sa kanila ni Zac na magandang opportunity ito para sa amin pareho, pero hindi ko sinabing pipirma ako. “And I know about the money you’re going to invest in my company. It comes from illegal sources, right? You’re dealing with smuggled guns and cars. And you expect me to just accept your money like nothing’s wrong?”Her eyes widened in shock at what she had just heard.“It’s fine. I won’t report this to the authorities, but don’t ever show your face here again. Don’t ever come back, and don’t you dare bully Valerie again because next time, you won’t be walking away.”“Luke…” Shock was still evident on her face. “But… Zac is outside. He’s inviting her out for lunch.” kagat-labing sagot niya.“What?” naiinis na pinagulong ko papunta sa pinto ang wheelchair ko, pero humarang si Lavinia sa harap ko.“Wait, Luke. Let me talk to my brother,” she said, and suddenly I found myself doubting her. “I’ll help you surprise Valerie. Is th
-Luke-Malapit nang mag-lunch break. Excited na kinuha ko ang isang maliit na box mula sa drawer ko at binuksan ito. Noong isang gabi, while Zac and Valerie were having their dinner, bumili ako ng singsing para sa kanya.I wasn’t even sure when I was supposed to propose to her. I had always imagined that there would be a perfect time, a perfect place, and a perfect plan. Pero dahil sa nangyari kagabi, nagbago ang mga plano ko.I took her virg!nity, and she took mine. We both lost our virg!nity from each other, and for the first time in my life, I felt a kind of happiness that went beyond excitement or attraction. It was warm, steady, and real. Hindi ko na siya pakakawalan pa. Alam kong siya na talaga.Bigla kong naalala ang magkapatid na Zac at Lavinia. The investigation result had just arrived. Yes, pinaimbestigahan ko sila dahil duda ako sa kanilang investment proposal. It didn’t sit just right. It turned out the money they were about to invest came from illegal resources, at hindi
-Valerie-At bago pa ako makasagot, bigla niyang inangkin ang nakaawang kong mga labi. Nakangiti namang gumanti ako ng halik sa kanya.Nagiging magaan ang araw ko kapag nagkakainitindihan kami ni Luke, at hindi namin masyadong dinadamdam ang mga bagay-bagay.Kagaya na lang iyong nangyari kanina. Akala ko talaga magagalit siya sa akin. Mabuti na lang at malawak ang kanyang pang-unawa.Wala pala akong dapat alalahanin dahil kakampi ko siya, at higit sa lahat, ako ang pinaniniwalaan niya. For now, our relationship had to remain a secret from everyone in the office. We have to be very careful, cautious with every glance, every word, every step we took within those walls. Pero masaya pa rin naman ako dahil kapag kaming dalawa na lang, magagawa namin ang lahat ng gusto namin. We’re free to laugh, free to kiss, free to hold each other. No lies, no secrets.“I love you, Luke.” nakangiting idinikit ko ang noo sa kanya.“I love you more, baby.” at muli niyang hinalikan ang mga labi ko.“Kumust
-Valerie-Grabe ha! Ang ganda pala ng boses ko pag naka-record. Tapos diretso pa ‘yung english ko. I’m so proud of myself na talaga!“See that?” mayabang na sabi ni Lavinia pagkatapos isuksok ang kanyang phone sa bulsa ng kanyang suot na blazer. “She’s spreading rumors. She’s your personal assistant and your nurse, yet she’s been telling everyone that she’s your girlfriend. How ambitious! So shameless!”“Sir Luke, hindi po ganun ‘yun.” sinubukan kong magpaliwanag sa kanya, pero hindi niya ulit ako pinansin. “Sir Luke, please. Makinig ka naman sa paliwanag ko.”“Lavinia, get out.” nahigit ko ang aking hininga nang marinig ang sinabi ni Luke.“But Luke…!” nagpapapadyak na singhal niya. “She’s the one at fault. Why are you asking me to leave?”“Lavinia, I need to speak with my personal assistant in private. I have to lecture her.” naging malumanay na ang boses niya, at napangisi naman si Lavinia habang nakataas ang kilay na tinignan ako.“Okay. Make sure she learns her lesson, Luke. You
-Valerie-Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at sinubukang pigilan si Lavinia sa pagpasok, pero binuksan na ni Tita Faye ang pinto. “Mommy Faye, are you okay?” agad nitong niyakap ang nanay ni Luke nang makitang mugto ang mga mata nito. Umiiyak naman na gumanti ng yakap sa kanya ang ginang. Nanatili lang akong nakatayo sa likod ni Lavinia at hindi alam ang gagawin. Lagot ako kay Luke kapag napanood niya ang video na sinabi ko kay Eliza na magjowa na kami.Hindi pa ako sigurado, pero base sa pagkakataas ng phone ni Lavinia, alam kong nirecord niya ang mga napag-usapan namin ni Eliza.“Valerie, come inside.” narinig kong sabi ni Luke. Medyo nagulat ako dahil garalgal ang boses niya nang magsalita. Nag-away siguro sila ni Tita Faye.“Mommy Faye, I’m sorry, but I have to talk to Luke.” kumalas naman agad si Lavinia sa pagkakayakap kay Tita Faye nang marinig ang boses ni Luke. Humakbang siya papasok sa loob at inunahan ako. “Luke! You have to see this. Oh my God! You won’t believe w

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





