-Bianca-
“Justin!” tawag ko sa aking anak na nakikipaglaro sa ibang mga bata sa bahay-ampunan.
“Sister Bianca!” tuwang-tuwang tumakbo papalapit sa akin ang napakaguwapong anak ko, at hindi ko na napigilan ang sarili kong pupugin ng halik ang buong mukha nito. “Sister Bianca, stop it! Hindi ako makahinga.”
“Oh, I’m sorry, anak. Napakaguwapo mo kasi. Kanino ka ba nagmana? Siguro napakaganda ng nanay mo ano?” pagbibiro ko dito, at napahagikgik naman si Justin nang habulin ko siya ng kiliti.
“Tignan mo ang magnanay oh. Magkasama na naman.” narinig kong sabi ni Sister Maika. Isa siya sa mga kabatch kong pumasok noon sa pagmamadre. At takang-taka ito kung bakit sobrang close ko daw kay Justin na parang ako daw ang tunay nitong ina. Kaya naman tuwing nakikita niyang magkasama kami ay magnanay ang tawag niya sa amin.
“Kung pwede ko nga lang ampunin itong si Justin eh inampon ko na.” pagbibiro ko. Pero hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil baka dumating ang araw na kinatatakutan ko. Ang araw kung saan may aampon sa anak ko.
Hindi ko siguro kakayanin kapag nagkataon. Hindi ako papayag na ilayo nila sa akin ang anak ko. Kapag nangyari iyon ay wala akong magagawa kung hindi ang umamin na ako ang tunay na ina ni Justin, kahit ito pa ang maging mitsa ng pagkakatanggal ko bilang isang madre.
“Hindi naman basta-basta ang pag-aampon, Sister Bianca. You know the rules. At saka may screening tayo, remember?” pagpapaalala sa akin ni Sister Maika.
“Alam ko naman ‘yun Sister. Nagjojoke lang naman ako.” sabi ko dito habang pinapanood ko si Justin na nakikipaghabulan sa ibang mga bata. “Hindi naman tayo pwedeng mag-ampon, at saka saan ko naman papatirahin si Justin? At saka malamang, hindi ako papasa sa screening.”
“Ako eh nagtataka lang talaga sa’yo, Sister Bianca. Mula pa noong baby si Justin, ikaw na ang tumayong ina niya. Kapag iyak siya ng iyak, sa kuwarto mo siya natutulog. Buti natiis mo ‘yang batang ‘yan? Napakaiyakin namang talaga eh.” naiiling na saad ni Sister Maika.
“Naaawa lang ako sa bata, ikaw naman.” nakangiti kong sagot.
“Hindi ko talaga akalain na may mga ina na kayang pabayaan ang kanilang mga anak. Akalain mo ‘yun? Iniwan ba naman si Justin ng walanghiyang nanay niya sa labas ng kumbento.”
Dahil sa sinabing iyon ni Sister Maika ay biglang sumikip ang dibdib ko. Napakalaking kasalanan talaga nang nagawa ko, pero ginagawa ko naman ang lahat para makabawi sa anak ko, at palagi akong humihingi ng tawad sa Kanya sa lahat ng kasalanan ko, at sa patuloy na pagsisinungaling ko sa lahat, lalong-lalo na sa sarili kong anak.
“Mabuti na lang at nandiyan ka, Sister Bianca.” dagdag pa ni Sister Maika. “Hindi mo siya pinabayaan. Inalagaan mo siya na parang tunay na anak. Ipinaramdam mo sa kanya kung paano ang magkaroon ng isang nanay na minamahal at inaalagaan siya.”
Palihim na pinunasan ko ang luhang namuo sa aking mga mata at saka muling ngumiti ng matipid. Kung alam mo lang, Sister Maika.
“Pero paano nga kung may biglang umapon kay Justin? Anong gagawin mo?” biglang tanong ni Sister Maika. “Hindi malayong mangyari ‘yun, lalo na napakagwapo niyang bata. Mapagmahal at mabait pa.”
“Wala tayong magagawa.” kibit-balikat na saad ko, pero sa kaloob-looban ko ay para akong sinasaksak ng maraming beses. “Hindi siya pwedeng manatili dito habang-buhay.”
“Bakit hindi mo na lang sabihin sa pamilya mo na ampunin si Justin? Sigurado ako, makakapasa sila sa screening. Mayaman ang pamilya mo, di ba? Mababait naman sila, at siguradong hindi nila mamaltratuhin ang isang batang kagaya niya.”
Sa naisip ni Sister Maika ay bigla akong nabuhayan ng loob. Bakit nga ba hindi?
“Ang galing ng naisip mo na ‘yan, Sister Maika.” dahil sa suggestion nito ay bigla akong naexcite. “Tamang-tama. Araw ng pagbisita ko bukas sa family ko. Sasabihin ko ‘yan sa kanila. Sigurado matutuwa si mommy. Matagal na rin niyang gustong magkaroon ng apo.”
Si Josh na lang na nakababata kong kapatid ang pag-asa ng parents ko para magkaroon sila ng apo. Ang problema, masyado itong palikero. Siya na ngayon ang CEO ng company namin, at matagumpay nitong napapatakbo ang aming business. Yun nga lang, wala daw itong balak mag-asawa. Hindi ito naniniwala sa kasal.
Pagkaalis ni Sister Maika ay tinawag ko si Justin. “May good news ako sa’yo.” sabi ko sa kanya habang hawak-hawak ang mga kamay niya, at magkatabi kaming nakaupo sa ilalim ng punong mangga.
“Ano po ‘yun, Sister Bianca?” inosenteng tanong nito.
“Gusto mo bang ang parents ko ang umampon sa’yo?” sabi ko na maluwang pagkakangiti, ngunit bigla akong napaseryoso nang tumamlay ang ekpresiyon ng mukha ni Justin. “Bakit? Ayaw mo ba?”
“Hindi na tayo magkikita kapag dun na ako titira sa inyo.” malungkot na saad nito. “Malulungkot ako.”
“Of course, magkikita pa rin tayo. Palagi kitang papasyalan doon.” pagbibigay assurance ko dito. “Gusto mo ba na iba ang umampon sa’yo, eh di mas lalong hindi na tayo magkikita.”
Umiling ito. “Ayokong magpaampon sa iba, Sister. Gusto ko, sa inyo lang ako. Gusto ko ikaw lang palagi ang kasama ko.” sabi nito sabay yakap ng mahigpit sa akin.
Kinabukasan nga ay nagpaalam ako kay Sister Veronica na dadalaw ako sa bahay, at pinayagan naman agad ako dahil nakaschedule talaga ako sa araw na iyon. Hindi ko muna sinabi dito ang balak kong pag-ampon kay Justin. Pagbalik na lamang siguro kapag nakausap ko na sina mommy at daddy.
“That’s a great idea!” tuwang-tuwang saad ni mommy nang sabihin ko sa kanya ang balak ko. “Sa wakas magkakaroon na rin ng bata dito sa bahay. Makakarinig na ulit ako ng mga matitinis at masasayang tawa ng isang bata. Hays, I miss the old days.”
“Thank you, mommy!” niyakap ko siya ng mahigpit. “Sigurado, matutuwa nito si Justin!”
Noong hapon ding iyon ay bumalik na ako sa kumbento, pero kasama ko na sina mommy at daddy, pero nasa bungad pa lamang kami ng office ni Sister Veronica ay sinalubong na ako ng umiiyak na si Sister Rita.
“Sister Bianca!” nanginginig ang boses na sabi nito. “Si Justin!”
“Bakit po, Sister? Anong nangyari kay Justin?” nag-aalalang tanong ko, at hindi ko namalayan na nanginginig na pala ang buong katawan ko.
Wala pang isang araw akong nawala, at heto mukhang may nangyari nang masama sa anak ko.
“May nag-ampon na kay Justin.” sagot ni Sister Rita na medyo kalmado na ang boses.
“Ano? Sino? Bakit biglaan naman yata?” naiiyak ko na ring saad. Hindi pwede ito! Hindi pwedeng mawalay sa akin ang anak ko!
“Si Mr. Vaughn Avery ang umampon sa kanya.” ani Sister Rita, at muling itong napahagulgol. Napamahal na din kasi dito si Justin, at parang apo kung ituring niya ito.
Si Mr. Avery?
Hindi ko pa ito nakikita, pero sa pagkakaalam ko ay siya ang pinakamalaking magdonate sa aming simbahan dahil isa itong bilyonaryo.
Paano ko ngayon mababawi sa kanya ang anak ko?
-Norman-I was deep in sleep when the shrill ring of my phone cut through the silence. With my eyes still closed, I groped for it on the nightstand and answered the call without even checking who the caller was.“Hello?” “Hello.” sagot ng isang babae na nasa kabilang linya, at kumunot ang noo ko bago tignan ang number ng tumawag.Savanna. I smiled when I remembered getting her number from Vaughn. Pagkatapos ng trabaho ko sa kanya, and finally nahuli na rin namin si Julio Santos, hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinuha ang number niya sa pinsan ko.At first, ayaw ibigay sa akin ni Vaughn, pero kinonsensiya ko siya. “After everything I’ve done for you, isang pabor lang hindi mo pa ako mapagbigyan?”“Ah ganon? Sumbatan na pala tayo ngayon?” napapailing na sagot niya, pero natatawa naman siya. “Tinamaan ka kay Savanna, ano? Pero wait, nagsorry na ba siya sa’yo?”Umiling ako. “Hindi pa nga eh. Mukhang mataas ang pride ng pinsan mo na ‘yun. Hayaan mo at puputulin ko ang sungay niya.
-Savanna-Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng pagtili ni Valerie habang papasok siya sa loob ng bahay. “Savanna! Nandito ka na kaagad? Umalis ka ba o hindi?” pagkuway napatingin siya sa sahig. “Bakit ka nagwawalis? Marunong ka ba niyan?” agad na inagaw niya sa akin ang walis na hawak ko. “Bisita ka dito, ano ka ba!”Well, hindi na ako bisita ngayon dahil mukhang matatagalan pa ang pag-istay ko dito sa bahay niya. Wala na rin akong balak lumipat ng tutuluyan dahil sa dami ng koneksiyon ng daddy ko. Malamang busy na ‘yun sa pagpapahanap sa akin.Nanlalambot na napaupo ako sa sofa. Kanina pa nga ako nagwawalis, pero hindi ko alam kung bakit hindi maubos-ubos ang dumi. I was just trying to stop myself from getting so bored. “Wala ka bang vacuum?” tanong ko sa kanya, at nakataas ang kilay na tinignan niya ako pailalim. “Sorry.” natatawang sagot ko.Wala kasi akong magawa dito sa bahay niya kung hindi manood ng tv, magscroll sa phone, manood ng tiktok. Wala naman akong ganang magtrabaho
-Savanna-I quickly dialed the private investigator’s number, pero hindi siya sumasagot. Naiinis na pinukpok ko ang steering wheel ng kamay ko, bago ko idinial ang number naman ng lawyer ko.“Selena, what the fuck is happening?” galit na sigaw ko sa kanya pagkasagot ng tawag ko. “The address you gave me doesn’t even exist! Did that damn private investigator scam me?!”“I don’t know. I’m sorry, but I really had no idea. You know that he’s the best in town that’s why I recommended him to you.” Selena’s voice trembled. “Did you call him already?”“He’s not picking up his phone!” I snapped, my voice rising as fury surged through me. Nakakuyom ang isang palad ko at gusto kong manakit ng tao.“Wait, I’m gonna call him.” at bigla itong nawala sa linya.Naiiyak na napasandal ako sa upuan. Bakit ba ang malas-malas ng pagpunta ko dito? Lahat na lang puro purnada. Lahat na lang puro na lang change plans.I took a deep breath and tried to calm myself. Ayokong bumalik ng Paris ng walang nangyaring
-Savanna-“Naku, huwag!” mariing pagtanggi ni Valerie sa suggestion kong tulungan siya sa pagtatayo ng business. “Ayokong humingi ng tulong sa ibang tao. Hindi nga ako humingi kina mommy at daddy eh, tapos ikaw na hindi ko naman kadugo, tutulungan ako para magkabusiness? No way. Ayoko.”“So, ibang tao ang tingin mo sa akin?” ako naman ang nagdrama at kunwari ay nagtampo sa kanya. “Hindi tayo magkadugo, but we’re like sisters. Mas higit pa sa magkadugo ang turingan natin kahit matagal tayong hindi nagkita.”“Uy, huwag ka nang magtampo diyan. Kahit anong sabihin mo, hinding-hindi ako papayag.” sabi niya at dinampot na ang shoulder bag sa ibabaw ng sofa. “Aalis na ako baka ma-late pa ako. Sobrang dami nang tao sa mrt kapag ganitong oras.”“Ayaw mo bang sumabay sa akin? Ihahatid na lang kita.” mabilis na inubos ko ang kape ko at tumayo na. “I’ll just take a quick shower.”“Naku, hindi na. Mas mabilis kapag nag-mrt ako.” Lumapit ito sa akin at nakipag-beso. “Ingat ka ha. Text mo ako agad k
-Savanna-“Shit!” napatakip ako ng mukha ko sa sobrang hiya sa sarili ko. Wala talaga sa loob ko na number ni Norman ang nai-dial ko. Hindi ko rin akalain na namemorize ko pala ang number niya.“Norman.” pag-uulit ni Valerie. “You have a sexy name and a sexy voice. Alam mo—”Bago pa niya maituloy ang sasabihin niya, mabilis kong inagaw ang phone at pinatay ang tawag. “Valerie, ano ba?” inis na itinago ko ito sa ilalim ng unan ko. “Bakit mo kinausap ang lalaking ‘yun?”“Bakit?” nagtatakang tanong ni Valerie. “Akala ko ba gusto mong makipag-textmate?”“Wala akong sinasabi!” sabi ko sabay higa at talikod sa kanya. “Ikaw lang ang pumilit sa akin!”“Ha? Eh bat nag-dial ka ng random number kung ayaw mo pala?” I felt her sit beside me, at kinalabit ang balikat ko. “Ang sexy ng boses ni Norman no? Kung ako sa’yo, itutuloy kong itext ‘yan. Malay mo guwapo.” kinikilig na saad niya.Guwapo talaga siya. Sabi ko sa isip-isip ko at lihim na napangiti.Hindi ko alam na nakasilip pala sa akin si Vale
-Savanna-Kinagabihan nga ay tabi kaming natulog ni Valerie sa katamtamang laki ng kama niya. And she was right. Hindi ako sanay. Feeling ko, sobrang init. Malakas naman ang buga ng electric fan niya, pero pawis na pawis pa rin ako kahit bagong ligo ako.Ayokong gumalaw sa higaan ko at baka biglang magising si Valerie. Pero mukhang hindi din pala siya makatulog. “I told you, hindi ka makakatulog nang may katabi.” natatawang sabi niya at saka humarap sa akin. “Tignan mo o, pawis na pawis ka.”“Pwede bang bumili tayo ng aircon bukas?” sabi ko sa kanya sabay balikwas ng bangon.Natawa siya ng malakas. “Ganyan din ako nung una, pero nasanay na rin ako. Wala na kasi akong choice noon kung hindi ang magtiis.”Sasagot pa sana ako nang biglang tumunog ang phone niya. Dinampot niya ito sa ibabaw ng mesang katabi niya.“Huy, nagtext si Mr. L!” excited na bumangon siya at nagtype ng reply dito. “Seven pa lang daw sa kanila ng gabi.”Napatingin ako sa relo ko. Eleven na dito ng gabi. Same sa tim