Home / Romance / I'm Crazy For You / I'm Crazy For You Chapter 186

Share

I'm Crazy For You Chapter 186

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-03-27 21:45:56

Nakahiga si Prescilla sa kanyang kama sa cabin ng Blue Ocean Cruise Ship habang mariing nakahawak sa kanyang tiyan. Ramdam niya ang paghahalo ng emosyon—galit, sakit, at pangamba.

Hindi na niya kinaya ang bigat ng nararamdaman, kaya agad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan si Luisa, ang lola ni Jal Pereno—ang tanging taong alam niyang may kontrol sa kanyang asawa.

"Hello, hija?" Sagot ng matandang babae.

Napasinghot si Prescilla bago nagsalita, pilit pinapakalma ang sarili. “Lola Luisa… hindi ko na alam ang gagawin ko kay Jal.”

May ilang segundong katahimikan sa kabilang linya bago sumagot si Luisa. "Ano na naman ang ginawa ng apo ko?"

Mariing pumikit si Prescilla, pilit nilalabanan ang bumibigat na luha sa kanyang mga mata.

"Lola, hanggang ngayon… si Cherry pa rin ang iniisip ni Jal."

"Ano?" Napalakas ang boses ng matanda.

"Oo, Lola. Kahit kami na ang kasal, kahit ako na ang asawa niya, hindi niya pa rin ako kayang tingnan sa parehong paraan na tinitingnan niya si Cherry noon!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 327

    Ang mga salitang iyon mula kay Prescilla ay dumaan na parang malupit na hangin, hindi maitatanggi ang bigat at ang kabiguan na nagmumula sa puso niya. Sa kabila ng lahat ng pag-aalangan at takot na nararamdaman, itinaguyod niya ang bawat pangungusap na iyon sa harap ni Cherry. Ang mga mata ni Prescilla ay puno ng sinseridad, at ang mga labi niya ay nagbigay ng huling pagtatangka na magpakumbaba sa harap ng lahat ng sakit na naidulot ng nakaraan.“Cherry…” patuloy na sabi ni Prescilla, ang boses ay medyo nanginginig, ngunit matatag. “Patawarin mo ako. Hindi ko kayang itago pa ang lahat ng mga pagkakamali ko. Nakita ko na sa lahat ng mga nangyari, hindi ko na kayang maging bahagi ng isang laban na ako lang mag-isa. Alam kong nasaktan kita. Alam kong ikaw ang nagdusa sa lahat ng ginawa ko. Alam ko, sa lahat ng mga galit ko at hinanakit ko, hindi ko nakita kung gaano kita nasaktan. Hindi ko na kayang magpatuloy sa ganitong kasinungalingan.”Mabilis na tumingin si Cherry kay Prescilla, ang

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 326

    Makalipas ang ilang araw, nagsimula nang mag-adjust sina Jal at Prescilla sa bagong set-up nila bilang hiwalay na mag-asawa. Hindi madali ang mga unang linggo, ngunit pinilit nilang magsimula ng bagong buhay na walang sigalot, na nakatutok lamang sa anak nilang si Miguel. Bagamat magkaibang tahanan na, natutunan nilang magtulungan bilang magulang—isang hakbang patungo sa mas maayos na relasyon, kahit na sa mga pagkakataong ang puso ni Prescilla ay patuloy na naglalaban.Samantala, si Cherry, na unang hindi makapaniwala sa mga pangyayari, ay hindi pa rin lubos na nakaka-move on sa kanyang sariling mga alalahanin at nararamdaman. Inisip niya na ang sitwasyon nina Jal at Prescilla ay magiging magulo, ngunit nang dumating siya sa bahay ni Jal upang ihatid ang triplets—si Mike, Mikee, at Mikaela—napansin niyang may kakaibang pakiramdam sa lugar. Ang dating mga gamit at ang ambiance ng bahay ay tila nabago. Hindi na ito ang pamilyar na bahay ni Jal na puno ng mga alaala nila ni Prescilla bi

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 325

    Pagkalipas ng ilang linggo, nagkaroon ng desisyon ang korte tungkol sa paghahati ng kanilang mga ari-arian. Ang buong proseso ay puno ng tensyon at emosyon, ngunit sa kabila ng lahat ng ito, isang bagay ang malinaw,ang pagkatalo ng kanilang relasyon ay hindi nagtakda ng hangganan para sa kanilang pagiging magulang. Si Jal, bagamat nahulog ang lahat ng iniwasan nilang alitan, ay nagpakita ng malasakit kay Prescilla, lalo na para kay Miguel."Nais ko na mapanatili ang mga bagay na magpapagaan sa kanya, Prescilla," sabi ni Jal sa isang pag-uusap nila pagkatapos ng desisyon ng korte. "Ito na lang ang magagawa ko para kay Miguel."Hindi na kayang itago ni Prescilla ang bigat sa kanyang puso, ngunit pinili niyang magpatawad. Ang tahanan na siyang nagsilbing simbolo ng kanilang pag-ibig ay tinanggap na niya bilang isang bahagi ng bagong simula—ang bahay na siya na lang ang matitirhan kasama ang anak nilang si Miguel."Salamat, Jal," wika ni Prescilla nang matanggap ang pag-aalok niyang ibiga

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 324

    “Magiging okay din tayo, Jal. Sa huli, magiging magulang pa rin tayo ni Miguel. Siguro ito na ang tamang panahon. Hindi natin kayang itulak ang sarili natin sa isang relasyon na nasira na.” Sagot ni Prescilla, ang tinig ay malalim, ngunit puno ng pagtanggap sa kanyang mga pagkatalo.Si Jal, nang makita ang tapang ni Prescilla, ay hindi nakasagot, ngunit nagpatuloy pa rin silang maglakad. Sa huli, ang kanilang paglalakad ay nagsilbing simbolo ng bagong simula—ng bagong buhay na puno ng respeto, ngunit nawala na ang pagmamahal bilang mag-asawa. “Wala na, Jal,” ang kanyang isipan ay paulit-ulit na bumangon, sinasabi sa kanya na ang lahat ng pagsubok, ang mga saloobin at ang mga araw ng pagsisisi ay nagbunga na ng isang desisyon na hindi na maaaring bawiin. Ang pagmamahal nilang dalawa ay naglaho sa oras ng pagkatalo, ngunit ang kanilang pagiging magulang kay Miguel ay isang bagay na hindi mawawala.Si Jal, na patuloy na naglalakad sa tabi ni Prescilla, ay hindi nakapagbigay ng sagot. An

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 323

    Tahimik silang naglalakad, ang bawat hakbang nila ay parang isang daang taon ng sakit na hindi matanggal-tanggal. Si Prescilla, ang mga mata’y naglalakbay sa malalayong tanawin, ang bawat hakbang na tinatahak ay puno ng hindi makatarungang pasakit. Si Jal, sa tabi niya, ay gumagapang sa sarili niyang mundo, ang puso’y puno ng mga tanong at pagsisisi, ngunit walang lakas upang itama ang mga pagkakamali."Prescilla..." Ang boses ni Jal ay humaplos sa kanyang tainga, puno ng bigat, isang boses na hindi na kayang magtago ng takot. "Hindi ko alam kung paano tayo napunta dito. Sa lahat ng mga buwan, sa lahat ng hirap, siguro... siguro iniwasan na lang natin ito."Tumingin si Prescilla kay Jal, ang kanyang mata ay tila sumasalamin sa lahat ng paghihirap na kanilang dinaanan. "Ang alam ko, Jal," sabi niya nang mahinahon, ang tinig ay malalim at matatag, "hindi ko na kayang maging bahagi ng isang relasyon na wala nang tiwala. Hindi ko kayang itulak ang sarili ko sa isang buhay na puro away, si

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy for you Chapter 322

    Tumango si Prescilla, hindi na kayang magpaliwanag pa. Alam niyang, sa kabila ng lahat ng paghihirap na pinagdaanan nila, may mga bagay na kailangan nilang tanggapin at pakawalan.Ang pirma sa dokumento ay naging isang simbolo ng kanilang pagkatalo pero sa kabila ng lahat, isang hakbang patungo sa kalayaan. Ang huling pamamaalam.Pagkatapos nilang mag-sign ng mga dokumento, tumayo ang abogado at naglakad patungo sa kanilang harapan. Si Atty. Rivera, isang kalmado at mahinahong tao, ay tumingin sa kanila ng may malasakit. Ang mga mata niya ay naglalaman ng pag-unawa sa matinding emosyon na kanilang dinadanas, ngunit alam niyang kailangan niyang magbigay gabay sa kanila sa huling hakbang na ito.“Prescilla, Jal,” nagsimula si Atty. Rivera, ang boses ay puno ng kabigatan. “Ang annulment ay isang legal na proseso na hindi madali. Ngunit ang hakbang na ito, kahit gaano kasakit, ay may layuning makapagbigay sa inyo ng bagong pagkakataon na magpatuloy sa inyong buhay. Ipinapakita nito na, ba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status