Home / Romance / I'm Crazy For You / I'm Crazy For You Chapter 192

Share

I'm Crazy For You Chapter 192

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-03-28 19:01:41

Napangiti si Cherry, kahit paunti-unti nang lumalalim ang sakit na nararamdaman niya. "Ma, kinakabahan po ako. Pero mas nangingibabaw yung excitement ko. Gusto ko na silang makita."

Tumabi si Ralph sa kanila at hinaplos ang ulo ng anak. "Cherry, hindi mo kailangang alalahanin ang kahit ano. Nandito kami ni Mama mo. Huwag mong isipin na mag-isa ka sa laban na ‘to."

Bago pa siya makasagot, biglang sumakit nang husto ang kanyang tiyan. Napakapit siya nang mahigpit sa bedsheet at napapikit.

"Agh! Ma!" napasigaw siya.

Agad namang lumapit ang nurse na nakaantabay at sinuri siya. "Miss Cherry, mukhang lumalakas na po ang contractions ninyo. Tatawagin na po namin ulit si Doc para macheck kayo."

Habang tumatagal, lalong bumibigat ang pakiramdam ni Cherry. Parang may pumipiga sa loob ng kanyang tiyan, at halos hindi siya makahinga sa tindi ng sakit.

"Pa... Ma... Hindi ko alam kung kaya ko pa." Umagos ang luha sa kanyang mga mata.

"Shh, anak, kaya mo ‘to," sagot ni Gemma habang pinapahiran ang k
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 248

    Tahimik pa rin ang paligid, pero biglang gumalaw si Mikee, ang gitna sa magkakapatid. Marahang bumukas ang kanyang mga mata, bahagyang nanlalabo pa sa antok. Napansin niya ang pigil na hikbi ng kanyang ina sa tabi ng kama."Ma?"Mahinang tawag niya, halos pabulong.Nagulat si Cherry. Agad niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi at ngumiti, pilit na sinasalubong ng tapang ang anak."Gising ka na, anak? Sorry, ginising ba kita?"Mikee ay agad bumangon, walang imik na bumaba sa kama. Nilapitan niya si Cherry, saka mahigpit na niyakap ang ina mula sa likod. Maliit ang kanyang mga braso, pero ramdam ni Cherry ang tibok ng puso ng batang yumayakap sa kanya—tibok ng pagmamahal, ng koneksyon na hindi kailanman mapuputol."Ma... umiiyak ka na naman," bulong ni Mikee habang nakasubsob sa balikat ng ina."Bakit? Masama ba ulit si Papa Jal?"Hindi agad nakasagot si Cherry. Ang mga salitang gustong lumabas sa kanyang bibig ay parang nakasiksik sa lalamunan. Imbes na sagutin, hinaplos niya ang liko

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 247

    Ilang araw makalipas ang balita mula sa KorteNanginginig ang kamay ni Cherry habang hawak-hawak ang isang papel. Hindi mapakali ang dibdib niya habang binabasa ang nakasulat. Ang sulat mula sa korte.Napalunok siya ng laway. Ilang ulit na niyang iniiwasan ang sandaling ito. Pero ngayon, heto na. Totoo na."Ito na talaga..." mahina niyang sambit, habang unti-unting bumabagsak ang luha sa kanyang pisngi. "Ito na 'yung kinatatakutan ko. ‘Di na ito panaginip. Hindi na ito basta takot lang. Totoo na ‘to."Pinagmasdan niya ang papel. Ramdam niyang nanginginig ang kanyang dibdib. Parang sasabog ang puso niya sa kaba."Paano kung manalo siya? Paano kung sabihin ng korte na may karapatan siya? Paano kung mawala sa akin ang mga anak ko? Diyos ko..."Sa di kalayuan, may maliliit na yabag na papalapit. Si Mikee. Bitbit ang kanyang paboritong laruang kotse."Ma? Okay ka lang ba?"Mabilis na pinunasan ni Cherry ang kanyang mga luha. Pilit siyang ngumiti."Oo, anak. Okay lang si Mama. Huwag kang ma

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 246

    Tahimik ngunit matindi ang tensyon sa loob ng opisina ni Atty. Mario Guzman, isa sa pinakarespetadong family lawyers sa buong lungsod. Mabigat ang bawat segundo. Sa isang banda ng lamesa, nakaupo si Jal Pereno, tila uhaw sa kasagutan. Nasa kanyang kamay ang isang brown envelope na may lamang mga kopya ng birth certificate nina Mike, Mikee, at Mikaela. Paulit-ulit niyang pinipisil ang gilid ng sobre, waring pinipigil ang init na namumuo sa dibdib.Hindi siya mapakali. Sa loob ng maraming buwan, tinahak niya ang daan ng pagdududa at pangungulila. Ngunit ngayon, desidido siyang harapin ang katotohanan. Tumitig siya kay Atty. Guzman, tahimik ngunit puno ng paninindigan ang kanyang mga mata.“Gusto ko pong magsampa ng formal petition para sa DNA test,” aniya sa mababang tinig. “Gusto kong malaman ang katotohanan. Karapatan ko ‘yon bilang posibleng ama.”Hindi agad sumagot ang abogado. Tiningnan muna nito ang laman ng sobre, saka ibinalik sa mesa ang mga dokumento. Tila iniisip niya kung pa

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 245

    Mainit at masikip ang lobby ng Saint Martin Hospital. Maaga pa lang ay dagsa na ang mga pasyente—may naka-wheelchair, may may bitbit na oxygen, may umiiyak na sanggol. Halos mawalan ng pasensiya si Prescilla sa kahihintay sa pila."Kunin mo na ang reseta ng vitamins ni Miguel sa pedia, Jal. Antok na ‘tong anak mo," reklamo niya, habang kinakalong si Miguel na nahihimbing sa kanyang dibdib.Tahimik lang si Jal. Kanina pa siya balisa. Hindi dahil sa ospital. Hindi rin dahil sa init. Kundi dahil sa bigat ng mga tanong na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makuha ang kasagutan.Habang paakyat siya sa ikalawang palapag para kunin ang reseta, may narinig siyang pamilyar na tinig.“Mike, huwag kang tumakbo! Mikee, hawak-hawak kay Mikaela!”Parang may sumabog na kulog sa loob ng dibdib ni Jal.Dahan-dahan siyang lumingon.At nakita niya sila.Tatlong maliliit na bata — magkakamukha. Lahat may alon-alon na buhok, pare-parehong may singkit na mata na may bahid ng pagka-Pilipino’t banyaga. Lah

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 244

    Tahimik ang gabi. Ang liwanag mula sa poste ng kalsada ay nagtatapon ng mahahabang anino sa sementadong daan. Maingat na huminto ang SUV ni Jal sa harap ng gate ng bahay nila. Agad bumukas ang pintuan, at bumaba siya, hawak ang folder na kanina pa niya tinititigan sa loob ng sasakyan. Sa likod ay bumaba rin si Madam Luisa, tikom ang labi, seryoso ang mukha.Sa tapat ng gate, nakaabang si Prescilla. Nasa braso niya si Miguel, mahimbing ang pagkakayakap ng bata sa leeg ng ina. Ngunit ang tingin ni Prescilla ay hindi sa anak, kundi kay Jal — diretso, malamig, may halong takot at galit.“Saan kayo galing?” tanong ni Prescilla, mariin ang tinig. Hindi ito tanong ng simpleng asawa na nag-aalala. Ito ay tanong ng pusong nagdududa.Hindi agad nakasagot si Jal. Tila ba tinablan siya ng lamig ng gabi at ng tanong. Napatingin siya sa lola niya, hinahanap ang lakas na wala sa kanya.“May kailangan lang akong kunin,” sagot niya, mahina. “Mga... papeles.”“Papeles?” Umangat ang isang kilay ni Presc

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 243

    Tahimik ang paligid, maliban sa mahinang ugong ng makina. Sa dashboard ng SUV, nakapatay ang ilaw. Si Jal, nasa driver's seat, nakatingin lang sa gate ng isang simpleng bahay.Bahay ni Cherry Jones.Hawak niya ang kanyang cellphone, bukas sa camera app. Ngunit hindi niya maipilit ang sarili na pindutin ang record button.Ano ba'ng ginagawa ko rito?Pero alam niyang huli na para umatras. Mula pa lang nang makita niya si Cherry at ang triplets sa grocery kanina, parang may tinik na tumusok sa kanyang puso—at hindi iyon basta-basta aalisin ng pangungumbinse o paglimot.Ang hugis ng mga mata ni Mike. Ang tono ng boses ni Mikee. Ang kakulitan ni Mikaela. Lahat iyon, parang may echo ng sarili niyang pagkatao.Hindi ako mapakali hangga't walang linaw.Sa loob ng kanyang dibdib, dalawang boses ang nagtutunggali. Ang isa, sumisigaw ng "Magtanong ka na, humarap ka na sa katotohanan!" Ang isa pa, bulong na nanginginig, "Paano kung totoo nga? Paano kung ikaw ang ama?"Dumukot siya ng maliit na no

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status