Home / Romance / I'm Crazy For You / I'm Crazy For You Chapter 65

Share

I'm Crazy For You Chapter 65

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-01-24 19:02:58

Sa gabing iyon, hindi makatulog si Cherry. Nakahiga siya sa kanyang kama, nakatitig sa kisame habang paulit-ulit niyang iniisip ang sinabi ni Marites. "Sino ang pipiliin mong ipaglaban?" Ang tanong na iyon ay umalingawngaw sa kanyang isipan, parang sirang plakang ayaw tumigil. Pinilit niyang pigilin ang emosyon, pero tila pinipiga ang kanyang puso sa bigat ng lahat. Hindi niya alam kung paano haharapin ang sitwasyon. Ang dami niyang tanong sa sarili, pero wala siyang makuhang sagot.

Napabuntong-hininga siya, bumangon, at naupo sa gilid ng kama. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tumingin sa inbox ng mga mensahe ni David. Halos puro, "Sorry, busy ako," "Mamaya na tayo mag-usap," "Good night, mahal." Hindi niya maiwasang ma-frustrate. Kahit gusto niyang unawain ang sitwasyon ni David, naroon pa rin ang kirot ng kawalan ng koneksyon nila. Parang unti-unti siyang nawawala sa buhay ng taong mahal niya. Ang dating masigla at puno ng pagmamahalan nilang relasyon ay tila napalitan ng malami
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 251

    Sa loob ng sasakyan ni Atty. Salazar, tahimik lang si Cherry. Nakatingin siya sa labas ng bintana habang dahan-dahang dumadausdos ang luha sa kanyang pisngi. Malamig ang hangin, pero mas malamig ang bigat na nakapatong sa kanyang dibdib.Hindi niya inasahang makakayanan niya ‘yong korte. Hindi niya akalaing kaya niyang tumayo at magsalita nang ganun kahaba, kahit nanginginig ang tuhod niya. Pero heto siya ngayon, buhay pa rin, kahit parang pagod na pagod na ang puso niya.Tahimik lang si Atty. Salazar habang nagmamaneho. Alam niyang kailangan ni Cherry ng katahimikan. Pero hindi niya rin matiis na hindi magsalita nang marahan."Ang tapang mo kanina," sabi niya, hindi nakatingin. “Hindi ko akalaing ganun mo ilalaban ang sarili mo. Ang mga anak mo.”Napabuntong-hininga si Cherry. Nanginginig ang labi niya habang nagsasalita.“Hindi naman po ako matapang talaga,” sabi niya. “Takot na takot ako kanina. Pero tuwing naiisip kong baka kunin nila sa’kin ang mga anak ko… parang hindi ko kaya.

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 250

    Maagang dumating si Cherry sa Hall of Justice, kasama si Atty. Salazar. Suot niya ang pinakapormal na damit na kaya niyang maisuot. Lumang blusa. Itim na palda. At sapatos na may gasgas na ang takong.Hawak niya ang envelope na may lamang litrato ng kanyang mga anak, birth certificates, medical records, at ang sulat ni Mikee na may nakasulat na:“I love you Mama. You’re my sunshine.”Nanginginig ang kamay niya pero pinipigilan niyang madama ang takot. Hindi ngayon. Hindi sa araw na ito.Sa loob ng courtroomTahimik. Seryoso. Naroon ang korte, si Judge, ang dalawang abogado, at sa gilid—si Jal. Malinis ang gupit. Nakasuot ng mamahaling barong. Katabi ang abogado niyang si Atty. Guzman, kalmado at may kumpiyansa.Nagtagpo ang mga mata nila.Si Cherry, luhaan ang paningin. Si Jal, malamig. Walang bakas ng pagkahabag o alinlangan. Para bang nakikita lang niya ang isang estrangherang babae. Hindi ang ina ng kanyang mga anak.“Case number 7845. Custody Petition filed by Mr. Jal Pereno,” anu

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 249

    Hawak ni Cherry ang mga birth certificate ng anak, ilang larawan nila na magkakasama, at isang sulat mula kay Mikee na may malaking titik: "I love you, Mama." Payat na ang kanyang mukha, maputla, at kita sa mata ang puyat at pagod.Lumapit ang staff."Ma’am, kayo na po. Sa loob. Si Atty. Salazar ang naka-assign sa inyo.""Salamat," mahinang sagot ni Cherry habang pumasok sa maliit na opisina.Sa loob, bumungad sa kanya ang batang abogado. Bago pa, pero matalim ang mata, buo ang kumpiyansa."Good morning, Ma’am Cherry. Ako po si Atty. Salazar. Sabihin n’yo lang po ang buong sitwasyon. Labanan natin ’to nang maayos."Umiiyak si Cherry habang inilalabas ang mga papel."Atty... gusto po akong agawan ng mga anak ko. Apat na taong gulang pa lang po sila. Wala pa silang alam sa mundo. Bigla na lang po silang pinuntahan kahapon. Umiiyak... takot na takot. Hindi ko po alam ang gagawin.""Sino pong abogado ng kabilang panig?""Atty. Guzman."Nagkatinginan sila. Tumango si Atty. Salazar, tila ma

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 248

    Tahimik pa rin ang paligid, pero biglang gumalaw si Mikee, ang gitna sa magkakapatid. Marahang bumukas ang kanyang mga mata, bahagyang nanlalabo pa sa antok. Napansin niya ang pigil na hikbi ng kanyang ina sa tabi ng kama."Ma?"Mahinang tawag niya, halos pabulong.Nagulat si Cherry. Agad niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi at ngumiti, pilit na sinasalubong ng tapang ang anak."Gising ka na, anak? Sorry, ginising ba kita?"Mikee ay agad bumangon, walang imik na bumaba sa kama. Nilapitan niya si Cherry, saka mahigpit na niyakap ang ina mula sa likod. Maliit ang kanyang mga braso, pero ramdam ni Cherry ang tibok ng puso ng batang yumayakap sa kanya—tibok ng pagmamahal, ng koneksyon na hindi kailanman mapuputol."Ma... umiiyak ka na naman," bulong ni Mikee habang nakasubsob sa balikat ng ina."Bakit? Masama ba ulit si Papa Jal?"Hindi agad nakasagot si Cherry. Ang mga salitang gustong lumabas sa kanyang bibig ay parang nakasiksik sa lalamunan. Imbes na sagutin, hinaplos niya ang liko

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 247

    Ilang araw makalipas ang balita mula sa KorteNanginginig ang kamay ni Cherry habang hawak-hawak ang isang papel. Hindi mapakali ang dibdib niya habang binabasa ang nakasulat. Ang sulat mula sa korte.Napalunok siya ng laway. Ilang ulit na niyang iniiwasan ang sandaling ito. Pero ngayon, heto na. Totoo na."Ito na talaga..." mahina niyang sambit, habang unti-unting bumabagsak ang luha sa kanyang pisngi. "Ito na 'yung kinatatakutan ko. ‘Di na ito panaginip. Hindi na ito basta takot lang. Totoo na ‘to."Pinagmasdan niya ang papel. Ramdam niyang nanginginig ang kanyang dibdib. Parang sasabog ang puso niya sa kaba."Paano kung manalo siya? Paano kung sabihin ng korte na may karapatan siya? Paano kung mawala sa akin ang mga anak ko? Diyos ko..."Sa di kalayuan, may maliliit na yabag na papalapit. Si Mikee. Bitbit ang kanyang paboritong laruang kotse."Ma? Okay ka lang ba?"Mabilis na pinunasan ni Cherry ang kanyang mga luha. Pilit siyang ngumiti."Oo, anak. Okay lang si Mama. Huwag kang ma

  • I'm Crazy For You   I'm Crazy For You Chapter 246

    Tahimik ngunit matindi ang tensyon sa loob ng opisina ni Atty. Mario Guzman, isa sa pinakarespetadong family lawyers sa buong lungsod. Mabigat ang bawat segundo. Sa isang banda ng lamesa, nakaupo si Jal Pereno, tila uhaw sa kasagutan. Nasa kanyang kamay ang isang brown envelope na may lamang mga kopya ng birth certificate nina Mike, Mikee, at Mikaela. Paulit-ulit niyang pinipisil ang gilid ng sobre, waring pinipigil ang init na namumuo sa dibdib.Hindi siya mapakali. Sa loob ng maraming buwan, tinahak niya ang daan ng pagdududa at pangungulila. Ngunit ngayon, desidido siyang harapin ang katotohanan. Tumitig siya kay Atty. Guzman, tahimik ngunit puno ng paninindigan ang kanyang mga mata.“Gusto ko pong magsampa ng formal petition para sa DNA test,” aniya sa mababang tinig. “Gusto kong malaman ang katotohanan. Karapatan ko ‘yon bilang posibleng ama.”Hindi agad sumagot ang abogado. Tiningnan muna nito ang laman ng sobre, saka ibinalik sa mesa ang mga dokumento. Tila iniisip niya kung pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status