"SIR KEVYN," sigaw ko kasabay ng pagkatatok sa pintuan ng silid niya. Gusto ko ng gumamit ng mega mic para sakaling magising na siya sa mahimbing na pagkakatulog. Ilang beses na ba akong kumatok? Napairap na lang ako sa kawalan at napabuga ng hangin."Sir Kevyn, nandito na po 'yong breakfast niyo," muli kong sabi, umaasang sa pagkakataong iyong ay magbubukas na ang pinto ngunit hindi pa rin iyon nangyari. Napapikit ako ng mariin. "Kahit kailan talaga ang lalaking 'yon, wala–""May sinasabi ka ba, Mara?"Ganoon na lang ang pagkagulat ko nang bumukas ang pinto at nagsalita si Kevyn pero hindi dahil doon kung 'di dahil sa nakikita ko ngayon sa aking harap. Naka-topless lang siya, messy hair at may butil ng mga tubig sa kaniyang katawan indikasyon na kaliligo lang nito. Kulang na lang ay maibagsak ko ang hawak kong tray dahil sa nakikita ko. Nakakatuyo ng lalamunan."Gotcha! You staring at me again, Mara," aniya. Nakahalukipkip siya habang nakatingin lang sa akin. "Akala ko ba'y walang da
PUMIKIT ako ng bahagya at kinusot ang aking mga mata. Medyo nakaramdam kasi ako ng uhaw at kailangan kong mapunan iyon. Madilim ang palaigid at sa tantiya ko'y halos alas-dose na ng hatinggabi. Bumaba ako ng kama. Sinuot ko ang tsinelas at tinungo ang pinto. Pinihit ko 'yon para buksan, saka lumabas ng silid ko kahit bahagyang madilim sa labas. Napahikab pa ako bago pumihit at naglakad patungo sa hagdan. Nang makarating ako sa kusina, madilim doon at tanging sinag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw, hindi sapat para maliwanagan ang buong bahagi ng kusina.Naglakad ako patungo sa switch ng ilaw, madilim ang bahagi iyon. Hindi pa man ako nakakarating, napahinto ako ng may mga yabag akong narinig. Utay-utay akong nakadama ng takot sa kung sino iyon. Nakiramdam ako. Mayamaya pa'y nawala ang mga yabag. Halos hindi ako makagalaw, natatakot ako. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at dahan-dahang humakbang palapit sa switch. Pero nang malapit na ako roon, narinig ko ang yapag palapit sa ak
"GOOD MORNING, Ate Mil," masigla kong bati sa kaniya nang madatnan ko siya sa kusina habang naglilinis doon.Tumigil siya sa ginagawa. "Good morning, Mara bakit parang ang sigla ng hitsura mo ngayon? Mukhang ang ganda nang gising mo, ah?" nakangiti niyang komento.Napangiti ako sa kaniya. Lumabi ako. "Hindi naman po, Ate Mil," tanggi ko. Hindi ko nga alam kung bakit pagmulat ng mga mata ko, nakaramdam ako ng sigla at pagkapayapa."Nanaginip ka ba ng maganda, Mara?" Bumaling naman ako kay Ate Clara na sinusuri ako. "Wala naman po," sabi ko."Linggo kasi bukas, Ate Clara kaya syempre excited si Mara na umuwi sa kanila," sabat naman ni Andrea na nasa tabi ni Ate Clara, may hawak na bimpo.Biglang lalong nabuhay ang sistema ko sa narinig ko. Sa totoo lang kasi, hindi ko alam na linggo na bukas. "Linggo na ba bukas?" hindi makapaniwalang tanong ko.Tumingin lang sila sa aking tatlo na nagtataka. Nagtinginan pa ang mga ito."Good morning."Nawala ang pokus namin sa isa't isa nang marinig n
DAHIL LINGGO nandito ako ngayon sa bahay para umuwi katulad nang napag-usapan namin ni Donya Melissa. Katulad noong una ,si Kevyn ang naghatid sa akin patungo rito kahit parang labag naman iyon sa loob niya, marahil napilitan lang siya kasi nga utos iyon ng Donya Hindi ko na siya hinayaang pumasok pa sa bahay dahil baka hindi na siya pauwiin ni Melay."Ate naman eh, dapat pinatuloy mo na si Kevyn dito," reklamo ni Melay habang parang batang nagpapadyak. Paano kasi'y gustong-gusto niyang papasukin ko si Kevyn sa loob ng bahay, para daw makausap man lang niya."Melay, para kang sira. Nakakahiya do'n sa tao, naabala ko pa nga siya kasi hindi naman siya obligadong ihatid ako," paliwanag ko at bumaling kay Mama at Papa na nakatayo sa likod ko."Ma, Pa, nababaliw na 'tong anak n'yo. Parang sira!" sumbong ko sa kanila at muling bumaling kay Melay na busangot na busangot ang mukha."Melay, tama na 'yang kadramahan mong 'yan," saway ni Mama at pinanliitan ng mata si Melay."Tsaka, baka busy '
KATULAD ng usapan, lunes ng umaga ay agad akong sinundo pero hindi ko naman inasahang si Kevyn ang susundo sa akin. Nakakapagtaka pero malamang, utos iyon ng Donya.Tahimik akong bumaba sa kotse niya ng marating namin ang mansyon. Nakakarindi na nga ang katahimikan naming dalawa, simula pa ng sunduin niya ako. Ayaw niyang magsalita kaya hindi rin ako nagsalita dahil alam kong hindi naman niya gustong makipag-usap sa akin.Iniwan ko na siya at naglakad na ako papasok ng mansyon. Tutal, magpaparada pa naman siya ng kotse niya, saka hindi naman kami ok para hintayin ko pa siya.Pagbukas ng main door ay tumambad sa akin si Donya Melissa. Ang lawak nang ngiti nito habang nakatingin sa akin."Hello po, Donya Melissa, kumusta po?" agad kong bati at ngumiti."Maigi naman at napaaga ka ata ngayon o baka si Kevyn ang napaaga ata ngayon?" May pagkapilya sa tanong na iyon nang Donya.Alangan na lang akong ngumiti at lumingon sa kinaroroonan ni Kevyn."Hindi ko rin po alam," sabi ko.Tiningnan lan
"WOW!" reaction ko nang tumambad sa akin ang farm na pag-aari ng pamilya ni Kevyn.Katulad nga ng sinabi niya, pumunta kami dito sa farm dahil gusto niya, marahil gusto niyang mamasyal dahil hindi namans siya lumaki rito. Napakaaga nga niyang nagising kanina dahil siguro, excited din siyang makita ang lugar."Ang sarap sa mata ng paligid," manghang sabi ko habang nililibot ang paningin sa kabuoan ng farm na kinaroroonan namin. Malawak ang lugar at kitang-kita doon ang hile-lilerang puno ng lansones at sa kabila ay puno naman ng mga rambutan. Nakakaaliw pagmasdan ang organisadong pagkakatanim niyon. Hitik na hitik rin sa bunga ang bawat punong nakatanim doon. Nasa ilalim ng mga puno ang maramimg trabahador ng mga Bautista at marahil isa doon ang Papa ko at si Oscar."Ngayon na lang ulit ako nakapunta dito sa farm." Lumingon ako kay Kevyn, seryoso lang nitong pinagmamasdan ang malawak na lugar. I was thirteen when the last time na makatapak ako dito at ngayon na lang ulit naulit iyon."
"OH, Sir, nandito pala kayo? Ang aga n'yo atang magising?" bungad ko kay Kevyn nang dumating siya sa kusina na halatang kagigising lang.Seryoso niya lang akong tiningnan at umiwas ng tingin. "Maagang nagmulat ang mata ko, eh, kaya napaaga ako ng gising."Alangan akong ngumiti sa kaniya at umiwas ng tingin. "Sir, s-sorry po wala pang breakfast. Wala pa po kasing stock na pagkain sa ref., eh! Namamalengke pa lang po sila Ate Mil," pagtatapat ko na kinakabahan dahil baka magalit siya."Okay lang 'di naman ako nagugutom." Tatalikod na sana siya para tumungo sa refrigerator pero pumihit ulit siya paharap sa akin. "Hindi ba't sabi ko, 'wag mo na akong i-po!"Napaangat ako ng tingin kay Kevyn ulo. Biglang pumostora ang alangang ngiti sa labi ko nang maalala ko ang sinabi niya no'ng nasa farm kami."Sorry po—" natutup ko ang bibig ko dahil sa muling pagbigkas ko ng 'po'."Nakakadalawa ka na Mara," sabi niya at pumostorang nag-iisip. "Dahil sinuway mo ako..." mas lalo akong kinabahan sa pwede
KEVYN'S POV"BRO, kamusta? Ilang araw ka ring 'di nagpakita ah," bungad ni Jerick— Isa sa mga naging kaibigan ko rito sa Poblacion. Anak siya ni Patty Louis, ang mayor nang lugar na ito. Nagkakilala kami sa isang maliit na bar na nasa bayan ng Poblacion.Umupo ako sa sofa na katapat niya at bahagyang ngumiti. Ipinatong ko ang dalawang siko ko sa tuhod ko."Busy lang nang konti," sabi ko at sumimangot kasabay ng pagkibit-balikat ko."Kamusta na? Darating sila Ynez mamaya," sabi nito.Darating din pala si Ynez at I'm sure kasama na naman niya ang mga kaibigan niya. Masyado silang magaslaw at hindi ko sila gusto.Alam kong pinsan ni Ynez si Mara, ngunit hindi halata dahil napakalaki ng pinagkaiba nilang dalawa. Hindi ko maintindihan si Ynez, napakagaslaw niya habang si Mara, simple at hindi ito magaslaw."I'm doing great," maikling sagot ko at lumingon sa paligid. Malaki ang bahay nila Jerick, halatang lahat ng kagamitan doon ay lubhang mahal at hindi naman na nakakapagtaka iyon."Oh! Ke