Bumalik na ako sa kinauupuan ko at pagod na sumandal doon. Simula ng mailipat sa kwartong ito ang kapatid ko wala akong maayos na tulog. Lagi kong binabantayan si mama at Nicole. Isa o tatlong oras na tulog lang ay sapat na sa akin. Mas pinag-papahinga ko kasi si mama. Baka sa sobrang pag-aalala at puyat magkasakit na rin. Nakatulala ako sa kapatid ko ng biglang bumukas ang pinto. Napaayos ako ng upo at binalingan kung sino iyon. Isang ngiti ang pumaskil sa aking labi ng makita si Gia. Sa tatlong araw na nakalipas ngayon ko lang siya ulit nakita. Kasama niya si Sir Giovanni na may dala-dalang paper bag. Patakbong lumapit sa akin si Gia at dinamba ako ng yakap. “I miss you, ate Natasha." Mahina niyang sabi habang mahigpit akong niyakap. Napangiti ako bago din siya niyakap pabalik. Namiss ko rin ang batang ito. “Kamusta? Hindi ka naman nagpasaway kay Lolo J?" Tanong ko ng makalayo siya sa yakap namin. “Nope! I'm a good girl, Ate. Nag-self study lang ako sa tatl
DALAWANG LINGGO na ang lumipas ang bilis lang ng panahon at balik na ulit kami sa kanya kanya naming trabaho. Si Nicole ay magaling na ng lubusan. Sa dalawang araw na pag-iistay namin sa hospital wala naman ng naging problema, Naging normal naman ang test ng doctor kay Nicole kaya nakalabas din agad siya at sa bahay na lang nag-pagaling. Sobra sobra ang pasasalamat ko kay Lolo J dahil sa kanilang tulong sa amin. Hindi nila kami pinabayaan kahit nakauwi na kami. May nurse pa nga ito na pinapunta sa bahay para lang tignan ang kalagayan ni Nicole. Araw araw din may supply ng gamot at prutas para sa kapatid ko. Hindi ko tuloy alam kung paano ako makakabawi at bayad sa lahat ng tulong nila para sa amin. Ngayon ay nandito kami sa gazebo kasama ko si Gia at Nicole. Nakangiting nakamasid lang ako sa kanila sa isang gilid habang sila ay nandoon sa center table busy sa coloring book na binili ni Gia. Simula ng ipakilala ko silang dalawa sa isa't isa ay sobrang close na nila. Hindi
NAKAHINGA ako ng maluwag ng makitang wala na si Giovanni sa Gazebo. Naiwan na lang doon sina Nicole at Gia na busy na sa pagkukulay. Wala na rin ang mga pinag-kainan namin. “Ate pinakuha na pala ni Kuya Giovanni sa ibang katulong ‘yung pinagkainan. Sabi pala niya mamaya daw i-akyat na lang sa kwarto niya ‘yung dinner niya. Magiging busy daw siya kaya hindi siya makakababa para sa hapunan.” Bungad na sambit ni Nicole sa akin. Napatango naman ako bago naupo. Buti na lang naisipan umalis ng boss ko kung nagkataon hindi ko alam anong mukha ang maihaharap ko sa kanya. Isang oras pa ang tinagal namin sa Gazebo bago nagyaya pumasok sa loob ng mansyon si Gia. Pinaliguan ko siya at sinabihan na matulog muna dahil oras na ng tulog nila ng hapon. Bumalik naman si Nicole na bagong ligo na rin. Sabay silang natutulog kapag hapon ng alaga ko. Pinatuyo ko muna ang mga buhok nila bago sila parehas pinahiga. Nakakatuwa lang makita na hindi maarte si Gia. Simula ng gumaling ang kapa
PAGKARATING sa Silvestre Empire manghang mangha ako habang nakasunod sa boss ko na seryoso lang. Binabati siya ng mga nakakasalubong namin na empleyado pero ang loko hindi man lang tanguan o batiin pabalik. Napaka talaga porket boss. Nakarating kami sa 10th floor kung saan daw ang team nung Adam. Pagpasok namin dali-daling nag-sitayuan ang mga tao doon at agad binati si Giovanni. “G-goodmorning, Sir!" Halata sa boses at itsura ng mga ito ang kaba. Naiintindihan ko sila, alam nilang galit ang boss nila kaya ganito na lang ang takot ng mga ito. “Tsk, may nahanap ba kayo?" Tanong ni Giovanni. Hala, hindi niya sinabi na may nakuha na siyang papalit don sa photographer na kinuha nila? Luh? “A-ah S-sir about that, meron na po kaming nakuha pero mamayang 1pm pa siya available. Sigurado po kaming maganda na ang magiging kuha n—” “No need, cancel that. Meron na akong nakuha. Kung hihintayin natin ‘yang sinasabi niyo, aabutin tayo ng gabi..Tsk. Prepare the props and the DSLR c
“E, anong gusto mo? Tawagin kita sa harap ng mga empleyado mo ng Giovanni? Isa pa boss kita. Sa mansyon pwede pa kita tawagin sa pangalan mo dahil ‘yun ang gusto mo. Pero kapag nasa labas at lalo na dito sa kompanya niyo. Tatawagin kitang Sir. Baka ano pang sabihin ng mga empleyado mo kapag narinig nilang tinawag kita sa first name mo. Iba kapag nasa labas na, ibang usapan na iyon." Mahaba kong paliwanag sa kanya, Totoo naman. Ano na lang sasabihin ng mga empleyado niya kung tinawag ko siya sa pangalan niya. “Tsk, I don't care what they say. I'm the one you follow because I'm your boss. So, when I tell you to call me Giovanni, do it.” Napasimangot naman ako sa kanyang tinuran. Bossy na naman siya ah! Maisipan din talaga ng lalaking ‘to e. Akma pa sana akong magsasalita ng bumukas na ang elevator at dere-deretsong pumasok ang damuho kong boss. Napailing na lang ako bago sumunod dito. “Anyway, Natasha sasama ka ulit sa akin bukas dito sa kompanya." Napalingon naman
Alas otso ng gabi ng makauwi kami ni Giovanni sa mansyon. Saktong hindi pa pala kumakain ang lahat kaya pinag-salu-saluhan namin ang binili ng boss ko na Jabee. Pinatawag rin ni Lolo J si mama para sabay-sabay daw kami kumain. Natutuwa daw siya dahil masaya ang dati nilang hapag kainan. Mas masarap daw kumain ng marami at sabay sabay. Matapos ang masayang hapunan, Ginawa ko naman ang trabaho ko. Nilinisan ko si Gia, pina-inom ng vitamins at pinatulog. Tapos umuwi na ako sa bahay para gawin ang natira ko pang i-eedit na picture. Kailangan ko itong matapos ngayon gabi. Bandang Eleven ng matapos ako sa pag-eedit, Sinave ko iyon sa laptop tapos hinanda ko naman ang isusuot para bukas. Pinili ko ang isang casual dress na papatungan ko ng blazer tapos 2 inches heels. Lahat ng ito ay si Giovanni ang pumili. Nang ok na ay doon na ako nag pasya na mahiga, kanina ko pa talaga nararamdaman ang antok at pagod.. **** KINABUKASAN Abo't langit ang kabang nararamdaman ko habang na
PARANG dinaanan ng isang anghel ang apa't na sulok ng conference room. Napayuko na lamang ako dahil sa kabang nararamdaman. Bakit pa kasi sinabi ni Giovanni ‘yon? Kakainis naman kasi ‘tong lalaki na ito ‘e. Wala naman kasi akong experience sa pagiging isang photographer. Hobby ko nga lang. Naawa lang ako sa mga taong pinag-bantaan niya na mawawalan ng trabaho kapag hindi nakahanap ng photographer. Nag-magandang loob lang naman ako. “Why are you all so quite? Dissapointed because you found out that she is not a professional? Why? Is this your basis for a good photographer? O, well. Hindi ko naman kayo masisisi kung gano’n but let me remind you. Many people have talent that is not seen or noticed because others prefer those with a degree but sometimes people without a degree are the best and good. Why don’t we try people like Ms. Garcia? Not a professional but has a great talent equal to a professional. Don’t underestimate people like them. Minsan bigyan din natin sila ng
GIOVANNI's pov NANG makarating sa warehouse agad kong pinarada ang kotse sa madilim na bahagi nito. Kinuha ko sa backseat ang maliit na attache case kung saan nakalagay ang itim ko maskara. Isang ngisi ang sumilay sa aking labi ng mapag-masdan ang aking maskara. “It's been a while since I wore you." Mahina ko usal bago sinuot ang maskara saka bumaba sa kotse. No one has ever seen my face in the underground. Except for my family, Kiel, and Sean. Sila lang ang natatanging nakakakilala sa akin. Sila lang din ang napagkakatiwalaan ko. I can’t show my face dahil kilala ako bilang sikat na businessman sa pilipinas at sa ibang panig ng mundo. Isang CEO na masungit, bugnutin at puro trabaho ang inaatupag. Iyon ang alam ng nakakarami pero hindi nila alam na sa likod ng sikat kong pangalan ay ang isang kinatatakutan na Mafia Boss. Kilala ako sa underground na walang puso at walang sinasanto. Pinapatay ko ang lahat ng humaharang sa akin. Isa pa maraming kalaban ang nasa pa