Habang nasa biyahe pinaliwanag ko kay mama at Nicole ang lahat. Kung bakit ko sila biglang sinundo at kung ano ang sinabi sa akin ni Don Juanito. Mangiyak ngiyak nga si mama dahil napakabuti daw ng naging amo ko. Masaya din ito dahil naka-alis na kami sa bahay ng kanyang kapatid. Matagal na talagang gusto ni mama na makaalis doon kaso ay wala kaming pera para mangupahan. Malaki ang pasasalamat ko kay Lolo J, dahil sa kanya ay makakasama ko pa rin ang mama at kapatid ko. Atleast mapapayapa ang aking isip na maayos sila at hindi kakawawain ng aking Tiya. Bilang pasasalamat sa kabutihan ni Lolo J, mag-sisipag ako sa trabaho at gagawin ang lahat ng pwede kong gawin masuklian lang lahat ng mabuting ginawa niya para sa amin ng pamilya ko. Nag-papasalamat din ako na nakilala ko siya. Dahil kay Lolo J, nagkaroon ako ng trabaho, nakaalis kami sa bahay ng Tiya ko at may matutuluyan pa sila mama. Hinding hindi ko sisirain ang binigay sa aking tiwala ni Lolo J, Mag-tatrabaho akong m
DON JUANITO's pov Hindi ako nagkamali sa pag-pili kay Natasha. Pati ang ina at kapatid nito ay may mabuting puso. Hindi gahaman sa pera at kapangyarihan. May matirhan lang sila kahit maliit, may makakain sa araw-araw at magkakasama ay kuntento na ang mga ito. Nakangiti akong bumalik sa aking swivel chair at kinuha ang baso na may lamang alak at sinimsim iyon. Isang buwan o dalawang buwan hahayaan ko muna na isipin ni Natasha na katulong talaga siya dito sa mansion, Ayokong biglain ang dalaga. Importante ay pumirma siya sa kontrata na pinapirmahan ko sa kanya kanina. Wala na siyang magagawa pa at hindi na makakaatras sa gusto kong mangyari. Nasa ganoon akong ayos ng biglang bumukas ang pinto ng aking opisina at niluwa ang aking apo na nanlilisik ang mga mata ng tumingin sa akin. Hindi ko iyon pinansin bagkus ay isang matamis na ngiti pa ang aking binungad sa kanya. “Apo! What brings you here at this hour? Do you need something?” “Stop the act old man. Your gues
“What are you doing here?” Malamig at galit na tanong niya. Napalunok naman ako. Jusko! Bakit galit siya? Inaayos ko lang naman ang kama niya at tatawagin ko lang naman siya para kumain! Saka ang aga-aga galit agad siya? Mukhang tama nga ang hula ko na pinag-lihi siya sa sama ng loob! Narinig ko ang pag-lalakad nito at ngayon ay ramdam ko na ang kanyang presensya sa aking likod. Pinakikiramdaman ko lang naman siya, Saka ayoko humarap sa kanya! Nagkakasala ang mga mata ko! “I'm asking you, woman!! Answer me!!” “Ay tangina mo!” Gulat na sambit ko ng bigla na lang siyang sumigaw. Nang mapagtanto ko ang aking sinabi ay napahawak ako sa aking bibig. Patay.. “What did you say?! You're cursing me?!” Napapikit na lang ako dahil halatang halata sa boses nito na galit na galit siya. Dahan dahan naman na akong humarap dito. Sumalubong sa akin ang nakakatakot na awra ng boss ko. Salubong na salubong ang makapal nitong kilay. “Get out!!” Muli na naman niyang sigaw. S
Third person point of view Nang mawala sa paningin ni Don Juanito ang dalagang si Natasha ay doon lang ito pumasok sa silid ng kanyang apo. Galit na nilapitan niya ito at walang sabi sabi na hinampas ng tungkod na hawak. “Ouch! What was that for? Old man!?” Angil ni Giovanni dahil masakit ang ginawang iyon ng kanyang lolo. “Wala ka na talagang respeto na bata ka! Bakit mo pinagsalitaan ng ganoon si Natasha ha!” Galit na sigaw ni Don Juanito. Gigil na gigil ito sa kanyang apo, pinipigilan lang nito ang sarili. Kanina pa ito sa labas ng kwarto ng apo, noong una ay masaya pa ito at nangingiti dahil nagkakausap ang dalawa at naririnig niya ang malakas na sigaw ni Natasha sa apo, pero biglang naglaho ang ngiti niya ng marinig rin ang sigaw ng apo at ang masasakit nitong salita. Hindi akalain ni Don Juanito na ganito na pala talaga ang ugali ng kanyang apo. Hinayaan muna nito ang sarili at hindi pumasok sa kwarto. Ayaw ng matanda na marinig ng dalaga ang mga sasa
Samantalang si Giovanni naman ay abala pa rin sa kanyang pagbibihis habang iniisip ang mga sinabi ng kanyang Lolo. Susundin muna niya sa ngayon ang nais ng kanyang lolo para matahimik ito, Pero kikilos pa rin siya ng palihim para magawa ang iba niyang plano. Katulad ng pagpapabaksak sa mortal niyang kalaban na si Logan Acosta. Ang grupo nito ang laging humahadlang sa mga deliver nila ng epektos sa mga karatig probinsya. Lahat ng importanteng operasyon nila ay pumapalpak dahil sa Dragon Bloods Mafia Organization na pinamumunuan ni Logan Acosta. Kailangan niyang kumilos para hindi na maulit ang ginawa nitong pang-aagaw at paninira sa mga delivery nila. Pati ang mga negosyanteng bibili at makikisosyo sana sa kanila ay pinatay ng hayop na lalaki para wala silang mapakinabangan. Ang iba naman ay inagaw nito para mas lumakas ang grupo nila. Malaki na rin ang nawawala sa kanilang pera dahil sa pananabonatahe nito. Hindi makakapayag si Giovanni na may pumalit sa pwesto niya s
NATASHA'S POV Pag-karating ko sa mansyon sinalubong ako ni Kuya Larry. Kitang-kita sa mukha nito ang pag-aalala. Nagtataka naman ako dahil pati ang mga guards na nasa labas ay tila nag-aalala din. Para silang natanggalan ng tinik sa kanilang lalamunan ng makita akong papasok sa single gate kanina. Anong nang-yayari? “Saan ka nang-galing binibining Natasha? kanina pa nag-aalala sa ‘yo si Don Juanito. Kanina ka pa niya pinapahanap.” Iyon agad ang binungad sa akin ni Kuya Larry ng makalapit siya sa akin. May kung anong guilty naman akong naramdaman mukhang napag-alala ko pa si Lolo J. “Pasensya na kayo kuya Larry, lumabas lang po ako saglit para maglakad lakad at makapag-isip isip. Nasaan po ba si Lolo J?” “Nandoon sa kanyang opisina, Puntahan mo na at kanina ka pa no‘n hinihintay.” Tumango naman ako bago mabilis na naglakad patungo sa hagdan para umakyat at pumunta sa opisina ni Lolo J. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ay bumuntong hininga muna ak
"Let's talk" Napataas naman ako ng isang kilay. “Tungkol saan?” “About earlier.” Mabilis niyang sagot. Bumuntong hininga ako. “Sige, doon na lang tayo mag-usap sa may gazebo niyo.” Ayokong marinig nila mama ang sasabihin ng boss ko, Baka ano ano na naman ang sabihin. Baka maliitin na naman kami tapos marinig nila mama at masaktan. Nako! Makakatikim talaga sa akin ang lalaking ‘to. Malakas pa naman akong manuntok at manipa. “Alright, Let's go ther—” Hindi natapos ni Giovanni ang sinasabi ng biglang sumingit si mama. “Anak, sino ba iyang kausap mo at ang ta—Ay, Sir kayo po pala. Goodafternoon po.” Nahihiyang sabi ni mama bago bahagyang yumuko. “Good Afternoon din po.” Gulat akong bumaling sa lalaki dahil sa magalang nitong pagbati sa mama ko. Tinaasan ko pa siya ng kilay. Bakit ang bait ata ng timawa na ‘to? Bigla ring naging maamo ang mukha. Parang kanina dinamay pa niya ang mama at kapatid ko sa pang-huhusga! Anong masamang hangin
NATASHA's pov KINABUKASAN maaga akong bumangon para makapag asikaso at pumunta sa mansyon. Magaan ang aking pakiramdam dahil sa nang-yari kahapon. Ang sarap din ang cake na binigay ng Boss ko. Tuwang tuwa ang bunso kong kapatid dahil ngayon lang kami nakatikim ng mamahalin na cake at sobrang sarap pa. May tira pa nga at nilagay nila mama sa Ref para may pang himagas daw sila. Nakakatuwa at ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita mong masaya ang pamilya mo. Nakaka-ganado mag-trabaho lalo. Nakangiti akong nagtungo sa mansyon at katulad kahapon naabutan ko si Lolo J sa dining area habang nagbabasa ng dyaryo. “Goodmorning Lolo J!” Masayang bati ko dito. Binaba naman nito ang hawak na dyaryo at nakangiti akong binalingan. “Goodmorning Iha, mukhang maganda ang gising mo. May nang-yari ba?” Lumawak ang ngiti ko bago lumapit kay Lolo J. “Opo, Lo. meron.” Mahina kong sabi. “Talaga, ano naman iyon, Iha? Pwede ba malaman ni Lolo?” Nakangiting tanong nito. “Lolo,