Share

Chapter 2: Outing

ACIE'S POV

Mabilis na nagdaan ang mga araw. Nakikita ko na unti-unti nang nagbabago si Querem nakikita ko iyon sa mga efforts niya. Ginagawa niya akong reyna sa piling niya.

Pero hindi mo pa rin maiaalis ang takot na kahit kailan ay hindi niya ako mamahalin.

Pati na rin ang takot na baka masaktan niya akong muli.

"Acie, honey, what's the problem? Hindi ba masarap iyong niluto ko?" tanong ni Querem sa akin

"W-wala naman Querem and the best yung luto mo masarap!" magiliw na saad ko

Sasabihin ko ba sa kanya yung tungkol sa reunion namin?

"Querem"

"Honey"

Magkapanabay naming sabi.

"You must go first"

"Mauna kana"

Magkapanabay ulit naming sabi. Natawa nalang kami sa inasal naming dalawa.

"Sasabihin ko lang sana yung about sa reunion natin sa Saturday sa Cream Stone Hotel. P-pwede ba akong p-pumunta?" nag-aalangang saad ko

"I'll go with you." Maikli ay maawtoridad na sabi niya

"Acie, after ng reunion magempake ka ng pang 3 days na damit" sambit ni Querem na labis kon ipinagtaka

Nagtaka man subalit natagpuan ko na lamang ang sarili kong mageempake, e hindi naman kami aalis ng bansa a!

"Don't bother about it were going to an outing. And were going to make a baby Querem or baby Acie!" nakangising saad  niya don sa ikalawang pangugusap

Namula ang magkabila kong pisngi't hindi sinasadyang mahampas ko ito ng pabiro.

"Why did you do that?" Cold na sabi niya

"I-im so-rry" utal na sambit ko

Bumaha ng takot at pangamba sa mga mata ko habang lumalapit ito sa gawi ko. 

Ang buong akala ko'y sasaktan ako nito subalit hinigit nito ang pulsuhan ko't dinala sa kanyang batok.

Sa umpisa'y marahan subalit habang tumatagal ay nararamdaman ko na ang isang katauhang nagkukubli sa kanyang mala anghel na katauhan.

Napapilig ang mukha ko sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng pagkakasampal niya. Halos hindi ako nakagalaw ng suntukin niya ako sa sikmura.

Muling nabalot ng takot, lungkot at paghihirap ang buo kong katawan. Takot dahil mararanasan ko na naman yung pananakit niya sa'kin. Lungkot dahil nasasaktan na naman ako. Hindi ko na alam kung may lugar pa ba ako sa puso niya.

"I wish you can love me back, Querem." Na sana kapag dumating yung panahon na marealiazed mong mahal mo ako ay mag-eeffort ka para makabawi sa mga masasakit at masasamang salitang sinabi mo sa akin.

Umiiyak ako habang ginagawa niya ang mga gusto niya sa'kin. Hindi ko na kilala yung sarili ko.

Nasaan na yung palaban na Acie?

Yung Acie na bad girl?

Yung Acie na walang kinatatakutan?

Iba talaga kapag napana ka na lahat nag-iiba. Lahat ng kinasanayan mo mapapalitan dahil naging alipin ka ng pag-ibig. Magiging sunud-sunuran ka sa lahat, pero sa huli ikaw ang lalabas na talunan.

Ni walang naririnig si Querem na kahit na ano sa paligid niya. Tila isang demonyo ang kaharap ko ngayon. Hindi siya ang kilala kong Querem na pinakasalan ko at minahal ko sa kabila ng pagturing niya sa akin bilang isang mababang uri ng babae.

Sana lang kapag dumating ang panahon na sobra na akong nasaktan ng sukdulan sana lang marealized niya ang mga ginawa niya sa akin.

Hanggang sa sumapit ang araw ng sabado at nakapag-impake na ako. Hindi ko pa rin siya pinapansin simula nung Thursday. Siguro masyado akong nasaktan sa ginawa niya.

Nung isang araw tumawag si Mom.

"Hello anak, kamusta ka? kayo ni Querem?" Sabi ni Mom na nasisiguro kong may ngiti sa labi

"I'm ok mom but were not ok." Piyok na sambit ko pabalik

"Oh, honey did you fight?" mom asked

"No mom, simpleng di pagkakaunawaan lang." Pagsisinungaling ko

"Acie anak, normal lang sa mga mag-asawa ang nag-aaway. Napagdaanan rin namin 'yan ng Dad mo. After naming makasal ay maraming beses kaming nag-aaway. Muntik pa nga kaming maghiwalay dahil sa isang brand ng teddy bear!" Natatawang pahayag nito 

"Mom, may times ba na naging cold sa'yo si dad. I mean yung may times na nasasaktan ka niya?" Tanong ko 

"Anak, hindi maiiwasan ang pag-aaway kahit na kasal na kayo. Pero naaayos rin naman namin ng Dad mo. Okay lang ba kayo ni Querem?" Sagot nito na may halong pag-aalala

Sa totoo lang naiinggit ako sa sweetness ng parents ko. Kitang kita mo sa mga mata't ngiti ng mga ito na talagang nagmamahalan sila ng totoo. Alam kong maling ihambing ko ang buhay ko ngayon sa buhay nila. Masakit, oo na hindi ko manlang magawa yung mga bagay na noon nama'y ginagawa ko ng wala pa si Querem sa buhay ko. Parang tinapon ko yung buhay ko na mayroon ako bago kami kinasal ni Querem

Umpisa palang naman alam kong wala akong puwang sa puso niya, e. Pinipilit ko lang naman ang sarili ko na maniwala sa isang pangyayaring ni sa hinagap ko'y malabong mangyari. Ang masakit na katotohanang pilit kong pinanghaawaan na balang araw makikita ko si Querem na mamahalin ako't aalagan katulad ng pinapangarap ko. Hindi ko na kilala ang sarili ko mula ng maikasal ako kay Querem. Lagi na lang akong umiiyak ng palihim, ultimo naliligo ako at bago matulog hindi mabura bura sa isip ko ang sakit, lungkot at kawalan ng pagmamahal na araw-araw kong tinitiis.

Muli akong napabalik sa kasalukuyan ng muling magsalita si Mom. Hindi ko napansin na lumandas na pala ang masaganang luha sa magkabila kong pisngi. Napatingin ako sa repleksyon ko sa isang salamin na nasa loob ng aming kwarto. Tila ka'y laki ng aking ipinayat at sa itsura ko ngayon aaminin kong para akong nadagdagan ng taon dahil sa napabayaan ko na ang sarili ko.

"Acie, baby? You still there?" Tanong ni Mom na pinilit kong tugunin sa kabila ng pagpigil ko sa mga hikbi ko

"Y-yeah, Mom I'll hang it up. Mm-may gaga-win pa ka...si a-ko, e." Tugon ko kahit na nauutal ako dahil sa mga saganang pangyayaring biglang bumalantay sa isip ko

"If you need me just call me, okay? I love you Acie. Take care always!" Nag-aalalang tugon ni Mom 

Ibinaba ko na ang tawag ng marinig ko ang huling sinabi ni Mom. Tuluyan ko nang pinakawalan ang mga impit kong hinanakit na kailan ma'y hindi niya maririnig sa akin. Dahil sa nangyaring pag-aaway namin ni Querem ay hindi na ko nakapunta sa reunion namin. Nakakahiya man ngunit itinext ko na lamang si Beatrics na may biglaang pangyayari kaya hindi ako makakapunta.

Araw ng Miyerkules ngayon at bukas ang nakatakda naming alis. Iyon, e kung matutuloy pa dahil sa away namin. Napatitig ako sa maletang nakasandal sa pader malapit sa walk in closet ni Querem. Wala sa sariling pumunta ako sa loob ng walk in closet. Hinagod ko ng kamay ang mga damit niya.

Magmula sa mga coats, longsleeves, trousers pati na mga necktie niyang maayos na nakaorganisa sa isang malaking drawer dito. Kinuha ko ang isang longsleeves niya't inilapit ko ito sa aking ilong. Naamoy ko ang pabango niya rito. Hinagkan ko ito at napangiti na lamang ako sa kawalan kasabay nito ang pagtulo ng luha sa kanan kong pisngi. Inilibot ko ang paningin ko sa buong walk in closet at napadako ang tingin ko sa isang drawer na may nakaipit na tela.

Tila basta na lamang itong isinara. Nilapitan ko ito't binuksan. Ganoon nalang ang panginginig ng mga kamay ko at ng baba ko ng makita ko kung anong laman nito.

Tumambad sa akin ang mga pictures nila ni Amie na masayang kumakain sa isang restaurant. Mayroon pang masaya silang nagsusubuan ng ice cream sa park. May mga letters din na naririto. Tila kailan lamang ang mga ito. Namanhid ang mga kamay ko samantalang biglang nanlambot ang aking mga tuhod at napaupo sa carpeted floor ng walk in closet.

Napasapo ako sa dibdib ko kung saan naroon ang puso ko. Ang sakit. Ang sakit sakit, e! Bakit ganun? Matagal na ba nila akong niloloko?

Kailan pa? Kailan ba niya marerealize na kasal na si Amie?! At sa kapatid ko pa! Alam ba 'to ni Kuya Zig? Ang sakit lang, e. Ang sakit isipin na ako yung asawa niya pero sa iba siya sumasaya!

Bumaha na ng kadiliman sa apat na sulok ng kwartong ito pero nandito pa rin ako at umiiyak habang nakabalandra sa harapan ko ang mga litratong nagpapatunay sa mga kawalanghiyaan nilang dalawa! Masakit na ang mga mata ko ng tumayo ako't lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa kusina at nagluto ng makakain. Naalala kong hindi pala ako kumain ng tanghalian kanina dahil wala akong gana. Tska may nakain ata akong hindi maganda kagabi dahil nangangasim ang tiyan ko ngayon.

Matapos kong magluto ay kumain na ako subalit kaunti lamang ito at niligpit ko na ang mga pinagkainan ko. Parang hinahalukay ang sikmura ko at baka masuka lang ako kapag pinilit ko pang ubusin ang pagkaing hinain ko. Matapos niyon ay umakyat ako sa aming kwarto upang maligo. Nakakapagod ang araw na ito. Nagbabad ako sa ilalim ng shower at muli na naman akong napaluha ng muling pumasok sa isip ko ang mga litratong nakita ko.

Nakahiga na ako sa kama at akmang matutulog na ng marinig ko ang makina ng sasakyan ni Querem. Nagpanggap akong malalim na ang tulog dahil ayokong makita ang pagmumukha niya. Maya-maya pa'y naramdaman kong lumundo ang kabilang bahagi ng kama. Dahil nakatalikod ako sa gawi ng pintuan ay hindi ko alam kung anong ginawa ni Querem. Sa wari ko'y humiga ito.

Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang bisig niyang ipinulupot niya sa baywang ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya dahil wala siyabg suot na pang-itaas na damit. Subalit di ako natinag at pinilit ang sarili kong magpahila sa antok. Nagtagumpay naman ako dahil ilang saglit pa'y hinila na ko ng antok patungo sa mundo ng mga panaginip. Habang may ngiti sa aking mga labi dahil sa maliit na bagay na inasal ni Querem.

Kinabukasan maaga akong nagising dahil medyo masama ang pakiramdam ko. Matapos kong maghilamos at magsipilyo'y bumaba na ako sa kusina upang magluto ng agahan. Nagtingin ako ng maaaring lutuin sa refrigerator. Napangiti ako ng kumpleto ang mga gagamitin kong sangkap para sa paborito naming menudo ni Querem. Isa-isa ko itong kinuha at sinimulang hiwa-hiwain. Habang hinihiwa ko ito'y hindi sinasadyang dumaplis ang kutsilyong aking ginagamit at dumiretso sa hintuturo kong nakahawak sa mga hinihiwa kong patatas.

"Aray!" Sambit ko ng may kalakasan habang dinala ko ito sa aking bibig at sinipsip ang dugo mula rito

Dahil nakatalikod ako mula sa pasukan papuntang kusina ay hindi ko napansin na pumasok si Querem at agad akong dinaluhan ng makitang nakasubo sa bibig ko ang aking hintuturo.

"Tsk, di kasi nag-iingat, e!" Masungit na sambit nito bago kinuha ang kamay ko't dinala sa lababo upang hugasan sa ilalim ng umaagos na tubig

Nakatitig lang ako sa kamay kong hawak niya at marahang sinabunan upang mapigilan ang impeksyon bago marahang pinunasan ng malinis na towel.

"Where's the first aid kit?" Seryosong saad nito sa'kin

"Nasa cr" sambit ko habang nakataas ang kamay kong may balot ng towel

Iniwan niya ko sa kusina at ilang saglit pa'y bumalik ito na dala na ang first aid kit. Pinanood ko 'tong kumuha ng kapirasong bulak at nilagyan ng betadine. Marahan niyang idinampi sa aking daliri ang bulak na may gamot. Titig na titig ako sa mukha niyang napakaseryoso sa kanyabg ginagawa. Bakit parang mas guma-gwapo pa siya kapag seryoso?

Dahil sa nakatitig lang ako sa kanya ay nagulat ako ng bigla itong magsalita

"Don't stare at me." Mababanaag ang maawtoridad na boses sa binitawan nitong salita

Napayuko ako at naginit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Natakot ako kaya napayuko ako at hindi na muling tumitig sa napakagwapo niyang mukha.

"It's done!" Saad nito at saka niligpit ang pinaggamitan

Doon lang ako natauhan na tapos na pala ang paggamot niya sa daliri ko. At hindi ko napigilang mapangiti ng makita kong may benda ito. Marahil ay may kalaliman ang aking sugat na natamo kaya nilagyan niya ng gasa. Matapos nito'y bumalik na ako sa paghihiwa ng mga sangkap. May pakanta-kanta pa ako habang nagluluto.

Noon kasi kapag nalulungkot ako ay kumakanta ako para kahit papano ay mawala ang lungkot na bumabalot sa aking pagkatao. Tapos ko nang lutuin ang menudo at nang mailagay ko na ito sa lagayan ay akmang ilalagay ko na ito sa lamesa ay kamuntikan na itong magkalat sa sahig ng makita ko si Querem na matamang nanonood sa akin. Mabuti na lang at mahigpit ko itong hawak dahil kung hindi ay masasayang lamang ito dahil magkakalat lang sa sahig ng kusina.

"K-kanina ka p-pa ba dyan?" Nahihiyang tanong ko sa kanya

"No, I'm just checking you out. Ang tagal mo magluto gutom na'ko!" Galit nitong asik bago nagmartsa papuntang dining room

Pinagkibit balikat ko na lang yun at sumunod na sa kanya at inilapag ko na ang ulam. Nagtimpla na rin ako ng kape at inilagay ko ito malapit sa kanya. Samantalang juice naman ang tinimpla ko para sa'kin. Tanging tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig sa hapagkainan. Nakakabingi kaya naman tinanong ko siya kung masarap ang niluto ko

"Querem, nagustuhan mo ba iyong menudo?" May ngiti sa aking labi habang tinatanong ko siy

Nag-angat ito ng tingin at sandaling natigilan bago sumagot "Maalat ang sarsa!" Sambit nito ng hindi nakatingin sa gawi ko

Nawala ang mga ngiti ko at bagsak ang balikat kong pinagpatuloy ang aking pagkain. Tinikman ko pang muli ang sarsa ng menudo kung maalat. Napakunot ang noo ko ng malasahan kong tama naman ang lasa nito at hindi ito maalat gaya ng sinabi ni Querem. Muli akong napalingon sa gawi niya ng makita kong sumandok pa ito ng kanin at naglagay ng ulam at dinamihan ang sarsa. Kiming napangiti na lamang ako sa aking sarili dahil sa wari ko'y ayaw lamang niyang sabihin na masarap ang aking luto.

Pinabayaan ko na lamang siya at magana kong pinagpatuloy ang aking pagkain. Nang matapos na kaming kumain ay malawak ang ngiti ko ng niligpit ko ang aming pinagkainan. Halos si Querem ang nakaubos ng mga niluto ko. Said na said ang kanin mula sa rice cooker pati na rin ang menudo. Pati 'yong naiwan pa sa kaserola'y nakakapagtakang naubos rin.Hindi na ako magtataka pa dahil dalawa lang naman kaming naririto sa bahay. Hindi man niya sabihin subalit napasaya niya ko dahil naubos niya ang hinanda ko. Agad kong hinugasan ang mga ginamit kong kasangkapan. Maayos ko itong isinalansan sa lalagyan at ng matapos ako'y naramdaman ko ang presensya ni Querem sa aking likuran. Akmang lalampasan ko siya ay bigla itong nagsalita.

"Go get yourself ready. We're be there on the rest house by 4." Sambit nito bago tinanggal ang kamay niya sa braso ko at pumunta sa living room

Hindi ko napigilan ang sarili ko at nagtatakbo ako na parang bata paakyat sa kwarto para mag-ayos.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status