ACIE'S POV
Nagising ako ng tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Bagaman medyo masakit ang katawan ko'y napangiti ako ng maalala ko ang nangyari kagabi. Naramdaman kong napakapassionate ng mga halik ni Querem. Para bang puno ito ng pagmamahal. Para akong nakalutang sa ulap ng maalala ko ang lahat.
Pagtingin ko sa kabilang bahagi ng kama ay nakita kong wala na ito roon. Tumayo ako sa kama't inayos ang comforter na magsisilbing tuwalya ko papuntang comfort room. Nang makapasok ako sa loob ng comfort room ay pumailanlang ako sa ilalim ng shower. Umagos ang malamig na tubig sa aking balat na nagdulot sa'kin ng kaunting lamig. Hindi ko mapigilang ngumiti nang maalala ko na naman sa ikalawang pagkakataon ang gabing isa sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko.
Hinding-hindi ko ito makakalimutan kahit na kailan pa man. Isa sa mga nagpatunay na ang paghihintay ng taimtim ay siyang may kapalit na mahandang bunga! Hindi ko maiwasang kumanta habang naliligo dahil sa di mapigilang sayang aking nadarama. Nang matapos kong gawin ang aking ritwal sa paliligo at agad naman akong naglagay ng kung anu-anong pampaganda. Lagi ko kasing inaalagaan ang kutis ko.
Matapos niyon ay napili kong suutin ang isang maong short na pinarisan ko ng itim na v neck shirt at isang kwintas na hugis buwan. Na niregalo naman sa'kin ng aking sweet na mommy. Habang nagsusukalay akong naglalakad pababa ng hagdan ay hindi ko napansin na mali pala ang aapakan ko kaya naman nagpagulung-gulong ako pababa ng hagdan. Akala ko'y tuluyan na'kong babagsak sa first floor ng bahay ngunit may matitigas na brasong nakayakap sa baywang ko. Nang imulat ko ng aking mga mata'y ang mga matang puno ng pag-aalala ang sumalubong sa'kin. Panandalian kong nakalimutan na ako'y nahulog sa hagdanan.
Pinangko niya ako papuntang sofa at marahang iniupo roon. Sinuri niya ang bawat bahagi ng aking katawan. Nangdumampi ang kanyang kamay sa kanang balikat ko'y napangiwi ako at napadaing.
"Ouch!" Daing ko ngunit pinapigilan ko na lamang ang sakit. Parang nabalian ako ng buto sa sakit. Marahil napuruhan ito ng husto sa pagtama ko sa bawat baitang ng hagdan.
Inililis ni Querem ang suot kong damit at bumungad ang mamula-mulang bahagi ng kanang balikat ko. Sa laki ng pagkakapula nito'y nasisiguro kong maya-maya lamang ay mamamaga na ito ng tuluyan. Muli niya itong dinampian ng kanyang kamay subalit sumigid na naman sa aking kaibuturan ang sakit. Ngumiwi ulit ako sa pangalawang pagkakataon. Matapos itong suriin ni Querem ay nagpaalam itong pupunta lamang sa kusina para kumuha ng yelo sa refrigerator.
"I'll be back soon, Acie. I just getting some ice on the fridge. Don't move a little to avoid other damages, okay?" Malambing nitong pagkakasabi na may halong otoridad bago nagtungo sa kusina
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa itinuran nito. Parang hindi kasi kapani-paniwala, e! Noong isang araw lang ibang-iba ang ikinikilos niya. Napakacold niya at wala siyang pagsidlan ng sungit! Kaya naman nakakatuwang isipin na may ganito pala siyang pag-uugali. Maalalahanin din pala ito.
Inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng first floor. Hindi ko kasi ito nagawa noong nakaraang dalawang araw dahil masyado akong naaliw sa magandang tanawin ng dagat. Napansin kong malawak pala itong first floor. May mga paintings na nakasabit sa mga dingding. May mga portraits, abstracts, scenaries at mga architecture designs.
May mga halaman din sa bawat sulok ng bahay. May mga malalaki at mayroon din namang maliliit. Napangiti pa nga ako may nakita akong bonsai sa gitna ng isang maliit na pond na katabi lang ng isang sliding door na papunta naman sa garden. Nawala ang pansin ko roon ng marinig ko ang boses ni Querem na tila frustrated.
"Damn it! Why this fridge doesn't have ice?!" Naiinis na bulyaw ni Querem at pabalibag na isinara ang pinto ng refrigerator at bumalik sa sala
"Is there any problem, Rem?" Tanong ko ng makita kong bahagyang nakakunot ang noo nito
" There's no ice in the fridge!" Masungit na saad nito bago kinuha ang susi ng sasakyan nito at lalabas na pintuan. Tumigil ito sandali at pumihit paharap sa'ki
"One more thing. Don't you ever dare to make a move nor leaving this house, understood?!" Maawtoridad nitong pahayag bago tuluyang lumabas ng bahay
Napatango nalang ako sa kawalan dahil nakalabas na ito at hindi na inintay ang sasabihin niya. Maya-maya pa'y narinig na niya ang ugong nang papalayong sasakyan at tuluyan na siyang napabuntong-hininga.
Inilibot kong muli ang aking paningin at napagawi ito sa mga photographs na nakasabit sa dingding. Napangisi ako ng makita ko ang litrato ni Querem na umiiyak dahil hinahabol ito ng pabo. Bilib din ako kay Mommy Claire at nakuhanan niya ng litrato ang isang nakakatawang pangyayari na ito.
Nang akmang magtutungo ako sa isa pang photographs na nakasabit rito'y biglang nagring ang aking telepono. Hinanap ko pa ito dahil nang kapain ko ito sa aking bulsa ay hindi ko ito natagpuan doon. Hinanap ko pa ng ilang sandali ang telepono. Natagpuan ko itong nasa ilalim ng isang vase na marahang nakataas sa lupa. Kinuha ko ito at inagot ang tawag.
"Hello?" Sambit ko habang napagiwi ako dahil natamaan ko ang aking braso
"..." Pulos hininga lamang ang naririnig ko sa kabilang linya
"Hello!" Inis kong sabi at akmang ibababa ko na ang tawag ng bigla itong magsalita na muling nagpabalik ng kabang matagal ko nang guatong kalimutan
"How are you my dear, Acie?" Malamig na sambit ng lalaki sa kabilang linya
Muling bumaha sa aking isipan ang mga alaalang pilit kong kinakalimutan. Bumalik ang nakaraang kinatatakutan ko mula ng mangyari ang araw na iyon. Ang araw kung saan mas gugustuhin ko na lamang kalimutan. Ang araw kung saan dinukot ako ni Tyler Del Rio at paulit-ulit na ginahasa.
Ang pinakamadilim na bahagi ng buhay ko kung saan mas gugustuhin ko na lamang itong mabaon ng permanente sa kailaliman ng aking isipan!
Nabitawan ko ang aking telepono at tila nanghina ang aking mga kalamnan dahil hindi ko makayanang tumayo. Patalikod akong umatras sa aking telepono na patuloy lamang ang tawag. Nagunahan sa pagtulo ang mga luha sa aking mga mata. Kasabay ang panginginig ng magkabila kong kamay. Napasiksik ako sa pagitan ng dalawang sofa.
Tamang-tama lamang ang espasyo nito upang mapagkasya ko ang sarili ko. Siniksik ko ang sarili ko doon at pilit kong niyakap ang sarili ko at humagulgol ako na akala mo'y wala ng bukas. Bakit ngayon pa siya bumalik kung kailan masaya na ako at nakalimutan ko na ang nangyari 15 taon na ang nakakaraan! Bakit bumalik ka pa, Tyler? Kung kailan naman nakalimutan ko na ang ginawa mo at nasa proseso na ko ng pagpapatawad! Bakit kailangan mo uling guluhin ang buhay ko?
Sa patuloy na agos ng masasaganang luha galing sa magkabila kong mata'y nawala sa loob kong dumating na pala si Querem bitbit ang isang bag ng yelo pati na bimpo. Nang mapansin nitong wala ako sa sofa ay nilibot nito ang kanyang paningin hanggang sa marinig niya ang iyak ko. Agad naman akong dinaluhan nito ng makitang nakasiksik ako sa sofa. Hinawi niya ito at bigla na lamang akong hinigit patungo sa kanyang mainit na mga bisig. Hinawi nito ang hibla ng aking buhok na nakatabing sa aking mukha ng makita niya ng ayos ang aking mukha.
Pinunasan niya ang mga luhang patuloy pa rin sa pag-agos sa magkabila kong pisngi. Bago niya ako tinanong.
"Acie, hey, why are you crying?" Puno ng pagaalala ang boses nito habang tinatanong ako nito
Nang walang makuhang sagot at tinanong niya akong muli
"Honey, why are you crying?" Iniangat nito ang aking mukha gamit ang mga kamay niyang nakalagay sa magkabila kong pisngi
"S-si T-tyler Del R-io. Tumawag siya kanina. A-anong g-gagawin ko Querem nata-takot ako!" Sisigok-sigok kong pahayag bago muling yumakap sa kanya at tuluyang umiyak sa kanya
THIRD'S PERSON'S POV
Napakunot ng noo si Querem. Tila ba naguguluhan ito. Hindi niya kilala ang tinutukoy nitong Tyler Del Rio. Base sa nakikita niya kay Acie ngayon, takot na takot ito na akala mo'y may mangyayaring hindi maganda rito. Wala siyang ideya kung sino ang tinutukoy nito.
Ni hindi niya pa narinig ang pangalan nito mula ng magkaroon ng ugnayan ang kani-kanilang pamilya. May hindi ba sila sinasabi sa kanya? Buo ang pasya ni Querem na hanapin at alamin kung sino ba talaga si Tyler Del Rio. At nais niyang malaman kung bakit ganoon na lamang ang takot ni Acie sa kanya ng sabihin nito ang pangalan ng misteryosong taong ito. Inalo ni Querem si Acie hanggang sa makatulog ito.
Pinangko niya itong muli papunta sa kwarto sa itaas. Marahang inihiga ni Querem si Acie sa kama at saka marahang hinubad ang pang-itaas na damit upang magamot na nito ang natamong bugbog nito mula sa pagkakahulog nito sa hagdan. Bumaba siya sandali upang kumuha ng yelo at bimpo pati na planggana upang lagyan ng yelo. Mabuti na lamang at hindi pa natutunaw ng tuluyan ang yelong binili. Naglagay ito sa planggana at lumabas na ng kusina.
Nang nakakaisang hakbang na si Querem sa baitang ng hagdan pataas ay muli itong bumaba at kinuha nito ang telepono ni Acie na lapag at tuluyan na itong pumanhik sa itaas at ginamot ang bahagya nang namamagang balikat ni Acie. Matapos nito' nilagyan niya ito ng balot upang hindi mawala sa pwesto ang cold compress na nilagay niya. Kinumutan niya ito at inilagay sa bed side table ang ginamit. Matapos nito'y nagtungo siya sa veranda ng kanilang kwarto at nagsimula ng maghanap ng impormasyon sa telepono ni Acie. Hindi pa gaanong katirik ang sikat ng araw kung kaya't hindi pa ito masakit sa balat.
Umupo si Querem sa upuang naroon at kinalikot na ang telepono. Agad siyang nagpunta sa recent calls upang siguruhing nakatanggap nga ng tawag ang kanyang asawa. Hindi naman siya nabigo dahil nasa unahan lamang ang numerong nakausap ni Acie. Bukod doon ay wala na siyang nahanap pang iba. Kaya naman napagdesisyunan niyang tawagan ang isang taong matagal na niyang pilit kinakalimutan.
"Hello, Khio?" Napakaseryoso ng tinig nito na akala mo'y yelo sa lamig
"Grunt? Long time no see!" Bakas ang galak sa boses nito ng makilala kung sino ang nasa kabilang linya
"Yes it's me. I badly need your help!" Seryosong pahayag ni Querem
"What is it?" Magalak pa ring saad ng nasa kabilang linya
"I want you to lend me the full information that you'll find with Tyler Del Rio!" Pahayag ni Querem sa kausap na akala mo'y papatay sa tono ng pananalita nitong handa nang kumitil ng buhay sa sandaling makuha na nito ang kailangan
"Tyler Del Rio?" Nagtatakang saad ni Khio kay Querem
"Yes, send me the file once you have it!" Saad nito bago ibinaba ang tawag at muling naupo sa upuang naroon
Kinakain siya ng matinding kyuryosidad dahil sa nalaman mula sa asawa. Sino ba talaga ang taong 'yon? Bakit tila hindi niya kilala ang taong iyon? Nahulog sa matinding pag-iisip si Querem. Kung hindi pa tumunog ang kanyang telepono ay hindi ito mauuntag sa pag-iisip.
Doon niya lamang napagtanto na nakakapaso na ang init ng araw dahil sa pakiwari niya'y tanghali na. Tiningnan niya ang kanyang telepono at nakita niyang ang kaibigan niyang si Apollo ang nagtext. Napangiti ito ng maluwang ng mabasa nito kung ano ang laman ng mensahe. Dali-dali nitong tinawagan ang caretaker ng bahay at nagpaalam na aalis muna siya dahil may mga ilang bagay lamang itong aasikasuhin. Sinabihan niya rin itong bumili ng ilang sangkap upang ipagluto ng tanghalian si Acie.
Nang dumating ang caretaker na si Manang Rosa kasama ang apo nitong si Zarie ay pinakiusapan niya itong tingnan si Acie dahil may pupuntahan siya. Sinabihan niya rin itong maghanda ng tanghalian at saluhan na si Acie sa pagkain kapag ito'y nagising na. Agad na umalis si Querem matapos nitong makapagpaalam kay Manang Rosa, Zarie at kay Acie na noo'y natutulog. Kaya naman hinalikan na lamang niya ito sa noo't labi.
Maraming maraming salamat po sa lahat nang sumuporta sa IMTW!!! Maraming salamat po sa matiyagang pag-iintay nang bawat updates. Ang story po ni Qwerty Dane Tuazon ay on going pa po kaya naman matatagalan pa po bago ko ito maipublished dito.Napakasarap sa pakiramdam na matapos kong muli sa panglwang pagkakataon ang story nila Querem. Kakaibang rollercoaster ride ang nangyari. nagpaiyak, nagpatawa, nagpasaya at marahil nakapagpakilig. Nagtapos man ang kwento nilang dalawa subalit hindi nangangahulugan na mabubura na lang din sila sa alaala.Marami itong iniwan na mga aral na maaaring makapagpabago nang 'yong pananaw sa buhay. Stay safe everyone...sit back and relax marami pang parating na storya...Salamat po sa pagsuporta... hanggang sa muli...-Moonlight_Zero
QWERTY'S POV19.8968° N, 155.5828° WSomewhere in HawaiiKita sa mga ulap ang nagbabadyang buhos ng napakabigat na ulan. Tila ba anumang oras ay nakahanda na itong kumawala. Bagama't nagbabadya ang ulan ay mababakas pa rin ang ganda't malakas na hangin na nagmumula sa dagat Pasipiko. Ang tahimik na cliff ay sandaling mababalutan pala ng kahindik-hindik na tanawin.Nagising ako na tila kakaiba ang pakiramdam. Akmang hahawakan ko ang parte ng batok ko ng mapagtanto kong nakagapos ako sa isang upuan. Nasilaw pa 'ko noong makita ko ng bumbilyang halos nasa gitna nitong kwartong kinalalagyan ko. Sinubukan kong igalaw ang mga kamay at paa ko subalit hindi ko ito maigalaw dahil sa higpit ng pagkakatali ng mga ito. La
QUEREM'S POVLife is like a coffee... full of bitterness without sugarIt's like a book without covers on it. No one can shield you in such timesIt's like a boat with a hole on both sides that makes you sink in any momentIt's like an umbrella with lots of holes in it, you'll be soak in wet and might got fever.It's like a rotten food that make you sickA deep ocean that makes you drown...In short I can't live without her by my side. She's mean everything to me! The moment I saw her wayback grade school, she's stunning! I really love the way she smiled and laugh.
ACIE'S POVIlang taon na ba? Almost 20 years na rin mula noong maging kumpleto ang pinapangarap kong pamilya. I have this lovingful, caring, handsome and overacting husband. And of course I have 4 lovingful, sweet, kind and caring children.My eldest Eiffel Raine, is now in grade 11. Looks like he's gaining same popularity like his father wayback when we're still studying. He's making name in the showbiz industry under the name of Eiffel Madrigal. Since then that he's being model some clothing line many agencies hooked by his looks and offered contracts.But, then we choose Ms. Breihanna Heather Victoria-Valiente. Wife of Dr. Desmond Valiente, a family friend. Since then his named became an atomic bomb. Always appeared in different magazines, tabloids, broadsheets and
MEIGE'S POVAfter the incident in Mt. Makiling, Ricana and bad breathe friends got one month suspension plus 150 hours community service. Galit na galit si Mrs. Suarez noong nalaman nitong binubully pala ang unica hija niya.Kinagabihan din 'yon ko lang nakita si Zenith na ganoong kaalala. Pinatawag ng adviser namin sila Ricana and the chicken heads. Nagalit ang adviser namin noong malaman niyang ganoon ang ginawa nila rito. Hindi makapaniwala ang guro sa narinig mula kay Elara.Kung hindi lang ako talaga tinuruan ng magandang asal binalibag ko na sa pinakamalapit na puno ang tatlong 'yan! Sarap tanggalan ng anit eh. Ay, hindi ano na lang pala tatanggalan ko na lang ng pilikmata't kilay gamit yung dalawang pisong pinagpatong! Gigil nila ko, e!
ZENITH'S POVThird child of Mr. And Mrs. Querem Zanderick Tuazon. Zenith Bulan Alquous M. Tuazon. Currently in 7th grade and now, I'm stuck with this ugly seatmate named Elara Cialle Suarez. She's not that ugly tho.Actually she's pretty. Ayun nga lang kasi ang kapal ng salamin niya tapos bilog pa. Then may karamihan din ang pimples niya sa mukha. Lagi siyang binubully ng kaklase naming si Sneak. Akala mo naman gwapo mukha namang iguana laki pa ng mata!She's my classmate since pre school. And no one wants to be friend with her. I dunno why but, she seems kind and have a big heart. I always see her eating alone. Since pre school I don't have the courage to stand in front of her. I always pretend that I doesn't care at all but, I always find myself lending her a h