Share

Chapter 5: Yacht Surprise I

KHIO'S POV

I'm Khio Dione Farreño at your service! I'm a secret agent in our gency "Orion." And Querem is my bestfriend since when we're both wearing diapers and having our pacifiers! He's a multi-billionaire young tycoon in the Philippines. He even once part of our agency.

When we're on high school until college. He merely a ruthless agent that I've seen, but enough for that. I was surprised when Querem called me earlier. All of sudden it made me think that it's really important.  And my hunch is right!

I was taken a back when he mentioned Tyler Del Rio. Why the hell he need a full profile of Tyler Del Rio? Seems this is a big mess in something or someone? Maybe it's all about someone? Hmm, I don't even know, so I just do my job for my bestfriend.

I immediately sent it to him after a few minutes. Hmm, I smell something's gonna happen?! I know Querem very well. He didn't let anyone harm his beloved love ones! I was busy typing on something when someone was standing behind me and everything's went black.

ACIE'S POV

Nagising ako ng tamaan ako ng sikat ng araw. Hindi pala nakababa ang blinds ng bintana kaya pala mainit. Sumigid ang kirot ng aking kanang balikat ng gumalaw ako ng kaunti. Bumangon ako at tinanggal ko ang pagkakabuhol ng kapirasong tela na nakatali sa balikat ko. Isinuot ko ang damit kong nakita kong maayos na nakatiklop sa ibabaw ng bed side table.

Sa wari ko'y mag-aala una na ng hapon. Napahaba ata ang tulog ko. Habang bumababa ako ng hagdan ay todo ang kapit ko sa hawakan nito at talagang tinitingnan ko ang tinatapakan ko. Mahirap na't baka magpagulung-gulong ulit ako rito at hindi lang bugbog sa balikat ang makuha ko. Naghihikab akong pumasok sa kusina.

Agad kong naamoy ang mabangong amoy ng sinigang. Nagulat pa ako ng bahagya ng makita ko ang nasa edad kwarenta mahigit na babaeng nakatalikod sa gawi ko't nakaharap sa niluluto nitong sinigang. Napadako naman ang tingin ko sa lamesa dahil may nakaupo roong batang lalaki na sa tantya ko'y nasa limang taong gulang na.  Ang kulot nitong buhok na bumagay sa hugis ng mukha nito. Ang matataba nitong pisngi na parang ang sarap sarap panggigilan ng kurot!

Tumigil ito sa paglalaro sa kanyang mga laruang kotse-kotsehan at pinakatitigan ako't ngumiti ng pagkatamis tamis! Nilapitan ko ito at niyakap. Kinarga ko ito at marahang pinanggigilan ang magkabila nitong pisngi.

"Anong pangalan mo?" Nakangiti kong saad

"Atho po si Zai Miel Seno!" Magiliw na saad nito kahit na bulol

Humarap sa'kin ang matandang babae at nagpakilala

"Mabuti't gising ka na, hija. Malapit nang maluto itong sinigang."  Nakangiting saad nito

"Naku, pasensya na nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Rosalinda Serrano. Ako ang lola ni Zarie Mikael at ang caretaker nitong bahay." Magiliw na dagdag pa nito 

Iniupo ko ulit si Zarie sa kanyang upuan. Naglaro ito ng kanyang mga kotse-kotsehan na mapaghahalataan mong luma na ngunit magiliw pa rin nitong nilalaro. Umupo ako sa kalapit na upuan habang pinagmamasdan ko si Zarie na naglalaro. Ang gwapo niyang bata. Napakaswerte ng mga magulang niya dahil ang gwapo at ang cute ng anak nila.

Nakaramdam ako ng inggit dahil sa loob ng 2 taon na kasal kami ni Querem ay hindi pa rin kami nabibiyayaan ng supling. Kailan kaya kami magkakaroon ng sarili naming anak? Hindi man sabihin ni Querem ramdam kong gustung-gusto na niyang magkaroon kami ng anak. Nang sa gayo'y mas maging maganda na ang pakikitungo ni Querem sa'kin. Siguro naman kapag nagkaroon na kami ng anak ay mas magiging madali na lamang para sa kanya ang magbago.

Siguro magiging mabuting ama rin ito kapag nagkaroon na kami ng anak. Matiim akong napatitig kay Zarie. Parang may kamukha kasi siya, e. Iniisip kong maigi kung sino ba ang kamukha nito. Ilang minuto rin ang lumipas bago ko napagtantong kamukha ito ni Lucas!

Yung lalaking nakita ko malapit sa may kakahuyan noong isang araw! Anak niya kaya itong batang 'to? Hmm, napuno ng kyuryosidad ang utak ko habang nakatulala pa rin sa tahimik na naglalarong si Zarie. Kung hindi pa nagsalita si Manang Rosa, e hindi ako babalik sa realidad. Nakapaghanda na pala si Manang kaya naman nag-umpisa na rin kaming kumain.

Habang kumakain kaming tatlo'y hindi ko maiwasang magtanong kay Manang Rosa.

"Manang, pwede po bang magtanong?" Nahihiya kong tanong habang nanatiling nakatingin sa kinakain ko ang mga mata ko

"Oo naman, hija!" Malugod nitong saad na may kasamang ngiti

" Naku-curious po kasi ako kay Zarie e, pwede ko po bang malaman kung sino ang magulang niya?" Nahihiya ko pa ring saad sa kanya

Ilang sandaling bumaha ng katahimikan. Kahit mga kubyertos ay nanahimik sa aming mga pinggan. Napa-angat ako ng tingin at napatitig kay Manang Rosa. Pansin kong bigla na lamang lumungkot ang mga mata niya subalit ilang saglit pa'y muli itong ngumiti.

"Si Zarie, anak siya ni Lucas. Ang nag-iisa kong anak. Anak siya ni Lucas kay Zherine Catalina Almonde. Isang mayamang babae na aksidenteng napadpad dito sa Batangas. Mga 7 taon na ang nakalilipas. Sa isang hindi sinasadyang pagkakataon natagpuan siya ni Lucas malapit sa dagat. Sugatan at tila pagod sa ilang araw nitong pakikipagsabayan sa alon ng dagat. Dinala niya ito sa aming maliit na kubo at doon namin ito ginamot. Makalipas ang mahigit isang linggo'y nagising ito, subalit ni isang pangyayari sa buhay nito'y wala itong maalala. Inalagaan namin ito hanggang sa gumaling at lumakas. Nagkamabutihan sila ni Lucas at hanggang sa sumapit ang pangalawang taong paninirahan ni Zherine sa amin ay may balitang ito ang hinahanap ng mga Almonde ang nawawala nilang anak na babae. Mas naging maingat kami ni Lucas dahil kapag pumupuntang bayan si Lucas ay sumasama sa kanya si Zherine. Hanggang sa magbunga ang kanilang pagmamahalan at 'yon na nga'y si Zarie. Wala pang 1 buwan noon si Zarie nang may mga naka-amerikanang itim ang sapilitang pinasok ang maliit naming kubo at sapilitang kinuha si Zherine. Nasa kakahuyan si Lucas noon para kumuha ng mga kahoy. Kaya naman wala si Lucas noong kinuha si Zherine sa amin. Maraming taon na ang lumipas subalit ni anino manlang ni Zherine ay hindi na namin nasilayan pa." Pagkukwento ni Manang Rosa at ipinagpatuloy ang pagkain

Nalungkot ako sa ikinuwento ni Manang Rosa. Hindi ko akalain na ganoon pala ang pinagdaanan nila. Pinakatitigan ko ang inosenteng si Zarie na sarap na sarap sa pagkain nito. Naawa ako para sa bata. Ni hindi manlang niya nasilayan ang kanyang ina.

Napakalungkot naman ng nararanasan ni Zarie. Sigurado akong nagtatanong na ito patungkol sa kanyang ina. Ano kaya ang sinasabi nila rito? Nakakalungkot na isa ang batang ito na lumalaking walang inang kinagisnan. Ang sakit lang sa kalooban at hindi ko maiwasang mapaluha sa isiping sa tuwing hinahanap at nagtatanong ito sa kanyang ama at lola kung sino ang kanyang ina ay ano ang sinasagot ng mga ito?

"Pasensya na po at tinanong ko pa." Malungkot kong saad bago pinahid ang luhang tumulo sa kaliwa kong mata

Naku hija, wala iyon. Patuloy pa rin akong nananalangin sa Panginoon na sana'y makasama namin siyang muli. Nang makita't makilala siya ni Zarie. Pati na rin si Lucas. Alam kong matagal na itong nangungulila sa kanya!" Saad nito habang nakangiti at ipinatong ang isang kamay sa kamay kong nakapatong sa mesa

Nagpatuloy ang kwentuhan ng ilang bagay bago kami natapos kumain. Matapos naming mananghalian ay gumawa naman si Manang Rosa ng minatamis na saging na nilagyan nito ng sago't langka. Nagpaturo ako kung paano ito gawin. At kamuntikan ko na rin palang makalimutan itanong kung nasaan si Querem. Habang naghihimay ako ng langka, e naitanong ko na kay Manang Rosa.

"Nga po pala Manang, nasaan po pala si Querem?" Tanong ko habang pinapanood ko siyang maghiwa ng mga hinog na saba

"Ang sabi niya may pupuntahan lang daw siya, hindi naman sinabi kung saan." Saad nito habang busy pa rin sa paghihiwa ng mga saging

Hindi maalis sa isip ko kung saan nga ba nagpunta si Querem. Madalas naman itong hindi nagsasabi kung saan pupunta. Kapag tinatanong ko naman ay hindi ito nagsasalita o kaya naman ay nagagalit ito. Kaya naman madalas ay hindi na ako nagtatanong pa baka makatikim na naman ako ng wala sa oras. Nasa kalagitnaan kami ng pagluluto ng may marinig kaming kumaluskos mula sa labas.

Agad kaming nagkatinginan ni Manang Rosa at agad na naalerto. Kumuha ako ng kutsilyo sa knife rack at lumapit ako sa main door. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ko iyon. Handa ko nang undayan ng saksak ang sinuman ng bumukas ito at iniluwa nito si Lucas. Nanlaki pa ang mata nito ng makitang may hawak akong kutsilyo.

Ilang sandali pa'y nakabawi rin ako sa pagkagulat kaya naman ibinaba ko na ito at pinapasok siya. Nagdiretso ito sa kusina kung saan sinalubong ito ni Manang Rosa ng yakap at humalik pa ang matanda sa pisngi ng anak. Samantalang si Zarie naman ay hindi magkandaugaga sa pagbaba sa upuan at sinalubong ang ama. Niyakap nito ng mahigpit ang anak at hinalikan ito sa magkabila nitong pisngi. Nakita ko ang kislap ng mga mata nito ng makita nito ang anak.

Nainggit ako ng bahagya sa aking nasilayan kung kaya't umakyat ako sa kalawang palapag ng bahay at kinuha ang aking telepono. Pagkakuha ko nito'y nakita ko itong umilaw kaya naman agad ko itong binuksan upang makita ko kung ano ang natanggap nito. Napagtanto kong may mensaheng iniwan si Querem. Agad akong napangiti at binasa ko ito ng may galak sa puso. Napahiga pa 'ko sa kama ng mabasa ko kung ano ang nakasaad sa mensaheng galing kay Querem.

From: Querem

"Be ready at 6 pm. I'll be picking you up. Wear a decent dress. We're heading in somewhere :-)"

Nagpagulung-gulong pa ako sa kama matapos kong mabasa ang mensaheng pinadala ni Querem. Walang pagsidlan ang aking saya ng muli ko itong basahin. Mula kasi ng magpasya kaming ipakasal ng mga magulang namin, e ngayon niya lang ako inaya. Bukod sa mga family gatherings na kailangan, e present kami pareho. Ito ang kauna-unahang kusang loob na pag-aayang ginawa niya.

Kaya naman hindi nila maiaalis sa aking matuwa ng todo. Agad kong kinuha ang aking maleta at inihiga ito sa kama't saka ko ito excited na binuksan. Hinalungkat ko lahat ng gamit ko upang makakita ng magandang damit. Pasalamat nalang ako at may dala akong isang matatawag kong desente. Isa itong kulay pulang bestida na kita ang likod.

Mabuti na lamang at nailagay ko pala ito sa aking maleta. Dahil sumagi rin sa isip ko na baka may puntahan kaming pormal na lugar. At pasalamat rin ako na may nadala akong isang wedge sandals na kulay itim. At may maliit ring bag rito na maaari kong lagyan ng foundation kung sakali. Hinalungkat ko rin ang aking make up kit na nakasiksik sa isang bahagi ng aking maleta.

Napangiti na lamang ako ng mapagtanto kong kumpleto naman pala ang gamit ko. Agad ko itong inihelera sa kama. Nag-isip naman ako ng maaari kong gawin sa aking buhok. Inisip ko kung ikukulot ko ba ito o gagawin kong messy bun o ano. Hindi ako makapagdesisyon!

Kasalanan 'to ni Querem e! Masyado niya kong pinapakilig. Hindi ko namalayang lumipas ang oras. Hindi pa ako babalik sa katinuan kung hindi pa kumatok si Manang Rosa sa pintuan.

"Hija, luto na ang minatamis na saging. Bumaba ka na't nang makakain ka na." Sabi nito mula sa labas ng pinto

"Opo Manang, bababa na po!" Sagot ko bago nagmartsa patungong pintuan

Maya-maya ko na lamang siguro itutuloy ang pagiisip ko tungkol sa bagay na iyan. Kakain muna ako ng may lakas akong mag-ayos mamaya at nang lumitaw naman ang kagandahan ko sa paningin ni Querem!

Naabutan kong masayang kumakain sila Manang Rosa sa kusina ng akin itong datnan. Nang makita ako ni Manang ay agad itong tumayo at ikinuha ako ng minatamis na saging sa mangkok. Bumaha ang mabango nitong aroma ng ibinaba ito ni Manang Rosa sa aking harapan. Naglaway ako sa aking nakikita. Ang sabaw nitong kulay krema pati na ang mga sahog nitong saging, sago at langka!

Agad ko naman itong nilantakan. Napangiwi pa ako ng mapaso ako nito dahil nga bagong luto lamang ito. Napagalitan pa ako ni Manang dahil hindi daw ako nag-iingat. Nag-sorry na lamang ako at nagdahan dahan sa pagkain. Nang matapos ako'y napatingin ako sa orasang nakasabit sa kusina sa itaas ng isang painting. Nanlaki ang aking mata ng makita kong 4:30 na ng hapon!

Dali-dali naman akong pumanhik sa kwarto't nagdiretso sa banyo upang maligo. Wala nang panahon para magbabad pa sa bathtub! Matapos kong gawin ang mga ritwal ko sa paliligo ay agad akong lumabas. Kamuntikan pa akong madulas dahil sa kaunting sabon na nasa sahig. Mabuti na lamang at nakahawak ako sa sabitan ng towel dahil medyo mababa lamang ito.

Muli akong napangiti ng makalabas ako ng banyo. Nakasuot ako ng bath robe. Mabilis akong umupo sa harapan ng salamin at sinimulang ayusan ang sarili ko. Inumpisahan ko sa buhok. Matapos ang ilang oras na pag-iisip kung anong ayos ang gagawin ko ay naisip kong may ilang hibla akong ikukulot. Napagdesisyunan kong itataas ko ang aking buhok para mas mabigyang pansin ang batok at likod ko mamaya dahil backless ang susuotin kong dress.

Matapos kong ayusin ang aking buhok ay inayos ko naman ang aking mukha. Naglagay ako ng light make up dahil gabi na naman at hindi naman na papansinin ang mukha ko kung ganoon? Sa wakas ay natapos rin ako at isinuot ko na ang dress na dala ko pati na rin ang wedge. Natapos ako'y 5:30 na ng hapon. Hindi na ako makapaghintay kung saan man kami pupunta.

Saan naman niya kaya ako balak dalhin? Hmm, nagsisimula na namang mabuhay ang saya sa puso ko. Napagpasyahan ko munang tumambay sa veranda ng bahay. Nakatanaw ako sa malawak na dagat at sa papalubog na araw habang hinihintay kong dumating si Querem. Sa muli na nama'y hindi ko na namang maiwasang ngumiti.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Persima Salapuddin
exsiting this story more coin to unluch
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status