Share

I'll make you

Sa tagal na din ng pananatili ni Celina sa manyson ay nasasanay na siya sa pagiging bugnutin ni senyorito Vincent, kahit na halos araw araw ito may kakaibang iuutos. Kadalasan mag-papauwi ng libro, pakatapos sa kanya din ipapasauli, pag-asa bahay naman mag papaluto o pahanda ng pagkain pero di din naman papansin pagkatapos, pero ang pinaka malala pa lang naman ay ang bigla siyang pauuwiin nito kahit nasa school para lang kunin iyong mga libro na ipapasauli nito sa library.

Ngayon naman heto siya naghihintay sa isang tagong parte ng school, ayaw kasi ni Vincent na may makakita sa kanila.

Dala dala ni Celina ang project nito na hindi mo sigurado kung project nga ba, nakalagay lang ito sa isang kahon na malaki, nakaplaster lang at ang bigat-bigat pa.

Tiningnan niya ang relo niya, halos isang oras na din siyang naghihintay pero wala pa din ito. Buti na lang at wala na siyang klase kaya uuwi na din siya pakabigay niya ng box. Ngunit makalipas ang dalawang oras ay hindi pa din ito dumadating.

Bumuntong hininga muna si Celian bago muling tingnan ang relo niya. "Kalahating oras pa siguro baka busy lang," bulong niya sa isip.

Makailang saglit lang at biglang nag ring ang cellphone na binigay ng kanyang ninang, luma na ito pero gumagana pa naman.

"Unregistered number sino to?" Maliban kay Lucy at Luke, ang ninang niya lang naman ang nakakaalam ng numero niya.

"Hello? Sino to?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Ako to, nasaan ka?" Kahit nasa phone kilala niya ang malalim na boses na iyon.

"Senyorito nandito na po ako, dala ko na iyong project niyo," magiliw niyang saad.

"Next week na lang daw ang pasahan niyan, iuwi mo na lang muna yan sa bahay, ingatan mo!" Utos ng binata.

Napabagsak ng balikat si Celina habang tumatango. "Ah, sige po!"

Matapos noon ay binabaan na siya nito. Pagtingin niya sa kanyang relo ay ala sais na pala, medyo dumidilim na din kaya naman dali-dali na siyang umuwi, hindi na niya nagawang sumabay kay Lucy dahil ayaw niya naman itong pag-hintayin.

"Oh, Lina. Ginagabi ka yata!" bati ni Melinda pakapasok niya sa kusina. Halos seven thirty na kasi siya nakauwi.

"May tinapos lang po ako sa school," wari ngiting sagot niya.

"Ano iyang dala mo?" Usisa naman ng ninang niya nang mapansin ang box na dala niya.

"Project ko po," pagpapalusot na lamang ni Celina.

Tumango naman si Melinda at ninang niya bago bumalik sa kanya-kanyang ginagawa.

"Oh sige, magbihis ka na at ng makakain ka na din." Pahabol ng kanyang ninang.

Agad naman sumunod si Celina kahit pagod ay inuna na muna niyang ibalik ang box sa kwarto ni Vincent tulad ng inutos nito. Bago pa man makarating sa kusina ay napansin siya ng senyora na nasa sala kasama ng asawa na abala sa pagbabasa ng diyaryo.

"Oh, Celina! Nandyan ka pala!" bati nito sa kanya.

Agad naman lumapit si Celina sa mga ito. "Magandang gabi po Senyor, Senyora" bati niya.

"How's school Iha?" tanong ng senyora.

"Ayos naman po," matamis na ngiting sagot niya.

"We've been hearing good things about you iha," singit ng senyor sa kanila.

"It's good to hear that you’re doing so well at school!" Napapapalakpak na dugtong ng senyora.

Mabilis tuloy ang pamumula ng pisngi ni Celina. "Salamat po," yukong pasalamat niya na lang.

"Your ninang must be so proud of you," muling banggit ng senyor.

"Tuwang-tuwa nga po si ninang," masayang saad niya.

Biglang napahinga ng malalim ang senyor na siyang nagpabago sa maaliwalas na kapaligiran nila.

"I just wish Vincent would also take his studies seriously," banggit nito.

"Leo, don't worry too much about him, he's just going through a phase" marahang hinawakan na lang ng senyora ang kamay ng asawa.

Napatango naman dito ang matandang lalake. Nanatiling tahimik naman si Celina, mukhang pinoproblema nanaman kasi ng mga ito ang apo.

Sa dalawang taon niyang pamamalagi sa mansyon napansin niyang lagi nag-aalala ang mag asawa dahil sa binata, puro barkada at gimik kasi ang inaatupag ni senyorito Vincent, minsan pa nga nahuhuli nila itong nagdadala ng babae sa bahay na ikinagagalit lalo ng ama nito.

Pansin niya din na hindi magkasundo ang mag-ama, dahil sa madalas na pagbabangayan.

Lalo pa nang muntik matanggal si senyorito Vincent sa basketball team dahil sa ilang bagsak na grado. Pero dahil sa impluwensya nito school at isa na din sa magagaling na player ay nanatili ito bilang manlalaro.

"I just hope he turns out okay," banggit ulit ng senyor.

Muling lambing na pinisil ng senyora ang kamay nito, na para bang sinasabi na magiging ayos lang ang lahat.

Napangiti na lang si Celina sa dalawa sa tuwa, dahil kahit na matanda na ang mga ito ay kita niya pa din ang pagmamahal sa isa't isa.

"Are you talking about me?"

Lahat sila ay napalingon nang madinig ang boses ni Vincent, nakasandal ito sa pinto at nakasukbit ang itim na jacket sa balikat. Kusot na kusot ang mukha nito habang nakatingin sa kanila.

"Iho, nandyan ka na pala, kumain ka na ba?" bati kaagad ng senyora.

"Yes, so what about me being ok?" tanong muli ni Vincent.

Nagkatinginan sandali ang dalawang matanda bago buong tamis na bumaling muli sa apo.

"Well iho, your Lola and I are just worried about you," banggit ng senyor.

"Why?" Napabusangot lalo si Vincent sa nadinig.

"Well, there's your school performance and then there's also the fact that you have no interest in anything but your friends and girls," sagot ng senyora.

"So? I'm still young and there's still so much ahead of me," sagot ni Vincent habang lumalapit sa mga ito.

"Yes iho, we know, but still. If you keep on having these kind of view in life, you might get used to it too much," malumanay na saad ng senyor.

Sumalampak si Vincent papaupo sa may sofa na halos makusot nanaman ang mukha. "What's wrong with that? I mean, it's not like I don't have the money to spare for it!" matalim na sagot ng binata.

Bahagyang napaatras na lang si Celina sa mga ito, matagal niya ng pansin ang tila kawalan ng kontrol ng dalawang matanda sa apo. Iyon marahil ang dahilan kaya lumaking spoiled ang binata idagdag pa na ito lamang ang nag-iisang tagapagmana ng mga ito.

Napabuntong hininga na lang ang senyor sa sinabi ni Vincent hindi na rin ito sumagot.

"We just thought it would be good if you can get some pointers from Celina," lambing ng senyora sa apo.

Mapanuyang napatinging si Vincent sa kanya na may malapad na ngisi. "Her? What's with her that makes her so special?" sarkastikong sagot nito.

"Well, if you should know, she is currently a deans lister in your school," sagot ng senyora.

"Really? So your comparing me to her?" galit na ang tono ni Vincent ng mga oras na iyon.

Doon na tila nabahala ang mag-asawang matandan. "No Iho, we’re not. We just want you to make Celina as a good example," sagot naman ng senyor.

Patalon na bumangon si Vincent sa kinauupuan, mabibigat ang naging pag-apak nito habang naglalakad paalis, binalingan pa nito ng matalim na titig si Celina dahilan para magyuko ang dalaga ng ulo dahil sa takot.

Sabay na napahinga ng malalim ang mag-asawang matandan nang tuluyan ng makaakyat ang apo.

"Pasensya ka na iha, nadamay ka pa tuloy," hingi ng paumanhin ng senyora.

"Wala ho iyon!" Buong tamis na nginitian niya na lang ang mga ito para pakalmahin.

"Sige na iha, mag dinner ka na. I think pagod ka din, since galing ka ng school," sabi ng senyor.

"Sige po, senyor, senyora!" yuko niya na lang sa mga ito bago umalis.

Hindi na napansin ni Celina na nakamasid pa pala si Vincent sa may hagdan at nanlilisik ang mga mata.

*****

"Cel! Saan ka nanaman galing?" tanong ni Lucy.

Naghahabol pa si Celina ng hininga pakalapit sa kaibigan. "Nagsauli lang ng libro sa library."

"Sobrang studious mo naman yata? Grabe ah, pansin ko halos araw-araw ka nagsasauli ng libro sa library, ano ba meron?" tanong muli ni Lucy.

"Ah...may mga kailangan lang ako i-research," sagot ni Celina.

Subalit nandoon ang pagdududa sa mga tingin ni Lucy. "Sure ka? Alam mo O.A. na yan masyado ah, pansin ko lang."

"Sya nga pala, kamusta kayo ni Andrew, sinagot mo na ba siya?" agad na pag-iiba ni Celina sa usapan.

Lalong napasalubong tuloy ang kilay ni Lucy. "Naku, kahit gwapo iyon hindi ko parin siya basta-basta sasagutin, ano ako easy to get!" napahalukipkip pa ito pakatapos iangat ang kamay.

Natatawang umiling na lang si Celina sa kaibigan. "Maawa ka naman sa tao, halos anim na buwan na siyang nanliligaw sa iyo, maliban doon mukha naman sincere si Andrew."

Mabilis umaangat ang isang kilay ni Lucy. "Hay naku Cel, you are so innocent talaga. Sige, matanong kita, sa tingin mo ba seryoso si Andrew sa akin? Mah goodness, gusto lang niyan makatikim ng iba't-ibang potahe!" Angat nito ng isang daliri na wari’y nagpapangaral.

"Bakit mo naman nasabi iyan? Hindi naman siguro ganoon si Andrew" Bahagyang napanguso tuloy si Celina sa kaibigan.

Lalo naman nagsalubong ang kilay ni Lucy. "Sige, matanong kita, alam mo ba kung nakailang girlfriend na iyong ugok na iyon?" tanong nito.

Napakamot na lang si Celina sa sintido. "Uhmm, hindi ko alam. Bakit, ilan na ba?”

"Anong gusto mo malaman, per year, per month or per week?" taas noong ngising sagot ni Lucy.

Agad na namilog ang mga mata ni Celina. "What! bakit? Ganoon na ba kadami?" Hindi niya napigilan mapahawak sa dibdib.

"Oo, ganoon na kadami! So, sa tingin mo magkakaroon ako ng tiwala sa ugok na iyon na numero unong babaero ng school! Sa tingin mo ba seseryosohin niya ako?" tanong ni Lucy na medyo batid ang panunuya.

Doon na nagyuko ng ulo si Celina dahil sa bahagyang hiya sa kaibigan. "Hindi, pero malay mo," subok bawi ni Celina.

Nanatili pa rin ang salubong na kilay ni Lucy. "As If! Once a playboy, always a playboy. Remember that friend!" paalala nito.

Natigil lang sila nang bigla na lang tumunog ang phone ni Celina, mabilis ang naging kabog ng kanyang dibdib nang pag-tingin niya ay numero ni senyorito Vincent ang tumatawag. Agad na lang siyang lumayo sa kaibigan bago ito sagutin.

Nagsalubong nanaman tuloy ang kilay ni Lucy habang pinagmamasdan lang siya.

"Nasaan ka?" saad kaagad nito.

"Papunta na sa next class namin," sagot ni Celina na halos pabulong upang hindi madinig ng kaibigan.

"May thirty minutes ka pa naman bago ang klase mo, dumaan ka dito sa likod ng gym, bilisan mo," utos ng binata.

“Sige, papunta na ako dyan!" sagot ni Celina bago mababaan ng tawag.

Dali-dali niyang hinarap ang kaibigan na medyo balot na ng pagtataka ang mukha.

"May kailangan lang ako gawin sandali Cy, mauna ka na sa room," pakiusap niya sa kaibigan bago nagmamadaling naglakad.

"Sasamahan na kita" habol naman ni Lucy.

"Hindi na! Okay lang ako," huminto na muna si Celina para balingan ang kaibigan at mapahinto.

Kumunot tuloy lalo ang noo ni Lucy, sabay taas muli ng isang kilay. "May inuutos nanaman ba iyong halimaw na iyon?"

Napangiti na lang si Celina ng mapait sa tanong nito. Agad naman napahalukipkip sa kanya ang kaibigan.

"Alam mo, sumosobra na ang topak niya ah! Pag ako napuno uupakan ko na iyan!" Duro sa kanya ni Lucy na iniaangat pa ang kuwelyo.

Napapigil na lang ng tawa si Celina dito. "Hayaan mo na, sanay na naman ako sa pagiging abnormal noon. Mas mapapabilis ako kapag mag-isa kaya mauna ka na." Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito bagkos ay dali-dali na lang siyang tumakbo.

Napabusangot naman si Lucy sabay halukipkip habang pinagmamasdan lumayo ang kaibigan.

Naabutan ni Celina si senyorito Vincent na nakatayo sa isang puno sa likod ng gym, salubong nanaman ang kilay nito at hindi maipinta ang mukha.

"Ang tagal mo!" singhal ng binata nang makalapit siya.

Agad na lang siyang yumuko dito. "Pasenysa na po."

Nakasimangot na iniabot ni senyorito Vincent ang isang susi kaya kunot noong napatingin si Celina sa naturang bagay dulot ng pagkalito.

"Kunin mo iyong bag ko sa kotse, kailangan ko iyon para sa practice mamaya. I-text mo ko pag nandito ka na ulit,” utos ng binata.

Tulalang napatango si Celina sa iwinawagayway nito, kaya naman naging matalim nanaman ang tingin ni senyorito Vincent sa kanya.

“Bilisan mo na!" tapon na nito ng susi sa kanya.

Tarantang sinalo iyon ni Celina sabay tumango bago nagmamadaling tumakbo papunta sa parking lot, buti na lang at pamilyar na sa kanya ang hitsura at plate number ng kotse nito kaya madali niya iyong nakita. Isang malalim na buntong hininga ang tanging nagawa niya pakabukas sa likod ng sasakyan. Napakalaki kasi ng naturang doufel bag at halatang punong-puno ng gamit.

Halos mapaire na si Celina sa paghatak nito papatanggal doon, pero pinilit niya pa rin iyong maisalampak sa likod upang mabuhat.

Inabot din ng ilang minuto bago siya labasin ni senyorito Vincent pakatext dito, kinuha lang nito ang ang bag at susi sabay alis, walang kahit anong sinabi o ginawa. Sanay na din naman si Celina sa ugali nito kaya balewala na ang ginagawa nito sa kanya.

Nabalisa nga lang siya nang mapansin ang oras sa kanyang relo, five minutes na lang at mag sisimula na ang kanyang klase kaya napakaripas siya ng takbo.

Dulot ng bilis at pagmamadali ay hindi nailagan ni Celina ang taong biglang lumitaw sa gilid ng koridor, dahilan para mabangga niya ang mga ito, dahil siya ang mas maliit siya ang nawala sa balanse, mabuti na lang at nasalo agad siya ng taong kanyang nabangga kaya hindi siya nasubsob sa sahig.

Tila nahigit na lang ni Celina ang kanyang hininga nang mabatid na lalake pala ang kanyang nakabangga, napayuko pa ito sa kanyang harapan at muntik pang magtama ang kanilang mga labi kaya naman napapikit na lamang siya sa matinding kaba.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status