Share

Challenges and patience

"Miss are you okay?" tanong ng binata habang inialalayan ang kanyang pagtayo.

Doon nakahinga ng maluwag si Celina, mabilis siyang umayos upang ipagpag ang palda bago paulit-ulit na nagyuko dito. "Ayos lang, sorry!"

"Celina?" Nakangiti ngunit napapakunot noong sambit ng lalake.

Doon nag angat ng tingin si Celina, napangiti na siya nang makilala ang naturang binata.

"Luke! Ikaw pala yan," masaya niyang bati.

Napahalakhak naman ang binata habang sinasapo ang batok. "Bakit tumatakbo ka dito?"

"Malalate na kasi ako!" pigil tawang sagot na lang ni Celina.

Nakahinga siya ng maluwag dahil halatang hindi ito nasaktan at kakilala niya pa ang nakabangga.

"Pare, ipakilala mo naman kami!" biglang singit ng isa pang lalake.

Doon lang napansin ni Celina ang dalawa pang kasama ni Luke sa likod nito.

Mabilis kumusot ang mukha ng binata habang hinaharap ang dalawa. "Wag na uy!" Harang ni Luke sa mga ito nang makitang palapit na.

Pero nagawa pa rin itong malagpasan ng isa sa mga kasama. Mabilis ang naging paglapit nito kay Celina, napalunok na lamang siya nang halos ilang dipa na lang ang kasama ni Luke.

"Miss, ako nga pala si Raymond!" Angat nito ng kamay sa kanya na halos mapapapikit na sa lapad ng ngiti.

Ilang saglit din ang inabot bago niya nagawang abutin ang kamay nito dahil sa bahagyang pagkatulala sa mestisong binata.

"Celina," marahan niyang sagot.

Bahagya nalang siyang napaatras nang paluin ni Luke ang kamay ni Raymond upang mapabitaw.

"Tama na yan! Nananantsing ka na e!" Hatak nito sa kaibigan kaya naman tila nagbuno ang dalawa.

Hindi na nagawang makapagsalita ni Celina dahil humarang naman ang isa pang kasama nito na napakatangkad subalit may mala-anghel na mukha.

"Ce...Celina, ako nga pala si Jordan," namumulang sambit nito na nanginginig pa sa pag-abot ng kamay.

Pero bago pa man iyon makuha ni Celina ay nahatak na ito ng dalawang kaibigan, napahawak na lang tuloy siya sa bibig upang pigilan ang pagtawa sa pagkaaliw dahil sa tila batang pag-bubuno ng tatlo.

"Kilala ka na niya! Bawal na humawak, madudumi ang kamay niyo." Sunod-suno na palo ni Luke sa mga kasama.

"Panira ka naman pare!" Napapangusong d***g ni Jordan.

"Grabe ka makapang bakod ah!" Pulupot naman ni Raymond ng braso sa leeg nito.

"Oo nga pare! Bakit, boyfriend ka ba niya!" Maktol ni Jordan na pilit kumakawala sa pagkakahawak ng kaibigan.

Isang malalim na paglunok ang ginawa ni Luke, pasimple pa itong tumingin sa kanya bago humarap muli sa mga kaibigan.

"Hi...hindi, kaya bawal kayo manligaw!" sagot nito na pilit pa rin inaawat ang dalawa sa paglapit.

Dalawang kamay na tuloy ang ginamit ni Celina sa bibig dahil sa pagpipigil ng tawa, kahit hindi niya malaman ang pinag-aawayan ng tatlo ay naaliw naman siya sa mga ito.

"Iyon naman pala eh!" sagot ni Raymond.

"Oo nga! Nambabakod ka hindi ka naman pala boyfriend," singit naman ni Jordan.

Nagbabangayan pa rin ang tatlo nang biglang maalala ni Celina na mayroon pa pala siyang klase.

"Luke, mauuna na ako sa inyo, may klase pa kasi ako, pasensya na ulit," paalam niya sa mga ito.

"Sige na Celina, baka malate ka pa!" Masayang kaway naman ni Luke.

"Wait! Pwede makuha number mo!" habol ni Raymond.

"Hahatid ka na namin!" sambit naman ni Jordan.

Pero hindi na din ito napansin ni Celina dahil sa pagmamadali, hahabol pa sana ang dalawang binata kung hindi lamang hawak-hawak ng mahigpit ni Luke.

"Bye Celina! Mamaya na lang ulit!" buong lakas na sigaw ni Luke.

Kaya naman doon napabaling si Celina sa tatlo upang kumaway.

Malaking pasalamt niya at medyo late ang teacher nila kaya umabot siya sa naturang klase. Pagod na pagod nga lang at humahangos pa siya ng mga sandaling iyon dahil sa bilis at layo ng tinakbo.

*****

Napakunot ng noo si Vincent nang makita ang tatlong kabarkada na nagbabangayan. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga ito subalit naroon ang pagtataka niya dahil sa walang patid na pag-babatuhan ng salita ng tatlo. Halatang pikon na pikon si Raymond at Jordan kay Luke dahil walang tigil sa pagbubunganga ang mga ito.

"Panira ka naman pare, alam mo naman matagal na naming crush ang kaibigan ng kapatid mo," sabi ni Raymond.

"Oo nga, hindi na nga kami makalapit dahil sa grabeng pagbabantay ni Lucy, pati ba naman ikaw!" dugtong naman ni Jordan.

"Off limits siya sa inyo!" singhal ni Luke.

Halos nasa may bench na ang tatlo na kinauupuan ni Vincent, pero wala pa rin tigil ang mga ito sa pag-aaway at tila hindi siya napansin kaya naman hindi na niya mapigilan ang makisali dahil sa pagtataka.

"Sinong off limits?" kunot noong tanong niya.

"Oi! Vince kaw pala," bati ni Jordan.

"Celina iyong name niya. Siya iyong Belly dancer last year, iyong chickas!" ngising sagot naman ni Raymond.

Parang umililing ang tenga ni Vincent nang madinig ang naturang pangalan, lalo pa at kilala niya kung sino ang binabanggit ng mga ito.

Tumahimik naman si Luke bigla. Nakatingin lang ito sa mga kaibigan at halatang hinihita ang reaksyon ni Vincent.

"Heto kasing si Luke, grabe kung makabakod. Hindi naman siya ang Boyfriend," maktol na padyak ni Jordan.

Kaya napunta ang atensyon ni Luke dito. "Off limits kasi siya sa mga katulad niyong mapang abuso ng kabaitan, may mga tao kasing mahilig siyang abusuhin. Ayaw lang namin madagdagan pa ang mga ganoon uri ng tao sa paligid niya," malaman na sabi ni Luke.

"Akala mo naman ganoon kami," sabi ni Jordan.

"Huwag na nga tayo maglokohan, pare-pareho lang tayo dito," pabirong balik ni Luke.

"Ano ba ang nagustuhan niyo sa babaeng iyon?" tanong ni Vincent sa mga ito.

"Marami!" sagot ni Raymond.

"Maganda," sabi ni Jordan.

"Matalino," dagdag ni Raymond.

"Mabait," si Jordan ulit.

"At higit sa lahat, sexy!" sabay na banggit ng dalawa.

"Nagpapaniwala kayo na mabait iyon. Pakitang tao lang naman iyon at hindi naman siya ganoon kaganda," matalim na sagot ni Vincent.

"Bakit Vince, gaano mo ba siya kakilala?" mapang asar na tanong ni Luke.

Napakunot ng noo si Vincent sa sinabi ng kaibigan, naisip niya na siguro may nalalaman na ito kaya ganoon makaasta, kaya di niya mapigilan ang medyo mapikon dito.

"Bakit ikaw! How well do you know her?" bara niya kay Luke.

"Well, I know more about her than you do," ngising-ngising sagot ni Luke.

"Really?" balik naman ni Vincent na mayroon din nakakalokong ngisi.

"Of course, she's my sisters bestfriend. So, yes. I can say, I definetely have an advantage. Ikaw Vincent, paano mo masasabing kilala mo siya?" malamang tanong ni Luke, naroon ang kaagapay nitong titig na halatang nakikiramdam.

Sa mga oras na ito, medyo napipikon na si Vincent, napapansin na niyang pinipilit siyang magsalita ni Luke na maaaring ikabuking ng kaugnayan niya dito.

"I just know people like her" matipid niya na lang na sagot.

"Wow! Kailan ka pa naging mind reader pare?" biro ni Raymond.

"Mapanghusga ang tawag diyan! Mga taong insecure kaya walang ginawa kung hindi siraan ang ibang tao," banat muli ni Luke

May kung anong napigti sa isang parte ng pasensya ni Vincent, lalo pa at alam niyang siya ang pinapatamaan ng kaibigan.

Pinanlisikan niya si Luke ng mata."Anong gusto mo palabasin?" galit na tanong ni Vincent tumayo na siya para harapin si Luke.

Medyo mas matangkad si Vincent ng kaunti kay Luke, kaya naman halatang malaki ang lamang niya dito, pero hindi nagpatinag ang kaibigan sa kalamangan niya bagkos nginisian pa siya nito.

"Bakit, tinatamaan ka?" mapangasar na sabi ni Luke

Doon na nabatid ni Raymond at Jordan na nagiging seryoso na ang dalawa sa pagsasagutan.

"Uy! Pare tama na yan," awat ni Raymond pakapunta sa pagitan ng dalawa.

"Ang seryoso niyo masyado," dagdag ni Jordan

Pumagitna na din ito nang mapansing na nagkakainitan na ang dalawang kabarkada. Si Vincent na ang lumayo kay Luke, hindi na ito nagsalita hanggang sa tuluyan ng makalayo.

"Pre, anong meron kay Vince, bakit parang napikon?" tanong ni Jordan.

"Tinatamaan kasi!" sagot ni Luke

"Kilala niya ba si Celina?" tanong naman ni Raymond.

"Bakit hindi niyo siya tanungin!" sagot ni Luke

"Badtrip naman, ang hirap mo na ngang kalaban, madadagdagan pa ng isa. Asar!" napapapadyak na sabi ni Jordan.

Doon na muling napangiti si Luke."Basta, off limits si Celina, got it!" sabi ni Luke sa dalawa.

Nagkatinginan naman ang dalawa pang binata, bago muling bumaling sa kaibigan.

"Ulol! May the best man win na lang no," bara ni Raymond.

"Akala mo ba papatalo kami sa iyo, hindi no!" singit ni Jordan.

"Ah ganon!" banta ni Luke sabay sugod sa dalawa dali-dali namang tumakbo ang mga ito.

Parang mga batang nag-bunuan ang tatlo nang magkaabutan, pero halatang hindi naman nagkakasakitan ang magkakaibigan, alam naman nilang biro lang tila pag-aangas ng kaibigan.

*****

Kinabukasan ay napilitang pumasok si Celina ng maaga sa school, kahit na tanghali pa ang kanyang klase. Naiwan kasi ni senyorito Vincent ang mga libro nito kaya dali-dali niyang inihatid ang mga ito sa dahil na din sa utos ng binata.

Pagdating na pagdating niya sa gusaling sinabi ay bumungad kaagad sa kanya ang nakasimangot na amo.

"Bakit ang tagal mo, kanina pa ako naghihintay dito!" sermon ni Vincent na padabog pa ang pagkuha sa mga iniaabot na libro.

"Pasensya na senyorito!" Kahit kapos sa hininga ay pinilit pa rin ni Celina na yumuko sa binata.

Tiim bagang na pinakatitigan ni Vincent mula ulo hanggang paa ang dalaga. "Tsk," tanging sagot nito na halatang asar bago padaskol na tumalikod .

Napabuntong hininga na lang si Celina, batid niyang mainit nanaman ang ulo ng amo. Nagdesisyon siyang pumunta na muna ng library para mag aral, upang hindi masayang ang pagpunta doon ng maaga.

Naglalakad na siya sa pasilyo ng gusali patungo sa aklatan nang mapahinto siya dahil sa tila anong tunog na nagmumula sa kanyang likod.

"Celina!" tawag sa kanya ng isang tao sa di kalayuan.

Napalingon na siya sa kanyang likod nang makumpirmang pangalan niya nga ang nadidinig. Mula sa hindi kalayuan ay mayroon isang malaking lalake ang tumatakbo at tuwang-tuwang kumakaway..

Agad siyang napangiti nang mamukhaan ang papalapit na binata. "Hey Jordan, ikaw pala!" bati niya dito.

"Ma...may klase ka pala ng ganitong oras?" medyo nahihiyang tanong nito sa kanya.

"Hindi, naisipan ko lang mag-review sa library, malapit na din kasi ang finals" sagot niya.

Biglang nagningning ang mga mata ni Jordan na para bang may narinig na maganda, naroon ang paglapad lalo ng ngiti nito.

"Uhm, kung...kung okay lang sa iyo, sasabay na ako. May mga kailangan din kasi akong ireview."

"Sige, wala naman problema doon." sagot ni Celina

Pinantayan ni Jordan ang bilis ng paglalakad ni Celina, habang papunta sa library ay walang itong ginawa kung hindi magkwento ng magkwento para mapatawa siya.

Ikinatuwa ni Celina ang pagsama ni Jordan sa kanya, kahit korni man ang mga joke nito ay masaya siyang nagkaroon ng iba pang kakwentuhan.

Matapos nilang magreview ay inilibre siya nito sa canteen, habang kumakain sila ay nagtatanong na din ito ng ilang mga bagay tungkol sa kanya na walang alinlangan naman niyang sinagot.

Naghiwalay sila bandang tanghali nang magsimula na ang klase ni Celina,

***

Halos kalahating oras na naghihintay si Celina sa likod ng Gym bigla nanaman kasi siyang inutusan ni senyorito Vincent na dalhin doon ang gamit nito na naiwan sa bahay at tulad ng dati nauna nanaman siya dito

"Akin na!" dagundong ng boses ng binata.

Napatalon tuloy si Celina nang makitang nasa likod na pala niya ito, dali dali niyang inabot ang gym bag ng binata. Hinintay niya muna itong makaalis bago siya tumuloy sa kanyang klase.

Habang naglalakad ay may bigla na lang humarang sa kanya na isang matangkad na lalaki. Bahagya siyang napaatras dahil hindi niya maaninag ang mukha nito dulot ng nakaharang ang hawak nitong isang boquet ng bulaklak.

"Celina, para sa iyo!" abot nito ng tumpok sa kanya na medyo nanginginig pa.

Napangiti bigla si Celina nang makilala ang naturang boses, inabot niya kaagad ang bulaklak at tinitigan, sandali din siyang tila natulala sa ganda ng mga pulang-pula at malalaking rosas. Iyon kasi ang unang beses na mayroon nagbigay sa kanya ng ganoon.

"Raymond ikaw pala. Thank you dito sa bulaklak!" masaya niyang sabi pakabaling dito.

Halata namang ang mabilis na pamumula ng pisngi ni Raymond, napakamot pa ito sa ulo, biglaan itong namawis at hindi magawang makatingin ng tuwid kay Celina.

"Celina, kung ano," parang napilipit ang dila ni Raymond matapos masilayan ang kakaibang ningning ng mga mata ng dalaga.

Napangiti lang si Celina dito sa pagkaaliw, tahimik na naghihintay kung anong gusto nitong sabihin sa kanya.

"Uhm papasok ka na sa klase mo?" tanong ni Raymond matapos ang ilang pang subok.

"Oo,"

"Ihahatid na kita" mabilis nitong sabi.

"Sige!" Wala naman nakikitang mali si Celina sa nais nito.

Biglang lumitaw ang isang malapad na ngiti kay Raymond na para bang nanalo sa lotto, nanlalaki ang mga mata sa kagalakan dahil sa pagpayag ng dalaga.

"Ako na magdadala ng mga gamit mo!" Abot kaagad nito.

Doon bahagyang napaatras nanaman muli si Celina. "Ay, ano kasi, hindi na. Nakakahiya naman!" sagot niya sa binata.

Pero talagang makulit si Raymond kaya naman hindi na din nakatanggi si Celina, binitbit nito ang bag niya at mga libro.

Habang naglalakad sila ay panaka-naka ang pagkwekwento nito sa kanya, halatang hindi pa din nawawala ang kaba nito.

Nagpasalamat ulit si Celina dito nang makarating na sila sa silid, matapos noon ay ngiting-ngiti itong umalis na tila napapasayaw pa sa paglalakad.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status