Share

Sweet

Huminto sila sa isang napakalaking parke, puno ng iba’t-ibang disenyo ang harapan nito at napakaraming tao sa paligid. Mula sa kinalalagyan nila ay naaninag na ni Celina ang isang malaking roller coaster at Ferris wheel.

Manghang-mangha niyang pinalilibot ang tingin sa paligid, pinagmamasdan ang ganda at laki ng lugar habang nakasunod kay Vincent. Mas lalo pa siyang napuno ng tuwa nang makita niyang bumibili ang binata ng ticket para dito.

"Tara na, baka gabihin pa tayo." Tuwid ang mukha ng binata habang iniaabo sa kanya ang binili nito.

Walang pag-aalinlangan niya na iyong inabot at dali-daling sumunod muli sa lalake. Halos napayakap na siya sa sarili nang makapasok sila, bakas na bakas ang tamis ng kanyang ngiti at ang kakaibang ningning sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang malaking nakasulat sa daanan nila na "Star City."

Ito ang unang beses niyang nakapunta sa ganitong lugar, madalas ay naririnig niya lamang o napapanood ito mula sa mga patalastas noon sa telebisyon. Pero
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status