Halos palutang-lutang ang isip ni Celina nitong mga nakaraang linggo, hindi siya makapaniwala na talagang nagbago na si Vincent, parang isang panaginip lang ang lahat, mula sa pagiging bugnuting masungit nito ay napalitan ng mabait at maalalahanin, kung ano ang dahilan ng biglaang pagbabago nito hindi niya alam, basta ngayon masaya siya at kahit papaano ay nagkakasundo na sila."Hoy Lina, ayos ka lang ba?" biglang bati sa kanya ni Melinda.Napatingin siya dito na medyo nagulat dahil hindi niya napansin na katabi niya na pala ito."Ate ikaw pala, bakit?""Parang ang lalim ng iniisip mo, anong meron? eeeeeh iniisip mo ba kung sinong sasagutin sa mga manliligaw mo?" biro nito sa kanya."Naku ate, baka may makarinig sa iyo!" suway niya dito.Bigla siya nitong niyakap at ramdam niya ang kilig sa katawan ng kasama. "Lina, kung ako sa iyo, sasagutin ko na ang isa sa mga poging iyon! ayeee!"Umangat tuloy ang dugo sa mukha ni Celina. "Tumigil ka na nga ate, bahala ka na dito, tapos ko na huga
Pilit nilalakasan ni Celina ang loob upang manatiling nakasunod kay Lucy at yakap-yakap ang sarili, habang ito naman ay abalang hinahanap si Luke sa lupon ng mga taong masayang nagsasayaw sa pinapatugtog ng DJ.Lahat ng nandoon ay nakasuot din ng swim wear kaya medyo nakahinga ng maluwag si Celina.Ilang saglit pa ng pagsusumiksik at pagpapaikot ng tingin ay nakita na nila si Luke, todo bigay itong nakikipag sayawan sa ilang mga kababaihan na nakapalibot dito."It's pay back time!" masayang sabi ni Lucy sabay baling kay Celina ng nakangisi.Mukhang hindi napansin ni Luke ang paglapit ni Lucy at Celina dahil abalang-abala itong nakikipag bump and grind sa ilang dalaga. Halatang enjoy na enjoy si Luke habang ikinakaskas ng isang babaeng kasayaw ang likuran nito sa harapan ng binata."Looks like you're having fun brother," bating kalabit ni Lucy dito nang makalapit sila. Nanatili naman si Celina na hatak-hatak at hawak sa braso ng kaibigan."Sis you’re fi ," biglang napatigil ang masaya
Inis na inis si Vincent ng mga oras na iyon, masyadong maraming oras ang nasayang sa kanya dahil sa pag aaway nila ni Nina. Ayaw siya nito paalisin kanina para sundan sina Celina, kaya ngayon hindi niya na ito mahanap.Napakalaki ng exclusive resort na iyon, pero wala siyang magawa kung hindi ikutin ang buong lugar at magbakasakali na makita niya ito. Kumukulo ang dugo niya ngayon at gusto niya humingi ng paliwanag mula dito, kung bakit ito nagsinungaling sa kanya. Ang naaalala niya, sinabi nito na wala itong planong umalis ngayong bakasyon.Hindi niya mapigilan ang magalit ng bigla niya itong nakita sa may cottage nila, pero mas ikinagagalit niya nang maalala niya ang suot nito, kahit na mayroon itong suot na polong panlalaki halata pa rin na nakabikini lang ito, kung hindi lang biglang lumabas si Nina, marahil nahatak niya na ito pauwi. Bigla niyang naalala ang tagpo nila kanina, nabatukan niya na lang ang kanyang sarili nang maalala iyon, nakita nga pala sila nito na magkasama sa
Pabirong hinampas ni Celina ng unan si Lucy nang hindi pa din ito gumising. Kahit papaano ay nakahupa na siya mula sa dinanas kahapon, kung kaya naman heto siya at nilulubos ang pananatili nila sa lugar na iyon. Nais niyang magkaroon ng masasayang memorya kasama ang kaibigan at nais niya din matutunan kung paano maaaliw at pagaanin ang loob ng hindi kinakailangan ng ibang tao."Cy, ano ba, akala ko ba gusto mo picturan iyong pagsikat ng araw!" paalala niya dito."Yeah, five minutes pa!" tumagilid lamang si Lucy sa pagkakahiga upang umiwas."Hindi na natin iyon maabutan kung magfifive minutes ka pa, bilis na, tumayo ka na diyan!" sita dito ni Celina.Pero nanatili pa rin itong nakahilata sa higaan nila, kaya naman hindi ito tinigilan ni Celina sa pag uga, sa sobrang alog niya dito ay hindi niya napansin na umuusog na pala ito papunta sa dulo ng kama, kaya nagulat na lang siya ng bigla itong mahulog sa kama."Cy!" alala niyang sigaw habang nakahawak ang kamay sa bibig para pigilan ang t
Naalimpungatan si Vincent nang tamaan siya ng sinag ng araw. Sa duyan kasi siya ng cottage natulog upang makaiwas kay Nina. Tumayo na siya kaagad at pumasok sa loob, nadatnan niya na tulog na tulog pa din ang dalaga kaya naman nagmamadali na siyang naligo at nagbihis, inayos niya na din ang kanyang mga gamit at inilagay sa kotse, napagdesisyunan niya ng umuwi at isasabay niya na si Celina.Nang makatapos siyang mag ayos ay agad niyang tinawagan ang cellphone ni Celina pero walang sumasagot dito, kaya naisipan niya na lang pumunta ng hotel at itanong kung saan ang kwarto ng mga ito, napag alaman niya din kasi kay Andrew na nagcheck in ang magkaibigan doon.Habang naglalakad ay hindi pa din tumitigil si Vincent sa pagtawag dito, hanggang sa may maaninag siya sa isang cottage.Bigla siyang napatigil, naikuyom niya ang kanyang palad at halos mababasag niya na ang cellphone niya sa higpit ng pagkakahawak ditoNakita niyang lumabas mula doon si Luke at kasunod noon ay si Celina na suot suo
Dalawang araw pa sana silang mananatili sa resort dahil na din sa nagustuhan ni Lucy ang tanawin ng lugar, pero dahil sa pangyayaring sa pagitan ni Luke at Vincent ay minabuti na lang nila ni Lucy na umuwi ng mas maaga sa inaasahan.Hindi pa rin maialis ni Celina ang kaba ng mga oras na iyon, hindi niya makalimutan ang nanlilisik na mga mata ni Vincent kanina. Wala sana siyang aalalahanin kung nasa mansyon ang kanyang ninang, ang kaso’y habang pauwi sila ay bigla itong tumawag at nagsabing aalis ito kasama ng dalawang senyor at ilan sa mga katulong."Cel, nandito na tayo" paalala ni Lucy nang makarating na sila sa mansyon.Doon lang nabaling ang isipan ni Celina sa kaibigan, kanina pa kasi siya nag aalala, sigurado niyang galit nanaman si Vincent sa kanya.Hindi niya alam ang dahilan ng kanyang pangamba pero iba talaga ang takot na nararamdaman niya ngayon."Ah sige, salamat sa paghatid Cy!" paalam niya."Sigurado ka ba na papasok ka na diyan? Doon ka kaya muna sa bahay hanggang sa ma
"Senyorito!" sigaw niya bago sila bumagsak.Napahiga si Celina habang nakapatong naman sa kanya si Vincent. Maya-maya lang ay naramdaman niya nanaman ang mapupusok na labi ng binata sa kanyang leeg, ang mga kamay din nito ay nagsumula ng malikot sa kanyang katawan"Senyorito huwag!" napasigaw na si Celina ng mga oras na iyon sa takot.Naipasok na kasi ni Vincent ang kaliwang kamay nito sa kanyang damit at marahan ng hinihimas ang kanyang dibdib, habang ang kanang kamay naman nito ay pilit na hinahatak patanggal ang shorts niya mula sa likuran.Parang nakikipaghatakan na siya dito dahil pilit niyang isinusuot muli ang kanyang pang ibaba, maliban doon pinipigilang niya na din ang mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas sa kanyang mga mata dahil sa sapilitan nitong ginagawa.Napatigil bigla si Vincent, nakasubsob pa din ang ulo nito sa kanyang leeg, naramdaman niya bigla ang malalim na pagtaas baba ng balikat nito ganoon din ang malakas nitong paghinga. Ilang saglit pa at nag-angat na
Pakiramdam ni Vincent ay parang nabibiyak ang kanyang ulo sa sobrang sakit, sa isip-isip niya mukhang naparami yata ang inom niya kagabi. Bigla na lang niyang sumagi sa kanyang alaala ang tila malabong pangyayari kagabi kaya agad niyang kinapa ang tabi, ngunit nagulat siya ng walang tao doon. Napaisip tuloy siya kung panaginip lang iyon hanggang mapansin niya ang mantsa ng dugo sa kanyang kobre kama, patunay na nangyari nga ang insidente kagabi.Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa tuwa, ngunit napalitan din iyon ng pag aalala, naisip niya na mali pala ang mga hinala niya kay Celina.Wala naman palang nangyari sa pagitan nito at ni Luke, maliban doon sapilitan pa ang mga ginawa niya kagabi.Agad siyang nagpunta sa banyo para maligo at magbihis, pagkatapos noon ay dali-dali siyang bumaba at tumungo sa kusina para puntahan ang quarters nila Celina.Napatigil lang siya at nagulat nang madatnan niya ang kanyang daddy kasama ang Lolo't Lola niya sa hapag at kumakain ng almusal."Goodmor