INICIAR SESIÓNAtanasha
Nakatitig ako sa likod ni Red Buenavista habang kampante siyang nakaupo sa swivel chair niya. Ang bango ng opisina niya—amoy mamahaling sandalwood at kapangyarihan—pero para sa akin, amoy lason iyon. Isang linggo. Isang linggo niya na akong ginagawang aso. Utos dito, hiling doon. Bawat minuto, sinusubukan niya kung hanggang saan ang pasensya ko.
Gusto ko siyang sapukin, pero nakatali ako. Ang pirma ko sa kontratang iyon ang nagsisilbing rehas ko.
"You’re moving too slow," malamig niyang sabi nang hindi man lang tumitingin sa akin. "Ilabas mo lahat ng basura rito. Just ask the maids where the bins are. Hurry up."
Humigpit ang kapit ko sa gilid ng mesa. Halos bumaon ang mga kuko ko sa kahoy. Gusto kong isigaw na hindi ako janitress, pero mas maugong ang kailangan kong pera kaysa sa pride ko.
"Yes po, Sir," sagot ko. Diniretso ko ang tingin sa kaniya, bawat salita ko ay puno ng sarkasmo.
Dahan-dahan siyang lumingon. Nagtagpo ang mga mata namin. Ang mapanuksong tingin niya laban sa nagaalab na galit ko.
"You have a problem with that?" hamon niya. Ang boses niya ay mababa, tila nanunuot sa balat ko.
"Nothing, Sir. Sobrang excited lang ako maging basurera mo," bulong ko bago ako tumalikod. Padabog akong naglakad palabas, ang tunog ng heels ko sa sahig ay parang bawat mura na gusto kong bitawan. Nararamdaman ko ang titig niya sa likod ko hanggang sa sumara ang pinto.
…
Isang oras na ang lumipas. Pagbalik ko sa kwarto niya, busangot na ako. Pawisan at pagod.
"Ang tagal mo. I only asked you to take out the trash, it took you an hour?" sabi niya habang nakataas ang isang kilay. He looked clean, relaxed, and annoyingly handsome.
Inirapan ko lang siya.
"Forget it. Ipagpitas mo na lang ako ng white roses sa garden. I trust you can do that properly, right?"
Hindi na ako sumagot. Dire-diretso ako sa garden, hindi ko alam na may naghihintay palang sorpresa roon. Pagapak ko sa damuhan, isang malakas na tahol ang nagpatalon sa puso ko.
"AAAHH! BASTARD!" tili ko nang habulin ako ni Blaze, ang dambuhalang bulldog niya na hindi man lang nakatali.
Nakabalik ako sa kwarto niya na parang dinaanan ng bagyo. Gusot ang damit ko, gulo-gulo ang buhok, at ang mga rosas na hawak ko? Durog-durog na. Nilapag ko ang mga bulaklak sa mesa niya nang may diin.
Agad siyang tumayo at nilapitan ako. Masyadong malapit. Hinawakan niya ang kamay ko, pinagmasdan ang bawat daliri ko na tila sinusuri ang isang mamahaling alahas.
"Wala ka namang kapansanan sa kamay," bulong niya, ang init ng hininga niya ay dumadampi sa balat ko. "Bakit napakapangit mong pumitas ng bulaklak?"
"I’m so sorry, Mr. Buenavista," sagot ko, hinarap ko ang mukha niya. "Hinabol kasi ako ng aso niyo. Alam niyo po ba ang sabi nila? Ang aso, nagmamana sa amo. Kung baliw at nangangagat ang aso, malamang mas malala ang ugali ng may-ari."
Seryoso siyang tinitigan ako. Hindi siya nagalit. Mas lalo siyang lumapit hanggang sa maramdaman ko ang dibdib niya.
"Dadating ang panahon na aalagaan mo rin si Blaze. You’re going to be his female owner," sabi niya, ang boses niya ay puno ng pangako na hindi ko maintindihan. "Kaya baguhin mo na ang ugali mo bago ka pa niya tuluyang maging kamukha."
…
Dinner time. Nakahanda na ang niluto ko nang biglang bumukas ang pinto. Isang eleganteng babae ang pumasok—balot ng itim na dress at kumikinang na alahas.
"Mom?" gulat na sabi ni Red.
"Ano itong nababalitaan ko? Where did all your manners go?" galit na sabi ng ginang.
"Hello... mother," mahina kong bati. Kinakabahan ako.
"Don’t you dare call me mother! Wala akong anak na walang pinag-aralan!" sigaw niya sa mukha ko. Napahiya ako. Gusto kong lamunin ng lupa sa harap ni Red.
Pero laking gulat ko nang humarang si Red sa gitna namin. Hinawakan niya ang kamay ko—mahigpit, protektado.
"She’s definitely not your daughter," sabi ni Red, seryoso ang boses. "She’s your daughter-in-law."
Natigilan ang nanatili niya. "You’re choosing her? Over Sofia? Anak, look at her. She looks like a maid! Paano ka magbe-benefit sa kaniya?"
"Are you saying I have to rely on a woman to achieve anything, mother?" balik ni Red. "I don’t care if you don’t like her. Don’t insult her. I like her, and that’s enough."
Galit na nag walk-out ang nanay niya matapos magbanta ng divorce. Naiwan kaming dalawa sa tahimik na silid.
…
Nasa sofa ako, nakayakap sa unan at tulala. Iniisip ko pa rin kung bakit niya ako pinagtanggol. Lumabas si Red sa banyo, basang-basa ang buhok at tanging towel lang ang nakatakip sa ibaba niya. Ang mga patak ng tubig ay gumugulong sa abs niya pababa sa bewang niya.
"Water," utos niya.
"Ha?" nagising ang diwa ko. Ang hot niya, nakakainis.
"Are you stupid? Pati tubig hindi mo na alam? Nevermind. Maligo ka na."
Umirap ako at pumasok sa banyo. Paglabas ko, nakita ko siyang seryosong nagbabasa sa study area. He looked like an angel. Isang demonyong anghel.
"Do I have to live here?" tanong ko.
Hindi siya lumingon. "Then why did you come here? Para magnakaw?"
"Nagbabakasakali lang!" inis kong sagot.
"Hanggat hindi pa umaalis si Mom, you stay here," sabi niya sabay turo sa sofa. "You can sleep there. Or on the floor. Choice mo."
Napanganga ako. Matapos akong ipagtanggol kanina, sa sofa lang pala ang bagsak ko?
"You’re really not a gentleman, are you?" bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang unan sa sofa. Pero kahit anong galit ko, hindi ko maikakaila ang mabilis na tibok ng puso ko habang pinapanood siyang maglipat ng pahina ng libro.
Atanasha "Well I found a woman, stronger than anyone I know, She shares my dreams, I hope that someday I'll share her home, I found a love, to carry more than just my secrets, To carry love, to carry children of our own, We are still kids, but we're so in love, Fighting against all odds, I know we'll be alright this time, Darling, just hold my hand, Be my girl, I'll be your man, I see my future in your eyes.~" Pagkanta ni Red, “It is a song made by Ed Sheeran at gusto kong gamitin ang kantang ito para malaman ng babaeng pinakamamahal ko na siya lang ang nais kong makasama sa hirap at ginhawa. Alam kong marami na tayong pinag daanan pero tignan mo naman tayo ngayon, heto na tayo nandito na tayo sa parte kung saan unti-unti na nating natutupad ang mga bagay na pinapangarap lang natin. Ayoko ng mag sayang ng taon na wala ka sa buhay ko. You deserve the world and all the good things it has to offer. If I fail to find that world for you, I promise to give you mine! Atanasha Felise Martinez
Atanasha “The day has finally arrived. Two whole years with what feels like a lifetime's worth of the best memories. I used to believe that partnerships with this much love could only be found in the romantic movies that you always mock me for viewing. But here we are, a year later, and you have shown that you are wrong (despite your argument that rom-com gives me and the rest of the female population false hope — so I guess you have proven yourself wrong as well). I've never felt more at ease with anyone, mentally, physically, or emotionally. You are my refuge when I need it. You've given me so much over the last year, but what I value most about your love is the sense of security and reliance. You're my best friend, and I know you'll be there for me no matter what. Never let me face it alone. But you've also taught me how to be self-sufficient. This is something I will always treasure. Before you, I craved the attention of others and despised the prospect of ever being alone. But
AtanashaIsang buwan na ang nakalipas matapos i announced sa lahat ng tao ang pagbuo ng big 3 companies. Hindi ko pa rin makalimutan ang reaksyon ni Red nang malaman niyang ako ang isa sa mga tumulong upang maibalik niya ang kanyang kumpanya. Sobra sobra ang pagpapasalamat niya sa akin. At ngayon masasabi kong tama talaga ang naging plano ko dahil makikita naman ngayon ang resulta ng ginawa naming partnership. Mas lumago ang aming mga kumpanya dahil sa aming pagtutulungan at nakilala individually sa iba’t ibang bansa.Mayroon na kaming branch sa iba’t ibang bansa at talagang masasabi kong sobrang nagpapasalamat ako sa mga magulang ko na tumulong sa akin para maabot ang lhat ng ito at syempre kay mama na ansa heaven na hindi ako kinalimutan at patuloy akong ginagabayan.-Ngayong araw ang kaarawan ng pinakamamahal kong lalaki sa buong mundo. Syempre hindi ako papayag na hindi maging special ang birthday niya, kaya naman pinaghandaan ko talaga ito. Pinag piring namin siya para naman hin
AtanashaNgayon ko palang nabalitaan ang nangyari sa mama ni Red. Hindi ko alam na ganun karami pala ang naging biktima ng masamang pag uugali niya. Mabuti naman nakulong na siya. Kahit kailan ay hindi na talaga babait ang ugali nun at mas lalo lang siyang maraming mabibiktima.At dahil wala na ang nangunguna sa mga problema ko ay oras naman para ayusin ang mga nasira. Lumipad ako papuntang Manila kasama si Red at pinatuloy na muna siya sa hotel room ko. Hindi pa rin kasi tumitigil ang media sa paghahanap sa kanya at baka may iba pang mangyari kung makita nila si Red, mahirap na sa panahon ngayon dahil mainit pa sa mata ang apelyido nila at baka madamay pa si Red dahil sa kagagawan ng kanyang ina."Dito ka na muna, may kailangan lang akong asikasuhin kung may kailangan ka tawagan mo lang agad ako at pupunta agad ako dito, okay?" Paalam ko kay Red.Tumango naman ito at agad na akong umalis ng hotel. Nang makasakay ako ng sasakyan ay mabilis itong pinaandar ng aking driver at nag punta
Atanasha“Bakit hindi na kita matawagan? Ilang beses kitang sinubukang tawagan pero ni isa sa mga social media mo even yung number mo ay hindi na ma reach out…” Malungkot kong usal.Nandito na kami sa loob ng bahay ni Manang Fe. Hindi pa rin makapaniwala sila Manang Fe na nahanap ko ang location nila ngayon. Syempre, hindi ko naman sinabi kung kanino ko nalaman ang impormasyon. Ang sabi ko lang ay nag hire ako ng private investigator para mahanap kung nasaan sila."Susundan pa sana kita sa Australia pero nag simula na ang pag bagsak ng company. Kahit na inaasahan ko naman na babagsak ang company ay hindi ko inaasahang ganito kabilis. Para bang pumikit lang ako at pag dilat ko ay wala na sa akin lahat. Nang bumagsak ang kumpanya ay maraming nagpapakalat ng mga fake news na kaya raw bumagsak ang kumpanya dahil kinakarama na ito dahil sa mga empleyadong pinatay namin. Kahit kailan ay hindi namin magagawang pumatay ng mga inosenteng tao, pero may iilan naman akong narinig na dati na may m
AtanashaPangalawang araw na sa paghahanap ko kay Red. Mahigit limang private investigator na rin ang mga na hire ko para lang hanapin siya. May mga lugar naman silang mga ibinibigay sa akin ngunit kailangan pa nilang siguraduhin kung nandoon nga ba talaga si Red. Habang naghahanap kay Red ay unti unti ko na ring pinapakita sa Pilipinas ang mga produkto ko. Kaya naman sobrang abala rin ng aking secretary sa pag aasikaso nito. Si Jake naman ay palaging nakasunod sa akin sa kung saan ako mag punta.Sa mga araw na ito ay sobrang ingay pa rin ng media tungkol sa issue at problemang nangyayari sa mga Buenavista. Patuloy pa ring lumalabas ito sa mga balita at marami na ring mga chismis ang kumakalat ngayon at ginagawan ng kwento ang pamilya nila. Ginagawa ko naman ang makakaya ko upang mai take down lahat ng mga fake news na ipinakakalat nila, ngunit sa dami nito ay nahihirapan na rin akong isa isa itong mapatake down ng basta basta. Malaki na rin ang nagastos ko para lang doon.“Ma’am, tu







