เข้าสู่ระบบ"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ"
ARIELLE’S POINT OF VIEW “Okay class,” biglang bulalas ni Professor Dela Peña habang inaayos ang mga papel sa mesa niya. Kaming lahat ay agad na tumuwid sa pagkakaupo at seryosong nakatingin sa kanya. “For your midterm project, you’ll be conducting a formal interview with one of the country’s well-known businessmen. This will be a requirement for your Business Communication and Research subject, so make sure to take it seriously," seryosong ani nito, nakapatong ang parehong palad sa ibabaw ng mesa at isa-isa kaming tiningnan. Nagtinginan kaming lahat sa loob ng classroom, may mga napanganga, may mga napailing, at may ilan ding agad na napangiti at bakas ang excitement sa mukha. “Interviewing a famous businessman?” bulong ni Themarie sa akin, bahagya pang nanlaki ang mata. “As in famous, famous? Baka mayaman ‘to ha!” Napailing ako, pero hindi ko maiwasang mapangiti nang bahagya. “Business Communication nga, ‘di ba? Baka gusto ni Ma’am ng exposure type project. Pero sana wag naman ‘yung tipong unreachable na tao," suhestyon ko. Ilang sandali la ay muling nagsalita ang professor, agad na bumalik ang tingin namin ni Themarie sa harapan. “Each pair,” patuloy ni Ma’am, “will be assigned a specific name. The interviews will happen next week, and you’ll have to submit a detailed report, plus a presentation.” Sunod-sunod na napuno ng ingay ang classroom, may mga naghihiyawan, may mga nagdadasal na sana madali lang makausap ang ma-assign sa kanila. Ako naman ay Wala gaanong reaksyon, tahimik lang akong nakikinig, kalmado na parang walang pakialam. “Let’s start with the list,” sabi ni Ma’am habang binabasa ang papel. “Group one... Mr. Lorenzo Dela Vega, CEO of Luxe Interiors.” “Group two, Mr. Marco Ignacio, President of Zenith Holdings.” Isa-isa niyang binabanggit ang mga pangalan at bawat tawag ay may kasunod na sigawan o reklamo. Nakangiti lang si Themarie sa tabi ko habang hinihintay naming matawag ang aming pangalan. “Group eleven, Miss Arielle Navarro and Miss Themarie De Guzman…” Napatingin kaming pareho sa isa't isa, sabay pa kaming ngumiti. “Ayan na tayo!” sabi ni Themarie, excited pa. Hanggang sa marinig namin ang pangalan nang businessman na kasunod nitong sinabi... “…you will be interviewing Mr. Eleazar Thadeus Ramirez, CEO of ETR Corporation.” Natigilan ako, kasabay nang pagkawala ng aking ngiti na para bang binagsakan ako ng mundo. “What?” halos sabay naming sabi ni Themarie, pero ako, halos hindi ko marinig ang sarili kong boses. Naririnig ko ang mga bulungan sa paligid. Ilang sa mga kaklase namin ay inggit, may nanghihinayang na baka mapalya kami sa gagawing interview, pero wala akong pakialam sa mga sinabi nila. “Si Eleazar Ramirez?!” “‘Yung bachelor tycoon na palaging nasa magazine?” “Grabe, ang swerte nila!” Kabaliktaran ang reaksyon nilang iyon sa akin, dahil para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Maya-maya pa ay naramdaman kong tiningnan ako ni Themarie. “Arielle…” bulong niya, may halong gulat at pag-aalala. Agad akong nagtaas ng kamay. “Ma’am, excuse me,” sabi ko, pilit pinapakalma ang aking boses. “I think there’s a mistake. Can we request for a different assignment?” Lumingon sa akin si Professor Dela Peña, bahagyang nagtaas ng kilay. “May problema ba, Miss Navarro?” bahagyang tumaas ang kilay nito habang tinitingnan ako. “Uh…” napalunok ako. “It’s just that... uhm, personal reasons po," hirap na hirap kong sagot at halos hindi makatingin nang diretsyo sa professor. “Personal reasons?” ulit niya, at napatingin sa akin ang halos at gano'n din ang iba kong kaklase. “I’m sorry, Miss Navarro, but these pairings and assignments were already coordinated with the school administration. Mr. Ramirez himself approved the interviews and specifically requested that the students won’t be changed. Understood?” Napamaang ako sa sinabi nito, "He… he approved it? and requestes for us?" bulong ko sa sarili. Nang akmang muli akong magsasalita ay mabilis na hinawakan ni Themarie ang laylayan ng aking damit upang mapigilan ako. “Understood, Ma’am,” mabilis na sabat ni Themarie para matapos na ang atensyon sa amin. “Good.” Tumango si Professor Dela Peña at muling ibinalik ang tingin sa listahan. “Next pair—” Pero wala na akong ibang naririnig, para akong naminge habang paulit-ulit na iniisip ang interview na gaganapin next week. "Sh!t talaga," sigaw sa loob ng utak ko na gusto kong isigaw. Ramdam kong nanlalamig ang mga palad ko. Parang nilamon ako ng kaba at hiya. Of all people… bakit siya pa? pakiramdam ko tuloy ay pinaglalaruan ako nang husto ng mundo. “Hoy,” mahinang bulong ni Themarie, sabay marahang hinawakan ang braso ko. “Are you okay?” Tumikhim ako, pilit pinipigil ang panginginig ng kamay. “Yeah,” pagsisinungaling ko. “Okay na lang,” pilit kong sagot. Hindi ko alam kung anong laro ang binabalak ng tadhana, pero kung akala ko ay tapos na kaming dalawa ni Eleazar Thadeus Ramirez… Halos hirap na hirap na nga akong magdesisyon para sa sarili ko kung susundin ko ba ang sinasabi ng utak ko o ang inuudyok ng puso ko? Tapos ngayon? matapos ang pag-uusap namin sa bakuran nang bahay ay muli kaming magkikita? "T*ngina! Umalis na lang kaya ako sa lugar na ito nang sa gano'n ay hinding-hindi na ulit kami nagkita?" Because the longer I choose to stay here, the harder it is for me to choose and do the right thing to pretended he doesn't exist, that I didn't love him. TO BE CONTINUED....."I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ"ARIELLE’S POINT OF VIEW“Okay class,” biglang bulalas ni Professor Dela Peña habang inaayos ang mga papel sa mesa niya. Kaming lahat ay agad na tumuwid sa pagkakaupo at seryosong nakatingin sa kanya. “For your midterm project, you’ll be conducting a formal interview with one of the country’s well-known businessmen. This will be a requirement for your Business Communication and Research subject, so make sure to take it seriously," seryosong ani nito, nakapatong ang parehong palad sa ibabaw ng mesa at isa-isa kaming tiningnan.Nagtinginan kaming lahat sa loob ng classroom, may mga napanganga, may mga napailing, at may ilan ding agad na napangiti at bakas ang excitement sa mukha.“Interviewing a famous businessman?” bulong ni Themarie sa akin, bahagya pang nanlaki ang mata. “As in famous, famous? Baka mayaman ‘to ha!”Napailing ako, pero hindi ko maiwasang mapangiti nang bahagya. “Business Communication nga, ‘di ba? Baka gusto ni Ma’am ng exposure type
"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ" ARIELLE'S POINT OF VIEW "Kumusta naman ang meeting with future brother-in-law, kagabi?" pagbasag ni Themarie ng katahimikan. Kanina pa kami magkasamang dalawa, pero magmula din kanina ay hindi ako nagsasalita, hindi ko nai-kwento sa kanya ang nangyari kagabi kaya siguro ay nagtanong na siya kasi wala akong balak magkusa. Pilot akong ngumiti at bumaling sa kanya, "Okay naman. Medyo nakakagulat lang kasi si Sir Eleazar Ramirez, 'yung fiancé niya." Wika ko. At napaismid ako kaagad nang kumawala ang inaasahan kong reaksyon sa mukha niya. Gulat na gulat siya, mas gulat pa na nalaman niyang galing sa tax namin ang binili ng Hermes bag ng mga contractor.... "Hindi ba 'to, trip-trip lang, Arielle? as in seryoso talaga?" paniniguro niya. Sinamaan ko siya nang tingin.“Hindi ako nagbibiro, Themarie,” sagot ko, sabay buntong-hininga at sandaling tumingin sa bintana ng café kung saan kami madalas tumambay tuwing break, para na rin gawin ang thesis namin
"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ"ARIELLE'S POINT OF VIEW “Arielle…”Mahinang boses niyang sambit, pero sapat na lara mapatigil ako. Nakatalikod pa rin ako sa kanya, bahagyang nakayuko, parang nagdadalawang-isip kung lilingon ba o tuluyang lalayo.Hindi ko alam kung bakit niya ako tinawag sa gano'ng paraan, hindi ko tuloy mapigilang muling umasa na baka may pag-asa pa talaga.Narinig ko ang mahinang yabag nito papalapit sa akin. Bawat hakbang ay parang unti-unting bumubura sa distansyang pilit kong nilalagay sa aming pagitan.“I tried to forget you,” mahina niyang sabi, halos pabulong. “But the truth is… I couldn’t.”Napapikit ako. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o iiyak. Gusto kong sabihing pareho kami, pero paano ko aaminin ‘yon, kung ang tanging dahilan kung bakit nandito siya ngayon… ay dahil sa kapatid ko?“Dalawang taon, Arielle,” narinig kong dagdag niya, mababa ang boses. "Dalawang taon kong tinangka na kalimutan ‘yung gabing ‘yon. Pero kahit anong gawin ko…” bahagya siyan
"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ" ARIELLE’S POINT OF VIEW Hindi ko alam kung paano ko nagawang maupo rito sa dining table, sa harap mismo ni Eleazar at sa tabi nito ay Ate Lynna na halos hindi maibsan ang saya sa tuwing tinitingnan ang fiancé niya. Napakagat ako ng labi, pilit pinipigilan ang sarili na huwag mag-react sa bawat tawa at paglalambing ni Ate sa kanya. Mula kanina ah hindi ko magawang tingnan si Eleazar nang diretso. Hindi ko alam kung dahil sa hiya, sa kaba, o sa galit... o baka lahat-lahat na. “Eleazar, tikman mo ‘tong adobo ni Mommy,” masiglang sabi ni Ate Lynna habang nilalagyan ng iba't ibang pagkain ang pinggan nito. “Masarap ‘to, promise. Favorite ko ‘to simula pa noong bata ako.” Ngumiti lang si Eleazar, tipid at mahinahon. “Sure,” aniya, sabay sulyap sa kanya. Napayuko ako, kunwari’y abala sa pagkain, pero ramdam kong uminit ang batok ko. "Nakakainis. Bakit kailangan pang siya? Bakit siya pa ang napili ni Ate?!" tanong na walang sawang tumakbo sa utak
"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ" ARIELLE'S POINT OF VIEW (Two years later....) "Ano?! Engaged na si Ate Lynna?" gulat kong tanong kay Mommy. Kakalabas ko lang nang kwarto at iyon agad Ang bungad nito sa akin. Nakakagulat kasi wala naman akong nabalitaan na may boyfriend, na pala ang kapatid ko. She always focuses on her studies that's why this news was so surprising. "Yeah. She'll come here later for dinner, at ang sabi niya ay isasama niya raw ang kanyang boyfriend para ipakilala sa atin," tugon nito, halata ang excitement sa boses ni Mommy. Maging ang mga mata niya ay nakangiti habang sinasabi ang mga salitang iyon sa akin. Napairap ako sa kawalan, walang ganang naupo sa silya sa dining table at nagsimulang kumain ng agahan. May klase pa ako ngayon, sobrang busy dahil second year college na ako. Maya-maya pa ay narinig ko ang mga yabag mula sa hagdan, mula sa dining area ay bumaling ako sa hagdan at natanaw ko si Daddy. And as usual, blangko ang ekspresyon nitong n
"I slept with my Sister's Fiancé" ARIELLE'S POINT OF VIEW "Hinay-hinay lang naman sa pag-inom, Ari! Wala kang kasamang driver, kaya walang maghahatid sa 'yo," paalala ni Themarie, sinusubukang agawin ang baso mula sa kamay ko. Pero hindi ko siya hinahayaang maagaw iyon, dahil sa t'wing tatangkain niyang agawin ang baso ay nilalayo ko iyon sa kanya. "Hayaan mo na ako, Themarie. School prom naman natin! Nasa legal age na rin naman ako kaya pwede akong maglasing!" asik ko at muling nagsalin ng alak sa aking baso.Hindi ako magawang pigilan ni Themarie kaya mas pinili na lang niyang hayaan ako dahilan alam niyang hindi ako makikinig sa kanya.“Ay bahala ka, Ari. Pero kapag nahilo ka, ‘wag mong akong matawag-tawag at mautos-utusan ha,” paalala niya at agad akong tinalikuran. Tumawa lang ako habang sinusundan siya nang tingin. Nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko at ibinalik ko ang aking atensyon sa harapan. Habang pinapakinggan ang malakas na tugtog na parang umaalingawngaw







