LOGIN"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ"
ARIELLE'S POINT OF VIEW "Kumusta naman ang meeting with future brother-in-law, kagabi?" pagbasag ni Themarie ng katahimikan. Kanina pa kami magkasamang dalawa, pero magmula din kanina ay hindi ako nagsasalita, hindi ko nai-kwento sa kanya ang nangyari kagabi kaya siguro ay nagtanong na siya kasi wala akong balak magkusa. Pilot akong ngumiti at bumaling sa kanya, "Okay naman. Medyo nakakagulat lang kasi si Sir Eleazar Ramirez, 'yung fiancé niya." Wika ko. At napaismid ako kaagad nang kumawala ang inaasahan kong reaksyon sa mukha niya. Gulat na gulat siya, mas gulat pa na nalaman niyang galing sa tax namin ang binili ng Hermes bag ng mga contractor.... "Hindi ba 'to, trip-trip lang, Arielle? as in seryoso talaga?" paniniguro niya. Sinamaan ko siya nang tingin. “Hindi ako nagbibiro, Themarie,” sagot ko, sabay buntong-hininga at sandaling tumingin sa bintana ng café kung saan kami madalas tumambay tuwing break, para na rin gawin ang thesis namin. “He’s really my sister’s fiancé. And apparently…” tumigil ako saglit, pinilit kong gawing kalmado ang boses ko, “…hindi na siya nagtuturo. He’s now a businessman.” “Wait....what?!” halos pasigaw niyang sagot, napalakas pa ang bagsak ng ballpen sa mesa. “So, let me get this straight. ‘Yung dating professor natin na, two years ago, If I remembered it clearly... you said you had a huge crush on him, and now he's your sister’s fiancé?” Napairap ako at nagtaas ng kilay. “Yeah. You got it right. Ironic, ‘di ba?" umiiling kong tugon. “Hindi ‘to simpleng ironic, Arielle!” Halos hindi makapaniwala si Themarie. “Parang teleserye! Diyos ko, kung ako ‘yan, baka nilagnat na ako sa gulat!” Mapait akong natawa habang nakatingin sa kanya. “Believe me, gusto ko ring magkasakit nalang para hindi ko ‘to maramdaman.” Tahimik siyang tumitig sa akin, halatang pilit niyang binabasa ang ekspresyon ko. “And how did you react when you saw him?” tanong niya, mas mahinahon na ngayon, pero may halong pag-aalala. Lumikot ang dila ko sa loob ng aking bibig at tumingin ako sa tasa na may lamang kape sa harap ko. “Hindi ko alam,” mahinang sabi ko. “Parang lahat ng pinilit kong kalimutan, biglang bumalik. Anyways, he's just my crush. At isa pa, bata pa tayo noon kaya normal lang ang crush²," pagkukunwari ko para hindi niya mahalatang nahu-hurt ako. “Grabe…” bulong ni Themarie. “Anong balak mo ngayon?” "Wala. Anong magagawa ko, ‘di ba? Ate ko ‘yung fiancé niya. Alangan namang agawin ko siya. Themarie! Crush ko lang siya, wala nang iba bukod doon," dipensa ko. “Pero—” “Wala nang ‘pero,’ Themarie,” putol ko, marahang umiling. “He made his choice. I just have to live with it.” Tahimik kaming pareho pagkatapos no’n. Muli akong tumingin sa labas ng café, nakita ko ang mga taong naglalakad... normal, masaya, walang iniisip. At habang nakatingin ako sa kanila, naisip ko sana gano’n din ako. Sana gano’n ako. Makalipas ang mahigit isang oras ay niyaya ko na si Themarie na bumalik na kami ng school kasi nga magsisimula na ang klase. Sumang-ayon Naman siya at masaya kaming naglalakad, malapit lang kasi itong cafe, nasa labas lang nang university kaya ginagawa naming tambayan. At eksaktong pagdating namin sa aming department ay siya ring pagdating ng professor para sa subject namin ngayong hapon. Nagsimula na itong nagturo at ako naman ay nakikinig nang husto, pero walang pumapasok sa utak ko, kahit isa man lang. Hanggang sa lumipas ang marami pang oras at natapos na ang tatlong subject ay para pa din akong maintindihan. Lahat ng sinasabi ng mga professors ay dumidiretsyo sa kaliwang tenga ko at wala na akong matandaan sa mga topic. ****** "Mauna na ako," paalam ko kay Themarie, nginitian niya ako at pagkatapos ay dumiretsyo na ako sa paglalakad papalapit sa kotse na susundo sa akin. Agad kong binuksan ang pinto sa passenger seat, dire-diretsyong pumasok sa loob gaya nang madalas kong ginagawa. "Magandang halon, Kuya Georg---" Natigilan ako nang mapagtanto kong hindi si Kiya George ang nakaupo sa Driver's seat... kundi si Ate Lynna. Bahagya itong natawa habang nakatingin sa akin, siguro ay inasahan niyang gano'n ang magiging reaksyon ko. "Pinakiusapan ko si Kuya George na ako muna ang driver mo ngayon," anunsyo niya habang ini-start ang makina ng sasakyan. Tipid akong tumango at sumandal sa leather jacket, "I see," tanging saad ko at tumingin sa bintana ng sasakyan. Hindi naman na siya nagsalita ulit at nagsimula nang patakbuhin ang sasakyan. ***** Habang nasa byahe kami ay sobrang tahimik ng paligid, hindi siya nagsasalita at gano'n din ako. Wala din naman akong sasabihin kaya bakit pa ako magsasalita, masasayang lang ang laway ko. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagbagal nang takbo ng kotse, hanggang sa tuluyan itong huminto..... sa tapat ng isang boutique clothing store... "Ano naman ang gagawin namin dito?" sa isip ko, sinulyapan ko si Ate Lynna at nakatingin na ito sa akin. "We're here to buy some clothes for the engagement party," paliwanag niya at naunang bumaba nang kotse. Ramdam ko ang pagkalukot ng mukha ko habang sinusundan siya ng tingin, kahit ayaw ko ay wala akong choice kundi ang sundan siya sa loob ng boutique. "Hindi ba siya marunong makiramdam na ayaw ko," bulong ko, padabog na sumunod sa kanya sa loob. Pagkapasok ko sa loob ng store ay agad na sumalubong sa akin ang amoy ng tela ng iba't ibang damit na naka-display. Sobrang ganda ng mga gowns na naka-display sa paligid, pero hindi ko ramdam ang kagustuhan na mamili kasi hindi ko naman alam kung gugustuhin ko bang dumalo sa engagement party na sinasabi niya. Abala ako sa pagtingin-tingin ng gowns nang marinig ko ang boses ng kapatid ko mula sa likuran. Lumingon ako sa kanya at bumungad sa akin ang nakangiting mukha nito, kitang-kita ko na subra siyang excited sa party na ito. "I know you can see how excited I am for this party.. and how happy I am to be his wife," she murmured. And I don't know why, but suddenly I felt that different kind of pain in my chest. I forced myself to smile and avoid her eyes. I looked at the white long wedding gown in front of me. "How can you be so excited when you just met him? You've never been in a relationship that long, still you said yes to him," mahina kong wika, at magkunwari pa ring abala. Naramdaman ko ang paghakbang nito patungo sa harapan ko, at gaya ko ay pinaglandas niya ang kanyang palad sa puting trahe de boda na nakaagaw ng aking atensyon. "I love him, Arielle. I'm in love with Eleazar, and I want him to be my husband," bulong niya. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at hindi inaasahang nagtama ang paningin naming dalawa. Nakatitig kami sa isa't isa at maging ako ay hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Pero kalaunan ay ngumiti siya at siya na mismo ang tumalikod sa akin, habang ako ay nanatili pa rin sa pwesto ko habang hawak-hawak ang wedding gown. Simula bata pa lang kami ay laging pinapaburan nang mga magulang ko si Ate Lynna, nasanay siyang lagi niyang nakukuha ang kanyang gusto, at nasanay din akong laging nagpapaubaya para sa kanya. Pero ngayon iba ang nararamdaman.... For the first time in my whole existence, I felt the courage to fight for what I think is for me. For the first time... I feel the will to go against my sister and my family in order to take the precious thing they cherished... Kung dati ay masaya ako para sa kapatid ko habang nagpapaubaya para sa kanya ngayon hindi na. Gusto kong agawin sa kanya si Eleazar, at wala akong pakialam kahit na magalit pa silang lahat sa akin. TO BE CONTINUED....ELEAZAR’S POINT OF VIEWThe conference room was cold.... so cold that I could feel my toes freezing.Glass walls, polished table, large LED screen at the front displaying projections and figures that should’ve had my full attention. ETR Corporation’s executives were seated on my side, Rhiane beside me, composed and alert. At sa kabilang direksyon ay nakaupo ang myembro ng Velarium Holdings, at syempre hindi puwedeng mawala ang kaninang CEO.Si Raze Montclair...He looked so relaxed for a man who knew he was stepping into another lion’s territory. At sa tabi niya ay ang kanyang executive assistant, si Arielle.She was so professional, hair neatly tied, neutral makeup, tablet resting on her lap. And she looked… untouchable. Like she belonged there. Like she had always belonged there.“Velarium’s projected timeline for the residential expansion spans eighteen months,” one of their senior architects explained, pointing at the screen. “We’re looking at a phased development...”I nodded o
"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ" ARIELLE'S POINT OF VIEW Abala ako sa pag-aayos ng mga gamit ni Raze. Sobrang kalat kasi ng kanyang opisina dahil sa sobrang busy nitong mga nagdaang araw. At kung tama ang pagkakaalala ko... nagsimula lahat nang 'to ng mabuo ang partnership niya sa kumpanya na pagmamay-ari ni Eleazar. Kahit ngayon nga ay hindi pa rin talaga tumatak sa utak ko na nangyayari ito.. paano pa ako lalayo gayong siya na mismo itong gumawa ng paraan para mas lalo kaming maging malapit sa isa't isa. "Hmmp...." malalim kong pagbuntong-hininga. Binilisan ko na ang kilos ko at ilang minuto lang ay natapos na akong mag-ayos. Malinis nang tingnan ang bawat sulok ng opisina kumpara kanina. "Sa wakas... hindi kana mukhang budega," sa isip ko at mahinang natawa. Tumalikod na ako sabay inabot ang aking iPad at diretsyong lumabas ng opisina. May lunch meeting si Raze kaya wala siya rito sa kumpanya. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain niya at pinigilan niya akong s
"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ" ARIELLE'S POINT OF VIEW Parang wala akong sa sarili habang naglalakad papasok sa loob ng bahay. Ramdam ko ang pangangatog ng aking tuhod, ang mabilis na pagtibok ng aking puso at ang paghahabol ko ng aking hininga. Limang taon.... limang taon ko siyang hindi nakita, pero hanggang ngayon ay gano'n pa rin ang kanyang epekto sa akin. Nakakapangilabot... nakakapanindig balahibo na hindi ko maintindihan. Tanging alam ko lang ay wala akong magawang Tama sa t'wing nasa harapan ko siya. "Why is this happening?" bulong ko sa sarili. Hindi ko alam kung saan kakapit dahil parang matutumba ako sa aking kinatatayuan. Bakit gano'n? Kung kailan ay handa na akong buksan ang puso ko para kay Raze ay saka naman siya susulpot. Kung kailan handa na akong kalimutan siya at ang aming nakaraan ay doon siya darating. Para bang kanyang ipinapamukha sa akin na wala akong karapatan na kalimutan siya. "Ta..ng...ina!" I hissed. Napahilamos ako gamit ang aki
"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ" ELEAZAR'S POV Nakatitig sa akin si Arielle at bakas ang gulat sa kanyang mga mata dahil sa biglaan kong pagsingit sa kanilang usapan. Maging ako ay hindi rin inasahan na makikita ko siya sa lugar na ito. I didn't know they were this close. Noong una ko siyang makita makalipas ang mahigit limang taon ay siya ang kasama niya. Pati ba naman ngayon ay nandito rin siya! "What brings you here, Ramirez?" usal ni Montclair. Doon ay unti-unti kong binawi ang tingin ko kay Arielle upang ilipat sa lalaking kasama niya. Tuwid akong tumayo. Marahas na umangat ang dibdib dahil sa malalim at mabigat kong paghinga.“Business,” maikli kong sagot. “I was informed that Velarium acquired this land. I became interested because it's unlikely for you guys to have an interest in a place like this." dugtong ko.Bahagya siyang ngumiti, yung klase ng ngiti na ginagamit ng mga taong sanay na makipagnegosyo. walang emosyon, kundi puro kontrolnsa sitwasyon.“That’s correct,
"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ" ARIELLE'S POINT OF VIEW Dumiretsyo na ako sa address na ibinigay sa akin ni Raze. At mahigit dalawang oras din ang naging byahe ko bago ko narating ang nasabing lugar. "Ito na siguro 'yun," sa isip ko nang bumungad sa akin ang bakanteng lote. May makikitang mga palatandaan na nakapalibot sa lupa na may nagmamay-ari na nito. At kung tama ang pagkakaalala ko ay dito yata planong itayo ni Raze ang naging Branch company ng Velarium Holdings. "Maganda din 'yung napili niyang spot," mahinang usal ko sabay labas sa aking kotse. Eksaktong pagsara ko ng pinto ay narinig ko ang boses ni Raze mula sa aking likuran. Kaagad akong bumaling sa kanya at unang bumungad sa akin ang maganda at malawak niyang ngiti. "I thought you were not coming?" bungad niya sabay agaw ng dala kong bag. Lagi niya iyong ginagawa. Kahit pinagsasasabihan ko siya na h'wag niyang gawin ay gagawin niya pa rin. Nakakahiya din kasi at baka ano pa ang isipin ng mga taong m
"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ" ARIELLE'S POINT OF VIEW "Aalis kana po, Mommy?" tanong ni Zayla, halata sa boses na inaantok pa. Bumaling ako sa kanya habang ang kamay ko ay abala sa pagsusuklay ng aking buhok. At nakita kong kinukusot pa nito ang kanyang mata at nakaupo na sa ibabaw ng kama. "Yes baby. Maagang aalis si Mommy. May pupuntahan kami ngayon at kailangan daw maaga," mahinang paliwanag ko sa kanya. Napangiti ako nang makita ko ang unti-unti niyang pagnguso. Lalapit sana ako sa kanya, pero nauna siyang bumaba sa kama at tumakbo papalapit sa akin. "Are you with Tito Raze?" inosenteng tanong nito at nakatingala sa akin. Tumango ako sabay ginulo ang kanyang buhok. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan niya nang bigla niya akong yakapin nang napakahigpit. "Ayaw mo bang umalis si Mommy?" wika ko. Tahimik siyang pinapakiramdaman. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang pagluwag ng kanyang yakap sa aking bewang. Nagsimula siyang umatras para lagyan ng







