Share

CHAPTER 2

Aeliana Hiraya's Point of View

Tiningnan ko naman maigi 'yung nakikita ko sa mga sandaling ito dahil baka kasi namamalikmata lang ako pero hindi eh. Hindi talaga ako namamalikmata kahit na ilang ulit ko pa akong kumurap o kahit pa paulit-ulit kong kusutin ang dalawa kong mata.

Jusko! Tama nga talaga ang nakikita ko ngayon. Ahas nga iyon na malaki at mahaba, namumula at maugat pa. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng ahas ng isang lalaki at ganito pala ang itsura nito sa real life.

“Bakit may anaconda? Bakit maugat 'yan tapos namumula pa?!” hysterical at kabado kong sigaw.

Talagang tinuro ko pa 'yung nakikita ko na nakatayo na maugat na may maliit pa na butas doon sa ulo nitong namumula. Umayos pa ako ng upo at isa-isa ko naman silang tinignan habang nanlalaki ang aking magandang mata.

Oh, no! My poor virgin eyes!

Nahinto naman ang tingin ko roon sa babaeng hubad at lupaypay na nakahilata. Halatang pagod na pagod siya subalit may nakapaskil na matamis na ngiti sa labi niya kahit na ganyan ang itsura niya. Para siyang nanalo sa lotto. Pero ano kaya ang nangyari sa babaeng ito?

Bakit siya walang suot na kahit na anong saplot? Bakit siya n*******d? Lantad tuloy sa akin 'yung dalawang watermelon niya pati na rin 'yung perlas na matatagpuan sa gubat, este ang kanyang pagkababae.

Napaisip pa ako kung bakit siya ganyan hanggang sa may sumagi bigla sa isipan ko. Nanlaki ang mata ko at tinuro 'yung tatlong pogi.

“Hoy, kayong tatlo! Magsabi kayo ng totoo, pinagsamantalahan niyo siya, 'no?!” asik ko sa tatlong pogi na 'to.

I even gave them a death glare.

Baka kasi may ginawa silang masama sa babaeng ito kaya sila pare-parehas na mga nakahubo't hubad. Subalit wala silang kahit na anong imik at tulala lang silang nakatitig sa aking mukha.

Kaya naman napabuga na lang ako ng hangin at agad kong kinuha 'yung nakita kong malaking itim na t-shirt na malapit lang sa gawi ko bago ko ito hinagis sa gwapong lalaking nasa harapan ko.

Isang lalaking nakatitig lang sa akin at medyo naiilang pa ako dahil ang ganda ng kulay ng mga mata niya. Tapos may kahabaan pa ang kanyang pilikmata. Kung makatingin naman sila sa 'kin ay parang ngayon lang sila nakakita ng maganda.

Oh lord! Bakit naman po ganito kaguwapo ang mga nilalang na 'to? Parang ang sarap nilang iuwi sa bahay at itabi sa kama. Siguro ay sila 'yung mga mahal at lubos na pinagpala ni Lord.

Ang gwapo kasi nila eh. Halos ang pe-perfect na nilang tignan. Parang wala akong maipipintas sa tatlong lalaki na ito na magkamukha at para talagang pinagbiyak na bunga.

“Pwede bang takpan mo 'yan?” tanong ko sa lalaking kaharap ko at nginuso iyong nasa ibabang parte niya na nakatayo, malaki at mahaba ang pulgada.

Tiningnan ko siya na hindi makapaniwala dahil hindi man lang niya sinunod ang sinabi ko. Kaya ang ginawa ko isinabit ko na lang 'yong tshirt doon sa nakatayong anaconda niya. Wow, infairness hindi nalaglag 'yung damit.

“Hoy, kayong tatlo! Hindi porket mga pogi kayo ay gagawin niyo na ang bagay na iyan! Hindi niyo alam na baka mamaya ay marami pa palang pangarap itong babaeng n*******d!” pangangaral ko pa sa kanilang tatlo habang isa-isa ko pa silang dinuro-duro.

Pero pakshet lang. Bakit hindi sila nagsasalita? Bakit ayaw nilang kumibo? Bakit sila nakatulala lang sa akin? Bakit nila ako tinitingnan na para akong alien na pinalayas sa planeta namin? Ganoon na ba ako kaganda para matulala sila ng ganyan? Aba, aba. Hindi naman siguro sila pipi, ano?

I sighed heavily.

“Gosh, alam kong nakatutulala ang ganda ko at hindi niyo na kailangan pa na sabihin na maganda ako kasi matagal ko ng alam iyon mula pa nang ipinanganak ako ng Mommy ko," mayabang kong sabi sa kanila sabay flip hair bago ako ngumiti ng matamis.

Hindi naman sa pagiging mahangin pero baka lang kasi nagagandahan talaga sila sa akin kaya sila natulala ng ganyan. Grabe pa naman sila tumitig sa akin. Ngayon lang ba sila nakakita ng tunay na maganda? Sabagay, ipinanganak naman talaga akong may natural na ganda.

Lahat naman kasi talaga ng mga babae ay ipinanganak na maganda, sadyang mala-dyosa lang talaga ang aking kagandahan. Aba'y, may pagka-obsessed pa naman ako sa sarili ko.

Todo ang pag-aalaga ko sa aking sarili kaya naman never pa akong nagkasugat sa katawan. Hindi ko rin naman hinahayaan na magkaroon ng sugat o peklat ang aking makinis na balat.

Akala ko ay hindi nila papansinin 'yung sinabi ko lalo na 'yung ginawa kong pag-flip hair sa harapan nila, ngunit agad naman ngumiti 'yung isang lalaki sa akin at mas lalo pa siyang naging gwapo sa paningin ko dahil sa malalim niyang dimples sa magkabila niyang pisngi.

'Oh my gulay sa pinakbet! Why so pogi naman niya?!' malandi kong sigaw sa aking isip.

Totoo naman kasi talaga. Ang gwapo niya, lalo na't sumilay ang malalim niyang dimples. Actually, pogi naman talaga silang tatlo. Walang patapon at lalong walang tulak-kabigin. Saan kaya sila pinaglihi ng nanay nila? Sino ba ang magulang nila at ganito kapogi ang lahi nila? They look expensive and hot!

“Yes you are, miss. You're so damn beautiful and lovely,” mahinahon na pagsang-ayon sa akin ng lalaking may dimples.

Mas lalo pa lumawak ang pagkakangiti niya sa akin kaya lalo rin na lumalim ang dimples niya. Punong-puno rin ng pagkamangha ang kanyang mga matang nakatitig sa akin.

Pakiramdam ko naman ay hindi niya ako binibiro o binobola sa sinabi niyang maganda ako. Hindi ko tuloy maiwasan na kiligin ngunit hindi ko iyon ipinahalata sa kanya.

Ngumiti ako. 'Yung ngiting sobrang tamis dahil nakakahawa ang ngitian niya pero agad din naman napawi iyon dahil napunta ulit ang atensyon ko roon sa babaeng halatang lupaypay.

The hell! Why does she look so tired?

Para bang dinaig niya 'yung mga sundalo na sumabak sa matinding giyera dahil sa itsura niya. Buhaghag pa ang kanyang mahabang buhok at nakangiti pa na parang timang. Idagdag pa na n*******d siya kaya kitang-kita ko ang mala-watermelon niyang dibdib pati na rin 'yung kanyang... oh ghad!

Lihim akong napalunok nang masilayan ko na naman ang kanyang mala-gubat na lagusan. Pero ano ba'ng nangyari sa babaeng 'to? At saka bakit nga ba sila mga n*******d? Hindi naman siguro sila naiinitan dito sa loob ng kotse dahil nakabukas naman ang aircon dito sa sasakyan nila? Pero bakit tila mga pawisan yata silang apat?

“Pero sorry mga kuyang pogi, ha? Hindi ko talaga pwedeng palampasin ang ginawa ninyong tatlo sa kanya eh. Malay ko ba kung ano ang ginawa niyo sa kanya.” mahinahon lang ang aking boses. Parang gusto kong makasagap ng tsismis.

“Ano pala ang nangyari sa babaeng 'yan? Ano'ng ginawa niyo? Care to share bago ako tumawag ng pulis?” sunod-sunod ko pa na tanong sabay nguso roon sa babaeng lupaylay na nakahiga.

Nakakamangha lang din talaga dahil ang high tech nitong sasakyan nila. Pwedeng-pwede na palang gawin na higaan 'yung backseat ng sasakyan ngayon.

Medyo may kalakihan ang sasakyan kaya nagawa naming magkasya rito sa loob. Sabagay, nauuso rin naman 'yung tinatawag nilang RV o kilala bilang carhouse.

Hindi ko rin alam kung may nasabi ba akong nakakatawa o mabentang joke dahil biglang tumawa 'yung gwapong may malalim na dimples. Jusme! Ang manly naman ng pagtawa niya. Sa sobrang gwapo niya na may halong pagka-cute, ang sarap din tuloy niyang nakawin at ibulsa.

'Yung katabi naman niyang nakakunot ang noo at halatang tila may galit yata sa mundo ay biglang napangiti na ewan. May nasabi ba akong joke? Nang tingnan ko naman 'yung katabi ko na may malamig na tingin ay unti-unti rin siyang napangiti sa akin.

Tiningnan ko silang tatlo na para silang gwapong mga alien na biglang pinatapon dito sa planetang Earth. Bakit ganyan ang reaksyon nila? Ang weird naman nila.

Napansin ko rin na biglang napadilat ng mata 'yung babaeng n*******d at pinukulan pa niya ako ng masamang tingin. Iyong tipong gusto na niya akong patayin sa tingin niya. Teka, may nasabi ba akong mali para tingnan niya ako ng ganyan?

Inosente ko tuloy siyang tiningnan.

“Bakit ang sama mo makatingin sa akin, Ate? Ako na nga itong nagmamagandang loob eh. Hindi ka ba hinahanap sa bahay niyo? Hala lagot ka! Baka galit na 'yung nanay mo sa 'yo! Papaluin ka niya sa puwit!” sabi ko sa kanya at mas lalo namang tumawa 'yung may dimples.

Nagtataka ko siyang tinignan. It's obvious that what I said was not a joke, right? Seryoso ang sinabi ko. Hala eh, bakit siya tumatawa? O baka naman sadyang mababaw lang ang kaligayahan niya? Weird, pero pasalamat siya gwapo at hot siya. Tapos may yummy pa siyang mga pandesal.

Sayang, wala akong dalang kape. Ang sarap pa naman humigop ng kape, sabagay ay malamig dito sa loob ng sasakyan dahil may kalakasan ang aircon.

Masarap magkape habang nakatitig ako sa abs niyang tila perpektong hinulma. At saka wala naman sigurong masama sa sinabi ko, 'di ba? Concern lang din ako rito para kay ate.

“What the hell are you talking about, bitch?” asik sa akin ng babaeng lupaypay. “Can't you see that I'm enjoying my moments with the Hellion Triplets?!” dagdag niya pang asik sa akin.

Woah! Galit na nga siya sa 'kin. Bukod sa sinisigawan na niya ako ay lumalaki na rin 'yung dalawang butas ng ilong niya.

Pero ano raw? Enjoying her moments with the Hellion Triplets? Sino naman kaya iyon? Hindi kaya, itong tatlong lalaking magkamukha na parang mga pinagbiyak na bunga ang tinutukoy niyang Hellion Triplets?

Ay ewan! Baka mamaya baliw na ang babaeng 'to at kung ano-ano na lang 'yung pinagsasabi niya. Mabuti marunong akong makaintindi ng Ingles kaya hindi ako nagmumukhang tanga rito.

“I'm not a bitch, my dear froggy. I have a name and that is Aeliana Hiraya. 21 years old, maganda at mayaman. Hello, it's very nice to meet you, ateng froggy. Ako nga pala ang nag-iisang magandang eredera ng Daddy Guillermo ko.” may sigla kong pakilala sabay kindat pa sa kanya.

Akala ko ay magugustuhan niya ang sinabi ko pero mas lalo lang lumukot ang pagmumukha niya kaya napatikom na ako ng bibig. Baka bigla na lang siyang sumabog sa sobrang inis sa akin at hablutin na lang niya bigla ang maganda at mahaba kong buhok.

Lalo na ngayon ay tinaasan na niya ako ng kilay niyang brown kahit halatang iginuhit lang naman niya ito gamit ang brow pencil.

Mukhang hindi pa naman niya gusto na nandito ako sa sasakyan at gusto rin niya yata na masolo itong tatlong pogi na n*******d.

“I don't fucking care about your name or whoever you are. And what did you call me? And why are you here?!” singhal ni ateng froggy at tulayan na siyang napaupo.

Pinasadahan ko naman siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi ba ito naaawa sa sarili niya? Para talaga siyang sumabak sa matinding gyera.

Ang gulo pa ng buhok niya na parang maraming sumabunot na duwende sa kanya. Basang-basa rin siya ng pawis at may mga puting likido na ewan sa iba't-ibang bahagi ng katawan niya na mahahalata na tumalsik sa kanya.

Ano ba'ng nangyari sa babaeng 'to? Ano kayang klase ng digmaan ang sinalihan niya? At saka ano kaya 'yung nakikita kong puting likido sa katawan niya?

Ano iyon, malapot na sipon?

"I'm sorry, ate froggy ah? Hindi ko kasi alam 'yung name mo eh, kaya tinawag na lang kitang my dear froggy. At saka nakabukaka ka kanina na parang palaka." inosente kong sagot sa kanya at medyo pinalambing ko pa ang aking boses para hindi siya lalong magalit sa akin.

"At saka curious din po ako eh. Ano ba 'yang puting likido na iyan na nasa katawan mo? Sipon mo? Bumahing ka ba kaya nagtalsikan 'yung sipon mo?" inosente ko pa na pagtatanong sabay turo roon sa mga nakikita kong puti at malapot na likido sa iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Para kasi talaga itong sipon. O baka naman condensed milk iyon?

Hindi ko rin talaga alam at mas lalong wala rin akong ideya kung nakakatawa ba 'yung sinasabi ko dahil bigla namang bumalanghit ng tawa 'yung tatlong gwapong nilalang na magkamukha pero magkaiba naman ng tingin o binibigay na ekspresyon.

'Yung isa kasi mukhang palangiti na halatang masayahin, 'yung isa naman cold tumingin habang ang isa ay parang malaki yata ang problemang dinadala.

Kamuntikan pa nga akong mapatulala rito at muntik na rin tumulo ang aking laway nang makita kong tumatawa rin 'yung gwapong lalaking malamig kung tumingin.

Ang gwapo rin pala niya kapag tumatawa. At ang manly rin ng pagtawa niya. Pero gwapo pa rin naman siya kahit seryoso ang mukha niya.

"Woah! I almost died laughing because of you. You are funny and... innocent." puno ng pagkamangha na turan ng lalaking may dimples na tumatawa pa rin hanggang ngayon. Halatang hindi siya maka-get over sa sinabi ko kahit hindi naman iyon joke.

"Yeah, she is innocent but lovely." anas naman ng lalaking nakakunot-noo lang kanina pero nakangiti na siya ngayon sa 'kin.

Tiningnan ko 'yung lalaking may dimples nang ilahad niya ang kanan niyang kamay sa harapan ko para siguro makipag-shake hands sa akin.

"Anyway, it's my pleasure to meet you Aeliana. I'm Lycus Hellion. I'm glad we met you. Ito naman si Lucian at si Lorcan. Kami ang Hellion Triplets." nakangiti niyang pagpapakilala.

Pansin ko naman na napatingin pa siya sa dalawang lalaking pogi at tinuro nitong si Lycus kung sino sa dalawa si Lorcan at Lucian. Mabuti na lang ay hindi ako nalito kahit na magkamukha silang tatlo.

Si Lycus ang may dimples na matamis na nakangiti sa akin. Si Lucian pala iyong parang may galit yata sa mundo dahil sa nakakunot ang kanyang noo habang si Lorcan naman itong may malamig na mata na mukhang bibihira lang yatang ngumiti.

Ngiting tipid lang ang ipinakita ko kay Lycus at hindi ko rin tinanggap ang kanyang kamay na nakalahad sa aking harapan para sana makipag-kamay sa akin.

"I'm sorry, Lycus ah? Pero kabilin-bilinan kasi ng lola ko na lola rin ng lola ko na huwag daw akong magpakilala sa mga estranghero lalo na kapag gwapo. Hindi lang naman daw kasi mga pangit ang gumagawa ng mga masama, pati na rin 'yung mga gwapo lalong-lalo na raw sa panahon ngayon." nakangiting pagku-kwento ko sa kanya.

Iyon naman kasi talaga ang palaging hindi nakakalimutan na ipaalala sa akin ng mga lola ko kaya naman wala naman sigurong masama kung susundin ko ang mga advice nila. And besides, totoo rin naman na hindi lang pangit ang dapat hindi pagkatiwalaan, kundi pati na rin 'yung mga may magandang itsura ay nakakagawa rin ng hindi maganda sa kapwa. Mahirap na kasi magtiwala sa panahon ngayon.

Isa-isa ko ulit silang tinignan habang matamis akong nakangiti. Nakita ko naman ang amusement sa kanilang mga matang kumikislap.

"Interesting," rinig kong turan ni Lucian habang mariin siyang nakatitig sa akin. Hindi rin nakaligtas sa akin kung paano umangat ang gilid ng labi niya. Talagang nakikita ko sa mga mata nila ang labis na pagkamangha.

"What the fuck? Baka naman ang ibig sabihin ng lola mo na don't talk to strangers hindi 'yung huwag magpakilala sa strangers," iritado namang sabat ni ateng froggy at inirapan pa ako.

Napa-krus naman ako ng braso dahil sa sinabi niya. Ano'ng pinagsasabi nito, eh samantalang iyon na rin ang ibig sabihin niyon? Iningles lang niya at pinasosyal.

Taas-noo ko siyang tinignan, "Sorry, ateng froggy ah? Hindi ikaw ang lola ko kaya 'wag mo akong pangaralan. At isa pa parehas na rin iyon. Kasalanan pa ba ng lola ko kung iyon ang sinabi niya sa amin? Ano'ng gusto mo? Siya pa ba mag-a-adjust para sa iyo? Gusto mo tawagin ko 'yung kaluluwa niya para magpakita sa 'yo?"

Sumilay naman ang pilyong ngiti sa labi ko dahil sa nakita kong natakot siya. Baka natatakot siya na magpakita ang lola ko sa kanya. Namamalo pa naman sa pwet ang mga lola ko. Minsan naman ay bigla na lang silang nangangalabit kaya minsan natatakot ako na maiwang mag-isa sa Hacienda namin dahil halos lahat ng mga lola ng lola ko ay sa Hacienda na sila binawian ng buhay.

Pati tuloy iyong mga kasambahay namin ay may nakakatakot na silang karanasan sa pamamahay namin dahil may pagka-palabiro pa naman ang mga lolo at lola ko. Madalas talaga silang magparamdam sa Hacienda namin.

"The hell I care! Bakit ka ba kasi nandito? Gusto ko pa sana nang round two pero bigla ka naman sumulpot dito! Can you please leave us alone?!" sigaw ni ateng froggy sa akin. "Lycus, paalisin mo na siya!" napangiwi pa ako dahil sa tinis ng boses niya.

Pero ano raw? Ano ba 'yung tinutukoy niya?

Nagtataka ko naman silang tinignan, "Anong round two? May ganap bang boxing dito kaya kayo pawisan at n*******d? Ang lakas naman ng trip niyo, dito niyo pa talaga naisipan sa loob ng sasakyan magsuntukan." inosente kong sabi at nakita ko naman na namula na yung mukha nung babae dahil sa galit.

'Yung tatlong poging nilalang naman ay halos mamatay na sa pagpipigil ng tawa. Ewan ko ba sa tatlong 'to, sa tuwing nagsasalita ako ay napapangiti sila at natatawa. Mukha bang nakakatawa 'yung mukha ko?

"Bitch!" asik niya at natawa naman ako ng pagak.

"At least maganda akong bitch! Eh ikaw? Bitch na palaka!" pang-aasar ko at mas lalo akong natawa dahil namumula na talaga siya. Halatang inis na inis na siya sa akin.

"Kokak kokak," sabi ko pa nang mapansin kong akma siyang magsasalita. Mas lalo na tuloy siyang namula na animo'y sasabog na anytime.

"Isn't it obvious to you? Can't you see why we are naked? We are having sex, damn it!" sigaw ni ateng froggy at napasabunot pa siya sa kanyang buhok na halatang frustrated na siya at nanggigigil na sa akin.

Natulala naman ako bigla sa sinabi niya at medyo nag-loading pa sa utak ko 'yung sinabi niya. Hanggang sa tuluyan na rin nag-sink in sa utak ko 'yung sinabi ni ateng froggy kaya umuwang ang bibig ko nang ma-realize ko iyon.

"N-nag jujugjugan kayo dito? Y-yung pasok labas ganon?" nauutal kong tanong at napatango-tango naman siya. Mabilis akong napatakip sa bibig ko dahil sa gulat. Ngayon ko lang na-realize at parang nabalik naman ang kaluluwa ko sa aking katawan.

Literal pa akong napamaang bago ko silang apat na tinignan. Kaya pala sila mga n*******d? Kaya pala walang kahit na anong suot na saplot si ateng froggy at mga pawisan pa sila? Kaya pala may nakatayong tatlong ahas rito at kitang-kita mismo ng dalawang mata ko kung gaano ito kalaki at kahaba? Iyon pala ay may milagro silang ginagawa?

Maybe I'm innocent, but I know what this girl is talking about, lalo na nang banggitin niya ang salitang sex. Nag-init tuloy ang aking mukha. Hindi ko akalain na may ginagawa pala sila na milagro rito sa loob ng kotse. Bakit hindi ko agad iyon na-realize?

"Oh crap. I'm sorry!" agad kong hingi ng paumanhin.

"Ngayon ko lang na-realize na may m-mainit pala kayong ginagawa na digmaan! S-Sorry sa istorbo guys!" nauutal pa ako.

Akma ko na sanang bubuksan ang pintuan ng sasakyan para sana makalayas na ako sa kotse na ito at para na rin hindi ko na maistorbo ang ginagawa nila na kababalaghan dito nang may malaking kamay ang agad na humawak sa braso ko.

Tumingin ako kay Lorcan na siyang pumigil sa akin kaya naman hindi ko nagawa na makalabas at makababa sa sasakyan. Nakakunot na rin ang kanyang noo kaya nagtaka ako.

"Where do you think you are going?" he asked. Napansin ko namang nagsisimula na rin magbihis ng damit sina Lycus at Lucian.

"Ah eh, lalabas na ako? Ahm, para matuloy niyo na rin 'yung ginagawa niyo na digmaan, 'di ba? At para hindi ko na rin kayo maistorbo?" patanong kong sagot sa kanya. "At saka maghahanap na lang ako ng ibang pagtataguan na sasakyan." dugtong ko pang sabi sa kanya.

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para salubungin ang maganda at malamig niyang mata. Parang may kung ano rin siyang hinihigop sa loob ng katawan ko lalo na't nakahawak pa rin ang malaki at matigas niyang kamay sa malambot kong braso.

Ang init ng palad niya, tumatagos iyon hanggang sa buto ko. Para akong nakukuryente na ewan. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili, bakit ako nanghihina sa paraan ng tingin niya? Para siyang may hinuhukay sa loob ng aking katawan at animo'y nakikita na rin niya yata pati kaluluwa ko.

Nangunot ang noo niya, "Pinagtataguan?" taka niyang tanong kaya tinanguan ko lang siya.

"Sino naman 'yang pinagtataguan mo?"

Napatingin naman ako kay Lucian na biglang nagtanong at sumali sa pinag-uusapan namin. Nakabihis na siya at nakakunot na naman ang kanyang noo. Halos magkadikit na nga 'yung dalawa niyang kilay eh.

"Nagtatago ka ba sa boyfriend mo?" nakangising tanong ni Lycus sa akin pero hindi nakaligtas sa akin kung paano siya napatiim-bagang sa hindi ko malaman kung bakit.

Aba, ang bilis naman. Pati siya ay nakabihis na rin? Sayang, hindi ko na ulit makikita 'yung mga abs nilang hot at yummy. Pero boyfriend? Mukha ba akong nagtatago sa boyfriend? At saka mukha rin ba akong may boyfriend? No boyfriend since birth nga ako eh. Kaya isa iyon sa hindi ko matanggap dahil ipinagkasundo ako ni Dad na ipakasal sa lalaking hindi ko naman gusto. Ni hindi ko pa nga nararanasan na makipag-date, tapos ikakasal na ako agad?

Naramdaman ko naman si Lorcan na nagbibihis na rin ng kanyang damit at nabitiwan na rin niya ang braso ko na hawak-hawak lang niya kanina.

"W-Wait! What are you doing guys? We are not done yet! May round two pa tayo, 'di ba?" salita ni ateng froggy na ngayon ay nagsisimula na rin siyang isuot ang mga damit niya dahil wala na rin siguro siyang choice.

Haleer, nakakahiya naman kung siya lang itong n*******d dito. Hindi rin naman siguro siya bold star, 'no?

"Lycus, get that bitch out of our car," narinig ko na utos ni Lorcan at tumango naman ako ng ulo.

"Sige, lalabas na ako para hindi ko na kayo maistorbo ---"

"Anong pinagsasabi mo, magandang binibini?" kunot-noo na putol ni Lorcan sa sasabihin ko.

Magandang binibini? Ewan, pero medyo kinilig ako dahil tinawag niya akong magandang binibini, pero syempre hindi ko ipinakita o ipinahalata sa kanya na kinilig ako. Baka kasi mamaya nahulog na ito sa alindog ko.

"Ang sabi mo kasi get that bitch out of our car? Eh 'di lalabas na ako," nahihiya kong sabi at talagang inulit ko pa 'yung sinabi niya. Partida ay ginaya ko pa 'yung tono ng boses niya na malalim.

Mahina namang tumawa si Lycus nang ginawa ko iyon. Ayan na naman siya sa pagtawa. Baliw na yata 'to eh, buti na lang pogi siya. Pero infairness, mukha naman talaga siyang masayahin. Sa kanila ngang tatlo ay siya itong mukhang approachable. Nakakatakot naman kasi itong dalawa niyang kakambal. 'Yung isa cold tumingin, 'yung isa naman ay nakakunot pa ang noo. Buti pa itong si Lycus, palangiti kaya sa kanya magaan ang loob ko.

"You're not what I'm talking about, baby girl. And you're not a bitch either," aniya at nahihimigan ko kay Lorcan ang malambing na boses.

My ghad. Tinawag niya akong baby girl. Mukha ba akong batang nawawala na kailangang bigyan ng lollipop? Pagak naman akong natawa sa harapan niya at mahina akong pumalakpak na parang may sira na sa ulo. Yeah, I must be childish. Pero minsan lang naman ako inaatake ng pagka-childish. Marunong pa rin naman akong magseryoso.

Tumango-tango ako sabay tawa nang mahina, "You're right, I'm not a bitch."

Bumukas na ang pinto kaya nagulat naman ako dahil doon. Si Lycus lang pala ang may kagagawan at bumaba na siya sa sasakyan. Inalalayan naman niyang makababa sa kotse si ateng froggy na nangangatog pa ang dalawang tuhod.

Halatang galit na galit din siya at naiinis. Hindi na talaga maipinta ang pagmumukha niya. Sinamaan pa nga niya ako ng tingin eh, kulang na lang ay kalbuhin na niya ako. Ano ba'ng kasalanan ko sa kanya at parang ang init ng ulo niya sa akin? Dahil ba sa naistorbo ko sila sa masarap nilang ginagawa o baka naman naiinis siya dahil hindi siya napagbigyan sa round two na hinihingi niya sa tatlo?

Grabe katindi ang babaeng ito. Siya pa ang naglakas-loob na humingi ng round two! Hindi man lang ba siya nakaramdam ng pagod sa ginawa nila? Samantalang halos hindi na nga siya maayos na makatayo? Mukha pa namang tatlo ang tumuhog sa kanya este nagpaligaya sa kanya. Aba, ang swerte niya ah! Hindi na siya lugi, mukhang itong tatlo ang dapat malugi.

Bigla namang sumagi sa isipan ko si Arnell pati na rin 'yung mga bodyguards ni Dad. Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon. Nagtatago nga pala ako sa mga bodyguards ni Dad.

Napatayo naman ako bigla dahil sa gulat nang matanaw ko bigla si Arnell kasama ang ibang mga bodyguards mula sa 'di kalayuan at papunta na sila rito sa direksyon kung nasaan ako.

"Ouch!" d***g ko pa nang tumama ng malakas ang ulo ko sa bubong nitong sasakyan.

"Hey, be careful sweetheart." salita ni Lucian na hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala.

Ang bilis naman niyang makalapit dito sa akin. Siya pa talaga ang humimas sa ulo ko habang kagat-kagat ko ang ibabang labi ko bago ako tumingin sa kanya. Napalunok ako nang ma-realize ko kung gaano na kami kalapit sa isa't-isa. Puno pa ng pagkamangha niya akong tinitignan at hindi rin mawala-wala ang kislap sa dalawa niyang mata.

Why does he look happy? His eyes are also full of admiration as he stares at me intently. Titig pa lang niya ay para na akong tinatakasan ng lakas. Para akong nawala sa sarili, saglit pa akong napapikit nang marahan niyang haplusin ang mukha ko pababa sa aking leeg. Oh no, bakit ang init din ng kamay niya? Para ring may dalang kuryente ang haplos niya.

"God, you are really so beautiful. At mas maganda ka pala sa malapitan," halos pabulong niyang anas sa akin.

Bakit bigla yata akong nakaramdam ng kakaibang kuryente? Sa simpleng pag haplos lang ng mainit niyang kamay sa balat ko ay bigla na lang akong nawawala sa sarili. May kakaiba talagang hatid na kuryente 'yung pagdikit ng balat niya sa akin. Ganoon din ang nangyari sa akin nang hinawakan ako ni Lorcan kanina kaya bigla na lang akong nautal at iyon ang hindi ko maintindihan.

"Mmm... you also smell so good," dagdag niya pang sabi at literal niyang inamoy ang aking buhok.

Naghatid din sa akin ng masarap na kilabot nang pati leeg ko ay inamoy rin niya. I saw how he closed his eyes when he smelled my hair and neck. Ramdam ko ang pagtama ng mainit at mabango niyang hininga sa balat ko. When he opened his eyes, I saw how his two eyes seemed to be on fire. He stared at me as if I was a delicious meal. Nakagat ko pa lalo ang aking labi dahil sa lalim ng boses ni Lucian na parang namamaos.

Oh no, what is happening to me? He is creepy but I feel something strange in my body. Kinilabutan nga ako sa ginawa niya, nanindig ang mga balahibo ko pero bakit gano'n? Bakit may halo yatang kakaibang sarap na kiliti 'yung pagtama ng mainit niyang hininga sa balat ko?

"And please stop biting your lips, Ael. I might not be able to control myself at baka ako pa ang kumagat diyan sa namumulang labi mo." tila nahihirapan na turan bigla ni Lorcan.

Nakababa na rin siya sa sasakyan subalit hindi ko naman nagawang narinig ang huli niyang sinabi dahil biglang humina ang kanyang boses. Nang tingnan ko siya ay napansin kong biglang dumilim ang kanyang mukha at mariin din siyang nakatitig sa akin. Katulad ni Lucian ay tila para yatang nagliliyab din ng apoy 'yung mata niyang malamig kung tumingin. Feeling ko ay para na niya akong kakainin ng buhay pero pinagsa-walang bahala ko na lang iyon dahil baka ganyan lang talaga siya tumingin.

Hindi naman ako nakasagot at wala akong makapa na pu-pwede kong isagot sa kanya. Kami na lang din ni Lucian ang naiwan dito sa loob ng kotse. Habang si ateng froggy naman ay pilit pa rin niya na kinokumbinsi si Lycus na magkaroon ng round two na 'yan. Aba, ayaw talagang magpatigil ang babaeng 'to. Panay pa rin ang pilit niya kahit ayaw ng tatlo.

Nabalik naman ang tingin ko kay Lucian na ngayon ay seryoso na palang nakatingin sa mukha ko at patuloy pa rin na humahaplos ang hinlalaki niyang daliri sa leeg ko.

"Where have you been, sweetheart? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa amin?" naitanong niya bigla sa akin.

"Ha? Anong sweetheart?" naguguluhan kong tanong dahil hindi ko siya maintindihan. Bakit ba ako nawawala bigla sa sarili ko? At bakit tinatawag niya akong sweetheart samantalang Aeliana ang pangalan ko? Pwede naman niya akong tawagin sa pangalan ko, bakit sweetheart pa?

"Senyorita Aeliana!"

Hindi siya agad nakasagot dahil sa narinig ko ang pamilyar na boses ni Arnell. Kusa ring nawala ang atensyon ko kay Lucian. Namilog ang dalawang mata ko nang makita na nila ako at ngayon ay tumatakbo na sila palapit dito lalo na 'yung mga bodyguards ko.

Oh no, I'm freaking dead!

"Shit, nahanap na nila ako!" sigaw ko dahil sa labis na taranta.

"Wait, what's going on? Sino ba sila?" nagtataka na tanong ni Lucian sa akin at halatang naguguluhan kung sino 'yung mga lalaking papalapit na rito sa sasakyan nila.

Napatingin na rin si ateng froggy at si Lycus doon kina Arnell na malapit nang makarating dito sa gawi namin. Pati si Lorcan ay nagtataka kung anong meron at kung sino itong mala-men in black na lalaking tumatakbo papunta rito.

Pagak akong tumawa sa kanila, "Uhm... it's my pleasure to meet you guys, but I have to go na eh. Until we see again mga pogi!" nakangiti kong sabi sa kanila.

Wala na nga yata ako siguro sa tamang pag-iisip dahil talagang nagawa ko pa na bigyan ng mabilis na halik sa pisngi si Lucian bago ako nagmamadaling bumaba sa sasakyan. Napansin kong natigilan si Lucian sa ginawa ko, halatang hindi niya inaasahan iyon. Nakapagtataka lang din, bakit ko pala siya hinalikan sa cheeks niya? Baliw na ba ako?

"Wait, where are you going?" sabay na katanungan nina Lorcan at Lycus sa akin kaya nginitian ko lang silang dalawa.

"I need to go, guys! Hindi kasi ako pwedeng mahuli ng mga bodyguards ko eh. Kaya bye! And nice to meet you, mga pogi!" walang kapreno-preno kong sabi at kumaway pa ako sa kanila habang tumatakbo na ako papalayo sa kanila.

Tinangka pa akong hablutin ni Lorcan sa braso ko para pigilan na makaalis subalit hindi na niya nagawa dahil tumakbo na ako palayo sa kanila.

"Aeliana, wait!" rinig kong sabay-sabay na sigaw nilang tatlo sa pangalan ko pero hindi na ako nakasagot pa. Hindi na rin ako lumingon dahil kumaripas na ako ng takbo bago pa ako tuluyan na abutan ng mga bodyguards ni Daddy.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status