Share

IF I FALL
IF I FALL
Author: Guiah Alconde

CHAPTER ONE

 "Your father called me last night."

   Napaangat ako ng tingin nang marinig ang sinabi ni Mama. Napataas ang mga kilay ko saka pinilit lunukin ang nginunguya kong bacon. Breakfast is the most important meal of the day ngunit parang pupunta ako sa school nang gutom. Nakakawala ng gana lalo na't tungkol na naman sa ama ko ang usapan.

 "Then? What are you trying to say?"

   Alam kong para 'kong walang modo sa tono ng pananalita ko but I can't help it.

  "What I'm trying to say is you should talk to him," mahinahong niyang sambit. 

    I already know where this conversation is heading. Binitiwan ko ang hawak kong kutsara't tinidor saka sumandal sa upuan ko. Nakapako lamang ang tingin ko sa kanya. I don't want to say anything dahil alam kong hindi maganda ang mga salitang lalabas sa mga bibig ko sa oras na buksan ko na ito.

   Marahan siyang napailing saka uminom muna ng kape bago magsalita.

  "Well, you're Sofia Bryl dela Merced after all. His blood runs in your veins."

   I know what she's trying to imply but I still remained silent. Muli kong hinawakan ang tinidor gamit ang kaliwang kamay ko saka nilaro-laro ang pagkaing nasa plato habang nanatili pa rin akong nakasandal sa upuan. 

 "You can't keep on hating him forever. He's still your father kahit na—"

 "Ma, stop!" 

  'Hearing stories about him makes me feel sick,' I wanted to voice out pero magsasayang lang ako ng laway kaya h'wag na lang. 

  Narinig ko ang pagbuntonghininga niya saka kinuha ang bag sa katabing upuan at tumayo.

 "Aalis na 'ko. Ingat ka sa school. Be here before 6 pm, okay?" sabi niya habang naglalakad papunta sa kinauupuan ko. 

 "I love you." Saka niya ako hinalikan sa noo at tipid na ngumiti. 

  "I love you, too," mahina kong tugon.

                                    ***

   Napukaw ang atensiyon ko dahil sa pagbusina ng sasakyan sa harap ng bahay. I didn't noticed that I'm spacing out habang nakatingin sa repleksiyon ko sa salamin kung saan hindi sarili ko ang aking nakikita kung hindi ang aking ama. 

   My facial features really resembles his. Kung naging lalaki nga lang daw ako ay marahil ginawa niya na akong junior niya. I suddenly cringe at the thought. Kaya ayaw kong tumitingin sa salamin, eh. It's not that I don't like my looks. Ayaw ko lang talaga siyang makita gamit ang pagmumukhang 'to. Bumabalik lang ang lahat ng sakit na matagal ko nang pilit kinakalimutan. 

   Tumayo na ako't kinuha ang bag ko na nakapatong sa kama saka tinignan kung may nakalimutan pa ba ako. I checked it already kanina pero I want to make sure na naisilid ko na lahat sa bag ko ang mga gamit ko lalo na ang cellphone ko at wallet.

   Kinakalkal ko pa ang bag ko nang makarinig ako ng marahang pagkatok sa pinto ng kwarto ko na sa hinuha ko ay si Manang Linda. 

  "Bukas 'yan Manang," bahagyang sigaw ko upang marinig niya.

   Napatingin ako sa pintuan nang tumunog ang doorknob hudyat na binuksan niya na ito ngunit bahagyang napakunot ang noo ko nang iniluwa niyon ang pinsan kong si Kuya Chris.

  "Oh, what brings you here Kuya?" tanong ko saka naglakad papunta sa kinaroroonan niya habang isinusukbit ko sa balikat ang bag ko. 

  "Tinawagan ako ni Tita Alli. Sunduin daw kita," sagot niya sabay kamot sa batok. 

  "Si Mama talaga. Kaya ko namang mag-commute, eh."

    Nagpatiuna ako sa paglabas ng kwarto at sumunod naman si Kuya. Siya na rin ang nagsara ng pinto. Tipid ko siyang nginitian nang matuon sa 'kin ang paningin niya. 

   "Let's go," ani ko saka bumaling sa wristwatch na suot ko. "Mag-a-alas siete na pala."

                                   ***

   After a 10 minute ride ay nakarating rin kami sa St. Augustine Academy. Napangiti ako nang makita ang pangalan ng eskwelahan. Hanggang ngayon ay hanga pa rin ako sa ganda nito. It was well-maintained na naging dahilan kung bakit maraming estudyante ang gustong mag-aral dito. Marami ring lugar for group studies aside from the library na talaga namang bagay sa mga maiingay na estudyante.

  Napailing ako nang maalala ko ang mga kaibigan ko. Sobrang ingay nila 'pag magkasama na akala mo naman ay sampung tao ang nag-uusap.

   Speaking of... Hindi ko pa pala sila natatanong kung nasaan na sila. Baka mamaya nauna pa 'ko sa kanila at ugatin na ako sa kakahintay.

  Sakto namang nai-park na ni Kuya ang kotse. I immediately got out of the car and took my phone from my bag. Ida-dial ko sana ang number ni Ciara nang maalala kong wala nga pala akong pantawag kaya ibinalik ko na lang ito ulit sa loo  ng bag. 

  I mischievously smiled nang tila ba may light bulb akong nakita kahit pa nasa gitna ako ng parking area. 

  "Kuya, p'wede makitawag? I just need to contact my friend," sabi ko habang magkadaop ang mga palad. 

   Alam ko kasing hindi nauubusan ng load si Kuya at recently ay nalaman kong may crush pala sa kanya si Ciara. Kahit naman maingay ang babaitang 'yon ay boto pa rin ako sa kanya para kay Kuya.

   Walang alinlangan niya namang iniabot sa akin ang cellphone niya saka nagsalita, "Just make it fast. Baka ma-late tayo."

   I just nod as an answer then dialed Ciara's number. Guess what, I even saved it to his contacts. Bright idea, right? Hahaha.

  Ngunit inis akong napabuga ng hininga nang marinig na unattended ang number niya. Napairap na lang ako saka nakangusong ibinalik kay Kuya ang cellphone niya. 

 "Tara na nga. Baka ma-late ka pa. First day of school pa naman," nakasimangot kong sabi saka nauna nang maglakad. 

   I heard him chuckled bago sumabay sa akin sa paglalakad.

  "First day of school pero nakabusangot 'yang mukha mo" nakangising aniya. 

  "Che! Kahit kailan talaga asar ka— Oh, wait." Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya naman agad ko itong kinuha sa bag. My mood lightened up nang makitang si Kath ang tumatawag. I immediately press the answer button habang malapad na nakangiti. 

  "Boyfriend mo? Sus, kaya naman pala! Sige, una na 'ko," mapang-asar na aniya saka lumiko na sa kaliwa dahil nandoon ang building nila.

  "Oh? Akala ko hindi niyo 'ko tatawagan, eh. 'Pag magkasama pa naman kayo, nakakalimutan niyo na 'ko." Napanguso pa 'ko na para bang kaharap ko lang sila. 

  "Wushu! Nag-drama! But wait, si Chris ba 'yong lalaking kausap mo kanina? Waahhhh!" Bahagya kong inilayo ang cellphone sa tainga ko nang marinig ang nakakabinging tili ni Ciara. Siya pala ang tumawag.

 

  "Oo! Teka nga. Nasa'n ba kayo? Tinatawagan kita kanina, unattended number mo."

  "Nasa cafeteria kami. 8:30 pa naman ang klase natin kaya sinamahan ko muna si Kath. 'Di raw siya nakapag-breakfast eh."

    "Hindi pa nakakain o hindi pa nakakadalawang kain?"

    "Oy! Grabe ka sa 'kin! Bad mo talaga kahit kailan!" Ngumunguya pa si Kath habang nagsasalita kaya napatawa ako. 

   "O, siya. Ibababa ko na. Malapit na 'ko diyan," I said and ended the call. 

    Pagpasok ko sa pinto ng cafeteria ay bahagya akong luminga-linga sa loob habang hawak ang cellphone sa kanang kamay ko. Ngunit dahil sa dami ng estudyante at sa lawak ng lugar ay nahirapan akong hanapin ang mga kaibigan ko. Naputol ang paghahanap ko nang mag-vibrate ang cellphone ko. Isang text message iyon galing kay Kath.

   'Uy, girl! Nasa'n ka na?'

   Dinalawang kamay ko na ang paghawak sa cellphone ko saka tumipa upang magreply.

   'Nandito ako malapit sa entrance ng cafeteria.'

    Wala pang isang minuto ay nakatanggap na muli ako ng reply mula sa kanya. Dali-dali ko naman itong binasa dahil kanina pa 'ko nangangawit kakatayo, kung bakit ba kasi nagsuot pa 'ko ng high heels, eh.

    'Nakita ka na namin, tingin ka sa bandang kanan mo. Malapit sa corner.'

    Tiningnan ko ang gawi na sinasabi niya ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko pa rin sila makita. Ganito na ba talaga kalabo ang mata ko? The last time I checked, malinaw na malinaw ang mata ko. Baka naman pinaglolo-loko lang ako ng mga bruhang 'yon at sinasadya nilang pagtaguan ako. Minsan talaga, may pagkaisip-bata pa rin ang dalawang 'yon.

   Bahagya akong napailing saka piniling pumunta na lang sa direksiyong sinabi ni Kath. Baka mas madali ko silang mahanap kapag sa malapitan. Bakit kasi ang lawak ng cafeteria na 'to, eh. Magpapa-check nga ako ulit sa EO 'pag may time. Hay!

   Nag-vibrate ulit ang cellphone ko kaya naman natuon dito ang atensyon ko habang tinatahak ang crowded place na 'to. Magta-type na sana ako ng ire-reply ko kay Kath nang biglang may tumama sa 'king matigas na bagay dahilan upang ma-out of balance ako at mapaupo sa tiled floor. Kasabay ng pagbagsak ko ay ang pagbagsak rin ng kung ano sa sahig. Napapikit ako saka napahawak sa kanang bahagi ng noo ko na tinamaan ng matigas na bagay na 'yon.

   "Sh*t!" I heard someone loudly cursed. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
J.A
chapter 1 pa lang, excited na agad ako sa susunod...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status