Share

CHAPTER TWO

 

   "Sh*t!" I heard someone loudly cursed. 

   "Oh, man! Your phone!" sigaw naman ng isa pang lalaki na nasa gawing kanan ko.

    Awtomatiko akong napadilat ng mata at una kong natanaw ang isang cellphone na nakataob sa sahig. Pasimple kong inilibot ang paningin ko saka sinuri ang mga tao sa paligid. May mangilan-ngilang nakatingin sa akin habang nagpipigil ng tawa while others just stared at me blankly. Mabuti na lamang at hindi namin naagaw ang lahat ng atensyon ng mga tao rito. 

   "Oh, ano? Uupo ka na lang ba diyan?" pabalang na tanong sa akin ng lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko. 

    Inis akong tumingala sa kanya. "Eh kung tulungan mo kaya akong tumayo, no? Nang may silbi naman ang pagiging lalaki mo. And besides, aren't you the one who bumped on me?" I don't know why but I just suddenly burst out. Nakakairita! 

 

  "Excuse me? You're the one who wasn't looking at your way that's why you... Bumped on me," naiinis niyang sagot sa akin at dinuro-duro niya pa talaga ako.

   The hell with this guy? Sa halip na tulungan niya ako, eh mas pinili niya pang makipagbangayan habang nakasalampak pa rin ako sa maruming sahig na 'to. 

   Itinukod ko ang kaliwang kamay ko saka pinilit na tumayo kahit masakit pa rin ang puwetan ko gawa ng pagkakabagsak ko. Napatingin rin ako sa cellphone na hawak ko and unconsciously let out a sigh of relief. Buti na lang mahigpit ang pagkakahawak ko rito.

   Nang makatayo na ako ay agad ko siyang tinignan — mata sa mata na siyang pinagsisihan ko kaagad. He's also staring at me intently at tila ba may kung ano sa mga mata niya na parang hinihila ako sa kaila-ilaliman ng karagatan. Ngunit bago pa man ako tuluyang malunod sa malalim at malalamig na titig nito'y saglit akong napapikit ng mariin. 

   "You know, you're so ungentleman! Sino ka ba, ha? Ba't napakayabang mo?" angil ko sa kanya. Kung akala niyang uurungan ko siya dahil lang sa lalaki siya at mas matangkad siya kaysa sa 'kin, pwes! Nagkakamali siya.

   I saw him smirked and slightly tilt his head to the right. Bahagya pa siyang umiling bago magsalita. "Who are you, too, to tell me that I'm not a gentleman? You just clearly stereotyped me just because I didn't help you out kanina. Eh, kasalanan mo naman! Kung hindi ka lang kasi tatanga-tanga—"

   "What? What did you just say? A-ako? Sinabihan mong tatanga-tanga? Hah! Hindi mo ba ako kilala?" Malapit na ulit maputol ang pisi ng pasensya ko sa antipatikong lalaki na 'to.

   "Psh! Bakit? Artista ka ba? Model? Sa itsura mong 'yan? Obviously, no. Kasi hindi ka papasa sa kahit alin man do'n," malamig niyang turan. 

    Nakakagigil 'tong lalaki na 'to. Ang sarap niyang kutusan. Arghh! "For your information, mister... I ranked first when I graduated junior high here in this school. Now, tell me. May top-notcher bang tanga? And the way you say na hindi ako papasa bilang artista o model, sinasabi mo bang pangit ako?" dire-diretso kong sabi saka iyon sinundan ng sunud-sunod na paghinga. Nakakuyom na ang dalawa kong palad at pakiramdam ko ay makakaya ko nang basagin ang cellphone na hawak ko gamit lamang ang kamay at lakas ko.

    "Ikaw ang may sabi niyan." Iyon lamang saka niya ako tinaasan ng kilay saka pinulot ang cellphone niyang nahulog kanina dahil sa pagkakabangga namin. Napailing lamang siya nang makitang basag ang screen nito. Sa lakas ba naman ng impact, talagang mababasag 'yon. Sayang... Samsung pa naman. Pero buti nga sa kanya, ang yabang kasi.

   "Ayos lang 'yan, dude. Hingi ka na lang ulit ng pambili sa Dad mo," ani ng isang lalaking nakaupo sa mesa kung saan siya nakapuwesto kanina bago ang nangyaring banggaan.

   "Tsk!" Umiling lamang siya bago nagsimulang humakbang ngunit sandali ring tumigil nang magpantay na kami. "You'll pay for this," malamig at pabulong na aniya bago tuluyang naglakad palabas ng cafeteria. Hindi ko alam ngunit parang may kung anong humahalukay sa tiyan ko at wala sa isip na napahawak ako sa dibdib ko. Tila ba gusto nang kumawala ng puso ko sa kinalalagyan nito sa sobrang kaba.

                                           ***

    Kasalukuyan kaming nakatambay sa mini garden sa may likuran ng building ng strand namin. And I think this place will going to be our favorite spot for the rest of the school year. May malaking puno ng Acacia na lumililim sa mga lamesa't upuan kaya hindi mainit kahit tirik na tirik ang araw. The different kind of flowers gives off a relaxing ambience and it's also a good spot for taking pictures.

   Magkatabi sila Ciara at Kath na nakaupo sa harap ko kahit na kasya naman ang tatlo sa bench na inuupuan ko. Ayaw ko lang talaga nang may katabi lalo na't maiingay pa naman ang mga kasama ko. 

   I feel out of place sa usapan nila lalo na't tungkol na naman sa mga crush nila ang topic. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang nangyari kanina sa cafeteria. First time kong mapahiya nang sobra. 'Yong tipong hindi ko na magawang tumingin sa mga mata ng bawat estudyanteng nakakasalubong ko.

      "Huy, girl! Kanina ka pa walang imik diyan. Ano'ng nangyari sa 'yo? Namaligno ka ba 'te?" untag ni Ciara na siyang nakapagpabalik sa 'kin sa huwisyo. 

    "Baliw! Anong namaligno? Baka 'di pa rin siya kamo maka-get over sa encounter nila ni Papa Cherro kanina! " kinikilig na ani ni Kath na kulang na lang ay maghugis puso na ang mga mata lalo na nang banggitin niya ang pangalang Cherro. 

    Bahagya pang nanlaki ang mga mata ni Ciara. Nagkatinginan sila ni Kath saka sabay na tumili. "Waaahh!" Pagkatapos ay sabay nila akong binalingan at agad na lumipat sa magkabilang gilid ko. Niyuyugyog ni Ciara ang balikat ko habang sa braso ko naman nakakapit si Kath. 

   Hay! Kahit kailan, mga isip-bata.

    "Duh! Who's Cherro? Ni hindi ko nga kilala kung sino 'yang alien na tinutukoy niyo, eh! Saka tigilan niyo nga ako sa kakayugyog niyo! Nahihilo ako," irita kong saway sa kanila.

     "Ooh... Now you sounded like him. Wahh! Parehas kayong cold saka iritable. Boto ako sa 'yo for him, girl!" 

     Napapalatak ako sa sinabi ni Kath. "Anong boto for him? Nanay ka ba niya, ha? Bruhang 'to."

     "Seriously, 'te. Hindi mo ba talaga siya kilala?" nagtatakang tanong ni Ciara. 

     My brows furrowed because of her question. "Bakit? Sino ba 'yon? Artista ba 'yon? Model? Hindi naman bagay sa kanya kaya sure akong hindi." Awtomatiko akong napairap.

   "Wushu! Gaya-gaya ka ng linya 'te. Kay Papa Cherro 'yan eh. Isip ka ng sa 'yo," nakangusong ani ni Kath. Seryoso, ganyan sila kaisip bata. 

   "Fia, true ka ba? Siya lang naman si Cherro. Clark. Geronimo. Our one and only Papa Cherro!" Napatakip na lamang ako ng tenga nang sabay na naman silang tumili. 

    "Stop!" nakapikit na sigaw ko. Good thing at tumigil rin silang dalawa sa kakatili saka humalukipkip. 

    "Bakit ba napaka-big deal ng existence ng lalaking 'yon? I really don't know him. So, what? Para namang ikamamatay ko kung hindi ko siya kilala. Buti sana kung anak siya ng presidente—"

     Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang napahawak sa braso ko ang dalawa. Nanlalamig pa na animo'y nakakita ng multo.

    "Yes, anak nga ako ng presidente—"

    

     Agad akong napatayo saka umikot upang harapin ang kung sino mang bigla-bigla na lang nakikisali sa usapan ng may usapan. 

    Parang automatic na nag-on ang aking maldita mode nang makita kung sino ang invader sa usapan namin. "Weh? Maniwala! Hahahaha... Ikaw? Anak ng presidente? Pffft!" nang-aasar kong sabat sa kanya. 

    "Yep!" seryosong saad niya. 

    Nagtaka ako sa sinabi niya kaya naman bahagya siyang napangisi. "Presidente ng PTA," proud na aniya. 

    Napanganga ako sa sinabi niya. Akala ko pa naman, totoong anak siya ng Presidente ng Pilipinas. Seryosong seryoso pa siya sa pagkakasabi niya. 

    "Loko! Presidente kasi ng Pilipinas ang tinutukoy ko, hindi ng PTA. Baliw! At isa pa, pa'no ka naman nakasisiguradong ikaw ang pinag-uusapan namin, aber?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya habang nakapamaywang.

     "Kakasabi mo lang. You know, fishes are caught by its mouth," malamig niyang saad.

    Nakatutok lang ang paningin ko sa kanya habang taimtim rin siyang nakatitig sa 'kin. Buti na lang at medyo malayo siya sa kinaroonan ko. Kung hindi, baka maluno— No! Erase, erase!

   "O, anong iniiling-iling mo diyan?" Halos mapatalon ako sa gulat nang mapagtanto kong nakalapit na pala siya sa 'kin. Para siyang nag-teleport sa bilis niyang makarating sa harapan ko. 

   Hindi agad ako nakapagsalita lalo na nang yumuko siya upang magpantay ang aming nga mukha. He's now wearing eyeglasses pero hindi nakaligtas ang mga mata ko sa mga titig niya lalo na nang mas lumapit pa siya at ilang inches na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Napalunok ako. 

    "What? Gan'yan na ba 'ko ka-gwapo para titigan mo nang sobra?" malamig at halos pabulong na sabi niya. 

   I felt my heart thumping wildly in its cage as I saw him smirk. 

    'Oh, no! I'm dead!'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status