NAGSIMULA na ang palaro sa mga single na kababaeha. Pinabilog ang mga ito sa pagkakatayo. Parang tila lahat ay competitive sa pagkakataong iyon at gustong maging partner ng isang Lukas Adriatico. Pang Man of my dream kasi ang datingan nito.“Okay, ready na ang ating mga single lady, simple lang ang mechanic natin,” imporma ng wedding host. “Kapag may tugtog, pagpasa-pasahan ninyo ang bouquet na ‘yan. Kapag tumigil ang music at kung sino ang may hawak ay eliminate na. Klaro ba sa lahat?”Sabay-sabay na tumango ang nasa pitong babae. Sa pagtango ni Cataleya ay mabilis na bumaling ang tingin niya sa nakaupong boss. Hinuli niya ang tingin ni Lukas at nagtagumpay naman siya. Isang naghahamong titig ang ibinigay niya dito na parang bang nagsasabing ‘Humanda ka sa akin Lukas’. Nanatiling blangko ang ekpreyon nito pero kumunot ang noo nito.Pumailanlang na nga ang masayang music sa paligid. Parang pinandidirian ng mga babae ang bouquet. Kapag natanggap ay kaagad ding ipapasa. At s’yempre, al
KUMURAP-KURAP ang mga mata ni Cataleya sa pagkakadungaw niya sa bintana sa writing room niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa namamalas niyang lalaki na bagong kapitbahay niya. Eksaktong nakatapat ang balcony ng naturang bahay sa kabilang bahagi ng silid na kinaroroonan niya.Ano ba ‘yan parang ang liit naman ng mundo para sa amin, nahihiwagaang sabi niya sa sarili. Palihim pa rin niyang pinapanood ang lalaki. Tila nakahalata ito na may nanonood dito at tumingin sa kinaroroonan niya. Mabilis niyang itinakip muli ang kurtina sa bintana.Kailangang maikubli niya ang sarili sa bagong kapitbahay niya. Hindi siya handang magpakita dito.Bigla na namang humangin nang malakas. Pumasok iyon sa writing room niya, hindi sinasadyang nalipad ang picture na nakadikit sa gilid ng monitor ng computer niya. Parang nanadya na lumusot iyon sa bahagyang nakaawang na bintana niya. Hanggang sa ganap iyong nakalabas.Nakadama siya matinding pagkataranta. Mukhang sa direksyon ng bagong bahay ang punta ng
BUHAT-buhat pa rin ni Lukas si Cataleya hanggang sa maisakay nito sa kotse ang dalagang sekretarya. Mabilis ang mga naging pangyayari dahil na rin sa paghahabol ng oras. Hindi na rin tuloy namalayan kung paano nabuksan ang pinto ng sasakyan.“Gusto mo bang dalhin muna kita sa clinic?” nag-alalang tanong ni Lukas sa kanya. Kasasakay lang nito sa driver’s seat ng kotse nito. Sa seryosong mukha nito ay mababakas ang pag-aaalala.Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Cataleya bilang tugon niya sa tanong ng boss niya. Nanunudyong tiningnan din niya ito at pagsasalubong ng mga kilay, kinindatan pa niya.“What funny huh?” nagtatakang tanong nitong muli. Naroon na naman ang pagbakas ng inis sa itsura nito. “Nakakabaliw ba Miss Domingo ang masakit ang paa?”Bumunghalit siyang lalo ng tawa sa magkasunod na tanong na iyon. Hanggang sa siya na ang tumigil. “Sinubukan lang kita Mr. Adriatico, hindi naman talaga sumakit ang paa ko. It’s prank.”Umasim tuloy ang expression ng mukha nito. tumalim
“BITAWAN mo ako!” Pagpupumiglas ni Cataleya sa matandang lalaki na mahigpit na hawak ang braso niya. Sa taglay nitong kalakasan ay nahihirapan siyang kumawala. Natatandaan niya ang itsura nito, ito ang isa sa mga resort owner na kumindat at may pagdilang pagnanasa sa kanya. In short, manyakis ito. “Ano bang kailangan mo sa akin huh?”“Calm down Miss, baka hindi mo ako nakilala, ako si Leon Rivero.” Tinangka nitong haplusin ang mukha niya pero mabilis siyang nag-iwas. Nandidiri siya sa ginagawi nito. “Mayaman ako, kaya kong ibigay ang lahat ng gusto mo basta pumayag ka lang sa gusto ko.”Pinanlisikan niya ito ng tingin at pilit pa ring binabawi ang kamay mula sa pagkakahawak nito. “Sa’yo na ang pera mo Mr. Rivero. At pwede pa pakawalan mo na ako. Hinding-hindi kita papatulan.“Iyan ang gusto ko sa isang babae, palaban na pakipot muna,” nakangising sabi nito. Aliw na aliw pa itong pagmasdan ang nangangalit niyang mukha. “Sa una lang aayaw ka pero mamaya, hahalinghing ka sa sarap.”“No!
SA napapanood na CCTV footage, nakita ni Cataleya ang paglalakad niya sa pasilyo ng ikalawang palapag ng second floor ng hotel. Nang makarating siya sa comfort room, may sumusunod palang isang nilalang sa kanya. Walang iba kundi si Leon Rivero, nagpalinga-linga ito sa paligid na para bang may inaabangan. Hanggang sa pumasok ito sa isang nakabukas na suite. Panay ang pagsilip nito sa labas.Nakita muli ni Cataleya ang sarili na naglalakad muli sa pasilyo na kalalabas lang ng CR. Sa pagdaan niya sa may tapat ng naturang suite, huling-huli sa eksena kung paano siya hinablot ni Leon papasok sa loob ng hotel room.Nahagip din ng camera ang pagpupumiglas niya at maging pagsasara ng pinto. Ganap nan gang nabunyag ang isang katotohanang na hindi maitatago ng camera.Ang lahat ng nasa monitoring room ay napabuntong-hininga. Isang tahimik na tensyon ang nagsimulang mabuo sa paligid. Kaagad na binasag iyon ni Cataleya para muling i-depensa ang sarili. Siya ang agrabyado sa mga nangyari at hindi
“SIR Lukas?!” mulagat na sambit ni Cataleya sa pangalan ng boss niya. Bigla na lang itong sumulpot sa pag-uusap nila ni Romeo. Katulad ng gabi, wala siyang makitang emosyon sa mukha nito na nakatingin sa kanilang dalawa ng binatang kapitbahay. Napansin niya na nakasuot ito ng sando at board short. Sabagay, may pagka-alinsangan ang klima sa gabing iyon.“Hala andito ka pala Sir,” gulat na sabi ni Romeo, bigla itong nakadama ng hiya. “Sorry po kung naibuko ko po kayo kay Ma’am cat, na kayo ang tumulong sa kanya ng gabing iyon.”Kumibit-balikat ito. “It’s alright Romeo. Mas maganda nga na malaman na rin niya.”Minsan pang nanlaki ang mata niya sa kumpirmasyon na iyon ng binatang boss. Kahit paano ay bahagyang sinusundot rin pala ng kalambutan ang puso nito. Mixed ang nadarama niyang emosyon. May sama pa rin siya ng loob dito sa nangyari kaninang umaga sa meeting.“Ay ‘di salamat Mr. Adriatico.” Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Baka, sumbatan mo pa ako sa ginawa mong pagtulong mo sa akin.
“SORRY kung naka-istorbo ko ang pag-uusap ninyo, ka-video call ko kasi ang friend ko,” palusot na sabi ni Cataleya kina Lukas at Lorraine. Pinakatitigan pa niya ang hawak na cellphone kahit hindi siya nakakonekta kay Ria. Abot-abot ang kaba niya ng mga sandaling iyon.Nangunot ang noo ni Lukas. “Nasa trabaho ka Miss Domingo, pero nakikipag-video call ka ng ganitong oras?”“I’m sorry Sir,” mababang tonong paumanhin niya. “Bigla kasing tumawag ang friend ko. Baka kasi emergency.”“Okay never mind, basta make sure na hindi mo mapapabayaan ang work mo.” Binalingan nito ang dalagitang pamangkin. “Teka, kumain ka na ba my dear niece?”“Tamang-tama uncle, gutom na nga ako kaya nga pinuntahan kita dito sa office mo.” Humagikhik pa si Lorraine.Minsan pa siyang nanibago sa pagiging kalmado ng presensya ng boss niya. Tila yata natulong ang pagiging isang dragon nito.“Miss Domingo, lalabas lang kami saglit ng pamangkin ko huh,” untag ni Lukas sa kanya. “Kailangan pagbalik ko mamaya ay tapos na
KULANG na lang ay maipikit ni Cataleya ang mga mata nang masamyo pa niya ang mabangong hininga ni Lukas. Tila nanadya ito sa malapit na pagitan ng kanilang mga labi. May kung anong kakaibang init ang binubuhay nito sa bawat himaymay niya.“Inayos ko lang ang pagkakabit mo ng seat belt mo. Maluwag eh at delikado sa mga unexpected circumstance,” sabi nito. Napababa ang tingin niya sa abalang kamay nito.Inayos nga nito ang pagkasuksok ng latch plate sa buckle ng seat belt niya. Isang bagay na hindi niya napansin kaagad. Nakadama naman siya ng pagkapahiya sa sarili, pero hindi niya ipinahalata iyon sa boss niyang kasama. “Sorry, nagmadali kasi ako sa pagsakay dito sa SUV mo. Hindi ko na napansin ‘yan.”Inilayo nito ang sarili sa kanya at umayos muli ng upo sa driver’s seat. Natuon muli ang atensyon nito sa muli sa pagpapaandar ng kinaluuanan nilang sasakyan.“It’s alright, time to go again,” ani nito na hindi na siya nilingon pa. Naramdaman nila ang kanilang pag-andar sa gitna ng kalye.