Share

KABANATA 3.

Nakaupo sa tapat ng malaking vanity mirror si Destiny, suot niya ang isang beige light creamy off-white short sleeve dress. Mahaba ang dress at v-line ang tabas nito sa dibdib. Ang texture naman ng tela ay soft and supple at magaan sa katawan. Gawa ng isang sikat na italyan designer ang dress.

Nakalugay ang itim at tuwid na mahabang buhok na may bangs. Bumabagay ang bangs sa kanyang hugis pusong mukha, ang mga manipis na labi ay may koloreteng pula, at maging ang mahabang pilikmata ay mas lalong humaba dahil sa eyelashes extension. Ang kolorete sa mukha ay hindi kakapalan. 

She was in Milan, Italy for Serenity’s final walk as an international model. Ngunit sa gabing ito hindi si Serenity ang rarampa kundi si Destiny. Si Destiny ang rarampa sa katauhan ng kambal na si Serenity.

Mataman na tinitigan niya ang mukha sa malaking salamin. Walang tulak-kabigin, kamukhang-kamukha niya ang kambal niya. Kahit na anong titig ng kung sino man na hindi nakakaalam na may kambal si Serenity ay talagang mapaniwala itong siya nga si Serenity.

Ni sa hinagap ay hindi niya inakalang darating siya sa puntong ito. Sa puntong magpapanggap siya bilang si Serenity. Sobrang mahal niya ang kapatid. Gagawin niya ang lahat makasama lang ito ng medyo matagal. 

Serenity has brain cancer and it’s in stage four. Ayaw na nitong magpa-chemo at maging ang pag-inom ng gamot ay tinatanggihan na rin nito. While staring at her reflection in the mirror, mukha ng kapatid ang kanyang nakikita.

Paano nagagawa ng kapatid niya na ipakita sa lahat na okay lang ito? Maliksi at tila kay lusog nitong tingnan sa mga interviews nito maging sa bawat pagrampa nito sa fashion runways, ni hindi manlang nababakas sa mukha nito na may iniinda itong malalang karamdaman.

“Destiny, parang awa mo na. Gawin mo ‘to para sa’kin. Ayaw kung kaawaan ako ng mga tao at ayaw kung masaktan ang taong mahal ko, ang lalaking mahal ko, Destiny.”

“Serenity, hindi ko alam kung kaya kung gawin ang gusto mo. Hindi ako ikaw. Magkamukha tayo pero hindi ibig sabihin na kaya ko ang ginagawa mo. Magkamukha lang tayo pero magkaiba tayo ng personalidad. Paano kung mabuko tayo, ha?”

“Matutunan mo maging ako, tuturuan kita.”

“Serenity, ipagpatuloy nalang natin ang pagpa-chemo mo, ha! Wag mo nalang isipin ang iisipin ng mga tao. Sabihin mo nalang sa mapapangasawa mo ang totoo, dahil kung mahal ka nya dadamayan ka niya hindi ka niya iiwan.” 

“Ayaw ko na ng chemo, ayaw ko na ng amoy ng gamot, Destiny. Pagod na pagod na ako. Mula pagkabata, tusok dito tusok doon, at samu’t-saring gamot ang iniinom ko. Sawang-sawa na ako, Destiny, pagod na pagod na ako!” 

Tila pinagsasaksak ang dibdib niya sa mga katagang lumalabas sa bibig ng kapatid. Tila iyon isang punyal na humihiwa sa puso niya. Hindi. Hindi pwedeng mawala sa kanya ang kambal niya. Gusto pa niya itong makasama.

“She needs to continue her chemotherapy, to prevent the cancer cells from spreading in another part of her organs, Mrs. Altamerano.” Wika ng doctor kay Donya Catalina. 

Nagtatago siya sa likod ng pinto sa mga oras na iyon. Umatake kasi ang sakit sa ulo ni kambal niya. Habang nakikinig sa mga sinasabi ng doctor ay nakatakip sa kanyang bibig ang mga palad at pigil na pigil ang sarili na huwag umalpas ang mga hikbi.

“Now you know your sister's situation. Tatanggi ka parin ba? Tatanggihan mo parin ba ang hinihiling niya sayo?” 

Namumula ang mga mata ni Donya Catalina habang tumititig sa kanya. Habang siya naman ay panay ang hikbi. 

“Galit ako sa ginawa ng nanay at tatay mo. Dinurog ng mga magulang niyo ang pagkatao ko. Pero sa kabila ng ginawa ng mga magulang nyo, hindi ko magawang magalit sa inyo. Bagkos minahal ko si Serenity bilang isang tunay na anak. Kung nasasaktan ka sa nangyayari sa kapatid mo nasasaktan rin ako. Dahil ako ang tumayong ina niya sa loob ng labing walong taon at naging saksi sa bawat tagumpay, hirap at sakit na dinaranas niya.” 

Sa mga oras na iyon ay nagpasya siya na sundin ang kahilingan ng kanyang kapatid kahit na mahirap ay kakayanin niya. Magkukunwari siya bilang si Serenity na isang sikat na modelo, at bilang fiance ng isang Andres Montefalcon.

Madaling matutunan ang pagiging modelo ngunit hindi ang maging fiance ng isang sikat na binatang business tycoon at isa sa pinag-pantasyahan ng mga kababaihan. 

Serenity and Andres Montefalcon were set to be married in three weeks from now. Magkaibigan ang ama ni Andres Montefalcon at ang kanilang ama na si Melchor Altamerano. Pinagkasundo ng mga ama ang dalawa na ipakasal. Isang kasunduang kasal na nauwi sa tunay na pagmamahalan.

“Pumapayag na ako sa gusto mo, Serenity.” Hawak niya ang malamig at malambot na kamay ng kapatid. 

“Talaga! Talaga, Destiny!” Hindi makapaniwala na bulalas ng kapatid. Umaliwalas ang maputla nitong mukha kasabay ng pagngilid ng luha sa magkabilang pisngi. 

“Oo. Pumapayag na ako. Sa isang kondisyon.” 

“Ano yun? Sabihin mo at gagawin ko.” 

“Ituloy natin ang chemo mo.”

Napapayag niya si Serenity. Kapalit ng pagpapanggap niya ang pagpapatuloy nito ng chemotherapy. Sumailalim siya sa ramping tutorial, at etiquette in social gatherings. Maging sa pananalita at kilos ni Serenity ay kanyang pinag-aralan. 

Lahat ng background ng mga taong malapit kay Serenity ay pinag-aralan niya. Higit sa lahat ay ang pagkatao ni Andres Montefalcon, lahat ng kaliit-liitang detalye tungkol sa binata ay pinag-aralan niya. Wala siyang pinalampas. Sa loob lamang ng isang linggo ay natutunan niya lahat ang dapat matutunan.

So here she is. Wearing a glamorous dress designed by a famous designer at siya ang kauna-unahang babaeng nakasuot ng damit na ito. 

Huminga siya ng malalim. She was trying so hard to compose herself. Sana lang ay wala ngayon difo si Andres dahil ang totoo. Hindi pa siya handa. Hindi pa siya handang makaharap ito at umarte bilang si Serenity. 

Nakita na niya ang mukha nito sa mga pahayagan at telebisyon, and the man's aura was screaming in dominance. Ngayon pa lang ay napuno na ng matinding alalahanin ang dibdib niya sa paghaharap nila ng binata.

“Serenity!!” 

Tili ng isang binabae ang pumukaw sa paglalakbay ng kanyang diwa. Lumingon siya sa bumukas na pinto. 

“Luca, buona sera!" bati niya rito sa wikang Italyano na ang ibig sabihin ay magandang gabi.

“Buona sera, signora!” Ganting bati sa kanya ni Luca Bianchi.

Si Luca Bianchi ang sikat na designer ng mga damit na kanilang irarampa ngayong gabi. Ang kanyang suot na dress ay ang main attractions sa gabing iyon. 

“Flowers for you, from your il tuo amore!” Binigay nito sa kanya ang bouquet of tulips na may samu't-saring kulay. Red, yellow, white, and pink ang kulay ng mga tulips. “We'll start soon so prepare yourself signora! You will wear my stunning piece tonight.” Hinalikan nito ang likod ng kanyang palad at kumindat bago tuluyang lumabas ng dressing room na iyon.

Bigla ang pagragasa ng kaba sa dibdib. Hindi ata pinakinggan ng nasa taas ang kanyang dalangin. Nanlalamig ang kamay na kinuha niya ang puting card sa bouquet.

Hello, Love,

Can't wait to see your final walk on the fashion runway tonight. Break a leg love. I miss you a lot. Can't wait to spend the night with you tonight. I miss you and I love you so much!” 

Andress.

Tila drum na tumatambol ang puso niya sa loob ng kanyang dibdib. Tila siya mabibingi sa sobrang lakas ng pagtambol ng puso. Nanlamig bigla ang buo niyang katawan at maging ang kamay na may hawak ng card ay nanginginig.

“Serenity, anong gagawin ko?” Tanong niya na tila ba siya naririnig ng kambal.

“Okay ka lang ba, Destiny?” 

“Tita, Catalina.” 

“Relax, sandali lang naman ang rampa. It only takes a few minutes.” Napatingin ang Tita Catalina sa bouquet ng tulips na hawak niya kapagkuwan ay muli itong tumitig sa kanya at ngumiti. “Maiilang ka sa una. But believe me, sa mga araw na darating magiging komportable ka sa kanya. Andres is a good man, Destiny, and so you are. Don't pressure yourself and go with the flow!” 

Muli siyang huminga ng malalim at pilit kinalma ang sarili. Nandito na siya. Wala na siyang ibang magagawa kundi ang harapin ang sitwasyon. 

Tumunog ang cellphone ni Tita Catalina. Tita Catalina na ang tawag niya aa asawa ng ama at hindi Donya dahil ito ang gusto nitong itawag niya. Ngunit sa harap ng maraming tao ay mommy ang tawag niya rito.

“Anak, Serenity! Okay, I will give her the phone.” 

Binigay sa kanya ni Tita Catalina ang cellphone na agad naman niyang tinanggap at inilapat sa tenga. 

“Serenity, kamusta kana?”

“Ngayong ang chemo ko. Okay, ka lang ba dyan?” Nahihimigan niya ang sigla sa tinig ng kapatid at kahit papano ay nabawasan ang dalahin sa dibdib.

“Okay lang ako. Wag mo ako alalahanin.” 

“Break a leg, Destiny! Salamat, mahal kita. Mahal na mahal kita!”

Sapat na ang sigla sa tinig ng kapatid upang magkaroon ng sapat na lakas na harapin ang kinakaharap na sitwasyon. Bumukas ang pinto ng dressing room. Iniluwa mula doon ang isang babae. Suminyas ito sa kanya na lumabas na. 

“Serenity, mahal din kita.” 

Tuluyan ng naputol ang tawag. 

Tumayo siya.

“Relax, Destiny!” Paalala ng Tita Catalina.

She shut everything around her. Ilang minuto segundo ang lumipas ay nakatayo na siya sa intrada kung saan siya magsisimulang rumampa. 

Nagbago ang kulay ng ilaw sa runway, hudyat iyon ng kanyang pagrampa. Huminga siya ng malalim at nagsimulang humakbang. Sa kabila ng panginginig ng mga binti ay nagawa niyang ihakbang ang mga paa.

Lahat ng tinuro sa kanya ni Serenity ay sinunod niya. She walked confidently, raised her head, and looked straight at one point, hindi siya ngumiti hindi rin nakasimangot. 

Nakatuon sa kanya ang limelight, at nakasunod sa kanyang bawat hakbang. Ng makarating sa dulo ay isang pigura ang umagaw ng kanyang atensyon.

A man, who seat in the front with a sweet smile painted on his lips. He was staring at her like she was the most precious creature in the entire universe. His eyes were full of love, and adoration, and it was sparkling while staring at her.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status