Share

Chapter 117

Penulis: Writer Zai
last update Tanggal publikasi: 2025-08-11 22:48:09

"Where have you been, Mommy?" may halong lungkot ang tanong ni Avi.

Dama ni Meadow ang lungkot sa boses ng anak. Nakatitig ito sa kaniya kaniya. Kararating lang niya at naabutan niya ito sa sala. Malungkot at mag-isa. Ilang araw na siyang pabalik-balik sa hospital, hindi na halos nakakasama ng maayos ang anak. Maagang umaalis at kapag bumabalik ng mansyon ay tulog na ito. Nawalan siya ng time sa anak dahil sa pag-aasikaso sa asawa. Mabuti na ang kalagayan ng huli at ilang araw na lang ang hihi
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (4)
goodnovel comment avatar
hillary
wala pa ring kasunod
goodnovel comment avatar
hillary
wala na namang kasunod
goodnovel comment avatar
hillary
bumalik na si Aedam pero siya nga ba talaga ito.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • INSTANT DADDY    Chapter 149

    PILIT na pinakakalma ni Meadow ang sarili. Katatapos lamang niyang kausapin ang tunay na asawa. Sa maikling oras na nagkausap sila, ipinaliwanag nito kung ano ang nangyari sa aksidente at kung sino ba talaga ang kasama nilang mag-ina ngayon. Si Rex... Ang lalaking pinagkatiwalaan niya noon at ngayon ay nasira dahil sa ginawa nito. Kaya pala, may similarity ang ikinikilos ng inaakala niyang Aedam kay Rex. Kaya pala may kakaiba siyang kutob. "Tama pala 'yon," anas ng isipan niya. Pinahid niya ang panghuling luhang dumaloy sa magkabilang pisngi niya at hindi na muli pang hinayaang bumalong. Magkahalong takot at tuwa ang nararamdaman niya kaya siya lumuluha ngayon. "At galit na rin..." Sukdulan hanggang langit ang galit niya kay Rex. Papaano nito nagawa ang bagay na 'yon? Nakuha pa nitong ilagay sa mental hospital ang kaniyang asawa at kinuha ang pagkatao nito. Dapat ito ang ilagay sa mental hospital! Napasulyap siya kay Drake. Naririnig niya ang tunog ng phone nito. Si Rex ang tu

  • INSTANT DADDY    Chapter 148

    WALANG narinig na boses mula si Drake sa kabilang linya, pero alam niyang hindi makapaniwala ang kaniyang kaibigan Wala sa plano nito ang ginawa niya. Si Meadow, bakas sa mukha nito ang pagkalito. Hindi malaman kung ano ang sasabihin. Pabalik-balik sa kaniya at sa phone na hawak nito ang tingin. "Meadow, my Meadow..." Narinig niya ang paghikbi ni Aedam sa kabilang linya. Parang may sumakal na kamay na bakal sa puso niya. Sa tagal na nilang magkakaibigan, bibihira niya itong makitang ganito. Alam niyang sobra na ang pinagdaanang hirap ng dalawa, magmula pa kay Brenda. Ang matagal na pagkawala ni Meadow at ngayon naman ay muntik na ring mawala ang kaniyang kaibigan dahil sa isang taong may sira ang utak. Kumuyom ang kaniyang kamao, at para mawala ang galit sa dibdib niya'y lumabas siya, pero hindi siya lumayo sa silid. Sumandal siya sa malamig na wall malapit sa pinto. Mabuti na ring lumabas siya, para malaman kung paparating na ba si Rex. Tatlong minuto ang lumipas, matapos l

  • INSTANT DADDY    Chapter 147

    PUMARADA ang mamahaling sasakyan sa parking lot ng hospital, may pagmamadali sa kilos ni Drake, hindi siya dapat magsayang ng oras. Kailangang malaman na ni Meadow ang katotohanan. Bawat hakbang niya sa kahabaan ng pasilyo ng pagamutan, bumibigkas ang isipan niya. Hinihiling na sana'y wala pa roon si Rex, dahil tiyak na hindi na siya makahahanap ng magandang tiyempo para makausap ng sarilinan ang babae. Pero ayon kay Avi, wala pa roon ang ama nito, ngunit kahit ganoon ay hindi siya dapat makampante. Malapit na siya sa silid nang maisipan niyang tawagan ito. He stopped and quickly dialed Rex's number. He will pretend not to know, to find out where he is."Hello, p're!" sabi agad nito. "Napatawag ka."Malamig siyang ngumisi. Hindi kailanman siya tinawag na 'p're' ni Aedam. N'ong una niya itong narinig ay sobra siyang nagtaka at doon pa lang ay naghinala na siya. "Nasa hospital ka ba?" tanong niya. Matalim ang titig sa kung saan, na para bang nandoon ang kausap."Wala e. May inaasikaso

  • INSTANT DADDY    Chapter 146

    NAKABUNGISNGIS si Drake, katatapos lang niyang tawagan si Meadow, ginawa niya 'yon dahil may plano siya. Nakuha na niya ang sagot sa tanong nila pareho, kung bakit tila ba'y may nagbago sa kasulukuyang Aedam na kasama nito. At tama nga ang kutob nila, may kakaibang nangyari. Ngayong kaharap na niya ang tunay na Aedam, naiinis siya rito. Nasa kaniya na ang rights at may pruweba na sila kung sino talaga ito, pero ayaw pa ring kumilos. "Sir, bakit ayaw mo pa pong magpakita sa asawa mo?"Bumaling ang paningin niya sa babaeng nakaupo sa dulo ng sofa na kinauupuan din niya. Maging ito ay naguguluhan din sa desisyon ng kaibigan niya.Umangat ang likod ni Aedam. "Dahil hindi pa natin nahuhuli kung sino ang kasabwat ni Rex," seryosong saad nito. Napaisip din siya, at may punto ito. "Si Brenda?" patanong niyang sagot. Segundong nagkatitigan sila ni Aedam. Pero sa huli ay umiling ito. "May posibilidad na kakampi niya si Brenda, lalo na ngayong nakatakas ito. Pero bukod dito, palagay ko'y may

  • INSTANT DADDY    Chapter 145

    MADALING nabuksan ni Aedam ang lock ng unit niya at ngayon ay nasa loob na sila. Kapwa silang magkaibigan nag-iisip ng tamang takteka para mabuko si Rex. Samantalang si Danica ay nililibot ang buong room. Amaze na amaze ito sa nakikita, lalo na sa tanawin sa ibaba. Para itong batang pumapalakpak. "She's so annoying!" Marahas na bumuga ng hangin ang kaibigan niya. "You know what, bagay kayo," saad niya, sakay isinandal ang likod sa ulo ng sofa. Umismid ang kaibigan niya. "Hindi ako pumapatol sa isip-bata." Sa sinabi nito'y hindi niya napigil ang matawa. "E, bakit gusto mong ligawan ang anak ko?" "Avi is different, hindi 'yon isip-bata," seryosong tugon nito, saka'y sinimsim ang beer na nakuha niya sa ref. Buti na lang may stock pa siya ng pagkain at hindi pa expired. They looked at each other and suddenly laughed together. Naalala na naman niya ang kakulitan ng anak. Ang walang humpay nitong katanungan, at ang kadaldalan nito. "I really missed my daughter, Drake." Mabilis

  • INSTANT DADDY    Chapter 144

    NASA malalim na pag-iisip si Aedam, iniisip kung anong hakbang ang gagawin para matiklo si Rex. Kinuha nito ang lahat sa kaniya, napaniwala ang mga mahal niya sa buhay na siya ito. Ito ang kapiling ng kaniyang asawa sa kama, ang kayakap gabi-gabi, maging ang anak niyang si Avi. Ang mga kaibigan niya at ang ama. Ito rin ang pumapasok sa opisina niya. Ngunit, aad na nagsalubong ang kilay niya, what if may pipirmahan itong papeles? Paano nito naitawid yun? Kung ganoon, maging ang pirma niya'y ginaya nito. "Mahusay!" anas ng isipan niya. Mahabang panahon ang inilaan nito para perpektong magaya siya. Pero, siguradong hindi ito nag-iisa. May kasabwat ito, at sisiguraduhin niyang pagbabayaran nito ng mahal kung sino man ang taong kasabwat ni Rex. "Dude..." Nahinto ang paglalabay ng diwa niya. Nilingon ang kaibigang tumabi sa kaniya. Ang mukha ay hindi na halos maipinta."May isa pa pala akong balita na hindi nasasabi sa iyo," seryosong sabi nito. "What is it?"Bagama't kinakabahan ay na

  • INSTANT DADDY    Chapter 34

    MAY bahagi ng puso ni Aeda ang umapela na may asawa na si Meadow. Ang isiping may ibang pamilya na ito ay parang hindi niya kakayanin. Nanghihina ang tuhod niya. Parang may sumasakal sa kaniyang puso. Pero kung si Meadow nga ito, imposibleng anak nito si Jun-jun, dahil two years pa lang itong nawal

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-20
  • INSTANT DADDY    Chapter 31

    HINDI mapakali si Aedam. Nasa loob na siya ng silid na pagpapahingahan. Katatapos lang iyong linisan, mukhang kalalagay din lang cover. Katulad ng sinabi ni Ramon, magkaharap ang ang dalawang silid. May dalawa pang silid sa bandang dulo ng kanang bahagi ng bahay pero mga gamit ang nakalagay doon.

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-20
  • INSTANT DADDY    Chapter 22

    "DADDY!"Sinulyapan ni Aedam ang anak. Patakbo itong lumalapit sa kaniya. Nakabuka ang dalawang braso. Dahil doon ay nagsi-arkuhan ang kilay niya. Ilang beses na niyang pinagsasabihan ang anak na huwag tumakbo kung 'di naman kailangan, pero ayaw siyang pakinggan. Naglalakad siya sa lobby area ng Cr

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-19
  • INSTANT DADDY    Chapter 18

    ALIGAGA si Aedam habang nag-aabang sa pagdating ni Meadow. Nasa tapat siya ng CromX, kasama si Tyron, Kent at si Jack, na kararating lang. Bawat minutong lumilipas ay parang nauupos siyang kandila. Triple ang tibok ng puso niya. "C'mon, Meadow, dumating ka!" sumamo ng isipan niya. "I think she'

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-18
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status