Home / Romance / INSTANT DADDY / Chapter 131

Share

Chapter 131

Author: Writer Zai
last update Last Updated: 2025-10-20 17:57:09

Hindi na naman lubayan ang isipan ni Meadow sa narinig na pakikipag-usap ni Aedam sa kung sino man. Ayaw siyang patahimikin. Para iyong turumpong paikot-ikot. Ang daming tanong ang tumatakbo sa isipan niya. Sino ang taong kausap nito? Wala siyang ibang kilala na tinatawag nitong tito.

"Hindi kaya may iba si Aedam?"

Maagap niyang ipinilig ang ulo at binura ang katagang pumasok sa isipan. Hindi kailanman ito magkakaroon ng ibang babae. Babaero man ito noon, pero napatunayan niyang nagbago ba ito... hindi lang isang beses, kundi maraming beses na.

Huminga siya ng malalim. "Siguro'y isa sa kaibigan niya o kaya naman ay anak ng board members," kumbinse niya sa sarili.

Natigil ang paglalakbay ng isipan niya nang pumasok ang kaniyang anak. Masiglang-masigla ito.

"Mommy, ang ganda po talaga rito!" buong paghangang sambit nito.

Hindi ito ang unang beses na pumunta sa lugar na ito. Nang bago pa lang sila ikakasal ni Aedam ay isinama sila rito at kasama ang buong barkada ng kaniyang asawa.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (13)
goodnovel comment avatar
Rose Napeñas
update pls bkit po Ang Tagalog Ng update po
goodnovel comment avatar
Rose Napeñas
hello po next update Po
goodnovel comment avatar
Evelyn Ayuban
update ples ms.a
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • INSTANT DADDY    Chapter 134

    Kasulukuyang nasa opisina si Rex, paulit-ulit na tinitingnan ang tambak na papel. Naisip niyang hindi madaling magpanggap, lalo na sa katauhan ng isang Aedam Cromwell. Ang hirap ng ginagawa nito lalo na ang pamunuan ang isang kompanya. Hindi niya alam kung paano mapapantayan pagdating sa paghawak ng ganoong negosyo. Masyado itong maabilidad. Subalit... agad na sumilay ang ngiti sa labi niya. "Ito ang plano namin-- ang pabagsakin ang CromX." Humalakhak ang isipan niya. Ngayon pa lang ay gusto na niyang ipag-celebrate ang mangyayari. Walang makapipigil sa kaniya. Wala na si Aedam, hindi na ito babalik at kung babalik man ito, tiyak na hindi ito paniniwalaan. "At si Meadow, akin ka na! Hindi ka na niya makukuhang muli sa akin." Natigil ang pagmumuni-muni niya nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Hindi 'yon ang lumang cellphone ni Aedam, dahil hindi niya nakuha 'yon sa loob ng sasakyan. Agad na nagsalubong ang kilay niya nang makitang hindi naka-register ang numerong tumatawag. May

  • INSTANT DADDY    Chapter 133

    Naging masaya ang ilang araw na bakasyon at nang araw na yun ay pabalik na sila. Isinantabi ni Meadow ang suliranin tungkol sa naiisip na hindi si Aedam ang kasama nilang lalaki, dahil sa kaniyang anak. Masayang-masaya ito at hindi niya kakayanin na magdusa itong muli. Lahat ay gagawin niya para kay Avi at sa sanggol na nasa sinapupunan niya. Kasalukuyan siyang nasa inukupang silid, nakalatag sa kama ang mga gamit nila. Nakaharap sa bintana, ang mata niya'y nakatutok sa tanawing nasa labas. Maraming senaryo ang dumaraan sa kaniyang isipan, naantala nga lang yun ng may nagsalita sa likuran niya. "Mommy..."Bahagya siyang napapitlag nang marinig ang matinis na boses ng anak. Kaagad siyang lumingon. Malalaki ang hakbang nitong patungo sa kaniya."Thank you po. Nag-enjoy po ako."Napangiti siya lalo na nang yakapin siya ng anak. "Anything for you, anak. Basta ang usapan natin ha." Sapo ang tiyan, unti-unti siyang yumukod, ipinantay ang mukha sa mukha ng anak. Gusto niyang masilayan ang

  • INSTANT DADDY    Chapter 132

    "Is she mad?" "What do you think?" Naniningkit ang mata ni Meadow, naririnig niya ang bulungan ni Kent at Zeus. "Nagtatanong pa talaga," yamot na sabi ng isipan niya, sinabayan pa ng pag-ikot ng itim ng mata. "Galit nga," tinig ni Zeus. Mas lalo siyang nakadama ng inis. Ilang beses na niyang pinagsabihan ang mga kaibigan ng asawa, pero ginagawa pa rin. Masyadong ini-spoiled ang kaniyang anak. "Baby..." Hindi na yata nakatiis ang kaniyang asawa sa matulis na ngusong ipinapakita niya. Sa halip na sagutin ay pinandilatan niya ito ng mata. Hindi naman nagpatinag si Aedam. Lumapit ito at tumabi ng upo sa tabi niya. "Hey, bakit ka nagagalit? What's wrong?" "Seriously? Nagtatanong ka pa talaga?" Umawang ang bibig nito at lumipat ang paningin sa mga kaibigan. "Yang mga kaibigan mo, binilihan na naman ng gamit ang anak mo kahit hindi naman kailangan!" singhal niya. Wala na siyang pakialam kung marinig man ng dalawang lalaking nasa kabilang mesa ang sinasabi niya. Mabuti na lama

  • INSTANT DADDY    Chapter 131

    Hindi na naman lubayan ang isipan ni Meadow sa narinig na pakikipag-usap ni Aedam sa kung sino man. Ayaw siyang patahimikin. Para iyong turumpong paikot-ikot. Ang daming tanong ang tumatakbo sa isipan niya. Sino ang taong kausap nito? Wala siyang ibang kilala na tinatawag nitong tito. "Hindi kaya may iba si Aedam?" Maagap niyang ipinilig ang ulo at binura ang katagang pumasok sa isipan. Hindi kailanman ito magkakaroon ng ibang babae. Babaero man ito noon, pero napatunayan niyang nagbago ba ito... hindi lang isang beses, kundi maraming beses na.Huminga siya ng malalim. "Siguro'y isa sa kaibigan niya o kaya naman ay anak ng board members," kumbinse niya sa sarili. Natigil ang paglalakbay ng isipan niya nang pumasok ang kaniyang anak. Masiglang-masigla ito. "Mommy, ang ganda po talaga rito!" buong paghangang sambit nito. Hindi ito ang unang beses na pumunta sa lugar na ito. Nang bago pa lang sila ikakasal ni Aedam ay isinama sila rito at kasama ang buong barkada ng kaniyang asawa.

  • INSTANT DADDY    Chapter 130

    Pinagmamasdan ni Meadow si Avi, masiglang-masigla ang kaniyang anak, patungo na sila sa three days vacation sa resort ni Kent. Katabi si Aedam, na hindi binibitiwan ang kaniyang kamay. Nasa likuran ang kanilang anak, katabi nito si Eliza, kasama rin nila si Cindy na tahimik lang sa kanilang likuran. Hindi na sumama si Paula dahil may lakad ito. "Nak..." "Yes po, mommy?" "Hindi ka napapagod?" "Saan po, mommy?" Nilingon niya ito. Hawak ang paborito nitong stuff toy na regalo ni Drake. Ang mata ay seryosong nakatitig sa kaniya. "Ang ingay mo e." Humagikgik ito, ang kanang palad ay nakatakip sa bibig. "Sorry, mommy. Excited lang po ako." "Pagdating mo sa resort ni Kent, wala ka nang energy," aniya, kahit alam niyang hindi kailanman mangyayari yun. Tiyak na full ang energy nito pagdating sa kanilang pupuntahan. "Baka sabihin mong lalo nang naging hyper yang anak mo," tugon ni Aedam. "Paniguradong tatalon agad yan sa pool." Sumang-ayon siya sa sinabi ng asawa. Akal

  • INSTANT DADDY    Chapter 129

    Pumitik ang isang daliri sa kamay ng lalaking matagal nang nahihimbing. May benda ang kaliwang pisngi at may nakakabit na dextrose sa kamay nito, mayroon ding oxygen sa bibig. Gumalaw ang talukap, hanggang sa unti-unting bumuka ang mata. Sa una ay malamlam ang kaniyang nakikita, kaya't muli siyang pumikit, at nang muling magmulat at kaagad niyang sinuri ang paligid. Naantala ang pag-uusisa niya sa paligid nang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang babaing nakasuot ng kulay puti. Mabilis itong lumapit sa kinaroroonan niya nang makitang mulat na ang kaniyang mata. "Thanks God, you're awake, Sir," sabi nito kasabay ng pagtanggal sa nakakabit sa bibig niya."Where am I?""You're at the Sta. Lucia Mental Hospital, Sir."Mabilis na nagsalubong ang kilay niya sa narinig. "I'm in-- what?" Pilit niyang pinoproseso ang sinabi ng nurse."Oh sorry, Sir. Explain ko po sa iyo ng maayos. May facility rin ang pagamutan ito para sa mga pasyente na nagkakasakit o yung mga taong nakakasakit ng malubha

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status