Home / Romance / INSTANT DADDY / Chapter 133

Share

Chapter 133

Author: Writer Zai
last update publish date: 2025-11-27 20:49:07

Naging masaya ang ilang araw na bakasyon at nang araw na yun ay pabalik na sila. Isinantabi ni Meadow ang suliranin tungkol sa naiisip na hindi si Aedam ang kasama nilang lalaki, dahil sa kaniyang anak. Masayang-masaya ito at hindi niya kakayanin na magdusa itong muli. Lahat ay gagawin niya para kay Avi at sa sanggol na nasa sinapupunan niya.

Kasalukuyan siyang nasa inukupang silid, nakalatag sa kama ang mga gamit nila. Nakaharap sa bintana, ang mata niya'y nakatutok sa tanawing nasa labas. Ma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Bernadette Raviz
more update please
goodnovel comment avatar
LJS lang malakas
baka 2027 pa to matapos ah ehhe charr pero sana po damihan nyu ang update kahit 3 or 4 update kada month huhu
goodnovel comment avatar
LJS lang malakas
kalako pg balik ko dito madagdagan na ang update yun pala wla padin huhuhu..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • INSTANT DADDY    Chapter 143

    NAKAHINGA nang maluwag si Aedam. Nawala ang bumukol na kaba sa dibdib. Ang dumating ay ang sinasabi ni Drake na nagligtas sa buhay niya habang wala siyang malay sa hospital. Hindi niya akalaing may taong magliligtas pa sa kaniya sa bingit ng kamatayan. Dininig ang dalangin niya ng Maykapal. Natagpuan din siya ng kaibigan. Buong akala niya'y matutuluyan na siya. Awang ang bibig ng babae habang pumapasok, ang mata'y hindi inaalis sa kaniya. May mga plastik itong dala. Base sa nakikita, ang laman ng isa ay mga damit. Inilapag nito ang dala sa mesa. "G-gising na po pala kayo, Sir," tila gulat niting sabi. Simula nang ipasok siya sa mental hospital, hindi niya alam kung may nakakita sa kung ano ang mukha niya. Nang magkamalay siya, balot na ng benda ang mukha niya. "Dude, ngayong nakaalis ka na sa hospital, what exactly do you want to happen? I mean, what is your plan?" Naunahan siyang magsalita ng babae. "Magkakilala kayo?" gulat nitong tanong at ibinaling ang paningin kay Drake. "

  • INSTANT DADDY    Chapter 142

    GULONG-GULO ang isipan ni Drake. Paroo't parito siya sa silid na pinagdalhan sa pasyenteng magpahanggang ngayon ay wala pa ring malay. Dinala niya ang lalaki sa isang apartment, ang nurse na kasama niya'y pansamantalang umuwi sa bahay nito para kumuha ng mga gamit. Mabuti na lang talaga, habang itinatakas nila ang lalaki, walang nakapansin sa kanila. At ayon din sa babae, hindi gumagana ang CCTV sa dinaanan nila. "And now, what? Anong mangyayari?" Napahinto siya sa pagmamartsa. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin niya nahahalukay sa kaniyang isipan kung bakit gustong mawala ni Aedam ang lalaking ito. Anong kinalaman nito sa buhay ng kaibigan niya? Naagaw ang atensyon niya nang mag-ring ang phone na nasa bulsa niya. Wala sa loob na sinagot niya ang tumatawag... si Kent. "Dude, where are you?" "I'm hanging somewhere. Why?" Habang kinakausap ang nasa kabilang linya ay muli niyang itinutok ang paningin sa lalaking wala pa ring malay. "Hindi ka ba pupunta sa hospital?" "Hospital?"

  • INSTANT DADDY    Chapter 141

    PARANG sasabog ang dibdib ni Aedam sa galit, katatawag lamang ng nurse na inutusan niyang iligpit ang tunay na Aedam, ngunit sa kasamaang palad, sinasabi nitong nawawala ang lalaking yun. Hindi siya makaalis-alis sa hospital dahil kasalukuyang nagli-labor si Meadow. Hindi rin kumakawala sa kaniyang bisig ang anak na si Avi. Nakakailang buga na siya ng hangin, pero hindi maibsan ang galit niya. "Daddy, calm down po. Magiging okay lang po si Mommy at si Baby Riley." Malamyos ang tinig ni Avi. Ang mata nitong nakatutok ay ipinapanatag ang kalooban niya. "Sorry, baby. I'm just worried about your mother." Hindi niya masabing hindi si Meadow ang nagpapabagabag ng kalooban niya kundi ang tunay na Aedam. Ngumiti ito at yumakap sa kaniya. May sinasabi ito, pero hindi niya maintindihan o mas tamang sabihing hindi niya iniintindi. Nananaig ang galit niya sa pagkawala ni Aedam, at naniniwala siyang may tumulong para makaalis ito. "Imposibleng makalabas yun ng hospital na mag-isa," angil ng

  • INSTANT DADDY    Chapter 140

    SALUBONG ang kilay ni Drake habang matiyagang pinagmamasdan ang lalaking walang malay na nakahiga. Nirerebesa ang mukha ng lalaki, pero hindi makilala dahil may balot ang mukha nito. Tanging ang nakalapat na mata lamang ang nasisilayan niya. At habang pinagmamasdan ay kumakabog-kabog ang dibdib niya, hindi mawari kung bakit, magkagayun pa man ay pilit niyang inaalala kung saan ito nakita o nakasalamuha para pag-initeresan ni Aedam. "Who are you?" Wala siyang matandaan na may ibang kapamilya si Aedam, kung merun man, yun ay naninirahan na sa ibang bansa. "Miss, puwedeng mag-stay ako rito hanggang sa magising siya. I-i just wanna know him." "Hindi po puwede, Sir. Mapapagalitan po ako ng management. Isa pa po, delikado po ang pag-stay niyo rito." Bahagyang kumunot ang kaniyang noo. "Papaanong naging delikado?" "Nagwawala po kasi ang pasyente, Sir. Nasa antas pa siya ng hallucination, kung anu-ano ang sinasabi. Baka mapahamak ka lang po 'pag nag-stay ka rito." Igigiit pa

  • INSTANT DADDY    Chapter 139

    Naihilamos ni Drake ang sariling palad sa mukha. Katatapos lamang nilang mag-usap ni Meadow, sinasabing nagpakita si Brenda kay Avi para lang balaan ang mag-ina. "Hindi kaya si Aedam ang tinutukoy ni Brenda?" tanong niya sa sarili. Noong una pa lang ay may duda na siya nang maoperahan ang kaibigan niya. May kakaiba siyang kutob, pero wala siyang mahanap na butas dito. Napasandig siya sa head rest ng upuan. Nasa loob siya ng sasakyan, patungo sana sa kaibigang si Zeus, pero naantala nang tumawag si Meadow. Humihingi ito ng tulong na makausap si Brenda. "But how? Mainit ito sa mata ng mga pulis." Naipikit niya ang mata, nag-iisip ng magandang gagawin at sa muling pagmulat ay napasulyap siya sa mga dumadaan, hanggang sa napansin niya ang isang sasakyan. "Kay Aedam ang sasakyan na 'yon ah!"Napatuwid siya ng upo at mabilis na sinundan ang sasakyan. Kinumpirma kung ito nga ba ang sasakyan ng kaibigan. Hindi siya dumikit para hindi makahalata. At para makasigurado ay tinawagan niya ito

  • INSTANT DADDY    Chapter 138

    Ilang beses nang napabuga ng hangin si Meadow, nakadungaw siya sa bintana. Nakatitig sa tanawing nasa ibaba, ngunit wala naman doon ang atensyon. Hindi patahimikin ang isipan niya. Laging nagtatanong kung bakit tumakas si Brenda, anong dahilan?May pumasok sa isipan niya, what if, galit pa rin ito sa kaniya? What if, maghihiganti pa rin ito? "Imposible!" mariin niyang tanggi ag marahas na ipinilig ang ulo. "Hindi na gagawin ni Ate Brenda sa akin 'yon," giit pa niya sa sarili.Alam niyang nagbago na ito. Hind na nito uulitin ang nagawang pagkakamali noon. Alam niyang mabuti itong tao, napuno lang ng galit ang dibdib kaya ito naging masama. Napasulyap siya sa umbok na tiyan. Ilang araw na lang ay nalalapit na ang kaniyang pagsilang sa pangalawang anak. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. "Mommy..."Napalingon siya nang marinig ang tinig ng kaniyang panganay. Nakasuot pa ito ng school uniform. Parang dati lang ay karga-karga pa niya ito, umiiyak sa bisig niya. Nadadapa sa tuwing

  • INSTANT DADDY    Chapter 79

    "HEY, what's up, dude!"Sinulyapan ni Aedam ang pinagmulan ng tinig, si Kent at Zeus. Anong ginagawa ng dalawang 'to sa office niya? Wala bang trabaho ang dalawang ito? Kunsabagay, sila nga rin pala ang boss. Hindi na lang siya nagsalita, hinintay na lang niya ang paglapit ng dalawa. "Busy?""Uhm

    last updateLast Updated : 2026-03-27
  • INSTANT DADDY    Chapter 84

    HINDI ipinaalam ni Meadow kay Aedam ang tungkol sa na-receive niyang text message. Ayaw na niyang mag-isip ng kung anu-ano, isa pa'y ayaw na rin niyang mabahala ang kaniyang fiance. Gusto niyang sumaya ang kanilang buhay. At kung sinuman ang nag-text sa kaniya, sisiguraduhin niyang hinding-hindi iy

    last updateLast Updated : 2026-03-27
  • INSTANT DADDY    Chapter 81

    MANAKA-NAKANG pagsulyap ang ginagawa ni Aedam sa katabi. Tahimik lang itong nakamasid sa binabagtas nilang daan. Simula nang lumabas sila sa provincial jail ay wala na itong kibo. Aminin man niya o hindi, may kirot siyang naramdaman nang magtanong siya tungkol sa nararamdaman nito para kay Rodolfo.

    last updateLast Updated : 2026-03-27
  • INSTANT DADDY    Chapter 80

    NANGINGINIG at hindi halos maihakbang ni Meadow ang mga paa papasok sa provincial jail. Ang araw na iyon ang itinakda para magkausap sila ni Rodolfo, ang lalaking nagsabing asawa niya, ang lalaking nagpahirap sa kaniya. Kapag sinasaktan siya nito'y halos mawalan na siya ng hininga. "Are you okay

    last updateLast Updated : 2026-03-27
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status