LOGIN**********
THEODORE WILLIAM'S POV:
Kasalukuyan siyang nasa isang bar sa gabing iyon. Pumunta siya ng America dahil may inutos ang daddy niya para sa negosyo nila, pero hindi naman cya magtatagal doon at uuwi din agad ng Pilipinas.
Nagpag isipan nyang pumunta sa isang bar para mag-unwind ng kaunti nang may nakitang magandang babae na pumasok sa bar. Umupo ito sa bakanteng table. Mukhang nag-iisa lang ang dalaga.
Sa babae lang nakatuon ang atensyon niya simula nang pumasok ito. Naaliw siyang tingnan ito, lalo na nang namudmud ito ng pera sa mga waiter at manager ng bar. Mukhang kilala na ang babae doon.
Nang hindi na siya makatiis ay nilapitan niya ito at nagpakilala.
Kung maganda na ito sa malayuan, ay mas maganda pa ito sa malapitan. 5'11" ata ang height nito, tamang-tama lang sa height niyang 6'3". Bagay ito sa suot nitong black dress na lalong nagpapakita ng kaseksihan nito. ‘Yun din ang dahilan kung bakit nilapitan niya ito... nakikita niyang madaming lalaking nakatingin sa dalaga at kung pabagal-bagal pa siya ay baka maunahan siya.
Mas lalo siyang natuwa nang malamang Pilipino rin pala ito. Iniisip na niyang puwede niya itong maging kaibigan pagkatapos. Pero iba pala ang nasa isip nito. Muntik na nyang maibuga ang iniinum na beer nang niyaya siya nito sa place niya.
Noong una ay nagulat siya, at aaminin niyang na-turn off siya sa babae.
"What do you expect, Theo? Sa bar mo siya nakilala, kaya malamang ay liberated siya!" wika nya sa sarili.
Dagdag pa na nasa America sila. Mukhang doon ito lumaki kaya hindi na siya mag-e-expect na makahanap pa ng matinong babae doon.
"Why do you want to go to my place?" tanong niya kay Therese.
"You know what I mean..." malanding sagot nito sa kanya.
Aaminin niyang attracted siya sa dalaga, pero ayaw niyang mag-take advantage dito. Alam niyang lasing na ito at baka hindi na alam ang pinagsasabi.
"Ayaw mo ata... Sige, I will find someone else"
"No! Let's go." Hinawakan niya ito sa kamay at tumayo. Nag-iwan siya ng tip sa lamesa at magkahawak-kamay silang lumabas ni Therese. Hindi na nya ito binitawan.
Kung hindi niya gagawin iyon, maghahanap ito ng ibang lalaki. Baka mapahamak pa ito kaya pumayag siya sa gusto nito.
Pinapasok niya ito sa kotse niya. "Where do you want to go?" muling tanong niya.
"Your place, right?" Namumungay na ang mga mata nito. Mukhang may malaki itong problema kaya ito naglasing.
Napabuntong-hininga siya. Mukhang desidido ito sa ginagawa. Dumukwang siya para abutin ang seatbelt at isuot sa dalaga pero nagulat siya ng halikan siya nito sa pisngi.
"Hihihihi. Sorry, I can't help it... Ang bango mo kasi."
Lihim siyang kinilig, pero hindi siya dapat magpadala sa pang-aakit ng dalaga. Under the influence ito ng alak at wala sa tamang huwisyo.
Pinatakbo niya ang kotse at iniuwi sa bahay niya. Mabuti na lang at mag-isa lang siya doon dahil nasa Pilipinas ang lahat ng pamilya niya.
Napasilip siya kay Therese na nasa passenger's seat... nakapikit ito at mukhang tulog na. Mabuti nga kung gano’n para hindi na ito mangungulit mamaya. Hahayaan niyang makatulog ito at ihahatid niya sa bahay nito kapag nahimasmasan na ng kalasingan.
Pagdating sa bahay niya ay binuhat niya si Therese papasok. Tuluyan na itong nakatulog. Dinala niya ito sa guest room at hiniga sa kama.
Napalunok siya nang makitang tumaas ang damit nito at nakita niya ang black thong nitong suot, wala din itong suot na bra. Bigla siyang nag-init. Anong parusa ito? Wika niya sa sarili.
Pumunta siya sa banyo at kumuha ng basang bimpo para kahit paano ay mahimasmasan ito sa kalasingan.
Umupo siya sa harap nito habang nakahiga sa kama ang dalaga. Malaya niya itong pinagmamasdan, para talaga itong diyosa. I'm sure kung hindi siya ang naka-inuman nito kanina ay malamang sumama na ito sa ibang lalaki. Mabuti nalang at andoon cya. Baka mapahamak pa ito sa ibang lalaki.
Nalungkot siyang isipin na gano’n si Therese. O masyado lang cyang hopeless romantic at umaasa na sana iba si Therese sa mga babaing nakilala nya.
"Hmmm..." ungol nito nang maramdaman ang malamig na bimpo sa balat nito.
"Theo?..."
"Yes? May kailangan ka ba?"
"Yes... I want you to take me..."
Nagulat siya sa kapangahasan ng babae.
"Ahm... Lasing ka, Therese... at hindi mo alam ang sinasabi mo."
Aaminin niyang natutukso din siyang pagbigyan ang dalaga sa gusto nito. Sino ba namang lalaki ang aayaw sa ganitong kagandang babae na nakahain sa kama?
Akmang tatayo na siya nang hawakan siya nito sa kamay. Na-out of balance siya at natumba sa ibabaw nito.
"Hihihi..." Napahagikhik ito at hinalikan siya sa labi. Smack lang naman ito, pero bakit tinamaan kaagad siya ng libog!
ANGELO'S POV:Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman habang nakatingin kay Crystal at Duncan na sumasayaw sa gitna ng bulwagan. Ang bunso niya ay kinasal na, ang kambal na sina Heaven at Earth ay masaya na din sa kani‑kanilang buhay may‑asawa.Sila na lang ulit ni Jenna ang maiiwan sa malaking bahay nila na dati ay sobrang ingay dahil sa mga anak nila. Siguradong maninibago na naman siya.“Babe, bakit tahimik ka d’yan?” tanong ni Jenna nang lumapit at umupo sa tabi niya.“Wala babe… iniisip ko lang, kasal na ang lahat nating mga anak. Nalulungkot lang ako.”“Bakit ka naman malulungkot kung masaya naman ang mga anak mo sa mga napili nilang mga asawa?”Ngumiti siya ng tipid. “Syempre… anak ko pa din sila. Hindi ako sanay na mawalay na sila sa akin at pagmamay‑ari na sila ng kani‑kanilang mga asawa.”“Don’t worry babe… andito pa naman ako. Ako na lang ulit ang baby mo?… hihihi. Mag‑travel na lang tayo sa buong mundo at sulitin ang buhay natin.”Ngumiti siya. Sabagay, wala na siyang aa
CRYSTAL'S POV:Isang buwan ang nakalipas ay araw na ng kanilang kasal ni Duncan. Nasunod ang gusto niyang intimate wedding. Pamilya at malalapit na kaibigan lang ang imbitado.Although hindi pa din iyon masasabing intimate dahil sa dami ng pamilya at mga kaibigan nila. Umuwi na din si Mommy Jenna at Daddy Angelo niya. Ang mga ninong at ninang nila na mga barkada ng mga ito ay present din.Sa malawak na garden ng mansion nina Duncan ang kanilang kasal. Puno ng security at walang ibang makakapasok kundi ang invited guest lang. Kahit pa nakakulong na ang lahat ng may galit sa kanila ay nag-iingat pa din sila. Na-trauma na sila sa nangyari.Kasalukuyan silang nasa harap ng altar ni Duncan at kinakasal na.“Duncan, will you take this woman to be your lawfully wedded wife, to love and to cherish, in sickness and in health, for richer or poorer, for better or worse, until death do you part?” tanong ng pari.Napatingin si Duncan sa kanya... puno ng emosyon ang mga mata nito, tila ba hindi na
“Bakit? Ano ba ang nangyari sa kanya?” napalakas ang kanyang boses. Bakit hindi pa sabihin ng diretso ni Heaven sa kanya.“Hintayin nating magising si Crystal, Duncan… saka ko sasabihin sa inyo ang lahat.”Lalo siyang nanlumo. Hindi niya mapipilit si Doc Heaven. Lalo siyang nainis.Agad naman itong nilapitan ng asawang si Theo para samahan sa clinic nito. Silang naiwan doon ay tinawag ng nurse para igiya sa private room na pagdadalhan kay Crystal.Inakbayan siya ng kanyang daddy habang sabay silang naglalakad. “Magpakalakas ka, anak… walang mangyayaring masama kay Crystal. Magpapakasal kayo at magiging masaya. Ngayon pa lang ay ibinibigay ko na ang blessing ko sa inyo.”Ngumiti siya ng tipid. “Thanks, Dad,” sagot niya pero hindi lubos ang kanyang kasiyahan hangga’t hindi niya alam ang sakit ni Crystal.Pagdating sa kwarto ay naghintay sila muli ng tatlumpung minuto na walang ginagawa. Halos mabaliw na siya sa kakaisip. Nagpa-deliver si Earth ng pizza at kape doon sa room nila, pero hi
Sandali silang nagkatinginan na dalawa na parang sila lang ang tao roon. Pakiramdam niya ay kinasal na sila dahil nagpalitan na sila ng singsing. Pero ang totoo ay proposal pa lang nila iyon sa isa’t isa.“Noooo!” Napatingin sila sa sumigaw na si Thor. Hindi pa pala nakaalis dahil hinihintay pa ang ambulansya.“Wala ka nang magagawa Thor. Hindi ikaw ang magdedesisyon para sa amin at tama na ’yang pagmamanipula mo. Hindi ko papayagang na makalabas ka ng kulungan dahil patong-patong ang ikakaso ko sa’yo.”“Pinsan… Duncan… I’m sorry. Patawarin mo ako… promise magpapakabait na ako…” Naging malumanay ang boses ni Thor habang nagmamakaawa.“Hindi! Kinain na ng droga ang utak mo kaya wala ka sa tamang wisyo. Hindi na din ako maaawa sa’yo dahil kaligtasan ko at ni Crystal ang nakataya dito. Mabubulok ka sa kulungan, Thor!”Biglang naging mabangis naman ang mukha nito. “Akin lang si Crystal, Duncan! Hindi mo siya maaaring maagaw sa akin! Akin lang siya!!!” Sigaw ni Thor. Sira na ang utak nito
Napangiwi siya nang diniin ni Thor ang kutsilyo sa leeg ni Crystal.“Lumabas na kayo!” sigaw niya sa mga pulis.Isa-isang lumabas ang mga pulis. Mahigpit din ang pagkakahawak niya sa kanyang baril na nasa likod pa rin niya.“’Yan ang gusto ko sa’yo, Duncan. Gagawin mo ang lahat para kay Crystal. To the point na nagpapakatanga ka na hahaha… aalis tayo dito. Isasama ko kayong dalawa. Kalagan mo si Crystal!” utos nito sa kanya. Nakatali pa din kasi ang kamay at paa ni Crystal.“Paano ko gagawin ’yun kung nakatali din ako?” tanong niya.“Oo nga pala hahaha… Crystal baby… ’wag ka na umiyak… aalis tayo dito. Bata ko sa mga pulis na ’yun…” sabi ni Thor saka tumayo sa kama para kalagan si Crystal.Naghintay siya ng tamang pagkakataon… Nang sa ang paa na ito ang kinakalas ay agad niyang nilabas ang baril at tinutok kay Thor.“Lumayo ka sa kanya, Thor!”Nagulat si Thor. “Paano ka nakaalis sa pagkakatali? Paano ka nagkaroon ng baril?” takot na takot nitong sabi.“Lumayo ka sa kanya!” sigaw niyan
“Hindi ko inagaw si Crystal sayo. Wala kayong relasyon!”“Wala nga, pero matagal ko na siyang nililigawan! Dumating ka lang ay ikaw agad ang gusto niya? Itinapwera na naman ako!?”“Itigil mo ito, Thor. Makukulong ka kapag pinatay mo kami ni Crystal.” muling pakiusap niya“Bakit, akala mo ba hahayaan kong makulong ako? Syempre hindi! Isisisi ko na naman ang lahat ng ito kay Asia at Ruby para magpatong-patong ang kasalanan nila. Maniniwala ang lahat sa akin dahil sino nga ba ang mag-aakala na ako ang may gawa ng lahat ng ito, diba? Pinsan mo ako at hindi ko ito kayang gawin sayo?.... Hahahaha!”Naglilisik ang mga mata niya habang nakatingin kay Thor na parang demonyo kung makatawa.Nabaling ang atensyon nila sa kama nang umungol si Crystal. “Agghhh… nasaan ako… bakit ang sakit ng ulo ko?…”“Crystal? Crystal, gising… andito ako, babe.” akmang tatayo siya para lapitan ang nobya pero nakalimutan nyang nakatali pala siya.“Gising na pala ang mahal na prinsesa?” sabi ni Thor habang papalapit







