ANMELDENGood morning, Ma’am Elena. Bahagyang natigilan si Elena sa kalahati ng kanyang pagbaba sa makintab na hagdang kahoy. Tatlong kasambahay ang nakangiti at magalang na nakatayo sa paanan nito, parang mga sundalong nag-aabang sa pagdating ng kanilang reyna. Good morning din po, nahihiya niyang sagot habang pilit na pinipigilan ang sarili na hawakan ang laylayan ng kanyang lumang t-shirt. Hanggang ngayon, parang panaginip pa rin ang lahat. Hindi pa rin siya sanay sa titulong ibinibigay sa kanya. Ma'am? Parang hindi niya pagmamayari ang salitang iyon. Pagapak niya sa malawak na dining area, agad niyang namataan si Adrian. Naroon ito sa dulo ng mahabang mesa, suot ang isang itim na polo shirt na bahagyang lukot sa manggas. Tahimik itong kumakain habang ang isang kamay ay abala sa pagflip ng mga naglalakihang folders at business reports. Napalunok si Elena nang ibaling ang tingin sa mesa. Parang handaan ng pista ang nandoon! May umausok na scrambled eggs, crispy bacon, iba't ibang klaseng tinapay, sariwang prutas, stack ng pancakes, at pitcher ng iba't ibang juice. Para sa ilang tao ba 'to? halos pabulong niyang tanong, halos malaglag ang panga. Hindi man lang lumingon si Adrian mula sa binabasa. Para sa atin. Dalawa lang naman tayo ha? Alam ko. Napabuntong hininga si Elena at padabog na humarap sa silya sa tapat nito.Sayang naman to. Ang dami dami. Ang mahal kaya ng bilihin ngayon. Hindi ikaw ang nagbabayad, malamig na balik nito. Umirap si Elena. Oo na. Sige na. Good morning din sa'yo, Mr. Sungit. Hindi siya pinansin ng lalaki. Kumuha na lamang si Elena ng pancake at walang pakundangang pinatungan ito ng napakaraming maple syrup tipong lulubog na ang tinapay sa tamis. Biglang napatigil si Adrian. Ang kanyang mga mata ay dumapo sa plato ng dalaga. Anong ginagawa mo? Kumakain, pilipit ang ngiting sagot ni Elena habang may subo nang pancake. Alam mo bang sobrang dami ng syrup na nilagay mo?" seryosong tanong ni Adrian, ang tono ay parang isang physicist na nakatuklas ng mali sa formula. Masarap eh. Hindi healthy. Eh di huwag mong kainin, hindi naman ikaw ang uubos nito, sagot ni Elena na may kasamang pag irap muli. Bumalik si Adrian sa pagbabasa, tila isinuko na ang pakikipagtalo. Ilang minuto ang lumipas, napansin ni Elena na hindi ginalaw ni Adrian ang pagkain sa plato nito. Kape lamang ang iniinom. Hindi ka ba kakain? tanong niya, medyo lumambot ang boses. Wala akong gana. Bakit naman? Busy ako, maikling sagot nito nang hindi tumitingin. Napakunot ang noo ni Elena. Grabi naman ang workaholic na 'to. Kumuha siya ng isang pirasong crispy bacon mula sa kanyang plato at walang pasintabing inilagay iyon sa puting plato ni Adrian. Kumain ka. Natigilan si Adrian. Dahan dahang tumingin sa bacon, pagkatapos ay itinaas ang mga mata para tingnan si Elena. Ano? tanong ni Elena, biglang kinabahan sa titig ng lalaki. Wala. Bakit mo ako binibigyan nito? Baka lason yan. Nanlaki ang mata ni Elena, halos mabilaukan siya sa sariling laway. Excuse me?! Lason ka dyan! Eto kaya ang pinakamasarap na bacon sa buong subdivision Joke lang. Natigilan si Elena. ha? Marunong ka palang magjoke? Paminsan minsan. Wow. Historic moment to, bulong ni Elena na hindi mapigilan ang mapangiti. At doon na nga nangyari ang hindi inaasahan bahagyang sumilip ang ngiti sa labi ni Adrian. Isang tipid, bihirang ngiti na mabilis sanang naglaho, ngunit nahuli iyon ni Elena. Tumigil ang mundo ng ilang segundo sa kanyang paningin. Ngumiti siya. Biglang napagtanto ni Elena sa sarili: Hala. mas gwapo pala siya kapag nakangiti. Mabilis niyang iniwas ang mukha at tiningnan ang baso ng juice. Huwag kang ngumiti nang ganyan. Napakunot ang noo ni Adrian. Bakit Wala. Sabi ko huwag. Bakit nga? Basta! Tinitigan siya nang malalim ni Adrian, ang mga mata ay tila nang uusisa. Gusto mo ba kapag nakangiti ako? Uminit nang husto ang magkabilang pisngi ni Elena. Namula siya hanggang sa tenga! hindi ah! Sigurado ka? Oo nga! Okay, sagot ni Adrian bago muling uminom ng kape. Pero kahit anong iwas ni Elena, hindi niya mapigilan ang mga mata na sumulyap nang palihim sa kaharap. Ilang minuto pa ang lumipas nang biglang bumukas ang malaking p***o ng dining room. Isang lalaking nakasuot ng malinis na suit ang pumasok na parang nagmamadali. Sir Adrian, may meeting po tayo sa alas diyes sa Rockwell, sabi nito, ngunit nang mapatingin kay Elena ay bahagyang natigilan. Ah. Good morning po, Ma'am. Tumango si Elena. Good morning. Ngumiti ang assistant. Good morning po. Pagkaalis ng lalaki, agad na ibinaling ni Elena ang tingin kay Adrian. Sino yon? Assistant ko.
Bakit parang takot na takot siya sayo? Para siyang paparusahan sa korte suprema. Lahat naman takot sa akin, sagot ni Adrian nang walang emosyon. Naisip ni Elena: Grabi ang hangin. Bakit naman? Dahil strict ako. Hindi kaya. Ano? Dahil mukha kang laging galit kahit wala namang gyera. Napatingin si Adrian sa kanya, medyo nainsulto pero nagtataka. Ganun ba ako ka seryoso? Oo! Parang ganito o... Inugong ni Elena ang mukha, pinilit maging sobrang seryoso, pinatigas ang panga, at idinikit ang kilay. Hindi napigilan ni Adrian ang sarili bumulalas ito ng tawa! Isang tunay, malakas na tawa na ngayon lamang narinig sa malaking mansyon na iyon. Napanganga si Elena bago rin mahawa. Sa kauna unahang pagkakataon mula nang ikasal sila sa huwes nang labag sa kalooban, sabay silang natawa nang malakas. Ngunit unti unting namatay ang tawanan. Natigilan si Elena nang mapansing nakatitig sa kanya si Adrian. May kakaibang init sa mga mata nito na nagpakabog sa kanyang dibdib. Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya? Huwag kang assumera, Elena, sabi ng isip niya. Alam mo... basag ni Elena sa katahimikan, medyo pabulong. Ano? tanong ni Adrian. Hindi ka naman pala ganoon kasama. kapag hindi ka mukhang ewan. Tipid na ngumisi si Adrian. "Sinabi ko bang masama ako? Hindi naman. Good. Tumayo si Adrian mula sa silya at dinampot ang itim na coat na nakasabit sa gilid. Maghanda ka. Napakunot ang noo ni Elena, napaatras ang dila. Bakit na naman? Saan tayo pupunta Pupunta ka sa opisina. Nanlaki ang mga mata ni Elena habang nakaturo sa sarili. Ngayon na? Naka T-shirt lang ako at tsinelas na may tatak na kapitbahay namin!" Tumango si Adrian nang buong seryoso, habang isinusuot ang coat. Oo. Ngayon na. Bakit naman kailangan ko pang sumama doon?! Huminto si Adrian sa paglalakad papuntang p***o. Tumingin ito sa kanya nang diretso sa mga mata, ang tinig ay mababa ngunit may awtoridad na ayaw tumanggap ng 'hindi' Dahil kailangan malaman ng buong kumpanya... na may asawa na ako. Natigilan si Elena. Asawa? Simula ngayon, dagdag ni Adrian bago pihitin ang seradura ng p***o, "hindi na lang ito tungkol sa kontrata. Lalo pang bumilis ang kabog ng dibdib ni Elena. Kung ganon... ano ako? Huling sulyap ni Adrian bago lumabas ng p***o, may bahagyang kislap sa mga mata Asawa ko. Naramdaman ni Elena ang pamumula ng kanyang mukha hanggang sa pinakadulo ng kanyang buhok. Sa sandaling iyon, habang tinatanaw ang papalayong likod ng lalaki... naramdaman niyang parang hindi na ganoon kabigat ang maging bihag ng isang walang awang CEO.“May… may sumusunod ba sa atin?” Mabilis na napalingon si Elena sa salamin sa likod ng kotse. Doon ay malinaw niyang nakita ang isang makintab at misteryosong itim na sasakyan. Kanina pa niya napapansin na buntot nang buntot ang sasakyang iyon sa kanila, halos ilang minuto na ang nakakalipas.may halong kaba ang tinig niya. “Huwag kang lilingon nang lilingon, Elena,” seryosong utos ng lalaki. “Pero baka kasi—”Manatili kang kalmado. Please.” Seryoso at madilim ang mukha ni Adrian habang mahigpit ang pagkakahawak ng magkabilang kamay nito sa manibela ng kotse. Nakakatakot ang awra nito kapag nagkakagayon, halatang may malalim at mapanganib na iniisip. “Hindi ba puwedeng umuwi na lang tayo sa mansion?” tanong uli ni Elena na tila napapraning na sa sitwasyon. “Doon mismo tayo pupunta.” Ngunit lumipas ang ilang minuto at napansin agad ni Elena na tila lumalayo sila sa pamilyar na daan. Lalo siyang kinabahan. “Adrian, hindi ito ang daan papunta sa bahay, ah? ”Alam ko.” Kung gano'n, saan tay
Paglabas nina Elena at Adrian mula sa mamahaling restaurant na iyon, isang pamilyar na bulto agad ang umagaw sa pansin ni Elena. Sa tabi ng nagliliyab sa luhong sasakyan ni Adrian, nakatayo ang isang napakagandang babae. Naka-eleganteng designer dress ito, perpekto ang pagkaka-makeup, at bakas sa mukha na tila kanina pa nagtitimpi sa paghihintay."Adrian," tawag ng babae sa isang malambing ngunit may awtoridad na tinig. Agad na napatigil sa paghakbang si Adrian. "Claire." Napatingin si Elena sa direksyon ng babae. Siya na naman, bulong ng kanyang isipan, kasabay ng biglang pagsikip ng kanyang dibdib. Isang matamis na ngiti ang isinalubong ni Claire habang marahang lumalapit sa kanila. "Hindi ko alam na lalabas ka pala ngayon." "May kailangan ka ba?" malamig na tanong ni Adrian, walang emosyon ang gwapong mukha. "Akala ko ba may meeting tayo?" untag ni Claire, sabay sulyap nang makahulugan kay Elena. "Na-cancel na iyon, Claire." Hindi sa panig ko," pagpupumilit ng babae.Isang malalim
Tahimik na nakatitig si Elena sa pangalang nakasulat sa papel ng dokumento. Pakiramdam niya ay biglang umurong ang lahat ng dugo sa kanyang katawan. Ang mga kamay niya ay nagsisimula nang manginig habang pilit na pinoproseso ng kanyang utak ang nakikita ng dalawa niyang mata.Hindi niya kayang paniwalaan. Hinding-hindi niya matatanggap ang katotohanang nakasulat sa harap niya."Siya?" mahinang tanong niya, halos pabulong na lang ang boses dahil sa matinding gulat na nararamdaman.Isang seryosong tango naman ang isinagot ni Adrian sa kanya, walang bakas ng pagbibiro sa mga mata nito. "Ang kumpanyang ilegal na tumanggap ng malaking halaga ng pera ay direktang konektado sa kanya, Elena.""Pero... pero imposible ang sinasabi mo!" giit ni Elena, ramdam na niya ang panunubig ng kanyang mga mata. "Kaibigan siya ng pamilya namin simula pa noong bata ako! Parang pangalawang magulang na ang turing ko sa kanya, Adrian. Hindi niya kami magagawang pagtataksilan ng ganito!""Alam ko," malamig nguni
Hindi mapakali si Elena sa loob ng dambuhalang opisina ni Adrian. Para siyang nakakulong sa isang gintong hawla habang paulit-ulit na tinitingnan ang orasan sa kanyang bisig. Lumipas na ang halos isang oras, ngunit wala pa ring anino ng CEO."Nasaan na kaya ang lalaking 'yon?" bulong niya sa sarili habang nagpapalipat-lipat ng lakad sa makintab na sahig.Mahigpit ang bilin ni Adrian na huwag siyang aalis sa silid na iyon. Pero habang tumatagal, lalong sumisikip ang dibdib niya sa sobrang kaba. Gusto lang naman niyang uminom ng kape para kumalma ang nagwawalang mga ugat niya. Hindi naman siguro masamang lumabas saglit para pumunta sa coffee machine, 'di ba?"Magkakape lang naman ako," pagkumbinsi niya sa sarili habang nakahawak sa door knob. "Hindi naman ako tumatakas, 'no!"Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto, napaatras siya nang muntik na siyang bumangga sa isang matangkad na lalaking pormal ang kasuotan."M-Ma'am Elena?" bakas ang gulat sa mukha ng lalaki."Ah... ikaw pala," nap
Hindi ako sasama sayo, matigas na paninindigan ni Elena habang nakatitig sa sariling repleksyon sa malaking salamin. Simple lamang ang kanyang kasuotan, isang simpleng blusa at palda na sa tingin niya ay disente na, ngunit batid niyang sa mapanuring mga mata ng lalaking kasama niya, tila kulang pa rin iyon. Sasama ka, sa ayaw at sa gusto mo, malamig at walang emosyong tugon ni Adrian mula sa kanyang likuran. Bagay na bagay sa tikas nito ang suot na mamahaling itim na terno na tila ba ipinasadya talaga para sa isang makapangyarihang pinuno. Bakit ba kailangan ko pang magtungo sa opisina mo? muling pagpilit ng dalaga, pilit ikinukubli ang kaba sa dibdib.Dahil kailangan kitang ipakilala sa lahat. Bilang iyong asawa? bahagyang nanginginig ang boses ni Elena. Eksakto. Napailing si Elena, naghahanap ng paraan upang makatakas sa sitwasyon. Hindi ba maaaring sabihin mo na lamang na pinsan mo ako? O kaya naman ay.. isang matalik na kaibigan? Hindi maaari. Kung ganoon, sabihin mo nalang na bag
Good morning, Ma’am Elena. Bahagyang natigilan si Elena sa kalahati ng kanyang pagbaba sa makintab na hagdang kahoy. Tatlong kasambahay ang nakangiti at magalang na nakatayo sa paanan nito, parang mga sundalong nag-aabang sa pagdating ng kanilang reyna. Good morning din po, nahihiya niyang sagot habang pilit na pinipigilan ang sarili na hawakan ang laylayan ng kanyang lumang t-shirt. Hanggang ngayon, parang panaginip pa rin ang lahat. Hindi pa rin siya sanay sa titulong ibinibigay sa kanya. Ma'am? Parang hindi niya pagmamayari ang salitang iyon. Pagapak niya sa malawak na dining area, agad niyang namataan si Adrian. Naroon ito sa dulo ng mahabang mesa, suot ang isang itim na polo shirt na bahagyang lukot sa manggas. Tahimik itong kumakain habang ang isang kamay ay abala sa pagflip ng mga naglalakihang folders at business reports. Napalunok si Elena nang ibaling ang tingin sa mesa. Parang handaan ng pista ang nandoon! May umausok na scrambled eggs, crispy bacon, iba't ibang klaseng tin







