Spell doomed, iyon, iyon ang sitwasyon niya sa mga oras na ‘yon. Napasarap ang tulog niya kaya hindi niya narinig ang alarm ng cell phone. May twenty minutes pa siya para tumakbo papasok sa opisina. Kung hindi siya ginising ni Erhart ay baka Sleeping Beauty pa rin ang peg niya.
Well, kasalanan din naman ng binata kung bakit napasarap—este, kung bakit binangungot siya. Simula nang mag-dinner sila ay hindi na siya nito nilubayan. Ipinipilit nito na maging magkaibigan sila kaya maging sa panaginip niya ay nandoon ito.“Nakakainis!” Napapadyak siya sa tindi ng iritasyon. “Malas! Malas!”“Mamalasin ka talaga kapag hindi pa tayo umalis. Gusto mo bang ma-late?”Napatda siya nang makita ang kinaiinisang lalaki. Nakasandal ito sa hamba ng pintuan at mukhang hinihintay siya. “Aalis na po kaya umalis ka riyan!” bulyaw niya rito at tumalima naman ito. Pinatay niya ang ilaw bago ini-lock ang pinto. “Bakit nandito ka pa?”
“Ako na ang magdadala ng bag mo,” sa halip ay sagot nito.
Inagaw nito ang bag niya at binuksan ‘yon. “Hoy, anong ginagawa mo?” Inilagay nito ang dalang tumbler sa loob ng kaniyang bag bago ‘yon isinara. “Hoy, bag ko ‘yan!”
“Hindi ko naman inaagaw sa ‘yo, nakikilagay lang,” malumanay nitong wika. “Let’s go.” Walang sabi-sabing hinawakan nito ang kaniyang kamay at nagsimulang tumakbo.
Nanulay sa kaniyang katawan ang kakaibang kilabot nang maghugpong ang kanilang mga kamay. Sumikdo ang kaniyang puso na tila gusto nitong kumawala sa kaniyang rib cage. Gusto niyang bawiin ang kamay mula rito subalit mahigpit ang pagkakahawak nito. Pansamantala siyang nagpatangay, hindi sa kakaibang nararamdaman, kundi sa pagtakbo nito. Ayaw niyang ma-late sa trabaho kaya tumakbo na rin siya at hindi na nagreklamo pa.
Tumigil lang siya sa pagtakbo nang biglang tatawid sa kalsada si Erhart. Hinatak niya ito pabalik. “Baliw ka ba? Bakit ka tatawid sa kalsada na walang pedestrian lane? Anong silbi ng footbridge?” For Pete’s sake, ang kalsadang ‘yon ay nasa kahabaan ng EDSA.
“Male-late na tayo. Mahirap tumakbo sa footbridge.”
“Kaya okay lang na mag-jaywalk tayo? Paano kung mahuli tayo ng pulis? Or worse, paano kung masagasaan tayo?”
“Walang masyadong sasakyan sa ganitong oras. Isa pa, kasama mo ako. Hindi kita pababayaan.” Umarko ang kaniyang kilay. Ayaw niyang magtiwala rito. “Look, kung hindi pa tayo tatawid, baka tuluyan na tayong ma-late.”
Hindi siya umimik at nanatili lamang sa kinatatayuan. Nagtatalo ang isip at puso niya sa kung anong dapat na gawin. Ayaw niyang sumuway sa traffic rules, pero ayaw niya ring ma-late sa trabaho.
“Sarah,” anas nito at ginagap ang kaniyang palad. “Alam kong hindi ka komportable sa gagawin natin pero magtiwala ka sa akin. Ako ang bahala sa ‘yo.”
Bago pa siya makapagpasya ay hinila na siya nito. Wala na siyang nagawa kundi ang magpatangay rito. Bahala na kung anong mangyari! Sa awa ng Diyos, ligtas silang nakarating sa opisina. Iyon nga lang, tumatagaktak ang kaniyang pawis kasabay ng pagtaas-baba ng kaniyang dibdib. Kailangan niya ng oxygen!
“Okay ka lang?” tanong nito paglagpas nila sa security guard.
“Mukha ba akong okay?” balik-tanong niya at pinanlisikan ito ng mata. “Lagot ka sa akin kapag na-late pa rin ako sa kabila ng pinagdaanan natin.”
“Okay,” balewalang tugon nito sabay hila sa kaniya papasok sa elevator. “Pero kapag hindi ka na-late, sisingilin kita sa ginawa kong pagtulong sa ‘yo,” banta nito.
“What?” Nag-isang linya ang kaniyang kilay. “Hindi ko naman sinabing tulungan mo ako.”
“Seryoso ako,” anito sa malamig na tinig. Deretso itong nakatingin sa kaniyang mga mata pero agad siyang nagbaba ng tingin. Napansin niyang kumilos ang isa nitong kamay upang pindutin ang close door button. “Humanda ka sa akin.”
Napalunok siya habang nakatitig sa papasarang pinto ng elevator. Kumabog nang malakas ang puso niya nang mapagtantong silang dalawa lang ang nandoon. “Wait!” Nahagip ng kaniyang paningin na may babaeng humahangos. Hindi pa tuluyang nagsara ang elevator kaya awtomatikong pinindot niya ang open door button pero maagap ang kamay nito at napigilan siya. “Ano ba?”
Ni-long press nito ang close button kaya tuluyan na ‘yong sumara. “Ayokong ma-late.”
Paulit-ulit nitong pinindot ang close door button sa tuwing tumitigil ang elevator sa ibang floor. Ayaw nitong may ibang sumakay. Nasisiraan na yata ito ng bait. Dahil sa inis, hindi niya ito kinibo at hindi tinapunan ng tingin hanggang sa makarating sila sa 18th floor.
Binawi niya rito ang bag at walang lingon-lingon na tinalikuran ito. Lumapit siya sa guard at nakiusap na iiwan niya muna sandali ang kaniyang bag dahil male-late na siya. Babalikan na lang niya ‘yon pagkatapos niyang mag-log in. Mabuti’t pumayag ito.
Naabutan niyang nakatayo si Jessica sa working station niya pagpasok niya sa production floor. Nakakunot ang noo nito at nakapamaywang. “Let’s talk later.” Inunahan na niya ang kaibigan bago pa siya nito ratratin ng tanong.
Naka-on na ang computer niya, tiyak na si Jessica ang may gawa no’n. Mabilis siyang nag-type ng username at password upang makapag-clock in, pero nagdalawang-isip siyang i-click ang ‘Enter’. Napatingin siya sa oras na nasa monitor, may apat na minuto pa bago mag-alas-dose.
Paano kung seryoso si Erhart sa sinabi nito? Ano kaya ang posibleng hilingin ng binata sa kaniya?
“What’s wrong?”
“Nothing.” She let out a harsh breath and clicked ‘Enter’. “It’s alright, Sarah. He won’t harm you.” She consoled herself.
“What are you talking about?”
“Nothing.” Hindi pa rin pala ito umaalis sa tabi niya. Siya na lang ang aalis. Kailangan niyang balikan ang kaniyang bag. “Excuse me, kuya, kukunin ko na po ‘yong bag,” aniya sa guard nang makalabas siya sa production floor. Agad naman nitong inabot sa kaniya ang hinihingi. “Salamat.”
“You’re welcome.” He smiled at her. “TM, pinabibigay po ito ng lalaking kasabay n’yo kanina.”
Inabot nito sa kaniya ang nakaluping papel. Na-curious siya kung ano ang nakasulat doon kaya binuklat niya ang papel at agad ‘yong binasa.
Rule: Bawal magdala ng pagkain sa loob ng production floor. Pero alam kong hindi ka kumain kaya naman ipinaghanda kita ng pagkain na hindi mahahalata kapag nilagay sa tumbler. Ubusin mo ‘yon dahil kung hindi… Hindi na niya itinuloy ang tahimik na pagbabasa.
Tumikwas ang kaniyang kilay sa huling isinulat nito. Pinagbabantaan ba siya nito? At ang lakas naman ng loob nito na sumuway sa rules at ipinagbilan pa talaga nito sa guard ang note.
“Uy, ang sweet naman ni Tisoy,” komento ni Jessica. Hindi niya namalayang sumunod ito sa kaniya. Sinundot-sundot nito ang tagiliran niya, halatang nanunukso. “Gusto ko ‘yong nakasulat sa dulo.”
“Tse!” Nilamukos niya ang papel at iniligay ‘yon sa bulsa ng pantalon. “Paano mo nalaman na sa kaniya galing ang note?”
“Wala namang ibang gagawa noon kundi si tisoy lang.”
“Ewan ko sa ‘yo!” Kinuha niya sa loob ng bag ang tumbler ng binata at ibinigay ‘yon kay Jessica. “Ubusin mo ang laman niyan.” Wala siyang balak na magdala ng pagkain sa loob ng production floor. Bawal ‘yon at ayaw niyang maging bad influence sa team niya. At mas lalong wala siyang balak na magpahalik dito.
Pagkaalis na pagkaalis ng mag-ina ay agad na tinawagan ni Sarah si Remi. Tiyak na makakakuha siya ng impormasyon mula rito, pero bigo siya. Hindi raw nito kilala ang mga ‘yon. Halos hindi siya makatulog sa kakaisip sa nangyari. Mabuti na lang at Christmas break na nila sa school kaya kahit papaano ay nakahabol pa siya ng tulog.Iyon nga lang, hindi siya makapag-focus sa trabaho. Mainit din ang ulo niya kaya mabilis siyang mairita. May napagalitan siyang agent kanina at maging ang kaniyang nobyo ay nasusungitan niya.“You look bothered,” puna ni Erhart habang nakatitig sa kaniyang mukha. “Is there something wrong?”Umiling siya ngunit hindi ito kumbinsido. Nagdududang tingin ang ipinukol nito sa kaniya. “Wala nga.”“You don’t have to deny it. Sinabi na sa akin ni Jessica,” anito sa nag-aalalang tinig. “Bakit hindi mo man lang ako ginisi
“Huwag mong ilagay riyan!” Napakamot si Sarah sa kaniyang ulo nang pilit na isiniksik ni Erhart ang ham sa fridge. Paano naman kasi magkakasya ang apat na pirasong hamon sa loob ng maliit na refrigirator lalo pa’t may iba pang nakalagay roon? Nagbigay na ng pamasko ang company nila kaya umuulan ng hamon. “Tanggalin mo muna ‘yong mga bote ng tubig at ilipat mo sa baba, bago mo ‘yan ilagay.”“E ‘di na gaanong malamig ‘yong iinumin nating tubig.”Nagpapalamig ng tubig ang nobyo gamit ang kanilang ref dahil wala naman ito no’n at doon na rin ito kumakain sa kanila. Kulang na lang ay sa kanila ito tumira. Wala naman siyang reklamo dahil nagbibigay ito ng pang budget kahit hindi naman niya hinihingi at kung minsan ay naggo-grocery din iton.“Pagtiyagaan mo muna ‘yong hindi nagyeyelong tubig. Tubig pa rin naman ‘yon at nakakapawi pa
(Hindi na nagbibigay ng pera ang nanay mo. Balita ko mayroon kang magandang trabaho. Kailangan namin ng pera.)Nangunot ang kilay ni Sarah sa text mesasage na natanggap mula sa hindi kilalang numero. Hindi ‘yon ang unang beses na nakatanggap siya ng ganoong mensahe kaya inignora niya lang ‘yon. Baka wrong sent lang. Pero nitong mga nagdaang araw, napansin niyang madalas na siyang nakakatanggap ng mensahe mula sa parehong numero na ‘yon.Buburahin na sana niya ang message nang biglang may nag-text, ‘yon din ang numero na gamit.(Pupuntahan kita kapag hindi mo ako pinadalhan ng pera.) Banta ng nag-text. Nag-text din ito kung kanino ipapadala ang pera. Ano ‘to, sinusuwerte? Napagdesisyonan ni
Erhart received a call from unknown person and warned him to stop his plan. Ang tinutukoy nitong plano ay ang patuloy na pagsuway sa kaniyang ama. Kailan lang siya naging masaya dahil kay Sarah ‘tapos heto na naman ang problema niya. Parang wala na siyang karapatang maging masaya dahil may kapalit ‘yon.Sinubukan niyang sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kursong Political Science. Okay naman ang unang dalawang taon niya sa kolehiyo pero ang mga sumunod na semester ay naging bangungot na para sa kaniya. Napabayaan niya ang pag-aaral dahilan upang bumagsak siya sa ibang subjects. Naka-graduate na dapat siya kung hindi siya nagloko.Hindi niya ‘yon gustong mangyari pero nagsawa na siya sa pagdidikta ng kaniyang ama kung ano ang dapat niyang gawin at hindi. Wala na siyang ginawa kundi ang sundin ang lahat ng gusto nito kahit labag ‘yon sa kaniyang kalooban pero may hangganan ang lahat.Na
Marahang pinunansan ni Sarah ang mukha ni Erhart gamit ang basang bimbo. Inapoy ng lagnat ang binata nang makabalik sila sa Quezon City. Nagpresinta siyang alagaan ito kaya pumasok si Harry sa trabaho. “Sarah…” Kumurap-kurap ang mga mat ang binata bago ‘yon tuluyang dumilat. Bumangon ito pero agad ding napahiga. “Anong oras na?” nanghihinang tanong nito. “Baka ma-late ako.” Sinubukan ulit nitong bumangon subalit bigo ito. “Masakit ang katawan mo, ‘no?” “Wala ‘to,” pagkakaila nito. “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Sa pangatlong pagkakataon ay bumangon ito ngunit bumagsak ulit ang katawan nito sa higaan. “Mas malakas pa sa kalabaw, ha? E, mukhang tinamaan ka ng sakit dahil sa kalabaw.” Inalalayaan niya ito sa pagbangon. “Iniisip mo pang pumasok samantalang nahihirapan kang makatayo.” “Naalala ko kasi ‘yong sinabi mo na maaapektuhan ang buong team kapag may um-absent. Tama
Natagpuan ni Sarah si Matilda at Erhart sa labas ng bahay ni Mang Tonyo. Ilang bahay lang ang layo noon mula sa kanila. Gaya nang nagdaang araw, basang-basa sa pawis ang binata. Gayon pa man, maaliwalas pa rin ang itsura nito. Pansin niyang pawang kababaihan ang nakapila roon upang mag-igib ng tubig samantalang noon, sa ganoong oras, halos mga lalaki ang nag-iigib ng tubig. At ang ibang naroon na nakapila ay mayroon namang liny ang tubig. Napailing siya. Kakaibang karisma talaga ang taglay ng binata. “Tiya, nakahanda na ang almusal,” aniya nang lapitan ang ginang. “Lalamig na ho ang pagkain. Umuwi na tayo.” “Good morning, Sarah!” masiglang bati ng binata nang masilayan siya. Nginitian niya ito. “O siya, ‘yan na ang huling timba na pupunuin mo. Bilisan mo riyan nang makabalik na tayo sa bahay. Ayokong pinaghihintay ang grasya.” “Sige po.” Kaniya-ka