ZANEVY FREALIZA MASAYA ang bungad sa akin ng panibagong umaga. Hindi lang dahil sa mga nakaraang araw na wala kaming naging tampuhan ni Thyme nitong nakaraan mula ng galing kami sa Condo niya.Kasalukuyan akong naka-upo sa coffee table na dito sa veranda ng kwarto ni Thyme habang nakaharap sa kaniyang laptop na palagi kung hinihiram sa kaniya. Naghahanap kasi ako ng school na merong scholarship at nag-inquire na ako para naman kahit papaano ay hindi na masyadong gagastos sa akin si Papa lalo na't madami na ang na gastos niya sa akin. Isa pa, balak ko rin na maghanap ng trabaho.Actually, pwede akong maging secretary sa isang company ang kaso nga lang wala akong experience, mahigpit pa naman ang management ng mga company dapat may two year experience, eh, Rancho lang naman ang hina-handle ko ibang-iba sa mga bigating company. Isa pa, hindi ko naman masyadong na gampanan iyon dahil kinuha sa akin ni Auntie Gloria.Napahinto ako sa pag-scroll sa feed ko ng makita ko ang familiar na bab
ZANEVY FREALIZAINGAY ng cellphone ang gumising sa akin sa umaga kasabay ng sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.Tinanggal ko ang kumot ng katawan ko at agad ko lang din namang tinakpan ang hubad kong katawan. Napatampal ako sa noo ko at napatingin sa tabihan ko na nakadapa sa kama habang mahimbing pang natutulog.Nahinto na pag-iingay ng cellphone at hindi iyon sa akin kundi ang cellphone ni Thyme sa bedside table sa side niya.Umupo ako sa kama at sumandal ako sa headboard habang nakatingin sa mukha ni Thyme na kay sarap pagmasdan. Bakit nga ba napakahilig ng lalaking 'to?Hinaplos ko ang buhok niya bago ko siya hinalikan sa noo. Dahan-dahan akong umalis ng kama at nagtungo sa banyo para maligo.Pagkatapos kung maligo ay nagmamadali akong nagbihis ng isang simpleng spaghetti strap top and blue high waisted jeans at slippers. Inilugay ko lang ang mahaba kung buhok dahil basang-basa pa ito.Tulog pa rin si Thyme ng matapos akong mag-ayos. Ayaw ko naman siyang gisingin dahil kail
PAGISING ko kumikirot ang ulo ko. Bagsak ang katawan ko at ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko maigalaw ang mga hita ko at pakiramdam ko ay sugat ang gitna ko dahil ramdam na ramdam ko ang hapdi nito.Mahigpit akong napahawak sa kumot na bumabalot sa katawan ko. Iminulat ko ang mga mata ko at agad ko ring ipinikit dahil umiikot ang paningin ko. Mas lalong umiikot at na susuka ang pakiramdam ko nang umuga ang kama na para bang may mabigat na bagay na bumagsak sa kama."Hi, Sexy." Iminulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Thyme at malawak na ngiti ang naka-ukit sa kaniyang labi.Sino ba naman ang hindi ngingiti ng ganiyan kung inangkin ako magdamag at kahit na magmaka-awa ako sa kaniya ay hindi niya ako tinigilan.Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa o kaya sa kama na kinahihigaan ko kagabi dahil sa matinding hiya na naramdaman ko ng mapagtanto ko ang kapilyahan na ginawa ko. Hindi ko 'yon lubos maisip na kaya ko iyong gawin sa sarili ko na para bang ibenabandera
ZANEVY FREALIZAILANG ARAW na mula ng mula ng date namin ni Thyme. Mula noon madalas na siyang umalis at umuwi ng gabing-gabi. Pakiramdam ko may ginagawa niya na hindi niya sinasabi sa akin. Hindi na rin kami tulad ng dati na walang araw na hindi kumakain sa labas. Madalas niya akong iwan mag-isa sa mansion at ayaw niya akong palabasin mula ng makita niya akong kasama si Paul.Hindi na rin kami masyadong nagkaka-usap kaya imbes na tumunganga ako sa mansion at maghintay sa pag-uwi niya ay nakatayo ako sa harap ng matayog na building kung saan siya nagt-trabaho.Pumasok ako sa loob at dumiretso sa floor kung saan ang opisina ni Thyme. Kilala na ako dito sa company niya kaya naman welcome ako dito kahit anong oras.Hindi ko na sinubukan pang kumatok dahil gusto ko siyang suprisahin ngunit ako ang nasurpresa ng makita hindi si Thyme ang nakita kong nakaupo sa silya ng CEO kundi ang babaeng minsan ng naging parte ng buhay ni Thyme.Si Grace!Tumikhim ako para kunin ang attention niya.“Ano
ZANEVY FREALIZAPAGOD na pagod ang buong katawan ko at matinding sakit ang bumabalot sa puso ko. Wala na akong lakas pero mas lalo pa akong nanghihina. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko habang pilit kung inaabot ang anak ko gamit ang kamay kong nanginginig pa.“H-Hindi... Ang b-baby ko...”Inilapit ito sa akin ng komadrona at ilang dangal na lang ang pagitan ng kamay upang mahawakan ang anak ko ng sunod-sunod na putok ang umalingawngaw sa buong paligid kasabay ang pagbagsak ni Jose sa sahig na naliligo sa sariling dugo.Namatay ang ilaw na nagsisilbing liwanag pero nakita kong isang nakaitim na lalaki ang pumasok sa bodega at may hawak itong baril. Hindi ko maaninag ang mukha niya para siyang anino sa mga mata ko at ng humarap ito sa akin tinutukan niya ako ng baril at kinalabit ang gatsil—“Ahhhhh!!!”Mabilis akong napa-upo sa kinahihigaan ko pero agad rin akong napahiga dahil sa matinding sakit na naramdaman ko. Muli kung ipinikit ang mata ko bago muling nagmulat.Sumalubong sa a
ZANEVY FREALIZANAKATAYO ako sa harapan ng isang mini-stage sa garden habang sinusuri kung ayos na ang buong design.It was a white and peach color thyme. From the ballons, flowers and carpet are all settled looks perfect! There's is a lot of pictures of my beautiful angel.“Theiavery Frianne @1st.”Nakangiting tiningnan ko ang magandang calligraphy ng pangalan niya kasama ang kaniyang mga larawan na kinukuha ko sa araw-araw.“Ang ganda ng set up ma'am! Parang one year old birthday na talaga ni Baby Fria, hihi!” Becca commented.Nakangiting tiningnan ko si Becca. “I want everything perfect for my daughter.”Today is my baby Fria one month old birthday and I prepared everything for this day.Umaga pa lang ay abala na ako sa dami ng pilang gagawin para maidaos ng maayos ang hinanda ko para sa anak ko. When the design settled and fix by the organizer perfectly, the photographer start the photo shoot for my baby. Ilang beses na nagpapalit-palit ng damit ang baby ko at may ilang shoot na m
ZANEVY FREALIZANAGTAMA ang mata naming dalawa. Punong-puno nang pagsusumamo ang mga matang nakatingin sa mata ko. Matagal kaming nagkatitigan bago siya nagbaba nang tingin sa bisig ko dahilan para mapatingin rin ako kay baby.Bumalik ang mata ko sa kaniya at nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi. Parang may sumabog sa puso ko nang makita ko siyang ngumiti. Iyong hindi lang basta ngiti kundi ngiti na abot hangang tenga na nakakapagpabaliw ng puso ko.Matagal akong nakatitig sa kaniya at hindi niya inaalis ang mata niya sa mukha ni Baby Fria. Nanlaki ang mata ko sa gulat nang makita ko ang isang butil ng luha na naglalandas sa kaniyang kanang pisngi. Malapad pa rin ang ngiti sa labi niya na dahan-dahang inaangat ang kamay niyang nanginginig pa. Dumapo ang daliri siya sa mukha ni Baby at marahan iyong hinahaplos. Napalunok ako dahil pinipigilan ko ang maiyak dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko akalain na darating ang araw na ito. Iyong kahit hindi niya sabihin r
ZANEVY FREALIZA“MA'AM, alam ko na nagkikita kayo ni Boss Thyme.”Natigilan ako sa pag-aayos ng kama ng magsalita si Becca na naglilinis ng sahig dito sa kwarto ko. Nilingon ko siya at nakita ko na naghihintay siya ng sagot mula sa akin.Kanina niya ako kinukulit tungkol sa nangyari tatlong araw ang nakalipas. Panay ang kwento niya maya-maya magtatanong kung saan kami galing. Kung hindi naman napupunta kay Thyme ang usapan.“Paano mo naman nalaman?” Nanlaki ang mata niya dahilan para mapatakip ako sa sarili kung bibig sa biglang pagsagot ko ng hindi nag-iisip. Nagkatinginan kami ni Becca, may ngiti sa kaniyang mukha na napalitan ng malalim na tingin sa akin.Kinulit niya ako ng kinulit na sabihin sa kaniya ng nangyari. She promise that she won't tell anyone specially Papa, I trust her that's why I told her everything from the first time Thyme show up himself until what happened three nights ago.“Sinasabi ko na nga ba! Siya talaga ang prince charming mo!” Kinikilig na niyakap niya an