Share

CHAPTER 1

Zanevy Frealiza.

“HOY babae! Labhan mo na ang damit ko, inilagay ko na lahat sa labas dahil hindi pwede ang basura sa kwarto ko!” Pagpasok ko sa bahay ang na kakairitang boses ni Grace ang sumalubong sa akin. Napalingon ako sa kinaruruonan niya. Printi itong naka-upo sa sofa habang naka-taas na nunuod ng TV.

Naglakad ako papalapit sa kaniya habang tinatanggal ang gloves na suot ko. Galing ako sa Farm at maghapon na nakabilad tapos ito pa ang bubungad sa akin? Wala na ba talaga akong lugar para magpahinga?

“Pwede ba Grace... Ikaw na muna ang maglaba ng damit mo? May gagawin pa ako, ikaw lang naman ang walang ginagawa dito pwede mo naman sigurong gawin iyon para sa sarili mo.” Mahinang sambit ko sa kaniya. Maghapon siyang buhay princessa.

Ang daming katulong na pwedeng utusan niya na maglaba pero bakit ako? Ipinanganak ba talaga ako para maging utusan? Ano ako dito tau-tauhan?

“Ako ba inuutusan mo Isay?!” Galit siyang tumayo at walang sabi-sabing sinampal niya ako.

Wala akong na gawa kundi ang umiyak habang nakahawak sa pisngi na damang-dama ang sakit. Ganito naman palagi dapat sanay na ako pero hindi ko matanggap.

“Wala kang karapatan na sagot-sagotin ako! Kapag sinabi kong labhan mo ang damit ko labhan mo kaagad wag kang t-tanga-tanga!” Marahas iyang hinablot ang buhok ko.

“A-aray! G-grace na sasaktan ako! Aray tama na...” Mahigpit akong nakahawak sa kamay niya na walang tigil sa paghila sa buhok ko papunta sa likod bahay kung saan ang Lugar para maglaba.

Pakiramdam ko matatanggal na ang buhok sa ulo ko dahil sa lakas ng pagkakahila niya dahilan para mas mapa-iyak ako sa sakit. Kitang-kita ko rin ang pamumula ng mukha niya dahil sa galit.

Maharas niya akong iniharap sa kaniya. “Maglaba ka diyan! Wala kang karapatan para mag reklamo! Gawin mong lahat ng inuutos ko dahil hindi ka princessa rito, ah? Itatak mo 'yan sa kukuti mo!” Binitawan niya ako ng makarating kami sa likod at sumalampak ako sa seminto habang umiiyak, dinuro niya ang ulo ko.

Bakit hindi ako pwedeng magbuhay princessa? E, sa pagkakatanda ko ako ang princessa ng bahay na ito?

“Bakit sino ba sa ating dalawa ang mas may karapatan na mag buhay princessa, 'di ba ako?”

Matapang kung tanong sa kaniya na ikinatigil niya akala ko aalis na siya pero bago iyon tinadyakan niya ako sa dibdib dahilan para masubsob ako sa palanggana bago siya nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.

Pinagwalang bahala ko na lang ang sakit na nararamdaman ko at patuloy sa pag-iyak habang ginagawa ko ang inuutos sa akin ni Grace dahil gusto ko ng kumain at magpahinga.

Napatingin ako sa ni labasang pinto ni Grace ng marinig ko ang nakakakilabot na tunog ng takon ni Auntie Gloria.

“Buwisit kang babae ka! Anong karapatan mong sagut-sagotin ang anak ko?! Walang hiya ka!” Sigaw nito.

Hindi ako nagkamali, papalapit siya sa akin na galit na galit ang itsura niya. Sunod-sunod akong napalunok sa takot dahil kung si Grace ay kaya niya akong api-apihin ay mas malala ang ginagawa sa akin ni Auntie Gloria.

“A-aray! Auntie tama na po... M-maawa kayo sa akin!”

Pakiusap ko ng bigla niyang hawakan ang buhok ko at isinubsob ang mukha ko sa washing machine.

“Wag mo akong ma Auntie-Auntie! Buwisit ka sa buhay namin ng anak ko! Kung ayaw mong sumunod sa pinag-uutos niya mas mabuting lumayas ka rito sa pamamahay ko! Naiintindihan mo ba ako ah?”

Hindi pa ako nakakabawi ng hininga ng ilublob niya ulit ang mukha ko na halos hindi na ako makahinga.

Pilit ko mang makawala sa pagkakahawak niya sa akin 'di ko magawa dahil sobrang sakit na nito, iyak lang ang tanging na gagawa ko. Kung may dapat mang magpalayas sa bahay na ito ako ‘yon! Bakit ko ba nararanasan ang ganitong paghihirap?

Bakit ako pa...

Bakit kailangan kong mag mukhang alipin sa sariling akin? Bakit kailangan akong ipagtabuyan palayo sa aking tahanan? Bakit mas lumalabas na siya ang mas may karapatan kaysa sa akin?

“Ma'am Gloria! Tama na po iyan maawa kayo sa bata!” Rinig kong saway ni Manang.

Naramdaman kong bumitaw na si Auntie Gloria sa pagkakasabunot sa akin. Na pa luhod ako sa sahig dahil sa hirap na akong humingga.

“Ano bang kasalanan sayo ng bata at inaalipusta niyo ng ganito?” Galit na sigaw ni Manang kay Auntie Gloria, kaya hinawakan ko siya sa kamay dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita.

Nanlisik ang mata ni Auntie Gloria. “Hoy Matandang gurang! Baka nakakalimutan mong katulong ka lang rito? Wala kang karapatan na pagsabihan ako sa kung anong gusto kung gawin sa babaeng 'to kung ayaw mong palayasin ko kayong dalawa rito! Kikilalanin mo ang binabastos mo! Buwisit!” Tinuro niya si Manang bago naglakad papalayo.

Nakatanaw ako sa papalayong bulto ni Auntie Gloria.

"Anak ayos ka lang ba? Ah? Anong nangyayari? Jusko patawarin niyo ko dahil hindi ko mapigilang patayin sa isipan ko ang demonyetang mag-ina na iyan!"

Nag-aalalang sabi ni Manang habang niyayakap ako, niyakap ko siya ng mahigpit at humagolhol ng iyak dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak at indahin ang sakit na nararamdaman ko. Palagi na lang ganito gusto ko mang makawala sa paghihirap na nararanasan ko pero hindi ko magawa, ayaw kung iwan si Papa at ipaubaya sa kanila ang lahat ng pinaghirapan ni Papa.

Ako si Zanevy Frealiza Acosta, kilala ako sa pangalang Isa dahil iyon ang palayaw na binigay sa akin ni Papa, 20 years old, anak ng isang Alkalde sa probinsiya na tinitingala ng lahat, nirerespeto at ginagalang na si Francisco Acosta.

Lumaki ako na walang Ina dahil ng ipanganak ako ay siya namang ikinasawi niya. Mula ng magkamalay ako si Papa na ang palaging kasama ko, masaya ako na kahit kaming dalawa lang pero may parte sa akin na parang kulang kahit na sobra-sobra pang pagmamahal ang ibinigay sa akin ni Papa. Ang pagmamahal at alaga ng isang Ina.

Kaya ng ipakilala sa akin ni Papa si Auntie Gloria na magiging asawa niya tuwang-tuwa ako dahil sa loob ng labing-walong taong gulang wala akong kinagisnang ina. Akala ko magiging mabuti siya para sa akin, mapaparamdam niya ang pagmamahal na dapat na naibigay sa akin ng isang Ina pero nagkamali ako.

Noong una ay mabait ito sa akin at asikasong-asikaso ako nito kahit alam ko naman na labag sa loob nito lalo na kapag ka harap si Papa. Nang ganap na siyang asawa ni Papa, nawala na ang sayang nararamdaman ko, nawala na lahat ng nakasanayan ko, hindi na ako ang Isa ni Papa dahil kapag wala si Papa palagi niya akong inaapi at sinasaktan—sila ng anak niya. She's just my step Mom and Grace is my step sister.

Pinapahirapan nila ako at pinagtatabuyan na para bang isang alipin, kahit alam naman nilang ako ang may mas karapatan sa bahay na ito dahil bago pa sila na punta rito ako na ang may ari nito.

Papa give this house to me as his birthday gift to me and he give me a permission to manage the Ranch, nag-aaral pa ako pero kaya ko ng pamahalagaan ang rancho, dahil lahat naman ng bahay ay napag-aaralan at natutunan, but I am not the one who managing the Ranch, I am like a worker here when my stepmom own what's mine.

Yes. Sapilitan niyang kinuha sa akin ang karapatan na pamahalaan ang buong Rancho. Wala akong na gawa ni hindi ko kayang isabi kay Papa pero ginagawa ko ang lahat para hindi ako tuluyang maging basura sa bahay na ito.

Ginagawa ko ang lahat para mabawi ang lahat ng sa akin, I need to get proof that Auntie Gloria is stealing all what's mine that she doesn't deserve. I need to do it cause I know Papa won't believe me if I just say this.

Iyong masakit na palagi mong nararamdaman ang pananakit nila pero mas masakit iyong pagtabuyan ka nila sa sarili mong bahay, ako ang nagmumukhang sampid sa pamilyang ito.

Dalawang taon na ang nakalipas na si Manang lang ang nakaka-alam ng pinagagawa sa akin ng mag-ina, madaming nakakakita kung paano ako itrato nila pero kahit isa walang may lakas ng loob na magsubong kay Papa dahil takot sila kay Auntie Gloria.

Si Manang ang nag-aalaga sa akin mula ng bata ako kaya ramdam ko na may kakampi ako at hindi niya ako iniiwan kahit papaano ay masaya pa rin ako na mayroong isang taong nagmamahal sa akin lalo't na palaging abala sa trabaho si Papa.

"Hoy! Isay! Anong tinutulog-tulog mo diyan! Bumangon ka na riyan dahil oras na para mag trabaho ka sa bukid! Hindi porket anak ka ng isang Mayor hindi ka pwedeng mag trabaho ano ka Princessa?!"

Kaagad akong napabangon ng marinig ko ang sigaw ni Auntie Gloria.

"O-opo..." Mahinang sagot ko para tumigil na siya sa kakalampag sa pintuan ko.

Tiningnan ko ang orasan ko, ala-sais na pala. Kaya ginagambala na naman ako ni Auntie Gloria. Isa isang linggo dalawang beses lang umuuwi si Papa dahil busy siya sa office. Gusto ko sanang makatulong sa kaniya hindi sa pamamaraang ganito na ako mismo ang nag t-trabaho sa bukid, araw-araw.

Marunong akong magtrabaho sa bukid dahil iyon na ang araw-araw na ginawa ko mula ng agawin ni Auntie Gloria ang karapatan ko bilang taga-pamahala nitong Rancho at kapag nandidito naman si Papa parang naka day off lang ako dahil hindi ako nagtatrabaho at tiwala si Papa sa akin na maayos ang Rancho. Hindi alam ni Papa ang nangyayari sa akin, kahit gustong-gusto kung sumama sa kaniya sa office hindi pwede kasi hindi na ako bata para palaging nakabuntot sa kaniya.

Kaagad kong dinampot sa mesa ang cellphone ko ng marinig kong may tumatawag when I read it's Papa, masaya ako kasi naalala niya ako.

"Hello Papa! Good morning! Kamusta ka na po?" Masayang bungad ko sa kaniya.

["Hello my only one princess! Good morning... Hindi ba dapat si Papa ang nagtatanong niyan dahil wala ako? By the way my Isa, I'm okay. Ito busy sa trabaho.”]

[“Tumawag ako para sabihing may darating na bisita mamaya, anak ng kaibigan ko gusto kong masaya ang pagtanggap mo sa kaniya sa bahay, at habang wala pa ako ikaw na munang bahala sa kaniya, sinabi ko na naman na matagal pa akong nakaka-uwi at ayos lang sa kaniya na maghintay dahil magbabaksyon siya."] Mahabang sabi ni Papa na ikinatango ko.

[“May isa pa pala Princessa ko, gusto kung mag-aral sa magandang paaralan sa Manila. Iyong pangarap mo naman ang asikasuhin mo, gusto mo ba iyon?”]

"Talaga Papa?" Tugon ko rito.

Hindi ko alam kung saan ako exited sa sinabi ni Papa. Iyong may darating na bisita—na hindi ko naman Kilala. O iyong mag-aral ako sa Manila na matagal ko ng pangarap?

["Siguro mamayang hapon, hindi ko alam ang eksaktong oras pero darating siya. Ipaayos mo ang isang silid para sa kaniya ah? Maasahan ko ba ang princessa ko? At kapag na gawa mo iyon, I’ll send you to Manila to enroll in the best school taking you course you’d like."]

Kung alam mo lang Papa, masabi mo pa kayang Princessa mo ako kung pagdurusa lang ang nararanasan ko rito? Siguro nga magandang paraan para makalayo ako sa paghihirap ko dito kung sa Manila na ako mag-aaral pero papaano naman ang karapatan ko? Parang ipinaubaya ko na kay Auntie Gloria ang lahat...

"O-okay Papa! Kailan ka uuwi? Alam ba ni Auntie Gloria na may bisita kang darating?"]

May bahid ng pag-aalala kung tanong dahil baka magalit na naman 'yon sa akin na hindi niya alam ito.

["Si Gloria? Hindi ba nasa Manila sila ni Grace? Hindi niya nabangit na umuwi na pala sila diyan, oh siya. Ikaw ng bahalang magsabi sa kaniya anak, kailangan ko ng ibaba ito may gagawin pa ang Papa."] Hindi alam ni Papa?

Nag bakasyon kasi sila sa Manila at nitong nakaraang linggo umuwi sila ng walang pasabi tapos palagi silang Galit tapos sa akin nila binubuhos lahat.

Halos palagi nga silang nasa bakasyon nitong mga nakaraan kaya nakikita kong maganda ang nangyayari sa Rancho, nakapagpagawa pa nga ako ng bagong bakud para sa mga alagang hayop para hindi makapunta sa kabilang Rancho. Pero ngayon, mahihirapan na naman akong makita ang mga record at kita ng mga products lalo't na si Auntie Gloria na ang mamahala nito.

"S-sige po Papa. Mag-iingat ka po diyan, mahal na mahal kita..." Matamis kong sabi kay Papa.

["Mas mahal na mahal kita princessa ko, pasensiya ka na kung palagi kitang naiiwan pero tandaan mo 'di kita pababayaan kaya kung may problema diyan sabihin mo kaagad kay Papa ah?"]

Tumulo ang luha ko ng marinig ko ang sinabi ni Papa, paano ko sasabihin kung ayaw kitang masaktan Papa? Kaya ko pa naman eh, kaya ko pa!

"Bye na po... Papa ko!"

["Sige anak, maasahan talaga kita na alala ko tuloy ang Mama mo. Hayst! Sige na, ibaba ko na."]

Niyakap ko phone ko ng marinig ko ang sinabi ni Papa kasabay ng pagpatak ng luha ko, ako din miss na miss ko na sila ni Mama.

Sana buhay pa si Mama para hindi ako naghihirap ng ganito. Sana nandidito pa siya para may kakampi naman ako maliban kay Manang. Sana hindi ko nararanasan ang ganito pero tanging hiling ko na lang ngayon ay kung na saan man siya ay masaya siya, kasiyahan nila ni Papa ang gusto ko kahit na nahihirapan na ako.

Natigilan ako ng mahagip ng mata ko na nakabukas ang drawer ko. Nilapitan ko ito at kinuha ko ang larawan, ito ay ultrasound picture nang nasa tummy pa ako ni Mama.

“Para sa fetus na ako, kumapit ka d’yan ng mahigpit kay Mama kasi… Walang Mama na makakapitan dito.”

I whispered to myself while my tears leaky down to my cheek. My heart is in pain and bleeding.

Hayst tama na Isa! Magtatrabaho ka na. Breath in, breath out!

Kaagad akong nagtunggo sa banyo para maligo, hinubad ko ang lahat ng saplot ko bago pumailalim sa malamig na shower at wala pang kalahating oras tinapos ko na ang pagligo dahil baka sigawan na naman ako ni Auntie Gloria. Kaagad akong nagbihis ng pang bukid na damit, isang long sleeve na kulay pink at stretchable pants na kulay itim at pinarisan ko ng isang boots.

Pinagmamasdaan ko ang sarili ko sa salamin, pilit akong napangiti ng makita kong namumula ang aking pisngi at namamaga pa pati na ang mata ko kakaiyak ko ito ngayon, halos araw-araw akong nakakatanggap ng sampal paano namang hindi mamaga?

Kinuha ko ang isa kong bowler hat dahil, manganabayo muna ako ngayong umaga para naman libangin ang sarili ko. Gusto ko munang bisitahin ang kabayo ko bago ako pumunta sa taniman. Kaagad naman akong bumaba at nakasalubong ko si Manang na nakangiti sa akin kaya ngumiti rin ako sa kaniya.

"Magandang umaga anak, halika pinaghanda—"

"Sampong minuto ka ng late sa trabaho mo, hindi ka pwedeng kumain ng almusal. Umalis ka na sa harapan ko bago pa mandilim ang paningin ko sayo!"

Biglang sabat ni Auntie Gloria. Napayuko na lang ako. Kahit uminom man lang ako ng gatas? O kaya kape na lang para may laman ang tiyan ko?

"B-busog pa naman po ako Manang, aalis na po ako."

Nginitian ko si Manang at niyakap ko siya nakita ko namang nalukot ang mukha niya na para bang hindi sang-ayon sa sinabi ni Auntie Gloria.

"Oh siya mag-iingat ka anak, ah?" Bilin niya sa akin.

"Opo." Sagot ko at naglakad papalabas ng bahay.

Hindi pa ako nakakalayo sa bahay namin, kumakalam na kaagad ang sikmura ko pero kailangan kung tiisin dahil baka kapag nakita pa ako ni Auntie Gloria hindi niya pa ako pakain ng tangahalian. May sasabihin pala ako kay Manang pero umurong na ang dila ko dahil kay Auntie Gloria. Siguro aagahan ko na lang sa pag-uwi mamaya para makapaghanda.

"Good morning Ma'am Isa!" Napangiti ako ng salubongin ako ni Becca.

Isa siyang trabador dito sa Rancho namin at the same time naging kaibigan ko na rin. Kilala ako rito sa amin bilang Isa pero Isay ang tawag sa akin sa bahay siguro para magmukhang kasambahay dahil 'yon naman talaga ang role ko kapag nasa bahay.

"Magandang umaga rin Becca," Nginitian ko siya.

"Ang ganda-ganda niyo talaga Ma'am! Iyong ganda niyo po ay hindi nababagay rito sa Rancho, dapat nasa Mansion ka lang naka-upo at pinagsisilbihan." Papuri niya sa akin, at pilit naman akong pilit na napangiti.

"Good morning Ma'am Isa!" Bati sa akin ng dalawang lalaki na dumaan, dito rin sila nagtat-trabaho tanging ngiti lang ang sinagot sa kanila.

Kung alam niya lang na mas gusto kung nandidito ako sa labas, malayo sa sakit at pang-aapi na nararanasan ko sa loob ng bahay.

Akala niya sobrang saya ng buhay ko kapag nasa bahay, buhay princessa kabaliktaran lahat ng inaakala niya dahil mas mukha pa akong princessa kapag nasa labas dahil kahit papaano tinatawag nila akong ‘Ma'am’ samantalang sa loob ng bahay ay Isay. Kung pwede nga lang na hindi na umuwi, gagawin ko pero ayaw kong mag-isa roon si Manang dahil siya ang pag-iinitan ng mag-ina.

"Maganda ka rin naman eh," Nakangiting sagot ko sa kaniya.

"Hay naku Ma'am! Gutom lang 'yan tara saluhan mo na muna akong mag-almusal nagluto si Lolo ng kamote at mayroon ring saging na saba paresan natin ng mainit na kape, alam ko kumakain ka no'n kaya inaabangan kita, hihi!" Sambit niya at hinila niya ako papunta sa kubo kung saan sila nakatira ng Lolo niya.

"Lolo! Lolo nandidito na po kami ni Ma'am Isa!" Sigaw ni Becca habang papasok kami sa bahay nila.

"Halina kayo, nakahanda na ang pagkain." Sabi ni Lolo habang sinasalubong kami, kaagad naman akong nagmano sa kaniya. He is Lolo Tatang.

Noong una nahihiya ako na makikain sa kanila pero sa tuwing umaga na walang ka laman-laman ang tiyan ko sila ang naging tahanan ko, pinapakain nila ako.

"Salamat po Lolo sa masarap na pagkain. Sobrang na busog po ako, sa uulitin po!" Nakangiting sabi ko kay Lolo ng palabas na kami ni Becca ng bahay nila.

"Walang anuman Hija, Basta welcome ka sa munting tahanan ko kagaya kung gaano ko gustong palaging naririto ang mga magulang mo. Alam mo noon kasi madalas silang bumisita sa pananiman at paborito ng Mama mo na kumakain ng pagkaing bukid kaya kapag alam kung darating sila pinaghahanda ko lahat ng gusto nila." Napangiti ako sa kwento ni Lolo.

Ang saya pala talaga ni Mama at Papa noon, kasalanan ko kung bakit wala na si Mama ngayon. Kung hindi lang ako dumating sa kanila ni Papa ide sana buhay pa siya.

"Lolo sa ibang araw ka na lang po mag kwento aalis na po kami." Saway ni Becca.

"Oh siya mag-iingat kayo..." Bilin niya.

"Opo, salamat po ulit." Kumaway ako kay Lolo.

"Hija? Mag-iingat ka ah? Alam kung hindi ka masaya sa buhay na mayroon ka ngayon pero tandaan mo na palaging bukas ang tahanan ko para sayo... Kung nahihirapan ka na, pwede kang magpahingga pero wag mong susukuan. Matuto kang lumaban..."

Madamdaming bilin sa akin ni Lolo na kasabay ng pagpatak ng mga luha sa mga mata ko.

Lahat ng sinabi niya ay tinamaan ako, hirap na hirap na ako, gusto ko ng sumuko pero 'di ko magawa dahil mahal ko si Papa.

"Salamat po Lolo..." Niyakap ko si Lolo Tatang.

Siguro nakikita o nababalitaan niya ang nangyayari sa loob ng bahay pero kahit isa walang may lakas ng loob na magsabi kay Papa. He's 76 year's old matagal na talaga siyang naninirahan rito.

Tama siya kailangan ko ng pahinga pero hindi ko kailangan sumuko, siguro oras lang ang kailangan para makapag-pahinga tapos laban ulit.

"Balang araw makakawala ka rin sa paghihirap na nararanasan mo, napakabuti mong bata kaya hiling ko sa maykapal na bigyan ka ng isang taong handang ibigay sayo ang lahat, pakamamahalin at iingatan ka, hindi sa ngayon pero sa tamang panahon..."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Lolo basta ang alam ko si Papa ang gumagawa ng lahat ng iyon sa akin. Si Papa lang ang kailangan ko.

Hapon na ng makatapos kami sa bukid, dali-dali akong umuwi sa bahay dahil tumawag sa akin si Grace na may naiwan siyang gamit sa bahay at kailangan ko itong ihatid sa Lugar kung na saan siya. Pagod man ako sa maghapong trabaho, kailangan ko pa ring sundin ang inuutos niya para makapag-pahinga na ako pagkatapos nito. Para na rin iwas na sa mga pwede niyang gawin sa akin.

Hapon na ng makatapos kami sa bukid. Hindi na ako nakapunta kanina sa kuwadra kaya ngayong hapon ako pumunta roon. Sumakay ako sa paborito kong kabayo which is ang kabayong dating pagmamay-ari ni Mama.

Dinaanan ko na rin ang iba pang mga alaga at nakikita kong maganda at malulusog ang mga baka at kambing na masaganang kumakain sa damuhan ng malaya, kaya pinaayos ko ang bakud para hindi sila makapunta sa ibang Rancho.

Maliban kasi sa kabayo may iba pa rin kaming mga alaga, tulad na doon ang mga manok at baboy na mayroon ring isang malaking building na manok at baboy lang ang naroroon at ilang mga tauhan na nag-aalaga.

Madaming tauhan ang mayroon kami kaya madami rin ang pinapasahod namin kada sabado. Kada uri ng hayop ay mayroong 100 na trabador na mag-aalaga rito maliban sa limang taga-pamahala na siyang nag rereport sa akin sa mga nangyayari sa mga alagang hayop, at sa taniman naman. Iyong mga taong nagtatanim ng gulayin at mga prutas ay may roong tig-50 katao kada uri ng prutas katulad ng manga, mais, pineapple, strawberry, banana, dragon fruit, vegetables at iba pa. Mayroong pang mga veterinary, to take a monthly check to the animals.

Madalas akong tumulong sa mga nagtatanim kasi hindi madali ang trabaho doon, isa pa maghapon na nakabilad sa araw, iba pa rin 'yong sa mga nag-aalaga lang ng mga hayop. May mga Trainor for the animals para sure na matuturuan sila ng magandang asal. Kasi ang mga hayop ay parang tao lang 'yan kapag naturuan mo ng maayos paniguradong paglaki niyan ay may magandang asal, may puso at isipan rin sila na nakakaunawa.

Malawak ang rancho kaya madaming tauhan ang kailangan. Madaming trabador ang na buong buhay ng nagt-trabaho kay Papa kaya nais ko itong manatili sa akin dahil sila ang malaking bahagi ng paglago ng rancho.

Nakasakay ako sa kabayo habang papauwi sa bahay dahil tinatamad akong maglakad. Pinahinto ko si Queenie ng makita kong may nakaharang sa daan iyong mga trababador na nagbaba ng mga kargamentong ginagamit sa pagtatayo ng bakud na pinapagawa ko.

"Wait lang Queenie, patapusin muna natin sila."

Hinaplos ko ang balahibo ni Queenie, bagay na nakuha ko mula kay Mama. Bata pa lang ako marunong na akong mangabayo dahil tinuturuan ako ni Papa, kasi dati sa akin lang ang buong oras niya nakatuod kaya naman heto ako daddy's girl.

*Beeeep* *Beeeep*

Nagulat ako ng biglang magwala si Queenie ng magulat sa malakas at sunod-sunod na busena na hindi ko alam kung saan nanggagaling.

Pinipigilan ko si Queenie na wag lumikot, ginawa ko ang lahat para kumalma siya pero hindi ko magawa paikot-ikot at naka-taas ang dalawa niyang paa sa unahan na para bang ihuhulog niya ako.

Matinding kaba ang nararamdaman ko dahil hindi ko siya makontrol at kapag hindi siya tumigil maari akong mahulog. Tatakbo na sana si Queenie dahilan para mawalan ako ng balance sa pagkakasakay sa kaniya ipinikit ko ang mata ko. Inihanda ko ang sarili ko na bumagsak sa lupa ngunit...

Naramdaman kong may sumampa sa likuran ko at kaagad na pumatong ang kamay sa kamay ko na nakahawak sa tali ni Queenie, he's now the one who controlling Queenie.

I immediately look at my back and I saw a man riding with me. Napatitig ako sa kaniyang napaka-among mukha, nakakaakit na azul niyang mga mata, makapal ang kaniyang kilay, matangos ang kaniyang ilong at mapupulang labi. Samahan pa ng kaniyang itim na itim na buhok side part hair style.

Ang gwapo niya! Ang kinis ng kutis niya! Pakiramdam ko nag-iinit ang buong katawan ko sa iisiping magkadikit ang aming mga katawan na parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko galing sa kamay niya.

Nang magtagpo ang aming mga mata. Naramdaman ko na lang ang mabilis na tibok ng puso ko, hindi ko maiwasang kabahan dahil sa kakaiba ang reaction ng puso ko. Palagi akong may nakakasalamuhang mga lalaki pero kahit isa walang nagpatibok ng ganito sa puso ko. Bakit ko ba ito nararamdaman? May kakaiba ba sa lalaking ito para maramdaman ko ang kakaibang pakiramdam?

"Next time your going to ride in the horse, make sure you know how to manage when they are startled."

Nanlaki ang mata ko ng mapag-tanto ko na nakapatong na siya sa akin, habang nakahiga ako sa damuhan. Napakalalim ng boses at masyado itong bago sa pandinig ko na para bang walang kasing ganda ng baritono ng boses niya at bakas ang malamig na tono. Hindi ko alam kung paano kami napunta sa damuhan na kanina lang ay magkasama kami na nakasakay kay Queenie, kaagad akong na tauhan.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at nakita kong nakatingin sa amin ang mga trabador na kanina lang ay nagbubuhat ng mga materyales, nakita ko namang kinuha na ni Kuya Vic si Queenie—ang taga-pamahala sa mga kabayo.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" Tanong ng isang trabador at lumapit sa akin at tinulungan akong nakatayo matapos umalis sa ibabaw ko ang lalaking hindi ko kilala.

“A-ayos lang po ako Kuya Aldo, salamat po.”

Pinagpag ko ang suot ko. Si Kuya Aldo naman ay ang Taga-pamahala sa pagawa ng bagong bakud.

"Sir, ang galing niyo ah! Para kang isang superhero para iligtas si Ma'am Isa, salamat Sir. Aldo pala..." Iniabot ni kuya Aldo ang kamay niya sa lalaking nagligtas sa akin. Tiningnan niya ang kamay nito bago tinanggap.

"Where is the house of Mayor Acosta?"

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang sinabi niya, wait! Hala hindi! Siya ang bisita ni Papa? Hala! Hindi ko pa nabangit kay Manang na may bisita paniguradong hindi pa nalilinis ang kwarto na pagtutuluyan niya.

"Ay! Ito na po 'yon Sir ang nag-iisang magandang bahay dito sa amin," Sagot ni Kuya Aldo.

Tumango lang ito at bumaling sa akin tiningnan niya sa ako sa mukha at muling nagtama ang aming mga mata na siya na namang ikinatibok ng puso ko pero kaagad ring bumaba ang tingin niya mula ulo hangang paa na para bang sinusuri niya ako.

"Keep that in mind Woman."

Itinuro niya pa ako bago siya sumakay sa sasakyan niya napabuga naman ako ng hangin ang kapal naman ng mukha niyang pangaralan ako tungkol sa pangangabayo eh, siya naman itong may kasalanan kung bakit nagwawala ang kabayo dahil sa bigla-bigla siyang bubusena kahit alam niya ng may ginagawa pa sa daan.

Nakatitig lang ako sa papalayo niyang sasakyan at hindi ko maiwasang mapahawak sa dibdib ko ng maramdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso ko ng biglang pumasok sa isip ko ang kaniyang mukha na malapit sa aking mukha.

"Yiee... Si Ma'am ngumiti ng walang dahilan, tinamaan kay Boss Pogi!"

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Kuya Aldo kinapa ko pa ang mukha ko at nahawakan ko ngang nakangiti ang mga labi ko, nahiya tuloy ako kay Kuya Aldo.

"Ayusin niyo 'yang trabaho niyo kong ayaw niyong mawalan ng trabaho!" Seryoso kong saad sa kanila para matakpan ang hiyang nararamdaman ko.

"O-opo ma'am! Sorry po!"

Nakayukong tugon ni Kuya Aldo. Waaah!! Ang bad mo Isa! Huhu sorry rin Kuya Aldo...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status