INICIAR SESIÓN“Your family made you feel unwanted, Evangeline. But remember this: you are my wife. And in my world, nobody has the right to make you feel worthless.” ******** Evangeline Yuchengco was only sixteen when fate cruelly took everything from her. She lost her mother in a car accident while shielding her in order to save her and keep her alive. Hindi naging madali sa kanya ang lahat... ngunit sa kabila ng nangyari ay pinilit niyang maging matatag. Lalo na nang muling nag-asawa ang kanyang ama. Akala ni Evangeline, sa wakas ay magkakaroon na siya ng pamilyang muling magmamahal at tatanggap sa kanya. Ngunit nagkamali siya. Sa bawat araw na lumilipas ay lalong naging malupit sa kanya ang kanyang madrasta at stepsister. Itinuring siyang pabigat, niyurakan ang kanyang pagkatao, at inagaw maging ang lalaking tanging minahal niya. Tinalikuran siya nito at pinili ang kanyang stepsister. Nang dumating ang araw na dapat sanang ipakasal ang kanyang stepsister sa isang kilalang Mafia Lord, tumanggi ang kanyang madrasta na isakripisyo ang sariling anak sa isang lalaking kinatatakutan ng buong mundo. Kaya si Evangeline ang sumalo at siya ang ipinakasal kay Konstantin Morozov Isang lalaking kilala sa pagiging walang awa, malamig, mapagmataas, at puno ng kasakiman. Isang Mafia Lord na kayang tumapos ng buhay nang walang pag-aalinlangan. Akala ni Evangeline panibagong impiyerno na naman ang naghihintay sa kanya. Ngunit kabaliktaran ang nangyari. At hindi nito ginawa ang mga bagay na iniisip niya. Dahil imbes ma ignorahin siya ay ipinaramdam nito sa kanya na kamahal-mahal siya. Tinuran siya nitong mahalin ang kanyang sarilin. At maging ang kanyang insekyuridad ay tinanggap at minahal ni Konstantin ng buong puso. At kailanman ay hindi nito ipinaramdam sa kanya na pabigat siya. She was unwanted by the family she called her own, but cherished by the man the entire world feared.
Ver másEVANGELINE YUCHENGCO
Tahimik akong nakaupo sa likurang bahagi ng isang itim na SUV habang pinagmamasdan ang mga ilaw ng mga gusaling nadaraanan namin. Nakapatong ang dalawa kong kamay sa aking kandungan. Paminsan-minsan ay mahigpit kong pinagdidikit ang mga daliri ko upang pigilan ang panginginig ng mga ito. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming bumibiyahe. Hindi ko rin alam kung gaano pa kami kalayo sa mansyon ng lalaking magiging asawa ko. Ang tanging alam ko, sa bawat kilometrong nadaraanan namin ay lalo akong inilalapit sa isang buhay na hindi ko naman ginustong mapasukan. Isang buhay na hindi ko pinili. Isang kasal na hindi ko hiniling. At isang lalaking hindi ko naman kilala. Napapikit ako sandali at marahang huminga. Konstantin Gabriel Morozov. Iyon ang pangalan ng lalaking naghihintay sa akin sa kabilang dulo ng biyahe. Isang kilalang Mafia Lord na hindi lamang kinatatakutan sa Russia kundi maging sa iba't ibang panig ng mundo—lalo na sa Pilipinas. Isang lalaking sinasabing walang puso, walang awa, at walang pag-aalinlangang pum*tay sa sinumang hahadlang sa kanyang mga kagustuhan. At dapat sana, ang stepsister ko ang magiging asawa nito. Si Isabella. Ngunit dahil ayaw ng madrasta kong isakripisyo ang sarili niyang anak sa isang lalaking itinuturin niyang halimaw, ako na naman ang napiling ipalit. Ako na naman. Napakagat ako sa loob ng aking pisngi. Hindi ko alam kung dapat ba akong umiyak o tumawa sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon. Nakakatawa dahil kahit kailan, hindi naman talaga ako naging bahagi ng pamilyang ito. Nariyan lamang ako kapag may kailangan sila. At kapag may bagay na ayaw nilang gawin, ako ang palaging naaalala. Ako ang sasalo, ako ang gagawa at ako ang isasakripisyo. Ganoon kababa ang tingin nila sa akin. Na para bang wala akong karapatang magdesisyon para sa sarili ko. Na para bang hindi rin ako nasasaktan? Napalingon ako sa lalaking nasa kabilang upuan. Si Papa. Tahimik itong nakaupo habang abala sa pagtingin sa cellphone niya. Ni hindi man lamang ako tinatanong kung ayos lang ba ako o kung natatakot ba ako sa maaaring mangyari. "Papa..." mahina kong tawag. Agad naman siyang nag-angat ng tingin. "What is it, Evangeline?" Napahawak ako sa laylayan ng aking damit. "Are you sure about this?" Sandali siyang natahimik bago ibinalik ang tingin sa cellphone. "It's already been decided." Napayuko ako. "But, Papa..." "Evangeline, please. Huwag mo nang subukan dahil hindi na mababago pa ang desisyon ko. Nandito na tayo kaya manahimik ka nalang." Aniya. Parang may kung anong bagay na kumurot sa dibdib ko. Ako ang ikakasal sa isang estranghero. Ako ang aalis sa tahanang halos hindi ko naman naramdamang naging akin. Ako ang posibleng mapahamak sa kamay ng isang lalaking hindi kilala sa pagiging mabait. Ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita. "Your mother has her reasons. Besides, the Morozov family has already agreed to this arrangement. There's nothing we can do anymore." Napangiti ako nang mapait. Wala na raw silang magagawa. Pero noong una pa lamang ay mayroon na silang magagawa. Maaari nilang tanggihan ang kasunduang iyon. Maaari nilang ipilit na hindi nalang ituloy ang kasunduang ito. Pero hindi naman niya ginawa. Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang bumagal ang takbo ng SUV. Napatingin ako sa unahan. "Sir, we're here." Narinig ko ang sinabi ng driver. Bahagya akong napatuwid ng upo. At nang tuluyan nang huminto ang sasakyan, halos hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Napakalaki ng gate na nasa harapan namin. Matataas na itim na bakal ang bumubuo rito, may mga detalyeng tila yari sa mamahaling metal. Sa magkabilang panig ay may mga security personnel na nakasuot ng itim na uniporme. Mayroon ding mga CCTV camera sa bawat sulok na tila walang kahit isang galaw ang nakalalampas sa kanilang paningin. Dahan-dahang bumukas ang napakataas na gate. Napalunok ako. Sa likod niyon ay isang malawak na pribadong daanan na napalilibutan ng matataas na puno at maayos na hardin. Sa pinakadulo ay tanaw ang isang napakalaking mansyon na halos magmukhang palasyo sa laki nito. It was enormous. Beautiful. And intimidating. Hindi ko maiwasang mapahawak sa dibdib ko. Dito na ba ako titira? Sa lugar na ito? Kasama ang isang lalaking hindi ko alam kung paano pakikitunguhan ang isang tulad ko? "Are you getting nervous?" tanong ni Papa. Napatingin ako sa kanya. Bahagya akong ngumiti. "A little." Hindi na siya sumagot. Muling umandar ang sasakyan hanggang sa tuluyan kaming makarating sa harapan ng mansyon. Agad namang bumaba ang driver upang buksan ang p***o sa aking panig. "Ma'am." "Thank you." Maingat akong lumipat sa gilid ng upuan at bahagyang yumuko upang kunin ang maliit kong handbag. Ngunit bago pa tuluyang mailapag ang mga paa ko sa lupa, napahinto ako. Napatingin ako sa suot kong sapatos. Black closed-toe heels. Maayos naman ang pagkakasuot ng mga ito, at wala ring anumang kakaiba sa paningin ng ibang tao. Pero alam na alam ko kung alin sa dalawang paa ko ang tunay at kung alin ang hindi. Dahan-dahan kong ibinaba ang kaliwang paa ko. Sumunod ang kanan. My prosthetic leg. Bahagya kong inayos ang laylayan ng aking mahabang kulay champagne na damit upang matakpan ang bahaging iyon. Muli kong tiningnan ang aking sarili. Maayos ba ang pagkakatayo ko? Halata bang pilay ako? Kapansin-pansin ba ang paraan ng paglakad ko? Napahawak ako sa aking handbag. Hindi ko naman ikinahihiya ang pagkakaroon ng prosthetic leg. Matagal ko nang tinanggap na bahagi na ito ng buhay ko mula nang mangyari ang aksidente. Pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi ko na rin nararamdaman ang matinding insekyuridad sa katawan ko. Lalo na kapag maraming mata ang nakatingin sa akin. "Come on, Evangeline." Napalingon ako kay Papa na nakatayo na sa tabi ng sasakyan. Tumango ako at sinubukang maging maayos ang paglakad. Bawat hakbang ay maingat. Hindi dahil hindi ko kayang maglakad, kundi dahil ayaw kong matisod sa harap ng mga taong hindi ko kilala. Pag-akyat namin sa malawak na hagdan patungo sa pangunahing p***o, napansin ko ang ilang lalaking nakatayo sa magkabilang gilid. Lahat sila ay nakasuot ng itim. Matatangkad. Matitikas. At tila walang emosyon ang kanilang mga mukha. Some of them were even carrying guns. Napayuko ako. Hindi ko alam kung saan ako dapat tumingin. "Good afternoon, Sir Yuchengco." Isang lalaking tila nasa edad kuwarenta ang lumapit sa amin. He was wearing a perfectly tailored black suit. Maayos ang kanyang buhok at may seryosong ekspresyon sa mukha. "Good afternoon," sagot ni Papa. "Mr. Morozov is expecting you." Mr. Morozov. Napahigpit ang hawak ko sa aking handbag. "So, he's here?" tanong ni Papa. "Yes, sir. He's currently inside." Tumango ang aking ama. "Let's go, Evangeline." Sumunod ako sa kanya. Pagpasok namin sa mansyon ay halos hindi ko alam kung saan unang titingin. Napakataas ng kisame. May napakalaking chandelier sa gitna at mga mamahaling dekorasyong tila hindi kayang bilhin ng isang ordinaryong tao sa buong buhay niya. Marble floors. Malalaking paintings. Mamahaling furniture. Lahat ay elegante at maingat na pinili. Ngunit sa kabila ng kagandahan ng lugar ay hindi ko maiwasang maramdaman ang paninikip ng aking dibdib. "Wait here for a moment, Miss." Napahinto ako nang magsalita ang lalaking gumabay sa amin. Tumango ako. Nasa isang malawak na receiving area kami ngayon. May malaking sofa sa gitna at isang napakalaking fireplace sa kabilang bahagi. "Where is Konstantin?" tanong ni Papa. "He's in his study. I'll inform him of your arrival." Pagkatapos sabihin iyon ay umalis na ang lalaki. Naiwan kaming dalawa ng aking ama. Tahimik akong nakatayo sa tabi niya. Ilang sandali pa ay hindi ko na napigilang magsalita. "Papa?" "What now?" "Do you think... he'll be disappointed?" Napatingin siya sa akin. "Disappointed about what?" Napakagat ako sa labi. "About me." Hindi siya agad nakasagot. "He's a powerful man, Papa. He could have married anyone. Someone beautiful, someone confident, someone who could easily fit into his world." Sandali akong tumingin sa aking kanang paa. "But he ended up with me." Nakita kong napabuntong-hininga siya. "Evangeline, don't start with that again." "But it's true." "You're his wife now. That's what matters." His wife. Ang dali para sa kanya na sabihin iyon. Ngunit paano kung hindi ako tanggapin ng lalaking iyon? Paano kung katulad lamang siya ng ibang tao na unang mapapansin ang aking kapansanan bago ang pagkatao ko? "Papa, can I ask you something?" "What is it?" "Will you visit me?" Napatitig siya sa akin. "Of course." "When?" "Evangeline, don't worry about that. Just behave yourself and try to get along with your husband." Napangiti ako nang bahagya. "Okay." Hindi ko na siya tinanong kung mami-miss niya ba ako. Hindi ko na rin tinanong kung malulungkot ba siya kapag wala na ako sa bahay. Ilang sandali pa ay narinig namin ang pagbukas ng isang p***o. Napalingon ako roon. At agad na bumungad sa paningin ko ang lalaking sumalubong sa amin kanina. "Sir Yuchengco, Mr. Morozov is ready to see you." Tumango si Papa. "Let's go." Nagsimula kaming maglakad patungo sa isang malawak na pintuan. Habang papalapit kami roon ay lalo kong nararamdaman ang mabilis na tibok ng aking puso. Huminto ang lalaking gumagabay sa amin at marahang kumatok sa napakalaking pintuan. "Come in." Isang malalim at malamig na boses ang narinig ko mula sa loob. Napahigpit ang hawak ko sa aking handbag. Unti-unting bumukas ang pintuan sa aming harapan. At doon ko unang nasilayan ang lalaking nakaupo sa likod ng isang malaking mesa. He was wearing a perfectly fitted black suit, with the first two buttons of his white shirt left undone. His dark hair was neatly styled, and his sharp features were enough to make him look intimidating even without saying a word. Matangkad. Gwapo. At higit sa lahat, napakalamig ng ekspresyon sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nawalan ng lakas ng loob na tumingin nang diretso sa kanya. His eyes shifted from my father to me. For a brief moment, our gazes met. But I immediately looked away. "Mr. Morozov," bati ni Papa. Hindi agad sumagot ang lalaki. Ilang segundo lamang siyang nakatitig sa akin bago marahang sumandal sa kanyang upuan. "So," he finally spoke, his deep voice filling the room. "This is the woman your family has decided to give me." Napayuko ako. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may biglang bumigat sa dibdib ko sa paraan ng pagkakasabi niya. "Yes, Mr. Morozov," sagot ni Papa. "This is my daughter, Evangeline" His daughter. Hindi ko alam kung bakit, pero ang simpleng pagpapakilala niyang iyon ay hindi na nagkaroon ng dating sa akin. Matagal ko nang hindi nararamdamang anak niya ako. "Come closer, Miss Yuchengco." Napatingin ako kay Papa. Bahagya siyang tumango bilang senyales na sumunod ako. Kaya dahan-dahan akong humakbang palapit sa lamesa nito. "Good afternoon, Mr. Morozov..." sabi ko nang nasa harapan na niya ako. Hindi siya agad sumagot. Sa halip, naramdaman kong sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa. Lalo akong kinabahan. Napatingin ako sa aking mga kamay at pilit na pinanatiling kalmado ang sarili. "Look at me." Dahan-dahan kong iniangat ang aking mukha. Muli kaming nagtagpo ng tingin. "Do you know why you're here?" Tumango ako. "Yes, sir." "And do you know who I am?" "Yes, sir." Bahagya siyang tumango. "Good." Sandali siyang natahimik bago muling nagsalita. "Mula ngayon ay dito kana titira sa mansyon, kasama ako."EVANGELINE YUCHENGCO Nagising ako dahil sa sunod-sunod na ingay na nagmumula sa labas ng aking silid.Sa una ay inakala kong may nahulog lamang na gamit, ngunit nang makarinig ako ng isa pang kalabog ay napakunot ang noo ko.Ano kaya iyon?Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at inayos ang gusot kong buhok. Bahagya pa akong napahinto nang mapansin ang aking binti.Nakatatak na muli ang akin prosthetic leg. Napatingin ako roon nang ilang segundo.Hindi ko maalala kung kailan iyon naisuot muli. Ang huling naaalala ko ay ang pag-upo ko sa sahig ng kusina habang umiiyak, bago ako buhatin ni Konstantin patungo rito.Marahil ay siya ang nag-asikaso niyon habang natutulog ako.Napahawak ako sa gilid ng kama at maingat na tumayo. Sinubukan kong igalaw ang aking binti upang matiyak na maayos ang pagkakasuot nito.Mabuti naman.Pagkatapos ay lumapit ako sa pinto at marahang binuksan iyon.Muli kong narinig ang ingay.May kung anong kumakalabog sa ibaba.Nagtataka akong lumabas ng silid at
KONSTANTIN GABRIEL MOROZOVNang tuluyan nang makatulog si Evangeline ay saka lamang ako dahan-dahang tumayo mula sa gilid ng kanyang kama.Kanina pa siya tahimik. Pagod na pagod ang mga mata niya sa kakaiyak, at ilang beses ko ring naramdaman ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko tuwing tila nagigising siya mula sa pagkakaidlip.I had to admit, seeing her like that bothered me more than I expected.Hindi ako sanay na nararamdaman ko ang ganitong bagay. Iyong tipo na bigla akong mawawalan ng kontrol sa sarili kong emosyon habang nakatingin sa kanya. Dahil sa mundong ginagalawan ko, ang galit ay kailangang kontrolado, ang desisyon ay kailangang pinag-iisipan, at ang kahinaan ay hindi dapat ipinapakita.Kasi maaari iyong gamitin laban sa akin nang kahit na sino. But tonight was different.Hindi ko maalis sa isip ko ang itsura niya kanina.Ang pagkakaupo niya sa malamig na sahig. Ang mga luhang pilit niyang itinatago. At ang paraan ng paghila niya sa laylayan ng kanyang damit up
KONSTANTIN GABRIEL MOROZOVKakarating ko pa lamang sa mansyon nang buksan ng isa sa mga tauhan ko ang pinto ng sasakyan."Good evening, sir."Bahagya akong tumango bago tuluyang bumaba.Inayos ko ang manggas ng aking itim na amerikana habang naglalakad patungo sa pangunahing entrada. Pagod ako mula sa maghapong trabaho, at ang tanging nasa isip ko ay ang makauwi at makita ang asawa ko.Hindi ko alam kung bakit, pero nitong mga nakaraang araw ay naging bahagi na ng nakagawian ko ang hanapin siya pagkauwi.Minsan ay nasa hardin siya. Minsan naman ay nasa library o kaya'y nasa kusina kasama ang mga katulong.Hindi siya maingay. Hindi rin siya mahilig humingi ng atensiyon. Ngunit kahit ganoon, napapansin ko agad kapag wala siya sa paligid."Sir."Napahinto ako nang tawagin ako ng isa sa mga bantay na nakatalaga sa entrada."What?""May dalawang bisita pong dumating kanina."Kumunot ang noo ko."Bisita?""Yes, sir. It's Mrs Yuchengco and her daughter Isabella." "Who told you to let them i
EVANGELINE YUCHENGCO "One more minute..."Maingat kong sinilip ang loob ng oven bago muling isinara ang pinto nito.Napangiti ako nang bahagya nang maamoy ang matamis na aroma ng banana cake na niluluto ko.Kanina pa ako abala sa kusina. Halos isang oras din akong naglaan upang ihanda ang lahat ng sangkap na kailangan ko. Mabuti na lamang at may mga katulong na nagpaalala sa akin kung saan nakalagay ang mga ingredients na gagamitin ko.Hindi naman ako eksperto sa pagluluto, pero marunong akong gumawa ng ilang simpleng pagkain. Isa na roon ang banana cake. At ngayon, may espesyal akong dahilan kung bakit ko ito ginagawa.Para kay Konstantin.Napangiti ako habang tinitingnan ang natitirang batter sa mixing bowl.Hindi ko kasi alam paano ako magpapasalamat sa kanya sa mga binili niya para sa akin. Hanggang sa naisipan ko na gumawa nalang ng banana cake para sa kanya. Nitong mga nakaraang araw ay mas naging maayos ang pakikitungo ng lahat sa akin. Hindi ko na rin kailangan magtago sa kw
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.