Deal to Seduce the Devil Heir

Deal to Seduce the Devil Heir

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-29
Oleh:  MM16Baru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
9Bab
30Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Cataleya was forced to sign a contract to seduce the man who bought her. Niloko lang niya ang mga taong iyon dahil wala naman siyang alam kung paano mang-akit. Hindi niya alam na ang lalaking ito ay ang kaisa-isang anak ng Mafia Don. Nahulog ang loob ni Cataleya kay Fabien pero sa huli ay itinaboy siya nito dahil ito ay ikakasal na sa anak ng isang Senador. Ipinagpasalamat na rin niya ang nangyari dahil si Fabien din ang dahilan ng naging kalbaryo nila sa buhay, ang pagkakabaril sa kanyang ama at ang pag-uwi ng kanyang kuya na may hindi mabilang na pasa at sugat, at mas masahol pa sa isang gulay.

Lihat lebih banyak

Bab 1

SIMULA

“HUBAD!”

Umalingawngaw ang utos ng isang babaeng nakatayo sa harapan ng mga nakahilerang aplikante. Hawak nito ang isang malapad na kahoy at paminsan-minsan ay marahang ipinapalo iyon sa sarili niyang palad, na tila nagbibigay babala sa sinumang magtatangkang sumuway. Napalunok si Cataleya. Nanlalamig ang kanyang mga kamay, at ramdam niya ang pag-agos ng luha sa gilid ng kanyang mga mata. Sa sandaling iyon, tila naglalaban sa kanyang isipan ang natitirang katinuan at ang matinding desperasyon.

Kailangan niya ng pera. Kailangan niya ito ngayon.

Isang linggo pa lamang ang nakalipas nang barilin ang kanyang ama. May mga lalaking pumasok sa kanilang bahay, may hinahanap na kung ano. Ngunit hindi nagpatinag si Romeo. Humawak ito ng itak, handang ipagtanggol ang kanilang tahanan. Sa isang iglap, pumutok ang baril. Walang pag-aalinlangan. Walang awa.

Dinala nila ang kanyang ama sa ospital, duguan at halos wala nang malay. Agad itong isinailalim sa operasyon. Ayon sa mga doktor, malubha ang tinamong pinsala sa loob ng katawan nito. Ilang araw din itong nanatili sa ICU bago nagkaroon ng malay. Ngunit kahit na gumising ito, hindi pa rin tapos ang laban.

Lumobo na sa apat na raang libong piso ang kanilang hospital bill.

Halos hindi mabilang ang mga bag ng dugo na isinaksak sa katawan ng kanyang ama sa unang mga araw. At hanggang ngayon, hindi pa rin ito makalabas ng ospital. Kahit anong pakiusap ni Cataleya—na babayaran niya ang balanse sa sandaling makahanap siya ng tulong—ay hindi tinanggap ng pribadong ospital. Kailangan nilang magbayad agad.

Dalawang daang libo pa ang kulang.

Kaya heto siya ngayon—nakatayo sa isang silid, kasama ang iba pang mga babae, pinipili at pinaghuhubad.

“Hubad na!” sigaw muli ng babae, sabay ngisi. “Baka naman pinaglalaruan niyo ako. Sinasabi niyong birhen kayo pero kapag oras na, parang hindi naman kasya ang lalaki sa inyo.”

Napakabulgar. Napapikit si Cataleya, pilit nilulunok ang hiya at galit. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan ang ganitong proseso. Online lang naman niya nakita ang trabahong ito. Bakit kailangang umabot sa ganito?

Napatingin siya sa paligid. Ang ibang mga babae ay nagkakatinginan din, halatang kinakabahan ngunit walang lakas ng loob umatras.

Kung hindi lang siya iniwan ng kanyang kuya, hindi sana siya hahantong dito. Ilang linggo na itong hindi nagpaparamdam. Pwede naman sana silang mag-loan, maghanap ng paraan. Ngunit tila pinili nitong tumakas sa responsibilidad. Kaya ngayon, siya—isang estudyante—ang sumasalo sa lahat.

Wala siyang ibang pagpipilian.

Dahan-dahan siyang sumunod sa utos. Mas mabuti na iyon kaysa mapahamak pa.

“Sandali!”

Napalingon silang lahat sa pintuan. May isang babaeng pumasok, elegante ang tindig at may kakaibang awtoridad sa boses. Napako ang tingin ni Cataleya rito—pamilyar ang dating, tila kahawig ng isang taong nakita na niya noon.

“Ilalabas ko na ang number five,” sabi nito.

Nanlamig si Cataleya. Mabilis siyang tumingin sa mga katabi—may hawak na numerong tatlo at apat.

“Ikaw ‘yon,” bulong ng babae sa kaliwa niya.

Hindi pa siya nakakaimik nang biglang hinawakan ng babaeng may kahoy ang kanyang pulsuhan at hinila siya palabas ng hanay.

“Makinis ‘to at maganda,” sabi nito habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa. “Walang peklat. Pwede na ‘to.”

“Hindi pa natin sigurado,” sagot ng isa. “Kailangan pang i-check.”

“Sa dressing room ni Flavio na lang,” tugon ng unang babae. “Wala na tayong oras.”

Nanatiling tahimik si Cataleya habang pinapasok siya sa loob. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso.

Ito na ba ang simula?

Handa na ba siyang gawin ang lahat… para lang mailigtas ang kanyang ama? Mang-aakit na ba siya online?

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Tidak ada komentar
9 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status