2
Hatinggabi na nang makalabas sila ni Chad sa venue. Imbes na sumama pa ito sa mga ka-banda ay humindi ito. Marahil, mag-iinuman na naman sa kung saan man. Minsan, naiisip niya kung gaano ka-unhealthy ang lifestyle ng mga ito. Sumusugod sa puyatan at hindi naiiwasan ang alak. Pasalamat na nga lang siya at may disiplina sa sarili ang kaibigan niya. Kahit papaano ay nahahawa ang mga kasamahan.
“Van and I have other plans.”
“Other plans? Ano ‘yan, parang magtsi-check in lang sa motel?”
Alam man niyang biro lang ang sinabing iyon ng kabanda nito na si Derek ay naasiwa siya. Kung ‘di lang sana madilim, nakita na ng mga ito na pinamulahan siya ng mukha base sa pag-iinit ng sulok ng kanyang pisngi. Mabuti na lang at medyo madilim sa parteng kinaroroonan nila.
“Huwag ninyo namang ganyanin si Van at baka mainlab ‘yan nang tukuyan kay Chad. Mamaya niyan iiyak ang tsikababe nito.”
Pinag-tripan na naman siya ng mga walanghiya. Ang ganitong mga jokes ay madalas na lang niyang sinasakyan kahit pa nga minsan ay nakakainis na. Sa maraming beses na nakakasalamuha ang mga ito nasanay na rin naman siya maski papaano. Noong una, hirap na hirap siyang tanggapin ang mga birada ng mga ito.
“Pag ako ay ‘di ninyo tinantanan, hindi na talaga kayo makakatikim ng libreng tattoo mula sa akin.”
“Wala namang ganyanan.”
Isa-isa nang nagsialisan ang mga ka-banda ni Chad. Naiwan silang dalawa sa parking lot.
“So, tara na?” Umangkas na si Chad sa motorsiklo nito. Akmang sasakay na rin siya sa sariling motor nang pigilan siya nito. “Dito ka na,” inginuso nito ang likurang bahagi nito.
Nangunot ang noo niya. “H-ha?” “Hop in.”
“May motor naman ako, ah.”
Trip nito?
“Dito na sabi, eh.”
“Huwag na kasi. Maiiwan pa itong motor ko dito.”
Umarko ang kilay ni Chad.
“Bakit, takot kang yumakap sa akin? Eh, dati naman madalas kitang iangkas sa motor ko.”
Dati ‘yon. Nong wala pa siyang muwang. Noong hindi pa nagririgodon ang puso niya kapag katabi niya ito o ‘di kaya ay nadidikit ang balat nito sa kanya. Noon, sabay pa silang naliligo sa pool nang hindi siya nasisilaw pero iba na ngayon. Kapag walang patumanggang naghuhubad ito sa harapan niya ay nagsa-summersault ang kanyang puso lalo na kapag napapatitig sa masels nito. May kasamang lunok pa minsan at bara ng lalamunan.
Ewan niya kung kailan nagsimulang magbago ang pagtingin niya kay Chad. Basta nagising na lang siya isang araw na nagbago na ang pagtingin niya sa kababata. Pero kung kailan gusto niyang tingnan siya nito bilang babae, tuluyan na siyang napasubo sa pag-aastang matigas.
“Van.”
Para hindi na siya tudyuin ni Chad ay kusa na siyang sumampa sa likod nito. Sa kabila iyon ng pangangatog ng kanyang tuhod. Ang barako niyang tingnan pero nanlalambot ang kaloob-looban niya.
“Sandali.”
Nilingon siya nito. Tsinek ang pagkakaayos ng kanyang helmet. Kapag ganito si Chad ‘di niya maiwasang makaramdam na para din siyang normal na babaeng gaya ng iba.
“There.”
Nang masigurong okay na siya ay saka ito pumihit at pinaandar ang sasakyan.
Sa katahimikan ng gabi ay tahimik nilang binabagtas ang daan. Kesa sa ang sariling damdamin ang pagtutuunan ng pansin ay mas minabuti niyang aliwin ang mga mata sa naraanan. The night is so peaceful and beautiful. Lalo pa at nakalabas na sila ng Maynila at kitang-kita ang mabituing kalangitan. Tuloy ay di niya maiwasang isipin na napakaromantiko ng gabi lalo pa at si Chad ang katabi.
Napatingin siya sa malapad nitong balikat. Bumabakat ito sa suot na t-shirt. ‘Ano kaya ang pakiramdam na humimlay sa mga balikat mo?’ Like other girls do. Bago pa man lumawak ang kanyang pag-iisip ay kusa na niyang ibinalik sa langit ang pansin.
“And here we are.”
Minutes later, narating nila ang isang lumang tulay. Una nilang nakita ang naturang tulay minsang napagkatuwaan nilang mag-joyride ni Chad. Ever since, regular na nila iyong pinupuntahan. It had become their retreat from the buzz and noise of the city. Kapag sinisermunan ito ng pamilya, nag-aaya kaagad ito na magpunta rito. Mauupo at magkikuwnetuhan lang naman sila.
“Here.”
Canned beer, lagi nilang bitbit pag naririto sila. Binuksan muna nito ang isang lata bago ibinigay sa kanya. Magkatabi silang nakaupo sa gilid ng tulay habang nakabitin sa ere ang mga paa.
“Magdadrive ka pa,oi.”
“Don’t you worry, I’m an expert driver at hindi ako madaling tinatablan ng alak,” proud nitong sabi.
“Isang bote lang ako ha.” Hindi naman talaga siya lasengga. Minsan, napipilitan lang siya kapag ang binata ang nag-aaya. Ayaw niya lang talagang masabihang KJ. Isa pa, this is just one of those precious moments na nakakasama niya ito kaya, sinusulit niya.
“Suit yourself.” Itinaas nito ang beer at sinabing, “cheers!” Straight nitong nilagok ang bote.
Napatingin siya sa beer. Kahit kainuman lang ang tingin ni Chad sa kanya, okay na rin ‘yon, at elast, nakakasama niya ito ng ganito, natatapunan siya ng panahon.
‘I wonder if you ever saw me as a girl, Chad. Kahit minsan lang.’
To Chad, she would always remain this rough dude na kabarkada lang nito. Palihim niyang sinulyapan si Chad. Malamlam ang liwanag na tumatama sa kanila na nasa gawing kaliwa nito kaya’t contour lang ng mukha nito ang naaaninag niya. It was such a beautiful silhouette. Her most favorite subject to paint.
“Ano ba’ng nakikita mo sa mukha ko, ha?”
‘Di niya napaghandaan ang biglaang paglingon nito sa kanya. Mabilis niyang pinaandar ang utak at nag-apuhap ng sasabihin. Patay na! Baka mag-isip ito ng masama.
“Masyado ba akong gwapo?”
She cleared her throat before speaking. “Ang tahimik mo kasi, eh, at ang conceited din. Mas gwapo nga ako sa ’yo, ‘no.” Best defense sa pagkahuli nito sa kakatwang aktwasyon niya, saka sunud-sunod na tungga ng beer ang ginawa niya. Muntikan na siyang mabilaukan sa ginawa niya. Napaubo pa siya ng malakas.
“Hinay-hinay lang.” Inapuhap pa nito ang likod niya. “Para ka ng sunog-baga niyan.”
Muntik na kasi.
“Well, I’m just enjoying the tranquility of the night and I am thinking as well.”
Bothered siya sa init ng palad nitong nakadikit pa rin sa kanyang likod. Iba lang kasi ang dating a kanya. Pasimple niya iyong inalis sa paraang hindi ito magtataka. “Weehh. Nag-aaway na naman kayo ni Rupert.” Ang pagpukol ng mga biro ang pinakamabisang paraan para payapain ang damdamin niya.
Bahagyang natawa si Chad sa sinabi niya. “Bago ba ‘yon?”
Si Rupert ang nakatatanda nitong kapatid. Ang katuwang ng ama nito sa pamamalakad ng negosyo ng pamilya. Matagal nang hinihimok ng ama at kapatid si Chad na umanib sa negosyo ng mga ito. Pagdi-develop ng mga hotels at resorts ang pinaka-main business ng mga Gonzales bukod pa sa iba pang business ventures. Kaya nga lang ay mas pinili nitong magsarili. Katwiran nito, “I wanna spread my wings without relying on my family.”
Noble intention pero alam niyang mas nananaig ang pride ditto. Kung susumahin, magkatulad lang sila ni Chad. May pagka-rebellious. Ang kaibahan nga lang ay may ina itong todo suporta rito at kahit na ang ama at kapatid nito, bagama’t hindi hayagan pero lihim na sumusuporta rito. Natatandaan niya noong unang nagbukas ang bar ni Chad, present sa okasyon ang buong pamilya nito.
“Mabuti ka nga at may Rupert na nagtataguyod sa ’yo. Sarap kayang magkaroon ng kapatid.”
Natawa ito ng mapakla. “Yeah, but stoic. If only, you were living with him in one roof. Pareho silang dalawa ni Dad. Pinagdidiskitahan pati pagbabanda ko,” may halo nang himutok nitong sabi na ikinukumpas pa ang mga kamay. Kaya pinilit nitong bumukod. Pero kahit sa condo na nito ito nakatira, hindi lumilipas ang isang linggo na hindi ito pinauuwi ng ina sa bahay ng mga ito.
“Gusto lang naman nilang mapabuti ka.”
He shifted position. Nakatagilid na itong nakatingin sa kanya ngayon. “Hey!” Umarko ang kilay nito sa narinig. “Somebody’s taking sides here. Akala ko ba magkakampi tayo.”
Natawa siya sa sinabi nito. Totoo ‘yon, magkakampi sila ni Chad simula’t sapol. Habang inaaba siya ng sariling pamilya, Chad has always been there to support her. Tinatanggap siya ng buo bilang siya. Kaya nga siguro mas napapamahal ito sa kanya.
“Syempre, loyal ako sa iyo, ano?”
“You should be.” Nakangiti na itong muling ibinaling sa kawalan ang paningin. Ilang saglit ding sa inumin lang nakatuon ang pansin nila pareho. The night had started to feel cold. Buti na lang at leather jacket ang suot niya. Ginawin pa naman siya.
“Chad,” maya-maya ay sambit niya sa pangalan nito.
“Hmm.”
“Salamat.” One word, ngunit nakapaloob doon ang taos sa pusong pasasalamat ditto. She seldom said thank you.
“For what?”
“Sa lahat.”
Alam niya, ayaw man nitong sabihin, isa siya sa mga isinaalang-alang nito sa bawat desisyong gagawin nito. Originally ay wala sa plano nito ang i-combine ang tattoo shop sa bar nito. Last minute decision nang matuklasan nitong natututo na siya sa naturang skill. Anito, may sariling Whang-od daw ito, ang sikat na matandang babaeng tattoo artist na dinadayo ng mga turista sa Kalinga na ilang ulit na ring nafeature ng medya at mga travel-vloggers.
“Para may permanente ka ng trabaho at hindi nagja-juggle sa mga paraket-raket mo.” Ito ang binitiwan nitong pangungusap noon.
“Why so sente?”
Natatawa nitong ginulo ang buhok niya. It was such a sweet gesture. Na nakasanayan na nitong gawin simula noong mga teenager pa sila. Hinubad nito ang suot na relos at kinuha ang kamay niya. Mantakin na niyang bawiin ang sariling kamay nang nanulay ang init niyon patungo sa kanyang balat. Kaagad na nanulay sa kanyang puso ang init. May pagtatambol sa sa kaloob-looban niya.
“’Yan,” isinuot ni Chad sa bisig niya ang relos nito. “Happy birthday.”
“Ang tagal nang lumipas no’ng birthday ko ha. History na kaya ‘yon.”
“Kaya nga, eh. We are celebrating tonight. Belated happy birthday!”
Akala niya tuluyan nang nakalimutan ng bestfriend ang birthday niya. Masyado kasing kinain ang oras nito sa in between sa pagbabanda at pagma-manage ng bar. Nais na nga niyang magtampo sa kaibigan. Sa lahat ng tao kasi, tanging ito lang ang hindi nakakalimot sa mga mahahalagang araw ng buhay niya. Sa graduation niya, ito ang kaisa-isang dumalo. Nong una siyang nagka-period, ito pa ang bumili ng sanitary pad niya. In almost all milestones in her life, Chad had always been an important part.
“Bakit, ayaw mo sa gift ko? Aba’y babawiin ko na lang.”
Agaran niyang inilayo ang kamay at tinakpan pa ng kabilang palad ang palapulsuhan na parang batang takot na maagawan. “H-hindi.” Pumiyok ang boses niya. Chad just never failed to make her heart skip a bit. “Gusto ko. Gustung-gusto. Ang tagal ko na kayang crush ang relos mo.” At ikaw na rin.
Satisfied na napangiti si Chad. “I’m glad you liked it.”
“Thank you, ha.”
He chuckled softly. “Sige na, bago ka magsisente, which is hindi bagay sa ‘yo, ubusin mo na ‘yang beer mo at ihahatid na kita sa inyo.” Inisang lagok nito ang natitirang laman ng beer at tumayo.
“Saan ka pupunta?” maang niyang tanong.
“Get my guitar?”
Panandalian itong nagtungo sa kinapaparadahan ng motorsiklo. Bitbit na nga nito ang guitar nang magbalik. Tinesting muna nito ang kwerdas ng gitara at ilang saglit lang ay pumailanlang ang malamyos na nota ng Haplos ng Shamrock, ang paborito niyang kanya. Napupuno naman ang puso niya ng tuwa. Bawat nota at lyric ay bumabaon sa puso niya. Sobrang espesyal ng pakiramdam niya. It felt like she was being serenaded.
Napapalakpak siya pagkatapos. Saka naman nito inilahad ang palad sa kanya.
“Kaya ko naman, ah.”
“Tsk! Come on, dude, belated special day mo kaya.”
Entitled din naman siyang humawak sa palad nito. Minsan lang naman siyang tratuhin nito ng ganito. Well, she will just endure that sudden spark. Ilang saglit pa ay binabagtas na nila ang kahabaan ng daan, with her heart so full.
“Uy, balut, o.” Huminto si Chad sa mismong tapat ng stall ng ballot vendor at um-order ng apat. Tigdadalawa sila. Instead of cake, balot at beer ang pinagsasaluhan nila. Pinagkatuwaan pa nitong pahipan sa kanya ang kandilang nakapatong sa mesa ng nagtitinda. Mabuti at pumayag si Manong. “Wish muna.”
Sinakyan na rin niya ang trip nito.
“So, you know the drill,” nanghahamong saad ni Chad.
Kapag ganitong kumakain sila ng balot ay nagpapaligsahan sila sa kung sino ang unang-unang makakaubos. Bumilang si Chad ng tatlo at parang mga batang nag-uunahan na sila sa paglamon.
“Nauna ako!” tuwang-tuwa niyang anunsyo na itinaas pa ang dalawang kamay sa ere. Ang tindero ay natatawa lang na nakatingin sa kanila.
“Grabe ka talaga, dude.”
“I’m the balot queen kaya.”
“King kamo.”
Parang nalaglag ang panga niya. Oo nga pala. King, not a queen.
“Balot king na balahura kung kumain.”
Napatda siya nang walang anumang pinahid ni Chad ang gilid ng kanyang baba. Awtomatikong napalis ang ngiti niya nang dumantay ang hintuturo nito sa pang-ibabang labi niya. Epekto marahil ng alak na nainom niya at ng nakakangiwing suka ng balot, nagiging eratiko ang pagkabog ng kanyang dibdib. Simpleng pagdantay lang ng daliri nito ngunit ibayong kaba ang dulot niyon. Awang ang bibig na napatitig siya sa mukha ni Chad at tila nakakalimutan niya ang mga tao sa paligid.
Napalunok siya. May kung anong init na hatid sa kanyang katawan ang daliri ni Chad na nakapatong sa kanyang bibig. Si Chad man din ay tila napatda habang nakatunghay sa mukha niya. Maaaring ipinagkakamali siya ng kanyang mga mata pero ‘di nakaligtas sa kanya ang kakaibang kislap ng mga mata nitong naglakbay sa mukha niya at nakatutok sa kanyang mga labi.
‘Is he seeing me differently?’
Pakiwari niya kasi ay babaeng-babae siya sa paningin nito. It was the same look Chad gave to those women he had been. She had seen this look many times. Ilang beses na ba kasing ginagawa siyang third wheel nito sa mga dini-date nito simula noong teenagers pa lang sila. Ganitong-ganito tinititigan ni Chad ‘yong babae nito bago halikan.
“Ang dugyot mo.”
Parang nalaglag ang panga niya sa narinig. All the more ay naramdaman kung gaano siya ka-undesirable. Heto at tatawa-tawa at naiiling pa itong lumayo sa kanya at nagbayad sa tindero ng balot. Napatingin siya rito nang may paninikip na nangyayari sa kanyang dibdib. False alarm lang pala. Masyado naman siyang umasam.
“Chad, ano ba? Hanggang kailan mo ba ako tatanggalan ng piring?” Nangangapa siya sa paligid. Purong kadiliman na lang kasi ang bumabalot sa paningin niya simula kanina nang papaibis na sila ng sasakyan. Sabi nito may espesyal silang pupuntahan. Ang aga pero gumayak na sila. Buong akala niya ay may papasyalan silang kaibigan pero bigla yatang tinopak ang asawa niya. “Shhh…almost there, Love.” Silently, pilit niyang binigyang mukha ang trail na dinaanan. Paakyat ang daang tinatahak nila at sa tantiya niya ay hindi sementado. Mga ilang minuto pa silang naglakad ay may narinig siyang tunog nang humintong motor sa tapat nila. Nakipagbatian si Chad sa isang boses lalaki. Malamang na driver. Ilang saglit pa ay inalalayan na siya ng asawa sa pagsampa sa motorsiklo. Naupo naman ito sa likod niya. Whatever Chad was into, he better made sure na magandang bagay ang makikita niya. Kung hindi, makakatikim talaga ito sa kanya. Nang huminto ang motor ay inalalayan siya ng asawa na makababa sa lupa
Buong akala niya ay sa mismong hotel sila mananatili, but Chad had something better in mind. Sakay ng ATV ay tinahak nila ang bahagi ng property na puro punongkahoy ang naraanan. Humantong sila sa isang malawak na bahagi ng lupain kung saan may nakatayong matayog na punungkahoy sa gitna. Sa itaas niyon ay ang magandang pagkakagawang treehouse. "Tree house?" nai-excite niyang tanong sa asawa. “Yes, Love. Hindi pa ito tapos talaga. I planned on building a mini-park here para sa mga anak natin.” He hugged her from the back. Dumausdos ang palad nito sa impis niyang puson. “This baby will surely enjoy here.” Napalingon siya sa asawa na awang ang bibig. “A-alam mo na?” Ngumisi ito. “Makamandag yata ang semelya ko.” Sa halip na siya ang mangsorpresa, siya pa itong nasorpresa nito. “You’ve been careless. Nakita ko sa bag mo ang pregnancy test.” Hinawakan nito ang panga niya at pilit na hinuli ang bibig upang magawaran ng masuyong halik sa labi. He caressed her face lovingly. “Thank you fo
Walking down the aisle was every woman’s absolute dream. Today, one woman's prayer was realized. Finally. Ang saya sa puso ni Vanessa ay nag-uumapaw lalo pa ngayon na ang tatay niya mismo ang maghahatid sa kanya sa altar patungo kay Chad habang umalingawngaw ang kantang Haplos sa paligid. 'Oh, Chad.' Ipinangako niya sa sarili noon na ikakasal lang siya sa taong mahal niya, sa bestfriend niya. Her feelings for him were kept secret for years. Malamlam ang tsansa niyang magkaroon ng katuparan iyon pero lihim niyang inalagaan sa kanyang puso ang pagmamahal. Ni sa hinagap, hindi niya inakalang magkatotoo. Looking at Chad at the end of the aisle, she can't help but reminisce about the past. She was heartbroken many times. She came this far with all those heartbreaks and pains. She cried a lot. Kapag nakikita niya itong may kasamang ibang babae, lihim siyang nagseselos at nasasaktan. Despite all those pains, her love for him never swayed, it never faltered, not a bit. Umani man siya ng s
Good things come to those who wait, ika nga. As for Vanessa, she waited long enough for this day to finally arrive- her wedding day. “You look so lovely, Nessa.” Mikaela was all praises for her. Ito ang tumatayong maid of honor niya. Tatlong araw na itong nasa Maynila at iniwanan na lang ang business sa assistant. Mula nang dumating ito ay hindi na ito umalis sa tabi niya. Aside kay Mika, naroroon din ang iba pang mahahalagang tao sa buhay niya. “At ang ganda ng damit mo, anak,” naiiyak ding bulalas ni Nanay Vicky ng paghanga habang nakatitig sa kanya. Buong pamilya nito ang pinasundo ni Chad para dumalo sa kasal nila. May part nga si Elaine sa entourage. Chad made sure that all important people in her life were present in this milestone. Pero hi
47 Driving her back to her house added this heaviness in his heart. Idagdag pa ang pangngatiyaw nina Derek. Baka kung saan daw niya iliko si Van. Sa lahat ng pangngantiyaw ay nagiging pula na ang mukha ni Vanessa. Finally, they both enjoyed piece and quiet. But he was far from being peaceful. Ginugulo siya ng nag-uumapaw na sexual tension sa katawan niya. It was even manifested by his bulging manhood. Kapag hindi pa napakawalan ang nasa ilalim ng kanyang pantalon ay baka mabaliw na siya. Vanessa is his fiancée at may nangyari na sa kanila ng maraming beses pero nakakahiyaan niyang hilingin dito ang isang bagay na ngumangatngat sa kanyang utak. “Are you okay?” Napansin marahil ni Van ang pag-igting ng kanyang mga panga at ang paggitiw ng ugat sa kanyang braso. Is he okay? No, he isn’t okay, will never be . Nakatuon sa kalsada ang pansin niya ngunit pasimpleng bumitaw ang kanang kamay at dahan-dahang naglakbay palapit sa nobya. Dumapo iyon sa binti ni Van.
Being away with Van was difficult. He missed her so much. They had been away for so long and enduring another separation was unbearable. Pero ito ang kiasa-isang kundisyon ni Tita Marion, he had no option than to adhere to it. Pasasaan ba at magkakasama rin sila nang tuluyan ni Van. Hahabaan niya muna ang pasensya at pagtitimpi. Siya naman ngayon ang magtitiis. Bumuga siya ng hangin. Nagdesisyon siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Napadako ang mga mata niya sa kabilang side ng king-sized bed. Vanessa was supposed to be lying beside him here. It was supposed to be their matrimonial bed. The same bed he made love to her countless times. Kung bakit ba kasi niya mas piniling magmukmok sa bahay na ito. Binibisista siya ng pangungulila kay Van sa bawat beses na sumasagi sa isip niya ang lahat ng namagitan sa kanila sa loob ng mga araw na ibinuro niya ito rito. Ilang linggo nang ganito. Vanessa and he were denied of the freedom they were supposed to enjoy as a