Share

3

What the hell was that?

Napapailing na lumulan si Chad sa motorsiklo at pinaandar ang makina. Alchohol got the better of him at sa isang iglap ay nag-iiba ang tingin niya kay Van.

Napatingin siya sa daliring ipinampahid sa dumi ng bibig nito kanina. God knows how much he felt different habang dumadantay iyon sa malambot nitong labi. It was so soft na tila kay sarap kuyumusin ng h***k lalo pa nang nakaawang lang itong nakatingala sa kanya. Namumungay ang mga mata nito. Malayo sa lagi na ay astig na kaibigang laging kasa-kasama. Hinihintay ba nitong hah***kan niya ito?

Ridiculous! What an insane thought. It was an incestuous ide. Si Van ay parang nakababatang kapatid na niya at kinukunsdirerang younger brother. Ano man ang kakatwang pumasok sa utak niya ay kailangan niyang alisin.

Natatawang ipinilig niya ang kanyang ulo at tinawag na ito na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa kinaroroonan nila kanina. “Hey, halika na.”

Tumalima ito. Sumampa sa likod niya at gaya ng madalas nitong gawin ay iniiwasang humawak sa kanya. Ilang minuto na silang naglalakbay pero nanatiling tahimik si Van. Kinakabahan tuloy siya na baka pinag-iisipan siya nito ng masama. Mamaya jumbagin siya nito. Kaya naman imbes na yayayain pa ito ay inihatid na niya ito sa bahay nito.

“So, paano. I better be going.”

He didn’t wait for her to answer. Pinaandar na niya kaagad ang sasakyan. Papalayo siya nang papalyo kay Van na nagugulo pa rin ang utal. Van was still standing at the gate. Kinakahon pa rin ang repleksyon nito ng side mirror.

“Straighten your act, Chad,” he scolded himself.

Hanggang sa makarating sa condo niya ay natatawa pa rin siya sa tinatakbo ng mga pangyayari. Pumanhik siya sa basement at nag-park sa tabi ng kanyang kotse. Lumulan siya sa elevator at sumandal sa dingding niyon. Isinuksok niya sa magkabilang bulsa ng leather jacket na suot ang dalawang kamao at ipinikit ang mga mata.

“Wait!”

Napadilat siya nang marinig ang malamyos na tinig ng isang babae na alam niyang nasa mismong bungad ng lift. He opened his eyes, and a beautiful woman caught his sight. She was not just beautiful. She was a goddess.

Parang kidlat na hinarangan niya ang tuluyang pagsarado ng elevator daan upang Malaya itong makapanhik sa loob.

“Thank you.”

A set of pearly white teeth flashed as she smiled. Sumikdo ang d****b niya. Pomosisyon ito sa tabi niya at nalanghap ang napaakayang scent nito. The woman was tall. Sa tantiya na ay umaabot ito ng hanggang lima at walong talampakan. Nakasuot ito ng flowy dress na umabot lang yata hanggang sa gitna ng legs.

She is a woman in every inch. Beautiful and sexy and elegant. Napakalayo sa asta at porma ni Van na simula nang maghiwalay sila ay hindi na nawala sa utak niya. He dreaded the idea na kinakain ng kaibigan ng buo ang utak at kamalayan niya.

“Which floor?”

“Oh. I’m sorry. Nawala sa utak ko,” she smiled shyly. “Twenty-five, please.”

“Wow, what a coincidence! We’re on the same floor.” Minabuti niyang magbukas ng usapan.

Dalawang floor ang pagitan nila. Nasa Twenty-seventh siya.

“Natasha, by the way.”

Naglahad ito ng kamay at inabot niya. Napakalambot ng palad ng babae. He wondered kung alinpang bahagi ng katawan nito ang malambot. Damn! Carnal thoughts. Mas mabuti na rin at bumalik ang totoong Chad. He desired a woman at hindi siya nababaklang kung anu-anong kamunduhan ang naglalaro sa utak na si Van ang laman.

“Inuumaga ka na naman ng uwi.”

Napahinto si Van sa pagpanhik sana sa kusina nang bigla na lang nangusap ang Tita Marion niya sa kanyang likuran in her usual cold voice. Kahit ang ekspresyon nito ay tila yelo sa lamig. Kailan ba naging mainit ang pagtanggap nito sa kanya? Since time immemorial, her Tita Marion subjects her as nobody, a pain in the ass.

Mula ulo hanggang paa nitong sinuyod ang kanyang kabuuan. Disgust ang makikita sa mukha nito. Ilang beses na ba nitong pinupuna ang edgy at androgenous look niya. Malayo sa kapita-pitagang larawan nito na classy sa executive outfit nito. Kahit naman anong isuot ng tiyahin, elegante at maganda ito.

“Where have you been?”

Bago sagutin ay nilapitan niya muna ito at hinalikan sa pisngi. Kahit barako siya, pagdating kay Marion at sa ibang mga kamag-anak ay tumutiklop din siya. Nawawala ang akala ng iba ay tapang niya.

 “I was just doing an errand, Tita.”

Umarko ang perfectly-curved eyebrows nito. She was slowly tapping her well-manicured nails on the table. Her nails were painted crimson red. Mas umangat ang kaputian at kakinisan ng balat nito. Ewan niya ngunit tila nakakapangilabot ang ritmikong tunog ng ginagawa nito.

“Errand? May nagpapa-tattoo pa ba in the middle of the night?”

Poised, prim and proper. Ganoon si Tita Marion. Kahit gusto na nitong sabunutan siya dahil sa mga ‘kunsumisyong’ iniaakyat niya sa pamilya nila ay hindi nito iyon gagawin. Instead, pinapakita nito ang distaste sa kanya simply by giving her this stern, cold gazes. Nasorpresa nga siya at ito ang unang kumausap sa kanya. Under normal circumstances, binabalewala lang siya nito.

Mangangatwiran pa sana siya nang lumapit ang driver at kinuha mula rito ang mga dala nito at binitbit patungo sa kotse nito.

“Why would you not start changing career, Vanessa?” nang silang dalawa na lang ulit ay wika nito. Hindi iyon tanong. More like, suggestion. No, utos. “Ano ba ang napapala mo sa pagta-tattoo? Is that even an art?”

Gusto na niyang ipagtanggol ang sarili pero mas pinili niyang manahimik at tanggapin ang anumang sasabihin nito. Sanay naman na siya. Pasok sa isang tenga, lagpas sa kabila. Pero minsan ay tinatablan pa rin talaga siya. Matigas man ay marupok pa din ang puso niya.

“You are a wanderer. Exactly like your mother. I expected you to be somewhat different pero nagiging katulad ka rin niya to some degree.”

Wild ang nanay niya. Laman ng mga parties noong kabataan. Lulong sa drugs. Papalit-palit ng lalaki. To some degree, magkatulad sila ng ina niya dahil kagaya ng nanay niya ay pariwara pa rin daw ang buhay niya, walang direksyon, unproductive. She was not even worthy to carry their family name. The Gregorios are looked up to by people in the society, and she certainly does not belong. Mabuti na rin lang at del Rosario ang gamit niyang apelyido. In one way or the other, she is sparing her family from disgrace kapag nagkakamali siya.

 And wanderer is the newest addition to all the descriptions her family could use.  Gaya ng dati tinatanggap niya ang anumang parunggit ng pamilya nang hindi umaalma.  Sanay na siya pero kailangan pa niyang mas masanay pa.  

Okay lang, may Chad naman siyang matatakbuhan

Comments (8)
goodnovel comment avatar
G.A.
tsk tsk. disappointed
goodnovel comment avatar
Gina de Guzman
baka meron po Jan full story.nito
goodnovel comment avatar
Ruth Peñalver
Ganda sana my nxt pa
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status