Hardcore music. Loud noises. Pinaghalong amoy ng alak, sigarilyo, perfume at human scent. Nakakaliyo din ang ilaw na nagmumula sa LED board sa pinaka-stage ng venue.
Chaotic. ‘Yon ang tamang deskripsyon sa paligid.
Sa gitna ng mga nagsasayawang kabataan na sumasabay sa pinatutugtog na hardcore OPM rock ay hinanahap ni Van ang pamilyar na gwapong mukhang iyon.
Napangiti siya nang matagpuan ang pigurang hinahanap.
Her Chad.
All smiles itong nakatingin sa gawi niya at kumakaway pa. Kapag nakikita niya ang matamis na ngiti ng kababata ay hindi mapigilang lumukso ang kanyang puso. Mas lumalabas kasi ang angking kagwapuhan ni Chad. Kaya naman maraming kababaihan ang nahuhumaling dito. Gaya na lang ngayon, ang daming nagpapa-charming sa binata. Lalo pa at ang galing nito sa pagtugtog ng bass guitar. Ang may kahabaan nitong buhok na tumatabing sa mukha nito ay mas nakakadagdag ng appeal nito habang sumasabay sa bawat nitong galaw. Standing at 6’1” with a body that can keep women drooling is quite a sight to behold.
Miyembro si Chad ng sikat na local band na tumutugtog ng OPM rock music at ito ang tumatayong lider kahit pa nga hindi ito ang soloist ng banda at gitara ang hawak nito.
“Excuse me.”
Kung pwede nga lang niyang hawiin ang mga taong nadaraanan para makarating kaagad sa kinaroroonan nito.
“Hi Chad! Care for an autograph?”
Bago pa man tuluyang nakalapit ay may mga sexy’ng mga babae ang lumalapit-lapit rito at tahasang nagpapakita ng motibo. Lihim na nagngingitngit ang kanyang kalooban. Ang gaganda at provocative pa naman ng kasuotan ng mga ito. Pawang naka-short shorts at halos lumuluwa na ang mga pagkababae.
“Sure, where?”
“Here.”
Nanlaki ang mga mata niya nang walang anong hilahin ng babae ang tila spandex na kasuotan at ipakita ang cleavage sa lalaki. Ang Chad naman, game na game na pinagbigyan ang mga ito. Kinuha nito ang pentel pen na bitbit ng fan at nag-sign sa balat ng babae, sa pinakaumbok ng kaliwang dibdib.
“I thought hindi ka na darating?” nang finally ay matapunan siya ng pansin.
“And I thought gusto mo nang dakmain ang malaking hinaharap nong babae,” pasigaw niyang sagot dahil sa lakas ng musika. Nasa malapit sa sound system pa naman sila.
Napahalakhak ang kaibigan sa komento niya.
“Akala ko iindiyanin mo na ako?” Dumukwang pa ito at inilapit ang bibig sa kanyang tenga upang magkarinigan sila.
Ang bango pa rin ng mokong at fresh breath pa rin.
“Magagawa ko ba yon?” aniyang siniko pa ito sa tagiliran. Kahit bagyo ay susuungin niya para lang dito.
Gumawa sila ng pact noon, they will make each other available whenever necessary lalo na kapag may emergency ang isa sa kanila.
“Doon tayo.” Sinenyasan siya nitong sumunod. Sa labas ng venue siya dinala ni Chad, sa may parking lot. Dito ay nagkakarinigan na sila.
“Kumusta’ng bar?”
“Okay naman. Pero nami-miss ka na ng mga tauhan mo, uy. ‘Paano po, hindi ka na namin napagkikita doon.”
Madalang na nga itong nagpupunta sa bar. Paano’y dumarami ang gigs ng banda nito. Minsan may out of town pa. 'Di tuloy niya maiwasang makaramdam ng pagtatampo dahil madalang na lang silang nagkakasama.
“Maraming parokyano ka bang naburdahan ngayon?”
Sariling jargon nila. Napintahan o naburdahan ang sarili nilang jargon sa pagpapa-tattoo. Nakita marahil nito na panay ang paghilot niya sa kanyang mga kamay. Nakakangawit din kaya ang mag-tattoo.
“Marami-rami din. Thankfully, amoy okay ang mga clients natin ngayon. Walang amoy napanis na kaning-baboy.”
Pansamantalang nahinto si Chad sa ginagawang pag-check ng Ducatti at malakas na napahalakhak.
“Loko ka talaga.”
Loko-loko. Ganito ang tingin nito sa kanya. Loko nga siya, lokong-loko rito. Kung alam lang sana nito.
“Bakit ang tagal mong dumating?”
“Paano po kasi, tinulungan ko pa si Pido.”
Ngumiti ito pagkatapos ay ginulo ang maikli niyang buhok. “Papaano na lang kaya ako, ‘no, kung wala ka? My virtuoso tattoo artist and bestfriend.” May fondness na sumungaw sa mga mata nito. Kapag ganito si Chad ay lihim na natutuwa ang kanyang puso.
“Kaya nga mahalin mo ako, eh, dahil nag-iisa lang ako,” nakaingos pa niyang sabi sabay pinagsalikop ang mga kamay sa tapat ng dibdib.
“Bakit, hindi ba? Mahal na mahal kaya kita.”
Panandaliang tumigil ang mundo niya.
“Mahal mo ako?”
Ngumiti ito ng ubod ng tamis. Dumukwang ito sa tenga niya daan upang maramdaman niya ang init ng hininga nito sa kanyang balat. Nakikiliti siya, kung alam lang nito.
“You’re my best buddy, right?”
False alarm.
“Dapat lang talaga,” nasabi na lang niya.
Tumunog ang phone ni Chad. Kinausap nito ang kung kabilang sino man ang nasa kabilang linya.
“May isang kanta pa daw kaming tutugtugin.”
Magkasama silang bumalik sa loob. Siya ay nasa isang sulok lang malapit sa stage habang si Chad ay nilapitan ang mga ka-banda. Kumaway pa ang mga ito sa kanya. Ilanga sandali pa’y pumailanlang sa paligid ang version nito ng isang 80’s rock ballad na iba ang areglo. Kung tutuusin, parang pag-aari ng banda ang naturang kanta.
Sa buong durasyon ng pagtugtog ng banda ay tanging kay Chad lang nakatuon ang pansin niya. Lihim niyang nahiling na sana sa kanya iniaalay ni Chad ang lyrics ng kanta.
“Ang pogi talaga ng gitarista no?”
“At ang hot.”
“Is he still available?”
Pag-uusap na naririnig niya sa mga kababaihang nasa tabi niya lang.
Kung pwede lang sana niyang tadyakan ang mga ito at sigawan nang: “Off-limits siya!” Pero pinakalihim niya iyon. Mamamatay na lang siya na walang ibang makakaalam.
I wonder kung nararamdaman din kaya nito ang lihim niyang pagtingin rito. Minsan ay natatanong niya sa sarili. Pero syempre, maingat siya. Ayaw niyang mawala si Chad sa buhay niya kaya mas pipiliin niyang sarilinin ang damdamin at mahalin ito ng lihim. After all, sa mga mata nito, she will always be his bestfried.
Encore! Encore!
Paulit-ulit na umalingawngaw nang matapos ang tugtog.
Natapos na at lahat nang naglalakbay pa rin ang diwa niya.
“Chad, ano ba? Hanggang kailan mo ba ako tatanggalan ng piring?” Nangangapa siya sa paligid. Purong kadiliman na lang kasi ang bumabalot sa paningin niya simula kanina nang papaibis na sila ng sasakyan. Sabi nito may espesyal silang pupuntahan. Ang aga pero gumayak na sila. Buong akala niya ay may papasyalan silang kaibigan pero bigla yatang tinopak ang asawa niya. “Shhh…almost there, Love.” Silently, pilit niyang binigyang mukha ang trail na dinaanan. Paakyat ang daang tinatahak nila at sa tantiya niya ay hindi sementado. Mga ilang minuto pa silang naglakad ay may narinig siyang tunog nang humintong motor sa tapat nila. Nakipagbatian si Chad sa isang boses lalaki. Malamang na driver. Ilang saglit pa ay inalalayan na siya ng asawa sa pagsampa sa motorsiklo. Naupo naman ito sa likod niya. Whatever Chad was into, he better made sure na magandang bagay ang makikita niya. Kung hindi, makakatikim talaga ito sa kanya. Nang huminto ang motor ay inalalayan siya ng asawa na makababa sa lupa
Buong akala niya ay sa mismong hotel sila mananatili, but Chad had something better in mind. Sakay ng ATV ay tinahak nila ang bahagi ng property na puro punongkahoy ang naraanan. Humantong sila sa isang malawak na bahagi ng lupain kung saan may nakatayong matayog na punungkahoy sa gitna. Sa itaas niyon ay ang magandang pagkakagawang treehouse. "Tree house?" nai-excite niyang tanong sa asawa. “Yes, Love. Hindi pa ito tapos talaga. I planned on building a mini-park here para sa mga anak natin.” He hugged her from the back. Dumausdos ang palad nito sa impis niyang puson. “This baby will surely enjoy here.” Napalingon siya sa asawa na awang ang bibig. “A-alam mo na?” Ngumisi ito. “Makamandag yata ang semelya ko.” Sa halip na siya ang mangsorpresa, siya pa itong nasorpresa nito. “You’ve been careless. Nakita ko sa bag mo ang pregnancy test.” Hinawakan nito ang panga niya at pilit na hinuli ang bibig upang magawaran ng masuyong halik sa labi. He caressed her face lovingly. “Thank you fo
Walking down the aisle was every woman’s absolute dream. Today, one woman's prayer was realized. Finally. Ang saya sa puso ni Vanessa ay nag-uumapaw lalo pa ngayon na ang tatay niya mismo ang maghahatid sa kanya sa altar patungo kay Chad habang umalingawngaw ang kantang Haplos sa paligid. 'Oh, Chad.' Ipinangako niya sa sarili noon na ikakasal lang siya sa taong mahal niya, sa bestfriend niya. Her feelings for him were kept secret for years. Malamlam ang tsansa niyang magkaroon ng katuparan iyon pero lihim niyang inalagaan sa kanyang puso ang pagmamahal. Ni sa hinagap, hindi niya inakalang magkatotoo. Looking at Chad at the end of the aisle, she can't help but reminisce about the past. She was heartbroken many times. She came this far with all those heartbreaks and pains. She cried a lot. Kapag nakikita niya itong may kasamang ibang babae, lihim siyang nagseselos at nasasaktan. Despite all those pains, her love for him never swayed, it never faltered, not a bit. Umani man siya ng s
Good things come to those who wait, ika nga. As for Vanessa, she waited long enough for this day to finally arrive- her wedding day. “You look so lovely, Nessa.” Mikaela was all praises for her. Ito ang tumatayong maid of honor niya. Tatlong araw na itong nasa Maynila at iniwanan na lang ang business sa assistant. Mula nang dumating ito ay hindi na ito umalis sa tabi niya. Aside kay Mika, naroroon din ang iba pang mahahalagang tao sa buhay niya. “At ang ganda ng damit mo, anak,” naiiyak ding bulalas ni Nanay Vicky ng paghanga habang nakatitig sa kanya. Buong pamilya nito ang pinasundo ni Chad para dumalo sa kasal nila. May part nga si Elaine sa entourage. Chad made sure that all important people in her life were present in this milestone. Pero hi
47 Driving her back to her house added this heaviness in his heart. Idagdag pa ang pangngatiyaw nina Derek. Baka kung saan daw niya iliko si Van. Sa lahat ng pangngantiyaw ay nagiging pula na ang mukha ni Vanessa. Finally, they both enjoyed piece and quiet. But he was far from being peaceful. Ginugulo siya ng nag-uumapaw na sexual tension sa katawan niya. It was even manifested by his bulging manhood. Kapag hindi pa napakawalan ang nasa ilalim ng kanyang pantalon ay baka mabaliw na siya. Vanessa is his fiancée at may nangyari na sa kanila ng maraming beses pero nakakahiyaan niyang hilingin dito ang isang bagay na ngumangatngat sa kanyang utak. “Are you okay?” Napansin marahil ni Van ang pag-igting ng kanyang mga panga at ang paggitiw ng ugat sa kanyang braso. Is he okay? No, he isn’t okay, will never be . Nakatuon sa kalsada ang pansin niya ngunit pasimpleng bumitaw ang kanang kamay at dahan-dahang naglakbay palapit sa nobya. Dumapo iyon sa binti ni Van.
Being away with Van was difficult. He missed her so much. They had been away for so long and enduring another separation was unbearable. Pero ito ang kiasa-isang kundisyon ni Tita Marion, he had no option than to adhere to it. Pasasaan ba at magkakasama rin sila nang tuluyan ni Van. Hahabaan niya muna ang pasensya at pagtitimpi. Siya naman ngayon ang magtitiis. Bumuga siya ng hangin. Nagdesisyon siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Napadako ang mga mata niya sa kabilang side ng king-sized bed. Vanessa was supposed to be lying beside him here. It was supposed to be their matrimonial bed. The same bed he made love to her countless times. Kung bakit ba kasi niya mas piniling magmukmok sa bahay na ito. Binibisista siya ng pangungulila kay Van sa bawat beses na sumasagi sa isip niya ang lahat ng namagitan sa kanila sa loob ng mga araw na ibinuro niya ito rito. Ilang linggo nang ganito. Vanessa and he were denied of the freedom they were supposed to enjoy as a