Share

4

Author: Grace Ayana
last update Last Updated: 2021-07-18 21:24:19

Araw ng Sabado. Magkasama sila ni Chad sa Dutdutan Tattoo Festival sa World Trade Center sa Pasay. Best of the bests sa tattoo art ang nagtipon-tipon para sa dalawang araw na kaganapan. May exhibition at contest na nagaganap kaakibat sa pagta-tattoo. 

"Bakit hindi ka sumali diyan?" Inginuso ni Chad ang isang sulok kung saan nagaganap ang paligsahan ng mga professional inkers. Mula pa sa iba-ibang sulok ng bansa at Asia ang mga naturang tattoo enthusiasts. 

"Eh, ‘di, hindi ko na-enjoy ang panonood," sagot niyang nagkibit-balikat.

Nasa venue rin si Chad, kasama ang banda nito sa tumugtog kanina para sa maikling opening program. Bands and tattooing, they just clicked.

"It's nice to be a spectator kaya. Less stress, walang hassle, walang kaba." Kumukuhasiya ng mga bagong ideas at techniques na pwede niyang magamit sa shop. Nakasali na siya dati at ayaw niyang nakikipag-compete. Imbes kasi n Ca maging maganda ang obra niya, nanginig siya ng todo at ayun, ni hindi man lang naka-place. Pakiramdam niya noong araw na iyon, nabigo niya si Chad. Ngunit si Chad, tri-n-eat pa siya pagkatapos.

"You seemed so serious with your art." 

Komento nito na kasalukuyang kumukukot ng pagkain na nabili nito sa isa sa mga food booths na nakahanay sa isang bahagi.

"Talaga naman. Kasing seryoso ng pagbabanda mo." May sasabihin pa sana siya but someone caught her attention.  "Chad! Chad!”

Parang batang wala sa sariling napahawak siya sa laylayan ng abuhin nitong t-shirt.

“What?” Tumaas ang mga kilay nito.

“Tingnan mo ‘yon,” nguso niya sa isang direksyon. 

Naiiling na sinundan iyon ng kaibigan. 

“Si Apo Whang-Od 'yan. ‘Di ba sabi ko, aakayat tayong Kalinga para lang makita siya? Now, she's really here, in flesh.”

Natawa ang kaibigan sa inasal niya. "Fangirl na fangirl, ah.”

Inirapan niya ang pangangatiyaw nito. “Bakit, ikaw din naman, ah. Noong nag-concert si Mick Jagger sa Singapore, kating-kati at lumipad ka pa talaga roon."

"Rollingstone 'yon, eh. Legend."

"That's exactly my point." Tumaas na rin ang kilay niya.

"Tsk." Napapailing si Chad. "Doon nga tayo."

Itinapon nito sa bmalapit na basurahan ang paper bag ng pagkain at ipinagpag ang mga kamay. Hinila siya nito patungo sa kung saan pagkatapos. Siya naman ay parang tangang lumiyo ang utak na napapasunod. It was just a brief and sudden but the effect… As always, nakakataas ng mga balahibo sa katawan. Nakakatuliro ng utak at nakakapanuyot ng lalamunan.

"Here."

Narating na pala nila ang isang bahagi ng bulwagan at nabitiwan na ang braso niya. Pero ang init, ramdam niya pa rin.

"Hey, Van!"

"H-ha? Ah, eh…"

"Tsk! Iba ka rin, ‘no? Kay Apo Whang-od ka lang talaga na-starstruck ng ganyan."

Sinakyan niya ang sinabi nito. Starstruck nga siya, ang puso niya ay halos malaglag na nang dahil sa mamang ito. Namalayan na lang niyang kinukunan na pala siya ni Chad gamit ang cellphone nito. 

"Chad!" angil niya na tinakpan ng mga kamay ang mukha. 

"Sus! Inarte pa 'to. Sige na. Mahihirapan kang lapitan 'yan. Tsaka, kawawa, kanina pa 'yan nambabatok. Akyat na lang tayo ng Kalinga to have a tattoo session with her."

Umayos siya. This is once in a lifetime. Kung anu-anong pose niya, may nakangiti, nakapangalumbaba, may wacky. Chad made sure na nasa background ang legendary na si Apo Whang-od.

"Sali nga ako." Tumabi si Chad sa kanya. He swiped the front camera at sa panggigilalas niya ay umakbay ito sa kanya at hinapit pa nga ang katawan niya palapit rito.

Oh, she could feel his chiseled chest against her cheek. Langhap niya ang natural na amoy nito na humalo sa pabango. Napansin na lang niyang naglaho ang kanyang ngiti. Ang paghinga ay naging eratiko. The last time she was held this close by Chad was years ago. Mga bata pa sila noon. 

Her senses was troubled by this nearness. Her breathing had suddenly become uneven.

Bakit ba tila may pwersang nag-uutos sa kanyang ipikit ang mga mata at humimlay sa d****b nito at iyapos ang mga braso sa matipuno nitong katawan?

"Hey! Smile naman diyan."

Para siyang nagising sa malalim na pananaginip. "H-ha? O-oo." Mabuti na lang at wala itong napansin sa kakaibang ikinikilos niya. Ang sagwa lang kasing tingnan. Tomboy na tomboy ang itsura niya pero namumungay ang mga matang nakatingala rito. Nakakahiya.

Matapos ang tatlong kuha ay kaagad niyang itinulak ang nakakapasong katawan ni Chad.

"Okay ka lang? You look pale."

"Okay lang, ano?" Sinadya niyang patigasin ang boses at wala sa sariling natupi nang paulit-ulit ang cuff ng long sleeves na ipinangpatong niya sa kanyang kulay itim na t-shirt. Ngunit sa totoo lang ay hindi siya okay. "Pasa mo naman sa akin ang mga kuha ko. Bluetooth mo."

"Mamaya. Hindi makapaghintay."

Biglang tumunog ang cellphone ni Chad. May tumawag rito. A smile showed when he saw who it was. A different kind of smile. Ewan niya ngunit bigla siyang kinutuban. Kilala niya ito. She never saw him smiling that way before.

"Excuse me."

Gaano ba ka-confidential ang tawag at ayaw nitong marinig niya? Hindi man naririnig pero kakaiba ang sayang puminta sa mga mata nito. All the time, he was smiling while chatting to whoever that caller was. Habang pinapanood ito sa malayo ay may gumapang na hindi maipaliwanag na kaba sa puso niya.

"It's a woman."

She knew that. She just knew.

Pinili na lamang niya ang aliwin ang sarili sa pagtingij-tingin sa paligid. But her eyes kept on staring where he's at. Ang lapad ng ngiti nito. May pakagat-kagat pa sa ibabang labi at may pagkakataong pinadadaanan ng mga daliri ang buhok habang napapatingala sa itaas.

"May babae ka na ba, Chad?" Lagi naman itong may fling. Iba nga lanf ang kutob niya ngayon. Ang astig ng pormal niya pero may panunubig sa gilid ng kanyang mga mata.

"Hey!"

Kaagad niyang pinintahan ng ngiti ang mukha nang makabalik si Chad sa gawi niya. Twenty minutes. Ganoon katafal. Inorasan niya talaga. Ang tagal na niyon kung simpleng bagay ang pinag-uusapan ng dalawang tao. 

"So, mananatili ka pa ba rito?"

"Mukhang may lakad, ah."

Sinikap niyang huwag magtunog naghinampo. Usapan nila na hanggang gabi silang magkasama at pupunta sa hideout nila ngunit mukhang maaantala. Kating-kati siyang tanungin kung sino ang kausap nito pero ano ba ang karapatan niya?

"I have to meet someone."

Sinasabi na nga ba. "Sige lang. Tumuloy ka na. I'll be okay here." She flashed the sweetest smile she could sa kabila ng dismayadong pakiramdam.

Isinuksok ni Chad ang cellphone sa likod ng pantalon at tumingin sa kanya. "So, bye. Next time na lang ang inuman."

"Sure."

Ang galing niyang umarte. She could make him believe everything was fine. May hinala siya, after this night, may magbabago sa kanila.

********

Her day was never as exciting as with Chad. Tila nanabang siya sa mga kaganapan sa venue. Gayong ang alive ng atmosphere lalo pa at may tattoo body art show na isinagawa kung saan lively music ng live band ang nagsilbing accompaniment.

"Gaga! Dinala ba ni Chad ang appetite mo sa tattoo art?"

Sa huli ay nagdesisyon siyang umalis. Tinungo niya ang kinapaparadahan ng motor. Habang nakaupo sa motorsiklo ay iniisip niya kung ano ang susunod na gagawin. Pwede siyang bumalik sa bar o umuwi ng bahay. Pero nasa bahay ngayon ang Tita Marion at ibang kamag-anak.

Sa halip ay tumulak siya sa walang patumanggang direksyon. Until she found out, she was heading to Laguna. Eksantong alas siete nang marating niya ang lumang tulay. Ngunit sa pagtataka niya ay may nakaparadang kotse sa unahan. 

"Naririto si Chad?"

Isa pang kotse ni Chad ang naroroon. Ang puting Audi nito ang nakaparada sa unahan.

"Sabi niya may kakatagpuin siya?"

Iyon naman pala ay sosolohin nito ang lugar nila. Kahit na, natutuwa pa rin siya. Isinabit niya ang helmet sa sasakyan at mabibilis ang mga hakbang na binagtas ang direksyon ng tulay. Ilang hakbang pa ang nagawa niya nang marinig ang malamyos na tunog ng gitara.

Dalawang hakbang pa. Then, she saw the silhouette of a man and a woman. Pumailanlang din ang malamyos na tinig. It was Chad's. Kinakantahan nito ng kanta nila ang kung sinumang babaeng 'yon. He sang to her right at their very own spot. He sang to her so tenderly. 

Kaya pala hindi namalayan ng mga ito na may humihintong sasakyan, abala pala ang dalawa sa isa't-isa.

"Nagagawa mo na akong isantabi, Chad."

Hindi maipagkakailang may bumalatay na sakit sa kanyang d****b. She felt the tightening of her chest. Wala naman siyang karapatang makaramdam ng ganito pero hindi niya mapigilan. Ang hapdi ng d****b niya. Parang gusto niyang maiyak na lang. Eh, hindi naman niya pag-aari ang lugar na ito. Magagawa ni Chad na magdala ng kahit na sinong babae rito. Natuklasan na lang niyang may namuong basang bagay sa gilid ng kanyang mga mata.

"Ang labo mo, Van."

Halos buong gabi siyang hindi pinatulog nang nakita niya. Kinabukasan ay himalang nasa bar si Chad. Ang saya ng anyo nito. Iba ang ngiti. Kating-kati na siyang ungkatin ang nakita kagabi pero mas pinili niyang isantabi iyon. May kaunting takot din kasi sa d****b niya sa maaaring isagot nito.

“Saan ka pa nagtungo kahapon? May secret na lakad ka yata,” di nakatiis na huwag mag-usisa. ‘Di talaga kasi siya mapakali.

“I accompanied Mom.”

Sinungaling.

“Saan naman?”

Mas nadagdagan ang kirot sa puso niya. Mas lumalaki ang sugat. Yet, she kept on rubbing salt on her wound

“Tagaytay.”

Laguna ang Tagaytay were two different places. Ang galing naman at nagagawang mag-teleport ni Chad. Ano ba kasi ang masama kung sasabihin sa kanya ang totoo? Bestfriend naman siya nito, ah.

‘Bestfriend ka lang, Van, hindi girlfriend. Ano ba ang pakialam mo kung ayaw niyang ipakilala ang babaeng ‘yon sa ‘yo? H’wag kang paespesyal ha!’

Isinantabi niya ang mga nararamdaman. Umaktong walang alam, iyon ang ginawa niya. Nagpatuloy pa rin ang busy routine nito. Despite of that, he treated her just the same everytime they meet. Kaya, napanatag na rin ang loob niya. Halos dalawang linggo na rin ang lumipas. Baka nga wala lang iyon. Baka isa lang sa mga flings nito.

Sana nga.

Grace Ayana

Sorry, may kaunting error diyan sa dulo.

| 4
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Goyie Estanislao
maganda mga story mo miss grace ayana. sa novel nga nabasa ko yung unwanted mo sobrang Ganda..
goodnovel comment avatar
Gina de Guzman
ma'am Nancy Lumagui calitis matapos nio na po
goodnovel comment avatar
Nancy Lumagui Calitis
lsmpas n dto ing nbasa ko bumalik ulit
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • In Love With My Ex-Bestfriend   Epilogue

    “Chad, ano ba? Hanggang kailan mo ba ako tatanggalan ng piring?” Nangangapa siya sa paligid. Purong kadiliman na lang kasi ang bumabalot sa paningin niya simula kanina nang papaibis na sila ng sasakyan. Sabi nito may espesyal silang pupuntahan. Ang aga pero gumayak na sila. Buong akala niya ay may papasyalan silang kaibigan pero bigla yatang tinopak ang asawa niya. “Shhh…almost there, Love.” Silently, pilit niyang binigyang mukha ang trail na dinaanan. Paakyat ang daang tinatahak nila at sa tantiya niya ay hindi sementado. Mga ilang minuto pa silang naglakad ay may narinig siyang tunog nang humintong motor sa tapat nila. Nakipagbatian si Chad sa isang boses lalaki. Malamang na driver. Ilang saglit pa ay inalalayan na siya ng asawa sa pagsampa sa motorsiklo. Naupo naman ito sa likod niya. Whatever Chad was into, he better made sure na magandang bagay ang makikita niya. Kung hindi, makakatikim talaga ito sa kanya. Nang huminto ang motor ay inalalayan siya ng asawa na makababa sa lupa

  • In Love With My Ex-Bestfriend   50

    Buong akala niya ay sa mismong hotel sila mananatili, but Chad had something better in mind. Sakay ng ATV ay tinahak nila ang bahagi ng property na puro punongkahoy ang naraanan. Humantong sila sa isang malawak na bahagi ng lupain kung saan may nakatayong matayog na punungkahoy sa gitna. Sa itaas niyon ay ang magandang pagkakagawang treehouse. "Tree house?" nai-excite niyang tanong sa asawa. “Yes, Love. Hindi pa ito tapos talaga. I planned on building a mini-park here para sa mga anak natin.” He hugged her from the back. Dumausdos ang palad nito sa impis niyang puson. “This baby will surely enjoy here.” Napalingon siya sa asawa na awang ang bibig. “A-alam mo na?” Ngumisi ito. “Makamandag yata ang semelya ko.” Sa halip na siya ang mangsorpresa, siya pa itong nasorpresa nito. “You’ve been careless. Nakita ko sa bag mo ang pregnancy test.” Hinawakan nito ang panga niya at pilit na hinuli ang bibig upang magawaran ng masuyong halik sa labi. He caressed her face lovingly. “Thank you fo

  • In Love With My Ex-Bestfriend   49

    Walking down the aisle was every woman’s absolute dream. Today, one woman's prayer was realized. Finally. Ang saya sa puso ni Vanessa ay nag-uumapaw lalo pa ngayon na ang tatay niya mismo ang maghahatid sa kanya sa altar patungo kay Chad habang umalingawngaw ang kantang Haplos sa paligid. 'Oh, Chad.' Ipinangako niya sa sarili noon na ikakasal lang siya sa taong mahal niya, sa bestfriend niya. Her feelings for him were kept secret for years. Malamlam ang tsansa niyang magkaroon ng katuparan iyon pero lihim niyang inalagaan sa kanyang puso ang pagmamahal. Ni sa hinagap, hindi niya inakalang magkatotoo. Looking at Chad at the end of the aisle, she can't help but reminisce about the past. She was heartbroken many times. She came this far with all those heartbreaks and pains. She cried a lot. Kapag nakikita niya itong may kasamang ibang babae, lihim siyang nagseselos at nasasaktan. Despite all those pains, her love for him never swayed, it never faltered, not a bit. Umani man siya ng s

  • In Love With My Ex-Bestfriend   48

    Good things come to those who wait, ika nga. As for Vanessa, she waited long enough for this day to finally arrive- her wedding day. “You look so lovely, Nessa.” Mikaela was all praises for her. Ito ang tumatayong maid of honor niya. Tatlong araw na itong nasa Maynila at iniwanan na lang ang business sa assistant. Mula nang dumating ito ay hindi na ito umalis sa tabi niya. Aside kay Mika, naroroon din ang iba pang mahahalagang tao sa buhay niya. “At ang ganda ng damit mo, anak,” naiiyak ding bulalas ni Nanay Vicky ng paghanga habang nakatitig sa kanya. Buong pamilya nito ang pinasundo ni Chad para dumalo sa kasal nila. May part nga si Elaine sa entourage. Chad made sure that all important people in her life were present in this milestone. Pero hi

  • In Love With My Ex-Bestfriend   47

    47 Driving her back to her house added this heaviness in his heart. Idagdag pa ang pangngatiyaw nina Derek. Baka kung saan daw niya iliko si Van. Sa lahat ng pangngantiyaw ay nagiging pula na ang mukha ni Vanessa. Finally, they both enjoyed piece and quiet. But he was far from being peaceful. Ginugulo siya ng nag-uumapaw na sexual tension sa katawan niya. It was even manifested by his bulging manhood. Kapag hindi pa napakawalan ang nasa ilalim ng kanyang pantalon ay baka mabaliw na siya. Vanessa is his fiancée at may nangyari na sa kanila ng maraming beses pero nakakahiyaan niyang hilingin dito ang isang bagay na ngumangatngat sa kanyang utak. “Are you okay?” Napansin marahil ni Van ang pag-igting ng kanyang mga panga at ang paggitiw ng ugat sa kanyang braso. Is he okay? No, he isn’t okay, will never be . Nakatuon sa kalsada ang pansin niya ngunit pasimpleng bumitaw ang kanang kamay at dahan-dahang naglakbay palapit sa nobya. Dumapo iyon sa binti ni Van.

  • In Love With My Ex-Bestfriend   46

    Being away with Van was difficult. He missed her so much. They had been away for so long and enduring another separation was unbearable. Pero ito ang kiasa-isang kundisyon ni Tita Marion, he had no option than to adhere to it. Pasasaan ba at magkakasama rin sila nang tuluyan ni Van. Hahabaan niya muna ang pasensya at pagtitimpi. Siya naman ngayon ang magtitiis. Bumuga siya ng hangin. Nagdesisyon siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Napadako ang mga mata niya sa kabilang side ng king-sized bed. Vanessa was supposed to be lying beside him here. It was supposed to be their matrimonial bed. The same bed he made love to her countless times. Kung bakit ba kasi niya mas piniling magmukmok sa bahay na ito. Binibisista siya ng pangungulila kay Van sa bawat beses na sumasagi sa isip niya ang lahat ng namagitan sa kanila sa loob ng mga araw na ibinuro niya ito rito. Ilang linggo nang ganito. Vanessa and he were denied of the freedom they were supposed to enjoy as a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status