Share

In Love With My Husband's Son (Filipino)
In Love With My Husband's Son (Filipino)
Author: Jay Sea

Chapter 1

CELINE

"Ano ba ang kailangan mo, huh?" tanong ni Mr. Gonzalo sa akin nang lumapit ako sa kanya para magtanong kung may trabaho ba siyang alam na puwede kong pasukan. Baka kasi matulungan niya ako. Sa tingin ko ay mahigit fifty years old na ang edad niya.

Kumakain kasi siya ng mag-isa sa isang restaurant na ina-apply-an ko sana ngunit sabi nila ay hindi naman raw sila hiring. Hindi naman nila kailangan ng bagong empleyado. Naisipan ko siya na lapitan baka kasi matulungan niya ako na magkaroon ng trabaho. Sa hitsura pa lang niya ay sigurado ako na mayaman siya. Kinapalan ko na ang mukha ko dahil kapag hindi ko pa 'yon ginawa ay baka mamatay ako sa gutom nito.

Wala na rin akong mga magulang. Mag-isa na lang talaga ako sa buhay. Kaya kailangan ko na magsikap. Wala naman akong maasahan na iba kundi sarili ko lang naman. Mga walang pakialam naman sa akin ang mga kamag-anak ko. Hindi naman kasi ako mayaman kaya wala silang pakialam sa akin kahit mamatay ako sa kalsada pero huwag silang lalapit kong yumaman nga ako someday.

Kaya nahihirapan akong makahanap ng trabaho dahil hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral. Ang hinahanap nila ay puro college graduate. Hindi naman ako college graduate. Hindi nga ako nakatapos ng high school, eh.

Bago ako sumagot sa tanong ni Mr. Gonzalo kung ano ang kailangan ko ay humugot muna ako nang malalim na buntong-hininga. Nagpakilala na kaagad ako kanina sa kanya pagkalapit ko kaya alam na niya ang pangalan ko. Alam ko na rin naman ang pangalan niya. Guwapo naman si Mr. Gonzalo.

"Ang kailangan ko po ay trabaho, sir. Baka po matulungan mo po ako na maghanap ng trabaho o kaya ay baka may alam ka na puwedeng pasukan ko kahit kasambahay lang po ay papayag na ako. Kailangan ko po talaga ng trabaho, eh. Isang linggo na po akong naghahanap ng trabaho ngunit wala talagang tumatanggap sa akin, eh," sagot ko nga sa kanya. Napatango siya pagkasabi ko sa kanya kung ano nga ang kailangan ko. Bumuntong-hininga siya at saka nagsalita, "Ganoon ba? Kailangan mo pala ng trabaho. Iyon lang ba ang kailangan mo, huh? Ang magkaroon ng trabaho?"

Mabilis naman akong tumango sa kanya at nagsalita, "Opo, sir. Iyon lang po ang kailangan ko. Baka po matulungan mo po ako. Inalis ko na po ang hiya-hiya ko dahil wala akong mapapala nito. Mamatay ako sa gutom nito kung wala akong trabaho."

Tiningnan niya ako ulo hanggang paa. Hindi ko alam kung bakit.

"Nasaan ang mga magulang mo?" tanong niya sa akin kung nasaan ang mga magulang ko.

"Wala na po ang mga magulang ko, sir. Ulilang lubos na po ako. Naunang namatay po ang papa ko limang taon na ang nakalipas. Kakamatay lang po ng mama ko. Tatlong linggo pa lang ang nakararaan. Wala rin po akong kapatid kaya mag-isa na lang po ako ngayon kaya kailangan ko po talaga na magsikap sa buhay. Wala naman pong ibang tutulong sa akin kaya kailangan ko pong gumalaw, kailangan ko po na magkaroon ng trabaho. Sana po talaga ay matulungan mo po ako, sir. Ikaw na lang ang huling pag-asa ko sa kanya," sagot ko sa kanya na naluluha.

"I'm so sorry to hear that. Wala na pala ang mga magulang mo. Wala ka bang mga kamag-anak na puwedeng tumulong sa 'yo, huh?" sagot niya sa akin.

"May mga kamag-anak naman po ako pero wala naman silang pakialam sa akin, eh. Hindi naman kasi po ako mayaman kaya wala rin silang pakialam sa akin. Nakakalungkot ngang isipin, sir," nakangusong tugon ko sa kanya.

"I know that. Nakapagtapos ka ba ng pag-aaral mo?" tanong niya sa akin.

"Hindi po, sir. Hindi po ako nakapagtapos ng pag-aaral ko, eh. Hindi nga ako nakapagtapos sa high school dahil wala na po kaming pera kaya huminto na lang ako sa pag-aaral ko," nakangusong tugon ko pa sa kanya at tumango-tango naman siya pagkasabi ko.

"Ganoon ba? Kaya pala walang tumatanggap sa 'yo na magtrabaho kasi hindi ka naman pala nakapagtapos ng pag-aaral. Ang hinahanap pa naman sa panahon ngayon ay college graduate. Kung hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral mo ay mahihirapan ka talagang maghanap ng trabaho. Magkakaroon ka man ng trabaho pero mababa lang ang sahod. How old are you, huh?" sabi niya sa akin. Totoo naman ang sinabi niya sa akin, eh.

"Twenty-three years old na po ako, sir," sagot ko sa tanong niya kung ilang taon na ako.

"Ang bata mo pa pala," sabi niya at ngumiti naman ako pagkasabi niya. Nagkatitigan kaming dalawa. Nginitian niya ako at nginitian ko rin naman siya pabalik.

"Desperada na po akong makahanap ng trabaho, sir. Tulungan mo naman po ako kung may alam ka pong nangangailangan ng manggagawa na kagaya ko po na hindi naman nakapagtapos ng pag-aaral. Kahit kasambahay po ay walang problema po sa akin kahit mababa lang ang sahod. Ang importante po ay may trabaho ako na pagkukunan ko ng pera. Tulungan mo po ako, sir. Hindi ko na po alam kung saan pa ako mag-apply nito. Nakakapagod na rin na walang tumatanggap sa akin, eh," sabi ko muli sa kanya na naluluha. Sino ba naman ang hindi maluluha sa sitwasyon ko? Wala na ngang mga magulang, Wala pang trabaho. Paano na ako nito? Maghihintay na lang ba ako na mamatay na gutom at walang pera? Ayaw ko naman na ganoon ang mangyari, 'no? Kahit anong klaseng trabaho 'yan ay papasukin ko. Hindi ako mag-iinarte kahit tagahugas pa 'yan ng puwet ng matanda ay gagawin ko.

Hindi muna siya nagsalita pagkasabi ko. Siguro ay nag-iisip siya kung may alam siyang puwede kong pasukan.

After a few minutes ay nagsalita na nga siya. Ang akala ko ay may sasabihin na siya sa akin kung tutulungan na niya ako na magkaroon ng trabaho pero iba ang sinabi niya. Pinaupo niya ako sa harapan niya at pinapili ng gusto kong kainin. Pumili naman nga ako ng pagkain na gusto kong kainin. Hindi na ako nahiya pa. Nagugutom na ako, 'no? Ang laking pasalamat ko talaga kay Mr. Gonzalo kahit papaano. Umaasa ako na tutulungan niya ako.

Nai-serve naman kaagad ang order ko. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga empleyado doon. Inggit lang sila. Ako 'yung tinanggihan nila tapos ngayon ay may kaharap na isang mayaman na lalaki. Mayaman naman talaga siya. Halata sa pananamit niya. Kumain naman kaagad ako. Hinayaan lang ako ni Mr. Gonzalo na kumain. Tahimik lang kaming dalawa.

Busog na busog ako pagkatapos ko na kainin ang in-order kong pagkain. Libre niya 'yon sa akin kaya siya ang magbabayad.

"Maraming salamat po sa paglibre mo po sa akin na kumain ngayon, sir. Nabusog po ako," natutuwang pasalamat ko sa kanya. Nginitian niya muli ako.

"Walang anuman 'yon, Celine," sabi niya sa akin. Nginitian ko naman nga siya.

"Tutulungan mo na po ba ako na makahanap ng trabaho, sir?" tanong ko sa kanya mayamaya. Hindi ko pa kasi alam kung tutulungan ba niya ako o hindi. Tumitig siya sa mga mata ko at bumuntong-hininga.

"Oo. Tutulungan kita pero hindi mo kailangan na magtrabaho," sagot nga niya sa akin na hindi ko maintidihan kung ano'ng ibig niyang sabihin na tutulungan niya ako ngunit hindi ko kailangan na magtrabaho. Ano'ng ibig niyang sabihin sa sinabi niyang 'yon sa akin? Hindi ko maintidihan, eh, kaya napakunot-noo ako.

"Ano po? Ano po ang sinabi mo?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Ang sabi ko sa 'yo ay tutulungan kita pero hindi mo kailangan na magtrabaho..." sabi niya sa akin.

"Paano mo naman po ako tutulungan kung hindi naman pala ako magtatrabaho? Hindi ko po naiintindihan ang sinasabi mo sa akin, sir," reklamo ko nga sa kanya. Bumuntong-hininga muli siya bago nagsalita sa harapan ko.

"Hindi mo kailangan na magtrabaho, Celine. Tutulungan kita. Ibibigay ko ang lahat ng mayroon ako. Bibigyan kita ng maraming pera kaya hindi mo na kailangan pa na magtrabaho pero kailangan mo na pumayag ka sa akin na pakasalan ko. Iyon ang ibig kong sabihin sa 'yo. Naiintindihan mo na ba ngayon ang sinasabi ko? Pakasalan mo ako, Celine. 'Pag pumayag ka na pakasalan ako ay hindi ka na maghihirap pa. Lahat ng naisin mo sa buhay ay ibibigay ko kahit ano pa 'yan," sabi nga niya sa akin at hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya 'yon.

Hindi pala ako magtatrabaho dahil gusto niya na pakasalan ko siya kapalit ng gagawin niyang pagtulong sa akin. Ibibigay raw niya ang lahat sa akin. Pumayag lang ako na magpakasal sa kanya. Kaya pala ganoon ang sinasabi niya sa akin na hindi ko kailangan na magtatrabaho ngunit tutulungan niya ako. Naiintindihan ko na siya sa sinasabi niya.

Ang tanong ko sa sarili ko ay papayag ba ako sa kanya na magpakasal? Tutulungan niya ako. Ibibigay niya ang lahat sa akin kahit ano'ng hingiin ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status