FAZER LOGINGabriel Clark/Adan Montes POV
"sir Gabriel,may maganda akong balita...nakuha ko na po ang files na magdidiin kay Don Ignacio."bungad agad ng tauhan ko sa kabilang linya. "good."agad kong tugon. "ah sir Gabriel.May nais pa akong sabihin sayo." Hindi ako umimik at alam na niya iyon. "Narinig kong may kausap si Don sa kanyang cellphone.Binanggit nito ang pangalan mo,tinatanong kung patay kana ba.Sir,hindi kaya may kinalaman ang tiyuhin mo sa pagkawala ng preno sa sinasakyan mo.Dahilan ng pagkakaaksidente mo?" Mahigpit ang pagkaka-kuyom ng kamao ko dahil sa aking nalaman mula sa tauhan ko. Matagal ko nang pinaghihinalaan si Don Ignacio,na siya ang may pakana ng pagnanakaw sa mga files sa mismong opisina ko.Dahil may plano siyang pabagsakin ako at makuha ang posisyon ko bilang CEO ng Clark Group.Ngunit hindi ko hahayaan na makuha niya iyon mula sa kamay ko.Ako lang ang may karapatan....ako ang tagapagmana ng mga Clark,dahil ako ang nag-iisang apo nila lolo at lola.Si Don Ignacio ay hindi naman talaga totoong anak nila lolo at lola.Kundi siya ay isang ampon lang,na kinupkop nila noong bata pa siya,dahil sa pag-aakalang hindi sila bibiyayaan ng anak.Ngunit,isang taon mula ng inampon siya ng mga ito,nabuntis si lola at iyon ay ang aking ama.Kaya wala siyang karapatan na makuha ang Clark Group. Sa pagkakataong ito,hintayin ko lang siyanc magpatawag ng board meeting,doon ako magpapakakita at ilalabas ang lahat ng ebidensiyang hawak ko at maging ang baho niya....ang illegal niyang negosyo at may isa pang pwedeng magpapabagsak sa kanya.Dumagdag pa aksidenteng nangyari sa akin.Ngunit, kailangan namin makahanap ng ebidensya na magpapatunay na siya ang may kagagawa. ng pagkaka-aksidente ko.Kaya nga napadpad ako sa lugar na ito.Kung matalino siya,mas matalino ako.Hindi ako isang Clark kong magpapatalo ako sa isang tao lang,lalo na sa katulad niya. "email mo sa akin ang files.Ang mata mo,sa kanya lang."utos ko. "masusunod sir Gabriel.Pero may isa pa pong problema,ang lolo ninyo.....magpapa-presscon siya bukas, tungkol ito sa aksidenteng nangyari sa inyo." Napabuntong hininga ako. "alam mo na ang dapat gawin kay lolo.Hindi maaaring mapabalita ang nangyari sa akin,baka mabunyag ang pagkatao ko sa lugar na ito."saad ko. "masusunod po,sir Gabriel.Ako na po ang bahala sa lolo mo.Nag-aalala lang iyon sayo sir,lalo't ikaw lang ang apo niya." Tumango lang ako at hindi na muling nagsalita pa. Pagkababa ko ng tawag,doon sumulpot ang ginang sa aking likuran. Mabait silang mag-asawa at sila ang dahilan kaya buhay pa rin ako.Paano na lang kung hindi ako nakita ng ginang sa bundok na walang malay,puno ng dugo at maraming galos sa buo kong katawan dahil sa ginawa kong pagtalon mula sa rumaragasa kong sasakyan ,na wala palang preno, at gumulong-gulong paibaba.Baka patay na ako. "Adan,nariyan kana pala hijo.Bakit hindi ka pa pumasok sa loob para makapag pahinga na.Mayamaya lang ay kakain na tayo." Lumingon ako at ngumiti sa matanda na kalalabas lang ng maliit na pinto. "sige po,nay Saling...pasok na ako sa loob" "sige hijo,magsasara lang ako ng tindahan.Mauna kana sa loob."sabi niya saka naglakad na papunta sa maliit niyang tindahan. Nakakaawa ang kalagayan ng mag-asawang ito.Walang anak at napakahirap pa ang buhay nila.Dumagdag pa na,hindi na magapag trabaho si manong Mario dahil sa pagkaka-aksidente nito, naputol ang isang binti nito.At ang pinang puhunan nila sa maliit nilang tindahan ay galing sa retirement benefits ni manong Mario at sa multa ng driver.Malaking tulong na iyon sa kanilang mag-asawa,pero hindi pa rin iyon sapat lalo na't matatanda na sila.At sila na lang ang magkatuwang sa buhay.Kaya ang pagtulong nila sa akin ay susuklian ko ng abot ng makakaya ko. Magkaharap-harap kami sa maliit nilang lamesa at pinagsasaluhan ang simpleng pagkain na kaya nilang ihanda.Nang magtanong si manong Mario na may kakaiba sa kanyang labi. "kamusta ang unang araw mo sa barangay hall,Adan.Hindi ka ba pinahirapan ni, kapitana?" "pasaway kang matanda ka.Bakit naman papahirapan ni Kapitana si Adan?Mabait kaya siya at maganda pa."saad naman ni ginang sa kanya. Hindi lang maganda at mabait ang dalaga.Pinagpala pa siya sa lahat.Maganda ang hubog ng katawan, malambot at makinis ang balat.Mapula-pula ang labi,na parang ang sarap s******n ito.Kaya nang magkaroon ako ng pagkakataon,hinalikan ko siya at doon ko nalaman na ang tamis pala ng labi niya,kaya naadik ako at hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi siya halikan ng matagal.Alam kong nagustuhan niya ang halik ko dahil tumugon siya at hindi siya umangal o nagalit man lang. When I saw her in the first time,nang pumunta siya rito upang iabot ang pera kay Aling Saling.Pangalawa, naglakad-lakad lang ako nang makita ko siyang naliligo sa may fuso na tanging manipis na daster ang suot at walang panloob.Gusto ko siyang lapitan ng gabing iyon,pero pinigilan ko aking sarili. Now she is mine.Mine alone. Tumawa lang ang asawa nito. "wala namang mali sa sinabe ko, nay.Nagtanong lang naman ako kay Adan kong ano ang nangyari sa unang araw nito sa barangay." "kumain kana lang,Adan hijo......huwag mong pansin ang sinabe ng matandang ito.Mabait si kapitana,alam kong hindi siya ganung tao." Tumango lang ako at ipinagpatuloy ko ang pagkakain ko. Pero palihim akong napangisi dahil may naglalarong kakaiba sa aking isipan.Pupuntahan ko ang dalaga sa kanila.Alam kong hindi iyon makakatulog dahil sa ginawa ko kanina.Ipinaramdam ko sa kanya na hindi ako madaling makalimutan.Hindi ako isang Clark kong hindi ko siya makukuha at mapaibig. Comment Plsssss....."Para sa bata,kaya kita pinuntahan,kaya kita kinakausap ngayon."madiin ang pagkakasabi ni Carlo ang salitang iyon kay Ara."alam ko!"mahina,ngunit puno ng lungkot ang kanyang dibdib.Mahal ni Ara si Carlo pero galit at puot ang nakapaloob rito.Mula ng makilala niya si Carlo,kahit alam niyang mas matanda siya kesa sa kanya—hindi kawalan ng pag-asa iyon sa kanya.Sabe nga nila,kapag mahal mo ang isang tao—walang matanda o bata para sa pag-ibig.Pero iba ang sitwasyon nila dahil siya lamang ang nagmamahal, ngunit ito ay palihim.Ngunit sa tuwing nakikita niyang sobrang lambing nito sa kanilang Kapitana na si Alice,parang pinagpira-piraso ang kanyang puso.Gusto niyang sabihin rito ang kanyang nararamdaman, ngunit natatakot siyang baka pagtawanan at kutyain—dahil nga mas matanda siya rito.At nang gabi matapos ang kasal nila Alice at Carlo—nang gabing iyon,nagkamali ng silid ang pinasukan ni Carlo at napagkamalan pa siya nitong ang kanyang asawa'ng si Alice.Ang gabing may nangyari sa kan
Gabriel POV Finally, she's mine now.Mine alone. Naganap ang kasal namin ni Alice isang buwan na ang lumipas.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng araw ng kasal namin habang naglalakad siya sa pulang carpet,na sa bawat gilid ay may mga pulang bulaklak palapit sa akin na may ngiti ang kanyang labi. Nakasuot siya ng napaka-eleganteng puting dress na mas lalo niyang ikinaganda.Para siyang isang model ng bridal gown mula sa isang magazine. Ngunit para sa akin, higit pa siya roon. Siya ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko. At sa araw na iyon, habang nakatingin ako sa kanya, isang bagay lamang ang malinaw sa isip ko—si Alice ang gusto kong makasama habambuhay. Napakasaya ko ng araw na iyon,halos maiyak ako sa sobrang kaligayan ko—dqhil sa wakas, ikakasal na kami ni Alice sa simbahan,sa harap ng aming mga pamilya at sa ilalim ng basbas ng Diyos. Matagal kong hinintay ang araw na iyon. Matapos ang lahat ng pinagdaanan namin—ang mga problema, panganib,
Alice POV Pagkatapos nitong i-switch,lumiwanag ang buong paligid.Napalingon ako sa likuran ko dahil pakiramdam ko maraming mata ang nagmamasid sa akin.At ganun na lang ang gulat at panlalaki ng dalawang mata ko sa aking nakita..... Napakurap ako. Ang buong barangay hall na kanina ay madilim at tahimik ay biglang nagbago. May mga maliliit na ilaw na nakasabit sa paligid, may mga bulaklak sa gilid, at sa gitna ay may mahabang daanan na tila sadyang inayos para sa isang espesyal na okasyon.Napaka engrande. Napatingin ako kay Estefan.Bahagyang nakangiti siya. "Anong...?" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil may narinig akong tugtog mula sa kabilang bahagi ng bulwagan. Muli akong napalingon.At doon ko sila nakita. Nandoon ang mga taong malalapit sa akin. Ang mga tauhan sa barangay, ilang mga kaibigan, at ang mga taong araw-araw kong nakakasalamuha na may mga ngiti sa kanilang mga labi. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang taong nakatayo sa dulo ng daanan—sa may stage,si G
Alice POV Muli akong naging abala matapos ang pasurprise ng mga tao sa akin. Tinanong ko sila kung ano ang meron,bakit nila ako binigyan ng pulang rosas.Ang sabe nila—masaya lamang sila para sa akin at naging mabuti daw akong kapitana sa kanila.At masaya rin naman akong paglingkuran sila sa abot ng aking makakaya. Syempre alam ko iyon,kaya hindi na ako muling nagtanong.Sapat na para sa akin ang sagot nilang iyon. Kaya sa susunod na botohan,ako daw muli ang kanilang papaupuin na kapitan. Ang tungkol doon ay hindi ko pa napag-iisipan.Pero hindi ko naman tinatanggihan. Napasulyap ako sa pulang mga rosas sa gilid ng lamesa ko at bahagya rin akong napangiti. Hindi ko man inaasahan ang simpleng sorpresa nila sa akin,pero nakakataba pa rin ng puso na malaman na naa-appreciate nila ang ginagawa ko para sa barangay. Naging abala ako sa mahabang oras. Pagsapit ng tanghali,napahilig ako sa aking upuan.Nag-angat ako ng tingin,oras na para umuwi.Kaya tumayo na ako mula sa pagkaka
Alice POV Dalawang linggo na ang lumipas matapos ang nangyari sa buhay namin. Ang pagkidnap sa akin ng tiyuhin ni Gabriel, ang mga putukan ng baril na narinig ko sa buong paligid ng bodega, at ang katotohanang pagkamatay ng magulang ni Gabriel—na sadyang ipinapatay ng sarili niyang tiyuhin—ay sariwa pa rin sa aking isipan. Ang mga nangyaring iyon ay naging trauma sa akin. Nagising na lang ako noon sa isang hospital. Nakasuot ako ng puting damit, nakahiga sa isang malinis na kuwarto, at may suwero sa kamay ko. Dalawang araw akong nanatili roon bago tuluyang pinayagan ng doktor na makalabas ng hospital. Ilang araw din akong nagpahinga. Ngunit hindi maaaring magtagal ang aking pagkawala sa trabaho. Kailangan ako ng mga mamamayan, lalo na't marami pa ring kailangang asikasuhin sa barangay hall. Marami akong responsibilidad na hindi ko basta-basta maaaring iwan.Malapit na rin namang matapos ang termino na sinimulan ng ama ko. Ngunit kabilin-bilinanan ng doktor na kailangan ko
Gabriel POV Nanatili akong nakatayo sa harapan ni Alice habang nakatutok ang aking baril sa dalawang lalaking nasa tapat namin.Kumukulo ang dugo ko sa kanya dahil sa mga kasalanan nitong ginawa sa akin at sa aking asawa. Ngunit higit sa lahat, hindi ko maalis ang tingin ko sa lalaking nasa tabi niya.May hawak din itong baril at diretso ang pagkakatutok nito sa akin—si Coronel Ferrer,ang matalik na kaibigan ng tiyuhin ko. "sabe ko na nga ba, hindi mo matitiis na makita ako....mahal kong pamangkin." Napatiim bagang ako at mariin kong hinigpitan ang hawak ko sa baril. “Wala kang karapatan na tawagin mo akong pamangkin,dahil wala namang dugong nananalaytay sa ating ugat."malamig kong tugon. Tumawa siya ng malakas,parang nababaliw. "tama!walang dugong nananalaytay sa ating ugat, ngunit naging parte ako sa pamilya Clark."tumigil muna ito sandali, ngunit nakita kong napakuyom ito ng kamao. Ngunit ilang segundo lamang ang lumipas ay muli siyang tumawa. Kasabay noon ay biglang n
Alice POV Naalimpungatan ako dahil sa naririnig kong mga kaluskos mula sa labas ng bahay.Bumangon ako at kinuha ang selpon ko sa ibabaw ng drawer upang tingnan kong anong oras na.Baka si mama lang iyon na naglilinis na sa bakuran.Pero pagtingin ko ng oras....alauna palang ng madaling araw.Kaya nap
Alice POV Naghahanda na ako para sa pagpasok ko ng barangay hall.Kailangan kong maagang pumasok ngayon,dahil nakatanggap ako ng mensahe kagabi,na bibisita ngayon si Mayor Gerry Calderon.Kaya hindi ako dapat malate na pumasok.Ano na lang ang sasabihin ng butihing mayor kong pahuli-huli ako sa tra
Alice POV Naging mahirap at nakakapagod ang isang buwang paghahanda para sa fiesta ng Santa Barbara. Pagkatapos ng isang linggo,natapos na rin sa wakas.Talo man kami sa mga aktibidad,basta ang mahalaga ay naitawid namin ng maayos nang walang problema.Ang problema ko naman sa expenses ay natapos
Alice POV Dalawang lingo na ang dumaan,kaya tatlong lingo na rin akong nakaupo bilang kapitana.At si manong mario naman ay nakalabas na nang hospital at ito'y kasalukuyang nagpapagaling na sa kanilang bahay. Bago ako uuwi mamaya, kailangan ko munang dumaan sa bahay nila upang ibigay ang retirem







