LOGINAlice POV
Dalawang lingo na ang dumaan,kaya tatlong lingo na rin akong nakaupo bilang kapitana.At si manong mario naman ay nakalabas na nang hospital at ito'y kasalukuyang nagpapagaling na sa kanilang bahay. Bago ako uuwi mamaya, kailangan ko munang dumaan sa bahay nila upang ibigay ang retirement benefits ni manong Mario at upang kausapin din si manang Saling tungkol sa pera'ng galing sa driver ng truck.Kung ano ang dapat nilang gawin sa pera.Alam kong malaking tulong na ito sa kanila. "kapitana,tapos na po ang pinapagawa mo sa akin."sambit ni ate Ara at inilapag ang mga ilang pirasong papel sa harapan ko. Inangat ko ng kaunti aking balikat at hinilot dahil nakaramdam na ako ng pangangawit.Kanina pa kasi ako nakayuko dahil marami ang trabaho.Mabuti na lang nandito si ate Ara na handa akong tulongan sa mga hindi ko pa masyadong gamay na trabaho. "salamat talaga sa tulong mo ate Ara.Talagang hindi ko kayang gawin mag-isa lahat ang trabaho rito sa barangay."wika ko. Tumawa siya ng mahina. "walang anoman po,kapitana ganyan lang po talaga kapag summer,taon-taon may fiesta... kapag may fiesta.....maraming trabaho, ngunit marami rin kayong mapapasaya na mga tao.Ayaw niyo ba yon.At saka narito ako upang tulungan ka kapitana." Sobrang saya ko talaga dahil palaging nariyan si ate Ara na handang tulungan ako. Nang kakaupo ko pa lang bilang kapitana, sobrang nahirapan talaga ako.Hindi ko alam kong ano ang uunahin kong gawin.Mabuti na lang inalalayan ako ni ate Ara.Paano na lang kong wala siya,baka hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko bilang kapitana sa barangay na ito. "oo nga pala ate Ara.Kamusta na ang mga players at street dancers,kumpleto na ba sila? At saka yong lalahok sa pageant,may nahanap na ba kayo?"tanong ko. "kumpleto na po ang mga players ng basketball at ang mga street dancers,ngunit wala pa rin kaming nahahanap na maaaring sumali sa pageant, kapitana.Umaayaw agad sila kapag tinanong namin kung gusto nilang sumali.Ang rason kasi nila,takot daw silang matalo at magkamali."agad na sagot ni ate Ara. "bakit sila matatakot na matalo?At saka,bakit iyon agad ang isipin nila,diba dapat positibo.Paano kong sila ang manalo,ayaw ba nila ng premyo at ayaw ba nilang sumikat sa bayang ito?"tanong ko kay ate Ara. "yon na nga po ang problema sa kanila, kapitana.....pinapangunahan nila ang ang takot kesa lumaban.Hindi sila katulad mo kapitana na palaban... at syempre dahil magaling ka,maganda at taglay mo ang pang ms.Santa Barbara,kaya ikaw ang naging Ms.Santa Barbara."masayang sabi ni ate Ara sa akin. Bahagya rin akong ngumiti.Totoo ang sinabe ni ate Ara,nanalo ako bilang Ms.Santa Barbara noong nakaraang taon at si papa pa ang nakaupo bilang kapitan. "salamat ate Ara.Pero sana,may mahanap na tayo.Hindi naman maaaring wala tayong isasali sa gaganaping pageant ngayong taon.At ano na lang ang sasabihin ng mayor natin."malungkot kong sabi kay ate Ara. "huwag kang mag-alala kapitana,hindi kami titigil na maghanap ng dalagang pwedeng isali sa pageant.Think positive,kapitana makakahanap din tayo."pampalubag loob na sabe ni ate Ara sa akin. Nawala ang lungkot ko dahil sa sinabe niya.Wala talagang papantay sa kabaitan ni ate Ara sa akin. Naging abala ulit ako sa maghapon.Hindi naman ako iniwan ni ate Ara.Talagang tinutulungan niya ako kahit hindi naman niya trabaho. Past 5 na ng matapos lahat ng trabaho namin ni ate Ara ngayong araw.Kaya nagkayayaan na kaming umuwi.Dahil magkaiba ang way ng bahay namin,iba ang daanan niya.Ako naman ay ihahatid ni Carlo...tulad ng dati.Kada hapon ay ihahatid niya ako sa bahay.Pero ngayon, kailangan muna naming dumaan sa bahay nila manong Mario upang ibigay ang pera sa kanila. "kapitana, narito na po tayo." Nag-angat ako ng ulo at nakita kong narito na pala kami sa tapat ng bahay nila manong Mario.Abala kasi ako sa cellphone ko dahil may importante akong ka-chat,kaya hindi ko napansin na tumigil na pala ang sinasakyan namin. Nauna akong bumaba ng sasakyan at tuloy tuloy akong lumapit sa bahay nila manong Mario.Nang akma akong kakatok,kusang bumukas ang pinto ng bahay nila. "kapitana,ikaw po pala.Pumasok ka,nasa loob si Mario."masayang sambit ni manang Saling sa akin. "manang Saling,narito pa po ako .Ayaw niyo ba akong papasukin?."parang batang paslit na nagtatampo sa lola. Kaya sabay kaming natawa ni manang Saling dahil inasal ni Carlo. "akala ko kasi gwapong engkanto ang nasa likuran ni kapitana...ikaw pala, Carlo.Sige pumasok kana rin."natatawang sabi ni manang Saling sa binata. "ikaw talaga, manang Saling.Mabuti na lang gwapong engkanto ang sinabe mo,baka magtatampo ako sayo kapag sinabe mong pangit." "maupo po muna kayo kapitana, tatawagin ko lang aking asawa at maghahanda ako ng meryenda ninyo." Ngunit agad kong pinigilan ang ginang. "naku hwag na po manang Saling Idadaan ko lang talaga itong pera na galing sa driver ng truck at ang retired payment ni manong mario."aniko. "ah ganun po ba,kapitana.Naku,maraming salamat po.'maluha-luhang pasasalamat ng ginang. "walang anoman po manang Saling dapat lang na mabigyan ng retired payment si manong Mario dahil masipag po siyang naglilingkod sa barangay.At saka kaya po personal na ko ang nagbigay ay dahil balak kong kausapin kayo kong ano ang magandang dapat ninyong gawin sa pera ninyo...ong okay lang sa inyo ni manang Saling?" "iyon nga rin po ang plano ko kapitana,ang kausapin kayo dahil alam kong ikaw lang ang makakatulong sa amin."sabi ni manang Saling. Tumango ako. Pagkatapos kong ipaliwanag kay manang Saling ang dapat nilang gawin.Agad din kaming nagpaalam na uuwi na,dahil sobrang ramdam ko talaga ngayong araw ang pagod.Alam kong hindi lang ngayon ang nakakapagod na araw....alam kong sa mga sumunod pa na mga araw. Ngunit kakayanin ko ang lahat,para sa mga taong nagtitiwala sa akin.Alice POV Si Adan ang naitalagang magbantay mamayang gabi,dahil siya lang ang wala pang asawa bukod kay Carlo.Ngunit si Carlo ay may importante itong pupuntahan,nasa hospital ang nanay niya kaya kailangan nitong bantayan.Walang kapatid si Carlo at wala rin siyang ama,kaya silang mag-ina na lang ang magkatuwang sa buhay.Pero maayos naman ang pamumuhay nila.Ang pagiging tanod ni Carlo ay parang naglilipasan lamang niya ng oras.Ngunit pinangako naman niyang babawi siya kapag makalabas na nang hospital ang nanay niya.Ang iba namang tanod ay may pamilya na.Syempre naintindihan ko naman sila, kailangan din sila ng kanilang pamilya.May magro-ronda rin tuwing gabi sa daan para sa nasasakupan ng barangay.At ipinabalita na rin sa lahat ang oras ng curfew,hindi dapat aabot ng alas onse ng gabi silang pagala-gala sa labas.Kaya bago mag alas onse ng gabi ,dapat nasa loob na sila ng kani-kanilang bahay."kapitana,maayos na po ang lahat."pabatid sa akin ni ate Ara na kapapasok pa lamang."salamat
Alice POV Naalimpungatan ako dahil sa naririnig kong mga kaluskos mula sa labas ng bahay.Bumangon ako at kinuha ang selpon ko sa ibabaw ng drawer upang tingnan kong anong oras na.Baka si mama lang iyon na naglilinis na sa bakuran.Pero pagtingin ko ng oras....alauna palang ng madaling araw.Kaya napakunot ang noo ko at nagtataka. Nanlalaki aking mata....na baka ang kapre iyon sa puno at siya ang gumagawa ng ingay.Pero bakit hindi ko marinig ang mga yabag niya?Diba dapat mabibigat ang paglakad niya.......tulad ng nababasa ko sa komiks.....mabibigat ang yabag ,malaki,maitim at laging may sigarilyo sa bibig. Ngunit tanging kaluskos lamang.Baka nga tao ang nasa labas na umaaligid at balak kaming gawan ng masama?O pwede ring akyat bahay.Balak magnakaw. Kinabahan ako lalo,pareho pa naman kaming babae.Kung sana buhay pa si papa,baka may magtatanggol sa amin ni mama.Ngunit wala na ito. Dahil sa takot,naghanap ako ng maaaring magamit ko sa pangprotekta sa akin at ni mama.Ang lakas ng kab
Gabriel Clark/Adan Montes POV "sir Gabriel,may maganda akong balita...nakuha ko na po ang files na magdidiin kay Don Ignacio."bungad agad ng tauhan ko sa kabilang linya. "good."agad kong tugon. "ah sir Gabriel.May nais pa akong sabihin sayo." Hindi ako umimik at alam na niya iyon. "Narinig kong may kausap si Don sa kanyang cellphone.Binanggit nito ang pangalan mo,tinatanong kung patay kana ba.Sir,hindi kaya may kinalaman ang tiyuhin mo sa pagkawala ng preno sa sinasakyan mo.Dahilan ng pagkakaaksidente mo?" Mahigpit ang pagkaka-kuyom ng kamao ko dahil sa aking nalaman mula sa tauhan ko. Matagal ko nang pinaghihinalaan si Don Ignacio,na siya ang may pakana ng pagnanakaw sa mga files sa mismong opisina ko.Dahil may plano siyang pabagsakin ako at makuha ang posisyon ko bilang CEO ng Clark Group.Ngunit hindi ko hahayaan na makuha niya iyon mula sa kamay ko.Ako lang ang may karapatan....ako ang tagapagmana ng mga Clark,dahil ako ang nag-iisang apo nila lolo at lola.Si Don Igna
Alice POV Naghahanda na ako para sa pagpasok ko ng barangay hall.Kailangan kong maagang pumasok ngayon,dahil nakatanggap ako ng mensahe kagabi,na bibisita ngayon si Mayor Gerry Calderon.Kaya hindi ako dapat malate na pumasok.Ano na lang ang sasabihin ng butihing mayor kong pahuli-huli ako sa trabaho.Kapitana pa naman ako sa barangay na ito. "papasok kana ba,anak?Dalhin mo itong inihanda kong baon mo para hindi kana bumili sa canteen mamaya.Paboritong ulam mo ito."nakangiting sabi ni mama sa akin. "salamat po ma." Sabay kuha ko sa lunchbox na hawak ni mama at humalik sa pisngi niya.Pagkatapos,nagpaalam na ako sa kanya. Pagbaba ko pa lang ng tricycle,agad kong napansin ang grupo ng kadalagahan sa bungad ng gate,kong saan papasok ng barangay hall.Napakunot ang noo ko dahil para silang mga bubuyog na pinag-uusapan ang isang lalaki. "grabe, sobrang gwapo niya.Ang hot pa niya.Halos malaglag kanina ang panty ko ng ngumiti siya,mabuti na lang nahawakan ko agad."sabi ng isang dala
Alice POV Naging mahirap at nakakapagod ang isang buwang paghahanda para sa fiesta ng Santa Barbara. Pagkatapos ng isang linggo,natapos na rin sa wakas.Talo man kami sa mga aktibidad,basta ang mahalaga ay naitawid namin ng maayos nang walang problema.Ang problema ko naman sa expenses ay natapos na,dahil iyon sa malaking tulong ng butihing mayor...si mayor Gerry Calderon.Kaya lubos akong nagpapasalamat rito.Sa susunod na halalan,siya pa rin ang ihahalal ko bilang mayor ng bayan. Ngayon ay wala nang masyadong trabaho.Kaya hindi na sumasakit ang ulo ko sa kakaisip sa mga gawain rito sa barangay. Masasabi kong sobrang hirap ang tungkulin ng kapitan, ngunit nakakataba naman ng puso dahil marami akong napapasayang tao.Kung masaya sila....masaya rin ako. Abala ako sa aking trabaho sa mga oras na ito.Ngunit napatigil ako ng tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng table ko.....si manong Mario ang caller,kaya agad ko itong sinagot.Baka kasi may importante itong sasabihin. "magandang ha
Alice POV Dalawang lingo na ang dumaan,kaya tatlong lingo na rin akong nakaupo bilang kapitana.At si manong mario naman ay nakalabas na nang hospital at ito'y kasalukuyang nagpapagaling na sa kanilang bahay. Bago ako uuwi mamaya, kailangan ko munang dumaan sa bahay nila upang ibigay ang retirement benefits ni manong Mario at upang kausapin din si manang Saling tungkol sa pera'ng galing sa driver ng truck.Kung ano ang dapat nilang gawin sa pera.Alam kong malaking tulong na ito sa kanila. "kapitana,tapos na po ang pinapagawa mo sa akin."sambit ni ate Ara at inilapag ang mga ilang pirasong papel sa harapan ko. Inangat ko ng kaunti aking balikat at hinilot dahil nakaramdam na ako ng pangangawit.Kanina pa kasi ako nakayuko dahil marami ang trabaho.Mabuti na lang nandito si ate Ara na handa akong tulongan sa mga hindi ko pa masyadong gamay na trabaho. "salamat talaga sa tulong mo ate Ara.Talagang hindi ko kayang gawin mag-isa lahat ang trabaho rito sa barangay."wika ko. Tumawa s







