Kitang-kita ni Jastine ang pagngisi ng lalaki habang inilalayo nito ang sarili. “Ayan na naman ‘yang titig mo, miss or whatever,” pigil ang tawa na saad ng lalaki.
Sumama agad ang pinupukol na tingin ni Jastine sa lalaki. “Napakayabang mo rin, ano? For your information, hindi kita tinititigan. Nagtataka lang ako bakit hindi ka pa umaalis. Kita mo naman na okay na ako. Kaya shoo ka na.” Ginalaw ni Jastine ang kanan niyang kamay, pinapaalis na ang lalaki. “Alis ka na. Baka kung ano pa isipin ng iba kapag nagtagal ka pa rito sa loob.”
“At ano naman ang iisipin nila? We are doing nothing here.” The guy smirked. At hindi maipagkakaila sa mukha nito na natutuwa ito sa pinaggagawa ni Jastine. “Or is there something you want us to do, miss or whatever?”
Inayos ng lalaki suot na eyeglasses. Pagkatapos ay tiningnan nito si Jastine nang bahagya na nakayuko ang ulo. Tila nagpapapogi at nagpapa-cute sa harapan ni Jastine.
Lalong sumama at tumalim ang mga mata ni Jastine. Maging ang mukha ni Jastine ay naging seryoso. Ngunit sa kaloob-looban niya at sa isipan niya ay tila mababaliw na siya sa lalaki. “Excuse me? Ano naman ang ibig mo sabihin?” Pilit na hindi pinapakita ni Jastine na naaapektuhan siya sa pagpapa-cute ng lalaki.
Taena lang. Kung maayos lang talaga ang first impression ko sa lalaking ‘to. . .
“At saka kanina ka pa sa kaka-miss or whatever sa akin.” Inirapan ni Jastine ang lalaki. “Para sa kaalaman mo, babae ako, mister. . .” Hindi natapos ni Jastine ang sasabihin niya. Hindi niya rin alam kung ano ang pangalan ng lalaki. Kaya hindi na niya tinuloy pa at huminto na sa pagtawag nito ng mister.
“What? I don’t mean anything about my question. Ikaw ang nagsabi na baka iba na ang isipin ng iba kapag nagtagal ako rito,” tugon naman ng lalaki na tila hindi alam ang tinutukoy ni Jastine. Pinasok nito ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon nito.
Napalunok si Jastine. The guy looked hot and sexy as he did that. At tila lumakas ang dating nito sa paningin ni Jastine.
Nalintikan na talaga. Mukhang iniisip na talaga ng gagong lalaking 'to na may iba akong gusto gawin. Hindi ito pwede! Hindi!
"Ohh. . . So, you are a girl?" tanong pa rin ng lalaki kay Jastine.
Kumulo pa lalo ang ulo ni Jastine nang tiningnan siya ng lalaki. Sa paraan ng pagtingin nito kay Jastine ay sapat na upang malaman ni Jastine na nagdududa ito sa kanya, hindi naniniwala na babae siya.
"But you don't look like one. You don't look like a girl."
Napasinghap si Jastine. "So ano ang ibig mo sabihin? Na hindi ako babae?"
Tumayo nang maayos ang lalaki. "Wala akong sinabi. You said it yourself though," sabi ng lalaki bago naging malikot ang mga mata nito. Pinasadahan ng lalaki ng tingin ang kabuuan ng silid.
Bumalik ang tingin at pansin nito kay Jastine. "Now that I have noticed. . . This room seemed like a private room for customers. . .” Marahan na umiling ang lalaki. “Now I understand why you said such a thing. Hindi ko naman kasalanan na ito ang tinuro ng mga kasama mo at dito raw kita dalhin.”
Tumayo si Jastine. Pinagtaasan ng kilay ni Jastine ang lalaki. She then crossed her arms. At dahan-dahan siya na naglakad palapit sa lalaki. Hindi na nakayanan ni Jastine ang inaakusa sa kanya ng lalaki. “Wow. . . Just wow. . . Hindi porket hindi ako nagsusuot ng mga damit na sinusuot ng normal na babae ay hindi na ako babae. Bakit? Bawal na ba magsuot ng ganito ang babae? Ang mag-drag fashion?”
Huminto si Jastine sa tapat ng lalaki. Sinalubong ni Jastine ang tingin nito. Ngunit, hindi matuon ang buong atensyon niya sa pakikipagtagisan ng tingin sa lalaki. Hinahalina siya ng mapanlinlang nitong maamo na mukha. Hindi talaga magsisinungaling si Jastine sa kanyang sarili na gwapo talaga ang lalaki na kasalukuyan niyang kaharap. Idagdag pa ang tila lumakas pa na dating nito nang sobrang lapit na niya rito.
Sinampal ni Jastine ang kanyang sarili sa loob ng isipan niya. Nagawa pa niya talaga na purihin ang lalaki. Dapat mainis siya rito kahit na nasa lalaki ang hinahanap niya sa isang ideal boyfriend at husband, physically.
“At anong tingin mo sa akin papatol na lang basta-basta at kani-kanino? Hoy! Kahit gwapo ka pa, hindi ako papatol sa ‘yo. Ang yabang mo masyado sa sarili at ang taas ng tingin mo sa sarili mo.” Pinasadahan niya ito muli ng tingin mula ulo hanggang paa at paakyat ulit. Ngunit huminto ang tingin siya sa bandang gitna ng lalaki nang napansin niya ang malaking umbok dito.
Naramdaman ni Jastine ang bigla na panunuyo ng kanyang lalamunan. Palihim na lumunok si Jastine. Ang mga mata naman niya ay tila napako na sa umbok.
“I see. . . Iyan pala ang tingin ng hindi papatol sa gwapo na katulad ko,” saad ng lalaki. “And I almost believed that you really are a girl, but the way you drool at me, made me wonder if you really are a girl. Are you sure you are a woman?”
Tila natauhan naman si Jastine sa kanyang narinig. Iniwas ni Jastine agad ang tingin sa parteng iyon ng lalaki. Umangat ulit at sinalubong ni Jastine ang tingin ng lalaki na ngayon ay kinainis lang ni Jastine. Tuwang-tuwa ang lalaki sa ginagawa niya.
“H-Hindi talaga ako papatol sa ‘yo.” Panandalian na bumaba ulit ang tingin niya sa gitnang parte ng katawan ng lalaki. Bumalik din agad ang tingin niya sa mukha nito. “At saka anong pinagmamayabang mo? Parang toothpick nga lang din ‘yang sa ‘yo. Huwag ka masyadong feeling. At higit sa lahat, babae ako. Kung ayaw mong maniwala, bahala ka na sa buhay mo.”
Inirapan ni Jastine ang lalaki. Binawi ni Jastine ang kanyang tingin. “Makaalis na nga lang kesa makipag-usap ako sa isang katulad mo na walang mudo. Ikaw na nga ‘tong nagpahamak sa akin, ikaw pa ‘tong may ganang magganyan.” Inirapan ito ulit ni Jastine. At saka sinimulan na ni Jastine ang maglakad upang lumabas ng naturang silid.
Dadaanan na sana ni Jastine ang lalaki at iwanan ito nang kung anong kamalasan na naman ang yumakap sa kanya. Bigla na lamang na nawalan ng balanse si Jastine. Natapilok siya at nasira ang takong ng isa niyang sapatos.
Inaasahan na ni Jastine na babagsak siya sa sahig kaya ipinikit na lamang niya ang mga mata. Makaraan nang ilang halos isang minuto ay hindi naramdaman ni Jastine ang pagbagsak sa sahig. Bagkus ay naging komportable ang pakiramdaman niya. Naging komportable siya sa kung kadahilanan.
“Iyan na pala ang ayaw, miss or whatever? I really could not help but think that you intentionally faked your losing of consciousness and falling from the stage act para makuha ang pansin ko at madala mo ako rito. Is this one of your ways to get a guy?”
Napamulat ng mga mata si Jastine. At ang nakangising mukha ng lalaki ang unang nakita ni Jastine. Halos hindi agad na makasagot si Jastine sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t isa. Lumunok si Jastine sa kaba. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Hindi na rin niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng lalaki. At higit sa lahat, hindi niya maunawaan ang sarili niya. Gusto niyang itulak ang lalaki ngunit gusto niya rin na hayaan ang lalaki sa pagyakap sa kanya.
Napalunok ulit si Jastine nang maramdaman niya na may tumutusok na matigas na bagay sa may tiyan niya.
“Jastine, sabi ni boss pwede ka na raw umuwi para makapagpahinga ka,” ang sabi ng isang boses mula sa pintuan. Papasok ito sa silid.
Mabilis na tinulak ni Jastine ang lalaki para makawala at makalayo sa lalaki. At upang hindi sila maabutan sa ganoong posisyon. Ngunit, mukhang malas talaga si Jastine sa gabing ito. Dahil sa nasirang takong na hindi napansin ni Jastine ay hindi niya nabalanse ang kanyang sarili pag-atras niya.
Sa pagkataranta ni Jastine. Nahigit niya ang kamay ng lalaki. Pero huli na ang lahat bago pa makaaksyon ang lalaki at i-maintain ang balanse nito. Pareho na natumba si Jastine at ang lalaki sa sofa na kanina ay hinihigaan ni Jastine nang siya ay nagkamalay. Napahiga si Jastine sa sofa at nakapatong sa kanya ang lalaki.
“Jastine. . .” napahinto ang kapapasok lang sa silid. “S-Sorry. . . Nakakaisturbo ata ako. Babalik na lang ako mamaya.”
Nanlaki ang mga mata ni Jastine nang maramdaman na lamang niya ang malambot na labi ng lalaki na nakalapat sa kanya.
Takte. . . Kung minamalas ka nga naman talaga. Malas nga ba talaga?
Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ni Jastine. Hindi na niya napigilan pa ang pag-uunahan ng bwat patak nito na makatakas sa kanyang mga mata. “D-Drei. . . B-bakit. . . H-hindi mo a-agad sinabi?” mahinang sabi ni Jastine. Diretso ang titig niya sa mga mata ni Drei. Sa isang iglap, naramdaman ni Jastine ang init ng pagyakap ni Drei sa kanya. Inaalo pa siya nito upang tumahan. “Jastine, I know I should have told you immediately. But. . . gusto ko rin muna na maalala mo ako at kung ano ako sa ‘yo kaya hindi ko agad sinabi sa ‘yo. I’m so sorry for doing that.” Sinagot ni Jastine ang yakap ni Drei. “No. . . Ako dapat ang mag-sorry. Kinalimutan ko ang lahat ng tungkol sa ‘tin. At hindi ko agad naalala.” Nanatili silang dalawa na magkayakap. Bahagya nang nakaluhod si Drei sa kama habang si Jastine ay nakaupo pa rin. Marahan nitong hinahaplos ang likuran ni Jastine. “Shh. . . It’s not your fault, babe. I’m the at fault for leaving you behind given your situation. I shouldn’t have muste
Umabot ng mahigit isang oras ang paghihintay nina Jastine sa results ng mga medical at laboratory exam. At imbes na maburyo sa paghihintay nito lalo na nasa loob lamang siya ng office ng mama ni Drei, she felt more excited staying at the small lounge inside the office. Nanaig sa kanya ang isipin na masisilayan niyang muli ang nag-iisang lalake na umabot sa sa standards niya.After more or less an hour of waiting, bumalik na sa loob ang mama ni Drei na may dalang balita kay Jastine. Pero wala pa ring kahit na anino ni Drei ang nakita ni Jastine. She concluded that Drei must be off-duty at the moment kaya hindi niya ito nakita. Pinagpalagay na lamang niya ito na ganoon. At tinatak sa isipan niya na marami pa silang pagkakataon na magkitang muli lalo pa’t alam na niya kung saan ito nagtatrabaho.And Jastine did not expect that what she was thinking will immediately come true dahil sa balitang sinabi ng mama ni Drei sa kanya. In fact, mas natuwa pa nang marinig ito. Kabaliktaran sa inaasa
“Jastine!” pagtawga ulit ng mama ni Jastine sa kanya. At saka lang umaba ang tingin niya’t napatingin sa mama niya.Bahagya na nakakunot ang noo ni Jastine. Ngunit, hindi niya ito ipinahalata nang magkasalubong na ang tingin nila ng mama niya.“Yes, ma,” sagot ni Jastine. Ngumiti siya at saka sumunod na pumasok.Bago pa man tuluyan na makapasok si Jastine ay napatingin siya sa likuran niya. At gaya ng inaasahan niya ay makahulugan pa rin na nakatitig sa kanya ang si Jeremy. Mas lalo lang itong naging kakaiba na tila may napansin itong panibago.Pinanliitan ni Jastine ng mga mata si Jeremy. Mukhang napansin nito ang pagkabigla niya nang mabasa ang nakalagay na pangalan sa pinto.Wala namang sinabi si Jeremy sa kanya patungkol sa kung ano ang nasa utak nito gaya ng nakagawian, mapanuri lamang itong nakatingin sa kanya. Kaya ay tinalikuran na niya ito. Ngunit iniwanan niya ito ng isang may pagbabanta na tingin.Nakita pa ni Jastine ang marahan na pagngisi ni Jeremy sa dulo ng labi nito.
Malalim na humugot ng hininga si Jastine. At dahan-dahan niya itong ibinuga habang pinapakalma ang kanyang sarili. Hindi mawari ni Jastine kung ano ang eksakto na nararamdaman niya. Magkahalo ang excitement, kaba, at iba pang mga pakiramdam na nagpapalakas sa pagkabog ng kanyang dibdib.Inangat ni Jastine ang tingin niya at itinuon ang paningin sa malaking karatola ng entrance. Wala sa sarili na ngumiti siya kasabay nang pagsisimula ng kanyang utak na gumawa ng mga eksena sa loob ng imagination niya.Tahimik pa na tinanong niya ang kanyang sarili kung ano dapat ang gawin niya sa oras na magkita silang muli ni Drei. Kung susunggaban ba niya ito kaagad o magpapakipot pa na parang dalagang hindi makabasag ng pinggan, umakto na tila isang dalagang pilipina sa sinaunang panahon.Napailing si Jastine sa huli niyang naisip. Hindi niya ito maari na gawin. Lalo lang magtataka sa kanya ang magaling niyang kapatid, lalo pa’t kahapon pa niya nararamdaman ang kakaibang tingin na pinupukol nito sa
Hello, guys! Sana na enjoy n'yo ang story ni Drei at Jastine. Thank sa mga umabot sa Chapter 21 nitong story na to. Hihingi lang sana ang pasensya dahil hindi ko pa ito ma-update sa ngayon. Baka sa November ko pa ito ma-update at ma-Post ang Chapter 22. Masyado pang hectic ang schedule ko at occupied pa ang utak ko ng ibang bagay sa personal. Kaya humihingi ako ng kunting pag-unawa. Pero susubukan ko pa rin magsulat kapag nagkaroon ng oras. At sana susubaybayan pa rin ninyo itong story kahit hindi consistent ang pag-update. Super thank you sa mga nagbabasa, naghihintay ng update, at nag-aabang sa susunod na mangyayari sa story ni Jastine at Drei. ❤️❤️❤️
Hindi maipagkakaila ang kasiyahan sa buong mukha ni Jastine kahit pa hindi siya ngumingiti. Excitement were written all over her. Maging ang vibes na lumalabas sa kanya ay nakapagtataka sa kanyang mga kasama lalo na kay Jeremy na kanina pa panay titig kay Jastine habang nakakunot ang noo.Simula pa lang ng madaling umaga nang magising si Jastine at bumaba papunta sa dining area upang kumain ng agahan ay kakaiba na ang kinikilos nito. Kahit ang paggising lang ni Jastine nang maaga ay isa nang misteryo. Alam na alam ng pamilya ni Jastine na alas diyes ng umaga na ang pinakamaaga niyang paggising. And since then, Jeremy kept his eyes on Jastine.“Excited ka ata na bumalik ng hospital, Jastine?” hindi na nakatiis na tanong ni Jeremy pagpasok ng sasakyan. Tiningnan pa nito si Jastine mula sa rear-view mirror.Tila wala naman na narinig si Jastine sa sinabi ni Jeremy. Komportable lang si Jastine na nakaupo sa isang side sa backseat. Nakasandal ang likod at ulo niya habang ngumingiti ang mga