Share

Innocent Love
Innocent Love
Author: Khay2626

Prologue

MEIRA KADIA

Kahit anong pigil niya sa bibig para walang hikbi ang lumabas, hindi pa rin niya mapigilan ang mga mumunting tunog ng hikbi.

Para siyang tanga na nakaupo sa likurang sulok ng bus na kanyang sinasakyan. She was hopeless! All the pain she's been through is not enough to all those mistakes she had been done. Mistake that was she initiate.

Mga bagay na pinagsisisihan niya. Akala niya kapag ginawa niya iyon, matututunan rin siyang mahalin ng lalaking minamahal niya. Akala niya magiging masaya siya pero kabaliktaran nito ang nangyare. Naging miserable siya. She even hurt her sister. Her sister who loves her and trusted her pero siya mismo ang sumira dito. She betrayed her!

Parehas niyang sinaktan ang mga taong mahal niya. Wala na siyang mukha na maihaharap sa mga ito. Nagsisisi siya pero alam niya sa sarili na wala itong kapatawaran.

Pero bakit gano'n? Bakit kahit na nagsisisi siya dahil sa mga ginawa niya, may parte pa rin sa puso at utak niya na tama ang mga ginawa niya kahit sabihin pa na mali ito.

Bahagya siyang napatawa. Sino nga ba ang niliko niya? Yes! There's a part of me na nakokonsensya pero- bahagya siyang napahawak sa sinapupunan- kailan man ay hindi niya pinagsisisihan ang dahilan kung bakit may batang ngayon ay nabubuhay sa kanyang tiyan.

Baby? Kahit na wala ang daddy mo, kahit na lumaki ka at hindi natin siya makakasama, nangangako pa rin ako na gagawin niya ang lahat mapalaki at mabigyan lang kita ng magandang buhay.

That was the words she ought to herself but everything were crash when the unexpected thing happened.

Nagkagulo ang mga taong nasa loob ng bus. Binundol siya ng kaba at nanatiling nakaupo habang ipinalibot ang mga kamay sa sinapupunan. Gumewang-gewang ang bus na sinasakyan nila. Wala siyang magawa kundi ang magdasal na sana ay ligtas sila ng anak niya.

Masyadong mabilis ang pangyayare. Bumangga ang sinasakyang bus sa isang poste. Lahat sila ay nagsipagtalsikan. Nabuwal siya sa pagkakaupo. Nanlabo ang paningin niya sa pagdaloy ng mga dugo mula sa ulo papunta sa kanyang mga mata.

Kung ito ang magiging kabayaran sa mga kasalanan niya, maluwag niya itong tatanggapin. Pero hindi niya mapapatawad ang sarili dahil sa pagdamay ng nag-iisang bagay na mayroon siya ngayon.

Anak? Patawarin mo si Mommy kung nadadamay ka. Di bale kasama mo si Mommy hanggang sa huli.

Napaubo siya ng dugo. Sa nanlalabong paningin, hindi niya maiwasang magbalik tanaw sa mga bagay na kanyang ginawa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status